Concealed Identity (Completed...

By FantasticBliss03

6.1M 145K 21.8K

" Strip naked in front of me Iza and prove to me you're a man " His voice was cold and raspy. " No " I told... More

Gigs and Iza
Prologue
1 : The Identity
2 : The Disguise
3 : The Issue
4 : The Game
5 : The Graduation
6 : The Job
7 : The Visitor
8 : The Whisper
9 : The Danger
10 : The Blood
11 : The Break Up
12 : The Call
13 : The Stain
14 : The Foreigner
15 : The Girlfriend
16 : The Bedroom
17 : The Kitchen
18 : The Problem
19 : The Reasons
20 : The Sixty-Nine
21 : The Intruder
23 : The Getaway
24 : The Chase
25 : The Boyfriend
26 : The Instincts
27 : The Intuition
28 : The Confirmation
29 : The Repercussions
30 : The Indignation
31 : The Beginning
32 : The Boss
33 : The Stranger
34 : The Jaguar
35 : The Sinners
36 : The Drama
37 : The Family
38 : The Memories
39 : The Forgiveness
40 : The Ending
41 : The Suitor
42 : The Invitation
43 : The Lovemaking
Epilogue

22 : The Heartbreak

97.2K 2.8K 694
By FantasticBliss03


Paano ba makalimot? - Iza

-----

Iza

HINDI nagtagal ay umuwi si Gigs. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari. My eyes were swollen because of crying. True to what Gigs' mother said, halos ilang minuto lamang pagkaalis niya ay dumating si Gigs na inis na inis.

" Babe! San ka?" Narinig ko agad ang boses ni Gigs sa labas. I was inside the bathroom. Kakatapos ko lang magsuka. Baka dahil sa nakain ko kaninang umaga. Biglang sumama din ang pakiramdam ko. Masakit na nga ang puso ko, pati tiyan ko iba din ang pakiramdam. I hope I won't get diarrhea.

" I'm here Gigs!" I shouted back. I took the towel and wiped my face. I decided to wash my face after crying. I feel so hopeless. Iyung Iza noon na matapang parang hinukay na dahil hindi na tapang ang nararamdaman ko ngayon.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Gigs na naghuhubad na ng damit.

" Scam sila Babe. Pinapunta ako ni papa sa wala. Naglinis ka na? Tapos na? Ba't di mo ko hinintay para sabay tayo maglinis?" Sunod sunod niyang wika. Naglakad pa siya papunta ng sala para kumuha ng walis.

" Babe iyung kuwarto natin di pa naman nawawalisan diba. Ako naman magwawalis. Para makapagpahinga ka na. Mukhang pagod na Babe ko eh" I turned my back at the sight of him. Naiiyak na naman ako nito.

Lintik na luha 'to ayaw tumigil.

Nabitawan ni Gigs iyung walis na hawak niya ng makita niya akong lumuluha.

" Why? Ba't ka umiiyak?" Concern was written all over his face.

Ang sakit lang kase. Hindi ko na mapigilan. Tapos nasusuka pa ako dahil sa kinain namin kanina. Ba't ba kase kumain pa ako ng avocado pagkatapos?

" Magsalita ka naman oh, Babe. Bakit?" He asked once more.

Napayuko ako bago nagsalita.

" Wala. Baka malapit na naman akong datnan kase nagiging madrama na naman ako." I lied. Next week pa dapat regla ko.

" Oh di ka naman ganyan last month nung nagkaroon ka ah. Bakit? May nagawa ba akong ayaw mo? May nangyari ba nung wala ako? Babe, ano? Hindi ka naman iiyak ng ganyan kung malapit lang regla mo eh. Kahit two months palang tayo kilala ko ma katawan mo" He said as a matter of fact. Maslalo akong naiyak sa sinabi niya.

" Iza, sorry na. Kung may nagawa man ako, sorry Babe. Sabihin mo sa akin para di ko na uulit." He added more. Niyakap niya ako pero lumayo ako ng kaunti.

" Gigs ang baho ko. Pawis ako eh tapos niyayakap mo pa ako" Saad ko pagkatapos pero maslalo niya akong niyakap ng mahigpit.

