Indelible Sight In Harriniva:...

By peytfullyours

984 498 157

Pula, ang kulay na nananalaytay sa kaniyang pagkatao. Ang kulay na inilaan para sa kaniya. Kulay na nagtutula... More

Tandaan
ISIHS 1
ISIHS 2
ISIHS 3
ISIHS 4
ISIHS 5
ISIHS 6
ISIHS 7
ISIHS 8

Indelible Sight in Harriniva: Sinta

165 78 37
By peytfullyours

Ang Simula

"Good luck on your next mission. I'm blessing you with luck!" Bahandi chuckled. Lumitaw ang dimple nito habang nakangiti. She's wearing her usual green pantsuit, tuwid na tuwid ang buhok at ang mukha'y animo'y nanghahalina.

"Thank you, mamimiss ko kayo pati itong head quarters." Ani ko at inilibot ang paningin sa buong headquarters ng Silidabaluk. Natagpuan ko ang walang ekspresyong mga mata ni Luksa.

Tumango lang siya sa akin bilang paalam. Kumpara sa kanilang dalawa ni Bahandi, siya ang hindi masyadong masalita kahit na matagal na kaming magkakasama. I'm kind of scared with her presence, at na iintimidate sa kaniyang aura. Dagdagan pa nang bihirang pag ngiti nito. But I like her style, palaging suot ang vintage black long sleeve dress, itim na stilleto at black vintage hat na may netting veil. Classy.

Mistula nga lang itong nagluluksa, di lang sa pananamit kundi sa kilos. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kaniya.

Ilang sandali pa'y tumunog na ang alarm, senyales na kailangan ko nang umalis. Most probably, mamaya o sa susunod na araw ay aalis na din sila at ipapadala sa kani-kanilang istasyon.

Ngumiti ako sa kanila. "See you next year!"

Ngumuso si Bahandi, tila nalulungkot. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Have a good time there." Anito nang kumalas sa yakap.

Lumapit na din si Luksa. "Mag ingat ka." Sabi niya at nagbeso. Her actions are so elegant, one of the things I admire from her.

I nodded and smiled. Muling tumunog ang alarm. "Bye!" I turned my back from them, at tinungo na ang napakaliwanag na portal. Nasilaw ako sa liwanag nito, ang natatandaan ko na lang bago tuluyang mawalan ng malay ay ang pigura ni Bahandi at Luksa na pinanonood akong umalis.

Nagising akong nakahiga sa napakalambot na kama. Nag process pa nang ilang sandali ang utak ko, iniisip kung nasan ako. I slowly opened my eyes, saka bumangon.

My eyes lingered all around the room. It's pretty huge and the design was obviously inspired from the head quarters.

This must be the station.

Sa harap ko'y may screen na naka bukas. Binasa ko ang nakasulat doon.

"Station 4526"

Tumayo na ako, isa isang tiningnan ang mga naroon. My eyes twinkled when I saw what's inside the walk in closet

Puno lang naman ito ng napakaraming damit, sapatos, bag at kung ano ano pang mga gamit na kailangan ko. Lahat ay pula, from the lightest shade to deepest and darkest shade of red.

Binuksan ko ang isa sa mga drawer, nangingiting hinawakan ang mga pulang dart.

These darts will play a huge role in this mission. If you think that they are deathly, you're wrong. Dahil kailangan ko ito bilang isa sa Silidabaluk. Bilang Love Goddess.

Namulat na lamang akong nasa istasyon na at walang alam sa pagkakakilanlan ko. Wala akong childhood, ito na agad ako. Nagtataka ako noong una, puno ng tanong sa aking isip ngunit kalaunan ay nalaman ko ding hindi ako mortal at binuo kami ng pinuno ng headquarters upang gawin ang mga misyon na nakalaan sa amin.

Ang mga dart na ito ang instrumento upang mapagdugtong ang dalawang mga puso.

Ngunit...ang kulay na pula ay maraming kahulugan.

Red can be love, passion and strength.

Ngunit maaari rin itong maging galit, kasakiman, panganib at karahasan. That's why I feel sad and guilty whenever I throw darts to people for these reasons.

Nag ayos na ako nang sarili dahil nakatanggap ako ng sulat na ngayon na mismo ang simula ng misyon ko.

