Always unwanted 💯

Dream_Secretly tarafından

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... Daha Fazla

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 42

4.9K 84 5
Dream_Secretly tarafından

Nanatili muna ako ng Isang linggo sa ospital bago ako pinayagang ma-discharge ng doktor. Sa loob ng Isang linggo, hindi ko pa kinakausap o hinahayaan man lang na dalawin ako ni Skyrile kahit araw araw pa siyang nagpupumilit. Nanatili akong matigas kahit ngayon lang. Hindi ko rin kinakausap si Mommy Jane at hindi rin naman siya gustong makita ni Mommy Liezel.

Wala akong gana sa mga araw na 'yon. Hindi rin ako masyadong nagsasalita. Gusto kong tahimik muna para makapag-isip ako. Binibigyan naman ako ng oras nila Daddy kaya nagpapasalamat ako sa pag-iintindi nila sa kalagayan ko.

I miss him. Nami-miss ko na si Skyrile pero sa ngayon sapat na muna sa'kin ang malamang hindi siya sumusuko para sa'ming dalawa. Masaya na akong malaman na hindi ko man siya hinahayaang dalawin ako ay nananatili pa rin siya sa labas ng kwarto para bantayan ako. Napapikit nalang ako. Sana maintindihan niya na hindi ko pa siya kayang mahalin ng buo ngayon hanggat hindi ako nakakahingi ng tawad kay Samantha at sa mga magulang niya. Mabigat pa rin ang loob ko. Lalo na kapag naiisip ko na may nasasaktan habang patuloy akong nabubuhay. Pakiramdam ko hindi ko deserve ang lahat ng ito.

"Gusto ko pong dalawin si Samantha..." Sabi ko kay Mommy na abala ngayon sa pagliligpit ng mga gamit ko. Nag-aantay na sa sasakyan sila Daddy at Cain.

"Ngayon na ba?" Malumanay niyang tanong.

Tumango ako. "Opo sana, Mommy."

Ngumiti siya at tumango. Tumalikod ulit siya sa'kin pagkatapos ay sinara ang maliit na bag. "Galit ka pa rin po ba kay Mommy Jane? Nitong mga nakaraang buwan ay nakita ko na naging close kayong dalawa. Sana po..huwag po 'yong mawala sa inyo, Mommy." Malungkot kong sabi.

Huminga siya ng malalim 'tsaka ako nilapitan. Nakaupo na ako ngayon sa gilid ng kama at nakabihis na rin. "Don't worry, Victoria. Magiging maayos din ang lahat." Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. "Ang gusto kong alalahanin mo ngayon ay ang sarili mo at kung paano mo matatanggap ang mga nangyayari ngayon. Pasensiya kana talaga kung hindi ko sinabi sa'yo kung sino ang donor mo. Ayoko lang ma-guilty ka at sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Samantha. Sarili niyang desisyon 'yon, Victoria. At gusto ko na lamang isipin na ginawa niya 'yon para sa'yo..."

Nangilid ang mga luha ko. "Mommy..." Nabasag na rin ang boses ko. "Gusto ko lang naman pong maging masaya kasama kayong mga mahal ko....pero bakit parang imposible po 'yon para sa'kin?" Humikbi ako. "Iyong sakit, pagsisisi, guilt at galit po kasi...hinahabol ako kahit saan ako tumakbo. Pagod na pagod na ako, Mommy. Gusto ko na ulit sumaya kasama kayo."

"My victoria..." Pinunasan niya ang luha ko. "Naniniwala ako na makukuha mo rin ang kaligayahang gusto mo. Magpakatatag ka, anak. Pagmamahal ang maging sandata at sigurado ako na mananalo ka. Nandito lang ang Mommy para sa'yo..."

Tumango ako at yumakap sa baywang niya. Doon ako humagulgol at malayang nalalabas ang lahat ng sama ng loob ko. Kailangan ko talaga nang mahigpit na yakap....lalo na ngayon.

Hindi ko na nakita si Skyrile sa paligid nang makalabas ako ng kwarto hanggang sa makasakay ako sa SUV namin. Pinigilan ko ang sariling lumingon lingon para tingnan kung nasa paligid lang siya pero natural na ata talaga sa akin ang hanap hanapin siya. At mukhang pati si Daddy alam na may hinahanap ako at kung sino 'yon.

"Nagpaalam siya sa'kin kanina na uuwi lang sa mga magulang niya. I guess, hinintay niya lang na masiguradong okay ka bago siya umalis." Imporma ni Daddy.

Inabot ni Mommy ang kamay ko. "He's giving you time to think, now..." Ngiti niya.

Nilingon ko si Cain na nasa kandungan ni Mommy. Maski ito ay nakatuon ang mga mata sa'kin na para bang alam niyang may problema ako. "S-Sana hindi nalang siya nagpaalam sa inyo, Daddy..." Sana hindi niya nalang din sinabi kung saan siya pupunta. "Baka kasi hindi ko po mapigilang puntahan siya."

