The Darkest Moon Star [JDDS S...

De xjadeannedgsx

4K 245 0

EVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people y... Mai multe

The Darkest Moon Star
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41: SPG ALERT
Chapter 42
Chapter 43: SPG ALERT!!!
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56: SPG ALERT
Chapter 57
Chapter 58: SPG ALERT
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
THE END
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 40

39 2 0
De xjadeannedgsx

Martin's POV

"PLEASE BE CAREFUL," mahinahong sambit ni Faye, ang manager ng BRB. Bumuntong hininga na naman ito at tumingin kay Dawn. "You know how important are you, Dawn, you're more than a normal artist. You know that."

Ngumiwi si Dawn at tumango. Hmp, pasaway na lider. Lumingon naman ito sa akin at kumindat, at hayun ako, nagpipigil ng ngiti.

"O'siya, magpahinga ka." Faye said and sat down. Muhka siyang stressed at tila hindi nakakatulog nang maayos.

"What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Jozya.

"Oo nga, kanina ka pa ganyan..." pagsang-ayon ni Quizon.

"What's the problem, Faye?" kunot-noong tanong ni Trez.

Bumuntong hininga si Zetteki na galing sa labas ng unit namin. Dismayado, halata sa muhka niya.

"The management called, nakalimutan pala nilang magrenew last year sa sobrang dami ng gigs at concerts natin, ni-hindi nila nagawang magrenew." Zetteki said with disappointment.

"What does it mean?" nakakunot ang noo, salubong ang kilay ni Trez.

"It means, next month will be your last month as a band, since magdidisband na rin kayo next year..." malungkot na sagot ni Faye. Halatang nahihirapan siya sa desisyong 'yon. "Nakailang sabi ako noon sa kanila... nanghihinayang ako dahil sobrang ganda ng combination ng banda na 'to kasama si Martin..."

Napalunok ako at tumingin kay Faye saka ngumiti. "I can apply to another management, don't worry..."

"Mahihirapan ka," si Zetteki ang sumagot. "New writers like you don't actually get a job. Lalo pa't marami talagang mahuhusay..." seryosong sabi niya.

"It's okay, I'll find him a new job," tinig ni Dawn.

"A-Ano?" gulat kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa kaniyang nakaupo sa sofa, nakabenda ang braso at may ngisi pa sa labi!

"I said what I said," kibit-balikat niyang sagot sa akin.

"Nanghihinayang pa rin ako... ang aga niyong madidisband," tila naiiyak na sambit ni Faye, parang anytime ay babagsak ang luha niya.

"That's okay, hindi naman kami mauubusan ng trabaho. Besides, ten years na kaming tumutugtog, I think that's enough..." pagkomporta ni Trez kay Faye.

I know mahirap pakawalan sa kaniya ang B.R.B. Ang tagal na nilang magkakasama... sampung taon? Walang makakatalo sa ganoon katatag na banda. Paniguradong maraming malulungkot kapag nag disband sila.

Pero imbes na malungkot ang muhka ni Dawn ay parang nasisiyahan pa ang kaniyang hitsura. Pa-sulyap-sulyap siya sa akin at panay ang ngisi. Wala naman akong magawa kundi ang umiling. She's so cute.

"Oya-"

"Oh, Rousse!" putol ni Dawn sa kaniyang bodyguard. Nangunot ang noo ko sa pagputol niya ng sasabihin nito. Eh? Ano yun?

"Sinabi ko sa kaniyang sa labas magbantay pero ayaw niya," napuputol na ang pasensya ni Maxima.

"LQ na naman kayo?" natatawang tanong at pasingit ni Dirky. Napailing ako sa kakulitan niya.

"I told you, hindi pwedeng hindi ko nakikita si Oya-"

"I know! I know! Stop it," putol naman ni Maxima sa kaniya at tila pasuko na sa walang katapusang pagdadahilan ni Rousse.

"Baka naman nagseselos ka na kay Dawn nyan?" tumatawang tanong muli ni Dirky at binubunggo pa ang balikat ni Maxima gamit ang balikat niya rin.

Umirap naman si Maxima at lumabas ng unit. Naiwang tumatawa si Dirky at nanatiling nakatayo naman si Rousse kung saan siya naiwan ni Maxima.

