The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 13

3.7K 82 6
By Aimeesshh25

Chapter 13

JERACE'S POV

"What are you doing here?"

Hindi pa ako nakakaayos ng tayo 'yan na agad ang bungad niya sa'kin. Nginusuan ko siya. Pagkatapos kong kiligin, ano ganito ang sunod? Grabe naman, Drain.

" Answer me, Jerace." He demanded.

I pouted my lips more. "Nag lunch?" Sagot ko.

"Nag lunch? Dito? I didn't know you don't have a cafeteria there. " He raised a brow. I looked away.

Alam niya naman kung bakit ako nandito diba? Bakit nagtatanong pa? Minsan bobo din talaga si Drain e.

"I went here because.." I trailed off.

" Because?"

Ngumuso ako. " You.." napapikit ako dahil hindi ko maituloy. Late ka na, Jerace kaya huwag nang umarte!

Tumaas lang ang kilay niya, hindi maintindihan ang nais kong sabihin.

I sighed. " I went here because of you. Gusto kong malaman kung kumain ka na at kung sinong mga kasabay m-mo."

Hindi siya nagsalita at nanatili lang sa'kin ang madilim na tingin.

"Bakit kasi kailangan mo pang itanong? Ang tagal-tagal ko na itong ginagawa."

" Ang tagal mo na ring alam kung sino ang mga kasabay ko at kumakain naman ako, bakit kailangan mo pang pumunta?"

Hindi ko inaasahan ang pagsagot niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin habang natulala naman ako.

"Masama?" Taas-kilay kong tanong.

"Yes."

" At bakit?"

"You're stalking me."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"I-I'm not!"

"Tss." Inis siyang umiwas ng tingin sa'kin. Napabuga naman ako ng hangin.

" I-I just want to see you. " Maliit ang boses ko nang sinabi 'yun.

Agaran ang pagtingin niya sa'kin. Tila gulat na gulat sa sinabi ko. Nagulat ka pa talaga ah? Lantaran na nga 'tong pagkagusto ko sa'yo eh.

He shut his eyes tightly and then he sighed.

"Jerace.." he called.

Ngumuso ako. " I know. I respect your feelings. But you said you're my boyfriend, r-right?" I played with my fingers, nervously.

Nangunot ang noo niya at malalim na huminga.

"Are you serious?"

" Of course, Drain." Tiningnan ko siya."Sa'yo ko dapat tinatanong 'yan. Seryoso ka ba?"

Shit! Wala nang hiya-hiya, Jerace!

Namungay ang mga mata niya. Tila nahihirapan siyang sagutin ako o gusto niyang sagutin kaso ayaw akong saktan. Weh? Talaga?

"Jerace..I like someone else."

Nahigit ko ang hininga ko at hindi nakapagsalita. Alam ko naman na may gusto talaga siyang iba. Alam ko 'yun. Sabi na nga ng iba diba? Pero ang sakit pa rin pala kapag sa kaniya mismo nanggaling.

Nanatili ang tingin niya na parang nanunuri sa reaksyon ko. Saglit akong yumuko at huminga ng malalim bago nag-angat ng tingin at ngumiti sa kaniya.

" I know. " Tumigil ako at nilunok ang bara sa lalamunan. " But it doesn't mean that I'll stop liking you."

" But I want you to stop doing this."

Nagulat ako at hindi agad nakaapila. Hindi man lang nagbago ang itsura niya at seryoso lang na nakatingin sa'kin. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"A-Ayaw mo ba akong nakikita?" Kahit masakit, nagawa ko 'yung itanong.

Napapikit lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Napatango ako at kunyaring  sumulyap sa relo. Late na kami. Pero bakit parang nawalan ako ng gana?

" A-Ah okay!" I laughed awkwardly. "Don't worry,  hindi mo na ako makikita hehe." Nakamot ko pa ang batok para maitago ang hiya.

" It's not like that, Jerace."

I smiled at him. "Tuwing lunch lang naman diba? Puwede pa rin naman akong sumabay tuwing hapon?"

Ang kapal pa rin talaga ng mukha ko.

Tumitig lang siya sa akin at gusto kong pumikit nang makita ang awa sa kaniyang mga mata. Umiwas ako ng tingin.

Gusto ko ng umiyak. Gustong-gusto. Kaso ayokong mas kaawaan niya ako.

Hinugot ko ang cellphone at kunyaring may binasa roon. Nanlaki pa ang mga mata ko at tumingin sa kaniya.

" April texted me.."tinaas ko ang cellphone. " Late na raw kami. Mauna na ako a-ah."

He stared at me for a moment and he
nodded. "Ihahatid na--"

I cut him off. " H-Hindi na. Kasama ko naman si April. Pumasok ka na rin, baka malate ka."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, mabilis na akong tumalikod at naglakad palayo roon. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko dahil marami pang tao. Nakakahiya.

Nakasalubong ko pa sina Rex at Ash kasama 'yung babae. Ngumiti sa'kin si Rex ngunit agad rin napawi nang mapansin ang itsura ko. Tinanguan ko lang siya at nagmadali na sa paglalakad. Ni hindi ko na nilingon si Ash! At bakit ko naman gagawin 'yun?

Napansin ko agad si April na kumakaway sa'kin habang malaki ang ngisi. Huminga ako ng malalim at pilit pinigilan ang pagluha.

" Kumusta? Gaga, late na tayo ah. Hindi ko muna kayo inistorbo e." Ngumisi siya sa akin.

Napapikit ako at tuluyan nang bumuhos ang mga luha. Hindi talaga siya nagtext sa akin. Sinabi ko lang 'yun para makaalis na.

"Hoy teka! Ayos ka lang?" She panicked.