"You can do that, Anak. Ayusin mo ng mas maaga ang mga dapat mong ayusin para mapuntahan mo na siya. He's just waiting for you," Ngumiti siya. "Patiently.

Napangiti nalang ako at pinalipat si Cain sa kandungan ko. Maingat naman siyang binigay ni Mommy sa'kin. "I know, Daddy. He loves me too much. At parati ko nalang siyang iniiwan...pero parati din naman siyang nag-iintay." Nasasaktan ako para sa kaniya.

I promise you, Skyrile. Ito na ang huling beses na kailangan nating malayo sa isa't isa. Tiis tiis muna ulit, baby. Huli na 'to.

"Sigurado ka bang kaya mo nang mag-isa, Victoria?" Tanong ni Mommy nang bumaba ako ng SUV.

"Opo," Sagot ko. Nandito na kami sa sementeryo at ang sabi nila nakalibing daw si Samantha sa tabi ni Lolo Carl, ang Daddy ni Mommy Jane. Alam ko ang lugar na 'yon kaya hindi naman ako maliligaw. Isa pa'y gusto ko sanang gawin ito ng mag-isa.

"Tawagan mo kami kapag may problema, Huh?" Nag-aalala pa ring sabi niya.

"Opo, Mommy. Huwag po kayong mag-alala." Ngumiti ako at nilingon si Daddy na hindi naman tumutol sa gusto ko. "Daddy," Tumango lamang siya at ngumiti. Para sa akin sapat na 'yon.

"Take care, Victoria..." Pahabol pa ni Mommy 'tsaka kinaway ang kamay ni Cain na seryoso namang nakatingin sa'kin.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan. "Wait for me, Cain. Babalik din si Ate." Ngiti ko sa kaniya.

Tiningnan ko muna sila Mommy at Daddy bago tumalikod at tinahak ang daan patungo sa kanila Samantha at Lolo. May dalawang naka-basket na bulaklak akong dala para sa kanila. Binili namin ang mga ito bago nagtungo rito.

Nilampasan ko lang ang mga libingan na pinagawan ng bahay ng mga kaanak. Nasa isang private cementery sila Lolo at Samantha. Ang mga nakalibing dito ay may mga kaya sa buhay kaya halos lahat ay nakagate o di kaya'y nakatiles. Ginawan nila ng bahay ang mga namayapa nilang mahal sa buhay.

Natigilan ako nang marating ko na ang libingan ni Lolo. Bukas ang itim na gate nito at may dalawang tao sa loob. Nahiya ako nang makilala kung sino ang mga ito. Napalunok nalang ako at dahan dahang humakbang papasok.

Nakita naman nila ako agad pero hindi sila nag-salita o pinigilan ang paglapit ko. Bagkus ay umusog pa sila sa gilid para bigyan ako ng daan. Yumuko nalang ako at dahan dahang lumuhod sa harap ng lapida nila Lolo at....Samantha.

Nag-iinit na ang mga mata ko habang binaba ang mga bulaklak nila. Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko ang pangalan ni Samantha. Hinaplos ko 'yon kasabay nang mga luha kong hindi ko na napigilan ang pag-agos.

"S-Samantha.....sorry," Hikbi ko. "H-Hindi ko alam na...wala ka na...sorry talaga..."

"Kasalanan ko kung bakit hindi naging masaya ang buhay mo. Sorry kasi ako ang naging pinsan mo. Sorry kung hindi ka niya magawang mahalin dahil sa'kin. Sorry talaga, Sam. Sorry kasi nasaktan ka niya. Sorry kasi pinaasa ka niya. Sorry kasi mas ginusto mong mamatay nalang kaysa ang makitang iwan ka niya. Sorry kasi...lahat ng 'yon ay dahil sa'kin. Dahil sa pagmamahal niya sa'kin, hindi na niya naisip na masasaktan ka. Forgive us, please.

Gusto sana kitang tanungin, eh. Kasalanan ko ba kung bakit ka nandito ngayon? Masyado na bang mabigat at hindi mo na kinaya? Kasi kung isa ako sa dahilan kung bakit ito nangyari sa'yo....sana napatawad mo na ako.

Sana nahanap mo na ang kapayapaan at kapanatagan kung nasaan ka man ngayon. Sana kahit papano....maligaya ka na.

Please, be happy. Rest. And have peace. Aalagaan at mamahalin ko siya para sa'yo.

Hindi ko man alam ang rason mo kung bakit gusto mong dugtungan pa ang buhay ko, nagpapa-salamat pa rin ako sa'yo. Niligtas mo ako. Dahil sa puso mo, sa pagmamahal mo, buhay na buhay ako ngayon. Samantha, you saved Skyrile, too. You saved from agony and pain. Niligtas mo ang lalaking mahal na mahal nating dalawa. Thank you...for saving him.