I combed my naturally wavy ginger hair. Pinagmasdan ang repleksyon sa salamin habang suot ang pulang casual dress na may puffed sleeves. When satisfied, napagpasyahan nang umalis at pumunta sa...binasa ko muli ang card kung saan nakalagay ang address.."Torecilla Corporation"

There's a special door inside the station, pinasok ko iyon at tinapat ang card sa scanner upang mabasa nito ang destinasyon ko.

"Heading to Torecilla Corporation in 3, 2, 1..." A robotic voice stated. "We are here."

Sinalubong ako ng malakas na busina ng mga sasakyan at mga usok na mula sa tambutso ng mga sasakyan. 'The mortal world', sabi ko sa isip.

Nilingon ko ang pinanggalingan ko. Hindi na ito ang special door, sa halip ay isang public portable toilet. Lumabas na ako doon at tinanaw ang napakalaking gusaling may nakasulat na "Torecilla Corporation".

Nilakad ko iyon hanggang sa makarating na ako sa mismong harap nito. A girl glowing with red light caught my attention.

That's my target!

Ang ilaw na nakabalot sa babaeng iyan ay indikasyon na siya ang target ko. She's not aware of it, pati mga taong nasa paligid niya. Ako lamang.

Pumasok na ito sa building. Tuloy tuloy lang ang lakad ko at nakakatagos sa mga pader. Hindi nila ako makikita unless ay i-activate ko iyon.

Ngayon, kailangan kong mahanap kung sino ang partner niya. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa 21st floor. Pumasok siya sa frosted glass na tingin ko'y isang opisina.

Sumunod ako.

Namangha ako sa disenyo ng opisina. Malaki ito at moderno. The appearance is very...manly. Ang malalaking salaming bintana nito ang nagbibigay ng view sa buong siyudad. Nagdidilim na kaya kitang kita ang city lights. Ang ganda!

"Sir, ito na po yung files na pinapacheck niyo." The girl said to a man who is sitting on his office chair. Nakatuko ang kamay nito sa mesa at nakapagsalikop ang mga kamay. His head tilted, tinanggap ang folder at nalipat ang tingin sa akin, he's brows furrowed bago muling binaling ang tingin sa folder.

Sa bandang harap ng mesa niya ay may nakadisplay na piraso ng mamahaling tabla, dun nakaukit ang pangalan niya. 'Armastus Raccus Torecilla'.

My breathing hitched. Hindi naman siguro niya ako nakikita? That's impossible.

"Who are you with?" Sabi nito sa babae sa baritonong boses at tiningnan na naman ako. Dumagundong ang kaba sa kaloob-looban ko.

Ako ba ang tinitingnan niya? Pero hindi naman naka activate ang visibility ko ngayon. Tiningnan ko ang nasa likod ko dahil baka may tao, ngunit wala naman.

"Ako lang po mag isa." May litong sagot ng babae.

"Well then..."sumandal ito sa kaniyang upuan. Bagay na bagay sa kaniya ang suot na americana and he has very attractive appearance. Habang tinitingnan ko siya, I can say that he is a quitissential man. The way he move is so graceful, kalkulado pero natural...at bagay na bagay sa opisinang kinalalagyan niya. His hair is in a clean cut, it complimented his facial structure very well.
"Why are you here? Do I have an appointment with you?" He said in an intriguing tone.

"S-sir? Ngayon po talaga ang schedule ko." The girl stuttered.

"Not you." He said then he looked at me so intently, para akong sinilaban nang dumapo ang tingin niya sa akin. "Ikaw." Madiing sabi sakin.

Tinuro ko pa ang sarili ko. Sa isip isip ay paanong nakikita ako nito? Kahit ang taong may third eye ay hindi ako makikita. Parang gusto ko nang umalis! Hindi maaaring makita ako ng isang mortal.

"Yes, you." He said when he saw me pointing to myself.

"Sir, sino pong kausap niyo? Wala pong ibang tao dito." Nagtatakang sabi ng babae. Nilingon na rin kung saan ako nakatayo.

Doon ko napagtanto na ang lalaking ito lang ang nakakakita sakin. I should consult the headquarters, baka may deficiency lang na nangyari.