"Hays, Rousse and Maxima..." naiiling na sambit ni Dawn.

"Saan mo pala nakuha ang bodyguards and driver? Wala akong alam na mayroon palang ganyan na pinapadala ang management?" si Faye, nagtataka at nalilitong nagtanong.

"Uhh, no..." si Dawn. "It's my f-fam— basta ni-hire ko sila, bakit ba?! Tsaka sinabi ko na sainyo yun dati!" kunyaring pagalit ngunit alam kong nahihirapan si Dawn banggitin ang pamilya niya.

Nangunot ang noo ni Faye at akmang ibubuka ang bibig upang magtanong ulit.

"Uhm, inaantok na ako..." bigla kong singit upang hindi matuloy ang tanong niya dahil paniguradong tungkol sa pamilya yon.

"Yeah, antok na ang asawa ko," pasinghap na ani Dawn na ikinagulat ko. Dating singkit ang mga mata ko, ewan ko nalang ngayon! Bwisit! "Gulat ka? Ilipat mo unan mo sa kwarto ko, doon ka matutulog."

"Sino naman nagsabi sayong doon ako matutulog?" nanghahamon ang aking tinig, nanunudyo.

"Hays, ewan ko sainyo! Alis na nga ako," nakangiwing sambit ni Faye. Tumayo na ito at naglakad palabas ng unit.

"Uhh, I'll go with you!" awkward na pag-insist ni Jozya dahil sa usapan namin ni Dawn.

"Whatever, assholes," si Zetteki na tinalikuran na kami at nagpunta sa kaniyang kwarto.

Nagkibitbalikat ang mga natitira roon at nagkaniya-kaniyang punta sa kanilang kwarto. Napailing na lang ako sa isang natira, si Rousse.

"Ikaw? Hindi ka ba matutulog?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot sa akin, nakadiretso lang ang tingin nito at parang hindi ako nakikita.

"Rousse, tinatanong ka niya," mariing pinandilatan ng mata ni Dawn si Rousse na agad namang sumagot sa tinatanong ko.

"Saka na, pagdating ni Maxim," umangat nang kaunti ang gilid ng labi ni Rousse.

Maxim? "Nickname for her, huh?" pang-aasar ko rito.

"Huh?" nagtatakang tanong niya ngunit agad itong bumawi nang makita niya ang pandidilat ni Dawn. "Ahh, yes, yes..." sagot nito nang may alinlangan.

May tinatago sila. Hindi ko na pinansin 'yon at ngumiti nalang kay Dawn na bumawi rin ng ngiti sa akin. Kung anuman ang tinatago nila ay hindi ko na aalamin... dahil kung pwede naman malaman, alam kong si Dawn mismo ang magsasabi... sana.

Katulad ng sinabi ni Dawn ay kinuha ko ang mga gamit ko pantulog, dinala yon sa kwarto ni Dawn at doon nag-ayos. Hindi naman ako nahirapan dahil magkatabi lang kami ng kwarto. Naligo na rin ako sa CR ng kwarto ko para hindi na ako makaligo sa kaniya.

Nang pumasok ako sa kwarto niya ay nasa banyo pa siya. Naririnig ko siyang kumakanta kaya naman lumapit ako nang kaunti sa pinto ng CR niya. Creepy pero sobrang ganda talaga ng boses niya.

"You are my sunshine... my only sunshine... you make me happy..." napangiti ako sa napakaganda niyang boses. Tuloy ay iniisip ko kung kailan ko siya makikitang sumayaw. Ilang saglit pa ay nag-iba na naman ang kinakanta niya. "Nothing seems to clear my mind, I can't forget... it's inside my head..." tinuloy niya lang ang pagkanta, napapansin ko ang pagbabasag ng boses niya na para bang naiiyak siya.

Nakaramdam ako ng lungkot... all this time, lahat ng pinagdadaanan niya ay dinadala niyang mag-isa. Tapos nakikisali pa ako, kupal. Huminga ako nang malalim at pinakinggan ang susunod niyang kakantahin.

