Concealed Identity (Completed...

By FantasticBliss03

6.1M 145K 21.8K

" Strip naked in front of me Iza and prove to me you're a man " His voice was cold and raspy. " No " I told... More

Gigs and Iza
Prologue
1 : The Identity
2 : The Disguise
3 : The Issue
4 : The Game
5 : The Graduation
6 : The Job
7 : The Visitor
8 : The Whisper
9 : The Danger
10 : The Blood
11 : The Break Up
12 : The Call
13 : The Stain
14 : The Foreigner
15 : The Girlfriend
16 : The Bedroom
17 : The Kitchen
18 : The Problem
19 : The Reasons
20 : The Sixty-Nine
21 : The Intruder
22 : The Heartbreak
24 : The Chase
25 : The Boyfriend
26 : The Instincts
27 : The Intuition
28 : The Confirmation
29 : The Repercussions
30 : The Indignation
31 : The Beginning
32 : The Boss
33 : The Stranger
34 : The Jaguar
35 : The Sinners
36 : The Drama
37 : The Family
38 : The Memories
39 : The Forgiveness
40 : The Ending
41 : The Suitor
42 : The Invitation
43 : The Lovemaking
Epilogue

23 : The Getaway

98.6K 2.7K 410
By FantasticBliss03



Paano ba umalis? - Iza

-----

Iza

HINDI naging madali ang lahat. Gigs had paid three months advance for my boarding house kaya hindi magiging masyadong mahirap sa akin kung aalis ako sa boarding house ko.

I will already tender my resignation letter at my manager's office effective today. Siguro ay may sapat na oras akong makaalis ng Manila bago makarating kay Kiefer ang resignation letter ko.

Maagang aalis si Gigs papunta sa opisina ngayon dahil lunes.

Mahirap umarte na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay hindi naman.

" Babe I'm going" Paalam niya sa akin. Medyo inaantok pa ako ngayon dahil halos umaga na ng matulog kami ni Gigs. Yes, we had sex the whole night long. Alas tres na ata kami natapos. Ako pagod na pero mukhang hindi naman pagod si Gigs.

Maaga parin naman akong gumising para ipagluto siya ng umagahan niya at inayos ang mga gamit niya. I tried so hard to avoid being so emotional again in front of him. That's the last thing I'd do now.

Kagabi ay palihim akong nagbook ng flight ko pauwing Palawan. I took the afternoon trip at 1 oclock.

Ngayong araw din ako magpapalam kila Grasha, Sabina at Kim. I trust them all that they won't tell their husbands and boyfriend of my destination. Uwi na ako ng probinsya. Hindi pa alam ng pamilya ko na uuwi na ako pero kahit papaano ay may naipon naman na akong pera.

" Babe pakiss nga!" Nakangiti kong wika kay Gigs. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero napangiti din pagkatapos sabay halik sa akin.

" Kinilig naman daw ako Babe" Wika niya sa akin sabay yakap pa.

" I love you Gigs. Mag-ingat ka." I muttered with a smile kahit na ang totoo ay umiiyak na ang puso ko.

" Yes, Babe. Take a rest. Ako na bahala kay Kiefer. Ako na magsasabi sa kaniya na hindi ka na muna papasok ngayon." Wika niya. Kasalanan naman kase niya. Pinagod niya ako ng sobra kagabi.

" Sige na. Oo na. Ikaw kase eh. Ang landi mo masyado kagabi" I told him. He just chuckled before kissing me once more.

" I love you Babe. I'll be home early. Huwag ka ng magluto ng hapunan natin. Date tayo" He winked before kissing me one last time.

" Oh alis na ako Babe. Baka hindi na ako makaalis nito" He even joked.

I smiled as I watch him turn his back on me and leave.

Agad na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ng maisara na niya iyung pintuan ng boarding house ko.

Konti lang ang mga gamit ko na nailagay ko sa travelling bag ko dahil maliit lang ito.

Iyung mga mahahalaga ko lang talaga na gamit. I called Grasha and told her everything and that I am already leaving. Agad naman siyang pumunta dito sa boarding house ko. Nakaleave pa kase siya sa trabaho kaya maluwag ang oras niya.

I opened the door of my boarding house and let her in.

" My ghad naman Iza. Bakit naman agad agad! Ganito na ba talaga ang magiging papel natin sa buhay pag-ibig? Si Sab umalis, ako umalis din noon, tapos ikaw din aalis? Seryoso ka na ba talaga Iza? Alam mong hahanapin ag hahanapin ka ni Gigs." Wika niya sa akin. Ang lalaki pa nung eye bags ni Grasha nang dumating siya. Pagkabukas ko palang ay iyun agad ang ibabati niya sa akin.