He will be happy with me. Sam, He will live because of you. Iyon ba ang gusto mo? Ang maging masaya siya? Katulad ka rin ba niya kung magmahal? Ibibigay ang lahat...kahit ang sariling buhay? Para ba sa kaniya ang lahat ng ito? Kung Oo, sana huwag sasama ang loob mo kung nasasaktan ko siya ngayon. Gusto ko kasing unahin munang mapatawad ang sarili ko at humingi ng sorry sa'yo. Gusto ko kasing mahalin siya ng buong buo. He deserves the world and my whole love, too. Gusto ko siyang mahalin ng buo at walang pagsisisi. 'Yon din ba ang gusto mo? Hinahayaan mo na bang maging masaya siya sa piling ko? Kasama ang puso mo?

Hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos. Hindi ko man lang naranasan ang maging pinsan mo. Sana bago mo ipikit ang mga mata mo....napatawad mo na ako sa lahat ng sakit na dinulot ko sa'yo. Mahal na Mahal kita, Pinsan ko. Hindi man tayo nagkasama bilang mag-pinsan, para sa 'kin alam kong naiisip mo rin ako. Tama naman ako 'di ba?"

Mapait akong ngumiti sa kabila ng mga hikbi ko. "Sam, ikaw na ang bahala sa'min. Gabayan mo ako gamit," Tinuro ko ang puso ko. "Ito."

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaluhod doon at nagdadasal para sa kanilang dalawa. Sana magkasama na sila ngayon at masayang nagbabantay sa'min. Please, I hope they find peace in YOUR place.

"How are you, Aria?" Nagulat ako sa tanong ni Jena nang tumayo ako at hinarap sila. Akala ko ay sisigawan nila ako o sisisihin per hindi. Nakita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata nila. Walang panunumbat ang mga 'yon. "Pasensiya kana kung hindi kami nagpakita sayo o nangamusta man lang mula nang ma-operahan ka hanggang sa magising kana. We're still mourning....you know, malapit kami kay Samantha at mahirap pa sa amin ang pakawalan siya....." Gumaralgal ang boses niya.

Tumango ako at naluluha ulit habang pinagmamasdan sila. Katulad ni Samantha ay hindi rin naging maganda ang relasyon namin pero kahit ganoon hindi ako galit sa kanila. Naiintindihan ko rin sila. Parati.

"N-Naiintindihan ko...pasensiya na rin kung ngayon lang ako nakadalaw. H-Hindi ko kasi alam na..." Napatakip ako ng bibig at lumunok. Nagpunas ako ng luha. Mukha na siguro akong basang sisiw ngayon dahil sa mga luha ko.

Lumapit si Joan at niyakap ako. "We're very sorry, Aria. Si S-mSamantha...she's guilty...and s-sorry too..." Humikbi na din siya. "S-Sa lahat..." Halos pabulong niya ang bulalas. Lumapit na rin ang umiiyak na si Jena at niyakap kami. Napapikit na lamang ako at dinama ang yakap ng mga pinsan ko. Thank you, Samantha. Binigay mo sa'kin ang pagkakataong ito...binigay mo sa'min ang oras na 'to para makapag-simula ulit.

"Hindi ko alam kung saan nag-simula ang galit namin sa'yo. Sa totoo lang wala ka namang ginagawang masama. Wala rin akong natatandaan na may masama kang pinakita sa'min. Ang bait mo pa nga kahit inaaway ka namin noon. Siguro...dahil nakikita naming galit sa'yo ang Mommy mo, ang parents namin at si Lola. Ayaw din sa'yo ng ibang mga bata kasi pinagbabawalan sila ng mga magulang nilang makipag-kaibigan sa'yo. Alam mo naman siguro na kalat na noon mula elementary ang tungkol sa ginawa ng....Daddy mo.." Tumango ako sa sinabi ni Joan.

Kalmado na kami ngayon at magkatabing nakaupo sa gilid. Gusto nilang mag-usap kami saglit at humingi na rin ng tawad sa lahat—kahit hindi naman kailangan dahil naman ako galit sa kanila.

"Nagsisisi na ang Daddy ko." Sabi ko nalang.

"Alam na naming nagsisisi na siya." Ngumiti si Jena. "Masaya rin kami na unti unti nang nagiging maayos ang samahan ng mga pamilya natin. Sana magtuloy tuloy na."

Nilingon ko ang lapida ni Samantha. "Hindi ko alam kung paano magpapa-salamat sa kaniya sa kabila ng lungkot ko..."