" Kahit mabaho ka pa, mahal kita. Pero di ka naman mabaho ah, bango mo nga oh. Amoy Babe ko." He was trying to lighten up the mood. Napahawak ako sa pisngi niya.

Gusto kong maging sumbungera at isumbong nalang sa kaniya ang mga sinabi sa akin ng mama niya pero hindi ko kayang gawin iyon.

Sasabihin ko sa kaniya tapos ano? Magagalit siya sa mama niya? Tatalikuran niya ang pamilya niya para sa akin? Hindi ko kayang makita siyang gawin iyon.

Gusto kong sumbatan ang mama niya nang sabihin nito na puppy love lang ang meron kami. Dahil hindi. Our love might not have been official for long years, but I can say that our love was real and it had thrive for years.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng mga bisig niya sa bewang ko at tinalikuran siya.

Ayoko ng ganito. Ayokong makita siya at paasahin ngayon tapos bukas sasaktan ko din lang.

Nakakailang hakbang palang ako ng yakapin ako ni Gigs mula sa likod.

" Bakit nga? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nasasaktan? May ginawa ba ako? May sinabi ba ako? Hindi mo ba nagustuhan performance ko kagabi? Babe naman. Tinext ka ba ni Miranda? Did she threaten you?" I shook my head. He rested his head on my shoulder as he asked again in persistence.

" Babe. Sabi ko naman sa 'yo diba. Huwag kang makikinig sa sasabihin ng iba. Ako lang paniwalaan mo. Ako lang pakinggan mo. Kung magtetext sa 'yo si Miranda at sasabihin niya na hindi tayo bagay, paki niya ba. E ikaw 'tong mahal ko. Ikaw 'tong sinisigaw ng puso. Kung gusto niyang mahalin ko siya ulit, patayin niya nalang ako. Dahil isang babae lang ang mamahalin ko habang buhay. At yakap ko na siya ngayon. Babe, bakit nga? Bakit ka umiiyak? Sumbong mo sa akin kung sino nagpaiyak sa 'yo at uupakan ko. Suntukin ko sa mukha tapos sa tiyan tapos karatehin ko sa mga binti. Kung gusto mo iwrestling ko pa siya at suntukin para knock out" Kaya kaya niyang gawin iyon sa mama niya? Paano kung sabihin ko sa kaniya na mama niya nagpaiyak sa akin? Susuntukin niya kaya?

" Wala nga. Ang drama ko lang talaga" Wika ko sabah punas ng mga luha ko sa pisngi ko. Takhang aalis na sana ako sa yakap niya ng pigilan niya ako.

" Oh ba't ka aalis sa yakap ko? Di mo pa nga sinasabi sa akin kung bakit ka umiiyak tapos tingin mo makakawala ka sa yakap ko. Sige na kase Babe, sumbong mo na sa akin sino nagpaiyak sa 'yo. Maghihintay ako. Pramis hindi ako magagalit kahit sabihin mo pang kasalanan ko" Pagpupumilit niya. Tinignan ko siya sa mga mata at nakita kong seryoso siya kahit pilit niyang ginagawa na para bang hindi.

" Naalala ko lang kase si Grasha. Tumawag siya kanina at umiiyak. Hanggang ngayon masakit parin para sa kaniya ang nangyari sa mga magulang niya. Ako naman medyo emosyonal nadala ako sa sinabi niya" Pagsisinungaling ko. He looked at me for a moment before realizing Grasha's situation.

" Si Kiefer din lasing kagabi. Pero di ko siya sinamahan. Si Captain ang kasama niya. Heartbroken eh. Iniiwasan kase ni Grasha" He seems to believe what I've said kahit ang totoo naman ay hindi tumawag sa akin si Grasha.

" Iyakin ka ngayon Babe ah. Akala ko kung ano na. Akala ko biglang pumunta dito si Miranda tapos inaway away ka. If someone comes here and talk to you, threaten you. Sumbong mo sa akin. Kakausapin ko." He kissed me on my temple.

Tumingin ako sa orasan. Malapit na pala ang lunch.