" Wala na akong magagawa pa Grasha. Kinausap ako nung mama ni Gigs eh. Abay malay ko ba na isa na palang sobrang importante at sobrang yaman na tao ni Gigs." I told her. Gusto kong itago na naiiyak na talaga ako.

" Di kausapi mo. Sabihin mo sa kaniya ang mga sinabi ng mama niya sa 'yo at ng magkalinawagan na ang lahat. Malay mo, nagsisinungaling lang pala ang mama ni Gigs." Sunod sunod niyang wika sa akin.

" You left before Grasha. Tapos nakahanap si Kiefer ng iba. Binalikan ka niya dahil ikaw mismo ang bumalik. Baka ganon din si Gigs but this time, I won't come back for him" Desidido na akong umalis pero si Grasha parang pinipigilan niya ako.

" So ganon nalang iyon, Iza? Akala ko ba ikaw ang pinakamatapang at pinakamagaling sa ating lahat pagdating sa pag-ibig? You can do more than this. Iyung Iza na kilala ko hindi ganito magdesiyon kahit pa ginigipit ka ng mama ni Gigs. Hindi ko 'to sinasabi sa 'yo dahil ayaw kitang umalis, Iza. Sinasabi ko 'to sa 'yo dahil gusto kong sabihin mo kay Gigs iyung totoo. Iba naman kase iyung sa amin noon ni Kiefer. I left him that time because I needed to study. Iyun ang bagay na hindi niya maintindihan. Ang gusto niya noon, mag-aral ako habang may relasyon sa kaniya. Pero maspinili kong mag-aral lang ng hindi muna nakikipagrelasyon. Mahalaga sa akin ang pag-aaral. Because if I stayed that time I can get pregnant in no time. You don't know how much I feared for the slightest chance that I might get pregnant that time just because something happened between us twice before I left overseas. Pero iba iyung sa 'yo, Iza. You are clearly taking away Gigs the right to prove his worth and to prove to you that you're worthy. Kung ako ang tatanungin mo, kahit pa umuwi ka sa inyo, hahanapin at hahanapin ka parin ni Gigs. He have all the connections, Iza. Nagawa nga niyang linisin ang pangalan mo, ang hanapin ka pa kaya. You will just make things more complicated when you choose to leave" Dirediretsong wika sa akin ni Grasha.

" Kung hindi ako aalis Grasha, ipakukulong ako ng mama ni Gigs. She already gave me her words that she will send me to jail the moment I insist on staying with him" I countered. Napameywang si Grasha na napatingin sa maleta ko.

" Then let her do that! Subukan niyang kalabanin ang sarili niyang anak! Dahil kung talagang may malasakit siya kay Gigs she knows it better than we all do. Siya ang nanay kung tutuusin! Iza kung susukuan mo ngayon si Gigs ang ibig lang sabihin non ay hindi mo siya mahal at hindi mo siya minahal. I am your friend but I am sorry to tell you this. I don't want you to do the same mistakes that we all did. Kami kase, maslalo lang namin pinahirapan sila. Pero ikaw, we both know that Gigs is worth fighting for. Well lahat naman sila pero lalo na si Gigs. Wala ka ng mahahanap pa na Gigs kahit halughugin mo ang buong mundo. Nag-iisa lang iyan. Kaya kung may malasakit ka kay Gigs, kausapin mo siya. Sabihin mo ang mga dapat mong sabihin. Tell him the pros and the cons. I'm very much sure that he won't let this past without fighting for you. What's the matter if his mom wants you to go to jail? Will that mean you will actually go to jail? Not when Gigs won't let you, Iza. You should have thought of that. Ni hindi ka nga niya pinatapak sa korte diba? Ganon ka niya kamahal, Iza. You should also have realized that by now." Ako na ang nasesermunan ni Grasha.

" Parating na si Sabina. I called her by the way. Kim is also on her way here kahit na buntis siya. Today, we will give you all the advice you need. Mga kaibigan mo kami at mananatili kaming mga kaibigan mo kahit ano pa ang mangyari. We will not let you go through these things by yourself, Iza." Grasha said.

Kasabay non ang katok mula sa pintuan ng boarding house ko.

" That might be Sabina" She said before opening the door.

Si Sabina nga.

Parang may milagrong nagaganap dahil unti unting nabubuo ang grupo. Si Liana na lang ang wala. Shempre dahil nasa ibang bansa siya.

" Kamusta ka Iza?" Agarang tanong sa akin ni Sabina.

Grasha crossed her arms and looked at me.