"Sana Aria hindi mo sinisisi ang sarili mo." I already did. Malungkot akong yumuko. "Ginusto ni Samantha ang mabuhay ka pa ng mas matagal kesa sa kaniya. Mas deserve mo daw kasi 'yon. Isa pa'y naging mahirap na rin para sa kaniya ang lahat..." Huminga ng malalim si Jena. "Gusto niyang bigyan ka ng pagkakataong maging masaya. Naging mas mahirap kasi ang buhay mo noon dahil sa pagiging immature namin."

"Mag-simula tayo ulit. 'Yon ang gusto niya, Aria." Ngiti ni Joan.

Tumango ako at namamasa na naman ang mata. Mag-simula ulit? Thank you, Samantha. Sige, magsi-simula kami ulit para sa'yo.

"Kamusta, Anak?" Salubong ni Daddy nang makalapit ako sa kaniya. Nasa labas na siya ng SUV at nakasandal. Nasilip ko naman sa loob si Mommy at Cain na parehas na nakapikit. Nakatulog ata ang dalawa sa pag-aantay sa'kin. Napangiti nalang ako.

"Okay po, Daddy." Masayang sagot ko.

"Good to hear, anak." Ngiti niya 'tsaka tumingin sa likod ko.

Doon ko naman naalala sila Jena at Joan. Nangako pala akong ipapakilala ko sila kay Daddy.

"Daddy, mga pinsan ko po pala...." Ang sarap sa ears. Mga pinsan. "Si Jena at Joan po." Nilingon sila Joan. "Jena, Joan, ang Daddy ko."

"Kamusta kayo." Bati ni Daddy sa kanila.

"Mabuti naman po, Tito. Uhm hinatid lang po namin si Aria sa inyo. Nice to finally meet you po!" Si Joan.

"Thank you sa inyo. Sana pumunta na kayo sa susunod na salo salo." Ngisi ni Daddy.

"Opo! Makakaasa po kayo. Gusto ko rin pong makilala ang pamilya ni Aria." Ngiti ni Joan.

"Salamat naman kung ganoon."

"Uhm mauna na po kami, Tito. Aria? Mag-bonding tayo kapag pwede ka na." Kindat niya. Ngumisi naman si Jena at tinanguan ako.

"Sige." Tango ko. "May sasakyan ba kayo?"

"Oo, una na kami huh? Tito, alis na po kami.." Paalam nila ulit.

"Mag-ingat kayo!" Sagot ni Daddy. Kumaway naman ako.

Naunang tumalikod si Joan habang naiwan naman sa harap namin si Jena. May inabot siyang papel sa'kin. Nagtataka ko naman itong tinanggap.

"Araw at oras 'yan ng flight nila Tita Tricia. Sana makausap mo sila bago sila umalis. Gusto ko sanang ibigay ang address nila ngayon kaya lang hindi namin alam kung saan sila tumutuloy, 'yan lamang ang binigay nila sa'min."

Humigpit ang hawak ko sa papel. "Thank you! Napaka-laking bagay nito sa'kin." Nabasag ang boses ko. This really mean so much to me.

Ngumiti siya. "Good luck, Aria." Kaway niya bago tumakbo palapit kay Joan na nag-aantay sa kaniya. Sabay silang kumaway ulit saamin bago umalis.

Napangiti ako at humarap kay Daddy.  "Okay na kami, Daddy. Sobrang saya ko..." Sabi ko.

Ngumiti siya at niyakap ako. "Masaya rin ako, Anak. Sobra." Malumanay niyang sabi 'tsaka ako hinalikan sa tuktok ng ulo.

Yumakap ako sa kaniya at tumingala sa langit. Thank you, Lord. Salamat dahil naging mabuti ka sa'kin. Binigyan mo ako ng isang malaking pagsubok na alam mong malalampasan ko rin. Tinulungan mo po akong maging matatag sa hamon ng buhay. Tinuruan mo rin po akong magmahal ng walang inaantay na kapalit. Ginawa mo po akong matatag at ang mga taong nasa paligid ko. You are awesome, Lord God. Truly.

Note:
Thank you for reading! Sa mga walang sawang sumusuporta at nagaabang ng mga update ko. Maraming salamat po.

Pwede niyo rin pong subukan ang ibang story ko. Bisita lang po kayo sa profile ko. My LAXAMANA S3 po ay nagsisimula na. If you have time, pwede niyo po silang itry basahin. Thank you!

Please, be safe!
#hindinaproofread
#ifmayerrorshurina😂

Follow me at
Tiktok: Senyoritanovee

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

22.4K 2K 22
𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟐 𝗥𝗮𝘁𝗲𝗱 𝟭𝟴 | 𝗧𝗵𝗲𝗺𝗲𝘀, 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲, 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗡𝘂𝗱𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝗲𝘅 Unedited 𝐓𝐡𝐞 𝐝𝐲𝐧𝐚𝐬...
720K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
14.6M 750K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...