" Anong gusto mong ulam?" Tanong ko sa kaniya.

Umarte siyang nagiisip habang yakap parin ako.

" Puwede bang adobong Melissa o Tinolang Melissa nalang ang ulam ko? Puwede din ang sinigang na Melissa kung gusto mo" Pabiro na niyang wika sa akin. I pinched his nose.

" Paano kaya kung ikaw nalang iluto ko no" Maarte kong wika sa kaniya.

" Babe naman. Ang harsh mo sa akin ah. Nakakapansin na ako. Palagi mo akong kinukurot sa ilong" Bulong niya.

Hindi naman ah. Nanggigil lang talaga ako sa ilong niya.

" Ba't kase iyang ilong mo ang tangos tapos iyung akin pango" I complained. He chuckled.

" Na sayo na nga lahat, pati ba naman tangos ng ilong? Babe naman shempre dapat share tayo. Ako ang may matangos ang ilong. Ano ka, sobrang ganda mo na nga tapos gusto mo pa matangos ilong mo." He was chuckling while saying those words.

DUMIRETSO na kami sa kusina para magluto. Napapansin kong gustong gusto niyang matuto sa pagluto. Tuwing nagluluto kase ako, palagi siyang kasama. Siya na nga tagahiwa ko ng sibuyas, luya, kamatis at bawang. Natuto na din siyang magsaing ng kanin. Lahat iyun ginagawa niya kahit hindi naman niya iyon nakasanayan. Sa kanila, hindi naman siya ang gumagawa nun dahil may mga katulong sila na gumagawa nun para sa kaniya. Pero dito, nag-eefort talaga siya. Naglilinis din siya ng banyo dahil palagi niyang nakikita na ginagawa ko iyon. Nagwawalis kung kinakailangan. He does the things that I do. He is a good observer. Lahat ng mga nakikita niyang gawaing bahay na ginagawa ko, ginagawa din niya. He helps me with everything. Pati ang paglagay ng mga groceries namin minsan ay siya na ang gumagawa. Alam na niyang magluto ng adobo, paksiw, sinigang, tinola, pinakbet. I never thought that Gigs would even do those things.

" Babe, tumawag nga pala si captain sa akin kanina. May basketball kami mamaya. Sama ka, support mo naman daw ako Babe. Si Kim sasamahan si Shannon. Si Kyle sasamahan ni Kyla. Si Captain shempre si Sabina na. Ayokong matulad kay Kiefer na walang kasama Babe. Kaya samahan mo na ako please. Para naman may taga cheer sa akin sa court. Lakasan mo cheer mo ah. Iyung rinig na rinig. Dapat masmalakas kay sa sa cheer ni Kyla. Laki din kase ng bunga nga nung Kyla na iyun eh. Kabaliktaran ni Kyle." Sunod sunod niyang wika sa akin.

Yes, Gigs. Sasamahan kita. Lahat ng gusto mo gagawin ko hanggang sa nandito pa ako. Hanggang sa kasama pa kita.

" Oo naman. Sasama ako. Gagawan pa nga kita ng banner eh." I smiled. Niyakap ulit niya ako habang ginigisa ko iyung sibuyas at kamatis.

" Babe pakiss nga!" I then kissed him without inhibitions.

" Sarap naman ng halik mo Babe. Ang tamis tamis! Isa pa nga!" Hinalikan ko siya ulit.

" Oh ganado ka yata manghalik sa akin ngayon Babe" Ramdam ko ang saya niya.

Dahil baka hindi na kita magawang halikan sa susunod na araw Gigs.

" Gigs, mahal na mahal kita" I looked at him straight in the eyes and kissed him again with passion and love.

" I love you more, Iza." He whispered as he was already kissing me back

-----

Updated : May 13, 2020 Wednesday 6:00 PM

Continue Reading

You'll Also Like

450K 8.5K 34
WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT REVISED VERSION *** How can you love a person when it was already owned by someone? And that someone is your sis...
29.9K 725 5
WALTON SERIES ONE Candice Elaine Walton cover by: psyfii
2M 36.4K 17
BOOK 1 A Doctors' quarrel
3.5M 56.3K 29
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.