" Nasermunan ko na iyan. Dagdagan mo nalang kung gusto mo." Grasha said. Ba't ba nagagalit siya sa akin dahil iiwan ko si Gigs? Hindi naman ako nagalit sa kaniya nung iniwan niya si Kiefer ah.

" Grabe ka naman Grasha" I told her.

" Well sorry. Sinasabi ko lang 'to dahil kaibigan kita at mahal kita" She answered. I got her. Naiintindihan ko naman.

" Nagpareserve na ako ng cottage sa La Union. We girls need a day for ourselves. Away from the city. Away from the Jaguars." Saad ni Sabina. Ni hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Lahat sila dinadamayan ako.

" Hindi na kita sesermunan Iza. I too had my own mistakes before. Kaya nga nandito kami para tulungan kang gawin kung ano ang gusto mo at kung ano ang tinitibok ng puso mo. Dahil iyon ang tama. And I know that leaving will never be an option in solving a problem. It doesn't always work that way. May mga pagkakataon na kailangan mong magpakatatag at sumugal para sa pag-ibig." Sabina told me. Lahat ng mga sinasabi nila sa akin iisa lang ang ibig sabihin.

I should not leave Gigs.

Halos sampung minuto lamang ang nakakalipas ng dumating na rin si Kim na may bitbit na isang bag.

Pinagbuksan siya ni Grasha kanina at heto siya ngayon, medyo malaki na ang tiyan. Nakasuot siya ng bughaw na maternal dress.

" Hi guys!" Bati niya sabay beso sa amin isa isa.

" Excited na akong magswimming. Hindi na ako nagpaalam sa asawa ko. Baka hindi ako payagan. Ikaw Sab, nagpaalam ka ba?" Tanong naman niya kay Sabina. Tumango naman ito.

" I have to. Siguradong hahanapin ako ni Miggy kaya sinabihan ko na muna si Miguel na maiwan sa bahay para bantayan ang anak namin" She said honestly.

" Ikaw Grasha?" Tanong naman ni Kim sa kaniya.

" Kanino naman ako magpapaalam? Kay Kiefer?" Ramdam mo parin ang pait sa boses niya. We have chosen to drop that conversation. I cannot blame Grasha. Magulang niya ang namatay dahil kay Michelle. Kahit hindi naman kasalanan ni Kiefer ang nangyari, masakit parin para sa kaniya.

Nag-empake na ako ng mga gamit na kailangan ko para sa alis namin papuntang La Union. Hindi ko na din sinabihan si Gigs.

GINAMIT namin iyung kotse ni Sabina papuntang La Union. Halos pasado ala una na kami nakaalis at balak naming mag over night dun.

Kim is still on her first trimester kaya palagi siyang nagpapabili kung anuman ang makita niya sa dinaraanan namin. Wala naman akong gusto sa lahat ng gusto niyang kainin.

Iyung ilong lang talaga ni Gigs ang gusto kong kurutin. Namimiss ko na iyung ilong ni Gigs.

Bumiyahe kami ng halos ilang oras bago makarating ng La Union. Nagsalitan sina Grasha at Sabina sa pagmamaneho. Kim can also drive but we won't let her drive this time kase buntis. Ako naman kase hindi ako marunong magmaneho. Si Gigs kase ang ginawa kong driver ng ilang taon.

" Finally, nakarating din tayo" I heard Kim said. The cool winds of the night embraced me the moment I got out from the car. Gabi na din kase ng makarating kami sa La Union. The beach is so wonderful. May mga naabutan kaming naliligo parin sa dagat kahit na gabi na. Some were walking on the sea shore. May mga malapit din na kainan kaya napagdesisyonan naming kumain na muna.

Puro seafoods ang meron pagkapasok namin sa restaurant.

Natakam ako ng makita ko iyung malalaking pusit. Parang gusto kong tikman. Parang ang sarap.

We ordered what we wanted. Iyung pusit ang inorder ko. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order namin. We all ate in peace habang nagkukuwentuhan. Sa oras na iyun ay tila ba nakalimutan ko pansamantala ang problema ko.

Iyun nga lang at hindi ko makalimutan iyung ilong ni Gigs na sana ay kinukurot ko ngayon.

-----

Updated : May 13, 2020 Wednesday 9:00 PM

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 43.3K 33
WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT ••• He was a living temptation that I shouldn't let myself be tempted. Leslie "Lace" Scott. My mother's husband...
2M 36.4K 17
BOOK 1 A Doctors' quarrel
29.9K 725 5
WALTON SERIES ONE Candice Elaine Walton cover by: psyfii
324 88 26
Sa Villeza Beach Retreat natagpuan ni Shivani ang kalayaang hinahanap. Isang lugar kung saan malaya niyang gawin ang ninanais. Doon ay pansamantala n...