"Anong wala? Niloloko niyo ba ako?" Mas tumigas ang boses nito, akala'y niloloko siya. Napako ako sa kinatatayuan, naguguluhan. "Come here." He commanded. He lifted his fingers and gestured to come infront of him, full of control and power.

"Sir, Wala p-po talagang t-tao" nahihimigan na ang takot sa boses ng babae. Dalawa lang yan, natatakot siya dahil baka may multo. O natatakot siya dahil baka nababaliw na ang boss niya.

His face darkened, nasa ganito mang sitwasyon ay hindi ko pa rin maiwasang purihin ang nilalang na ito. He's too much. Too intense.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga, maintaining his cool. "Hindi ako nakikipag biruan sa inyo. So if you think that this is funny, it's not. " Sumandal na ito sa upuan. Ang isang kamay ay nakapatong sa armchair, ang isa naman ay nakahawak sa sentido. He slightly swayed his chair.

Ako naman ay nalilito pa din kung ako ba ang tinutukoy niya. Hindi rin ako pwedeng umalis dahil kailangan ko bantayan ang babae at mahanap ang kapares niya.

"P-pero hindi tala-" the girl stopped talking when someone knocked on the door.

"Sir?" Sumungaw ito sa pinto. I felt relieved when I saw that he is also glowing! Gotcha!

Pumasok ito at may bitbit na mga papeles. Magkatabi na sila ng babae ngayon. Nakita ko pang inirapan siya ng babae ngunit tumungo lang ito.

Mabilis kong kinuha ang dart na nasa saya ng bistidang suot. Kumikinang ito sa sobrang linis, handang handa pagdugtungin ang dalawang mga puso.

Inamba ko itong ibabato sa dalawa ngunit marahas na tumayo si Amastrus mula sa pagkakaupo at mabilis ang mga yapak nito patungo sa akin. "Stop that! What are you doing?"

Nanlaki ang mata ko, nagtaas baba ang dibdib ko dahil sa nangayayari. Unti unti kong binaba ang dart.

"Sir?" Puno ng tanong ang hitsura ng lalaki. "Sino pong..."

Nilingon sila ni Armastrus, I took that as an opportunity to get out.

Binilisan ko lakad ko, doon ako dumaan sa wala masyadong tao. Kahit di nila ako nakikita, I can't risk it.

Sa nanginginig na kamay ay hinawakan ko ang kuwintas at pinindot ang kulay pulang bilog na bato non. I need to do an emergency exit. Kahit di ko pa natapos ang misyon.

Nagloloading pa ito, "Come on, bilis!" Nauubusang pasensyang sabi ko dito.

I gasped when my wrist was grabbed harshly and forcefully, hinarap ko iyon at parang naubusan ng hangin nang magtama ang mata namin ni Armastrus. Nahahawakan niya din ako!

Nakaramdam ako ng tila kuryente sa hawak na iyon, nasasaktan man ay pilit kong hinila ang kamay ngunit hindi siya nag paubaya. Tingin ko'y narandaman niya rin ang boltahe sa pagkakahawak ngunit di nagpatinag.

Nanliliit ang mata nito sa akin. "Who are you?"

Umiling ako.

"Answer me." He said in a hard tone. Now that he's right infront of me, I can see his face more. Ang mga mata nito'y kulay abo, and it's decorated with long lashes. When I stared at his eyes longer, it went more intense...nanunuot, para bang kilala niya na agad ako sa pamamagitan pa lang ng titig. While his nose is pointed, parang pwedeng magpadausdos. And his lips are luscious and attractive, nakakahalinang pagmasdan at...dampian?

Sa nangingig na boses ay sumagot ako, "Sinta."

Umawang ang labi nito at nanghina, lumuwag ang hawak sa akin. Agad kong hinila ang kamay at mabilis na tumakbo, I did not look back anymore... dahil sa samu't saring emosyon.

Lumiko ako sa isang pasilyo, patuloy sa pagtakbo, naguguluhan at napakaraming iniisip. Hanggang sa narandaman ang katawan na unti unting kinokonsumo ng liwanag na galing sa kuwintas.

I give in to the exhausting feeling because my mind had gone haywire. May ilalala pa ba ito?

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.6M 52.9K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

116K 3K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]