"I'm not gonna fight back what I've become... yeah I got bruises where I came from, but I wouldn't change if I could restart... I ain't gonna hide these beautiful scars..." sobrang lambot, sobrang sarap sa tainga ng boses niya. Ramdam ko ang bawat liriko... ewan ko kung bakit siya naging guitarist, e sa ganitong boses pakiramdam ko bilyon o baka higit pa sa bilyon ang kaniyang makuhang fans... aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang magsalita siya. "Soon... I will not hide these scars... soon..." mahina lamang ang tinig niya pero kasabay yon ng pagpatay niya ng shower kaya naman narinig ko.

Hindi ko alam kung anong scars ang tinutukoy niya pero hindi na ako magtatanong. Tulad ng sinabi ko, kung pwede malaman ay sasabihin din naman niya... sana.

Dumapo ang mata ko sa kaniyang med's cabinet. Talaga namang nangilid ang luha ko sa dami ng gamot na iniinom niya. Pakiramdam ko ay pasan niya ang mundo.

"Ano tinitignan mo dyan at parang paiyak ka na?" tinig ni Dawn sa gilid ko!

Tumatawa siya nang lumingon ako sa kaniya. Agad naman akong nagtaka dahil wala pang isang minuto akong nakatitig sa cabinet niya at nasa gilid ko siya agad. At isa pa, paanong hindi ko narinig ang yapak niya?

"Wala!" binalewala ko yon at hinila siya paupo sa kama. Sinakto ko namang sa kandungan ko sya inupo. "Hmmm... bango mo naman, sino pinopormahan mo?"

"Ikaw lang, hindi ako tumalab nung una sayo e," tumatawa niyang sambit, yung tawang nakakahawa... yung tawang totoo sa paningin ko.

Ngumisi ako at yumakap sa kaniya nang mahigpit. Ngayon ko lang napagtantong nakaroba pa siya.

"Bakit di ka pa magbihis? May balak ka no?" nanunudyo kong tanong sa kaniya.

"Meron," nanunudyo rin naman niyang sagot!

Nagugulat ko siyang tinignan at pinaharap sa aking muhka. "Ano yon ha?"

"May balak akong mahalin ka," humagalpak siya ng tawa pagkatapos sabihin yon na agad din akong natawa. "Kung ano-ano iniisip! Makapagbihis na nga!"

Hindi na ako nakasagot at nagdire-diretso siya papuntang walk-in closet. Ilang saglit lang ay bumalik na siya, suot-suot ang pantulog niyang polo at pajamas na kulay black and white.

"Di mo naman hilig black and white, 'no?" nakangiwi kong komento.

"Eh, maganda sa paningin ko e!" umirap siya at gumapang sa kamang kinauupuan ko. Natatawa ko siyang tinignan at ni-welcome sa mga braso ko.

"Napakacute mong babae ka. Play girl ka ha!" pang-aasar ko pa kunwari.

"Baliw! Hindi na no! Simula nung nakilala kita," nangingisi niyang sagot sa akin at humikab. Nakangiti ko siyang tinignan.

Ang ganda, tangina. Sobrang ganda.

"Antok ka na?" tanong ko.

"Oo..." humiga siya sa gilid ko at puminta sa muhka niya ang pagtataka. "Ngayon lang ako inantok nang walang sleeping pills..."

"Really?"

Tumango siya. "Dahil yata sayo 'to. Tinamaan tuloy ako ng antok." halakhak niya.

Napangiti naman ako nang pakiligin niya na naman ako!!!!!!!!

"Tssss... matulog ka na," sabi ko sa kaniya at yumakap mula sa likod niya. "Goodnight, Dawn... sleep well..." pinanood ko siyang pumikit. I combed her hair with my hand... nang maalala ko ang kawirduhang nangyari kanina sa pagitan nila ni Rousse... para silang may tinatago na ayaw nilang malaman ko. Ewan ko ba. Baka napapraning lang ako.

Continuă lectura

O să-ți placă și

77K 1.3K 14
AU where Eren and Mikasa are married and nothing hurts (too much)
18.4K 750 5
"I wonder what our children would look like." "Well, if we start now, we'll find out in nine months." In which Jaehyun has babyfever and Rosé is real...
640K 53.7K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
3.3M 269K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...