Yumuko ako at pinunasan ang patuloy   na pagbuhos ng mga luha ko. Gulantang siya at hindi alam ang gagawin. Dumalo agad siya sa akin at tinulungan akong punasan ang luha ko.

" Jusmiyo! Anong meron?" Kinuha niya na ang panyo at pinunasan ang mukha ko. "Tingala, Jerace!" Utos niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumingala.

Inayos niya ang buhok ko at pinunasan pa ang buong mukha ko. Natawa ako.

"Ang haggard ko na."

She rolled her eyes. "Iyan pa talaga iniisip mo? Anong nangyari? Hindi naman ito tears of joy dahil umamin na si Drain?" Ngumiwi siya.

I smiled sadly. "Umamin nga siya."

" W-What?"

"May gusto siyang iba. Inamin niya, April." Humikbi ako at lalong bumuhos ang mga luha.

Hindi naman nakapagsalita si April at gulantang pa rin habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi na kami nagkausap at inalalayan niya lang ako hanggang sa makarating sa classroom namin. Super late na nga kami. Dahil halos patapos na ang subject na 'yun. Napagalitan kami ngunit sinabi ni April na sumama ang lasa ko. Naniniwala naman ang lec dahil na rin sa itsura ko.

Halos wala ako sa sarili sa panghapong klase. Panay naman ang pagsulyap sa akin ni April at minsan ay kinukulbit pa ako pag may gagawin na.

Tahimik akong nag-aayos ng gamit nang lumabas ang panghuling guro sa araw na 'yun. Lumapit agad sa akin si April at siya na ang nag-ayos ng mga gamit ko at sinukbit sa balikat ko.

I smiled at her. "Thank you, Aj."

Ngumiti lang rin siya ngunit mariin ang tingin sa akin. " Tara na. May surprise ako."

I rolled my eyes. " Sana tunay na ah?"

Tumawa siya. "Sorry, naudlot noong nakaraan."

Umiling na lang ako at sabay na kaming lumabas ng classroom. Nagsasalita siya habang pababa kami ng hagdanan. Hindi naman ako makasabay kaya tumatango na lamang ako.

Pinaupo niya ako sa may bench kung saan ako madalas. Nangunot ang noo ko nang kuhain niya ang cellphone at nagtipa roon.

Bigla ko tuloy naisip si Drain. Baka akala niya sasabay ako? Hihintayin kaya ako no'n? Kailangan kong sabihin!

Mabilis akong tumayo ngunit agad naharangan ni April.

Tumaas ang kilay niya. " Pasaan ka?"

"Sasabihin ko lang kay Drain na hindi ako sasabay."

Nasapo niya ang noo. " Walang kadala-dala girl? Nabasted na, pupuntahan pa rin?"

"Baka kasi maghintay siya s-sakin."

" Hindi 'yun maghihintay!" Inirapan niya ako. " At teka, walang cellphone? Ba't di mo na lang itext, kaysa pumunta ka pa at paiyakin ka na naman."

Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso talaga siya at mukhang inis rin. Ngumuso ako at tumango na lamang. Tiningnan niya pa ako bago sa cellphone ulit.

No choice ako kung hindi itext na nga lang na hindi ako sasabay sa kaniya. May pupuntahan raw kaming dalawa at may surprise siya sa akin. Noong isang araw pa 'yun ah? Tagal naman.

To: Ma'h baby Drainy ❤️

Hi? Labas na kami. Hindi ako sasabay. Thanks!

Sinend ko na 'yun sa kaniya. Binasa ko pa at mukhang hindi naman mararamdaman ang pagkalungkot ko.

Itinago ko na agad ang cellphone ko dahil wala naman 'yung pakialam kung sumabay ako o hindi. Baka mas matuwa pa 'yun.

Tumunog ang cellphone ko. Nagtaka ako at kinuha agad 'yun.

From. Ma'h baby Drainy ❤️

Why? Susunduin ka ba?

Nanlaki ang mga mata ko at parang may mainit na humaplos sa puso ko. Tumulo agad ang luha ko sa simpleng reply niya!

Itinago ko agad ang cellphone at mabilis na pinalis ang luha. Ngumuso pa ako para matigil ang paghikbi. Nakatalikod sa akin si April kaya hindi niya ako kita.

Hindi ko na siya rereplyan! Bahala siya! Hindi na ako marupok noh!

My phone vibrated again!

Kinakabahan man ngunit kinuha ko rin naman 'yun at tiningnan.

From: Ma'h baby Drainy ❤️

Hey, are you okay? Are you mad at me? I'm sorry.

Kumunot ang noo ko at napapikit pa!
Jusko, Drain Ely! Wrong sent ka ba a? Syempre hindi!

Hindi kita rereplyan!

Minulat ko agad ang mga mata nang magtext ulit siya!

From. Ma'h baby Drainy ❤️

Where are you? Nakasakay ka na? Hindi pa kami labas.

What the hell, Drain?!

Halos maibato ko ang cellphone nang makitang tumatawag siya! Oh my gosh!

Mabilis ko 'yung nai-cancel. Nanginginig ang kamay ko at ang lakas ng tibok ng puso ko!

Ano bang problema nito?! Ayaw na raw ako makita pero mayat-maya ang texts? Ano na?

From: Ma'h baby Drainy ❤️

Why aren't you answering my call? You okay? Where the heck are you, Jerace?

Matindi ang pagkabog ng puso ko. Napasulyap sa akin si April ngunit hindi ko siya pinansin. Mukha akong natatae dito!

Naipikit ko ng mariin ang mga mata at paulit-ulit na sinabing hindi ko siya rereplyan!

From: Ma'h baby Drainy ❤️

Pls, answer me. I'm worried.

"Oh my gosh!" Naitakip ko ang kamay sa bibig. Hindi makapaniwala sa ginagawa niya ngayon. Namumula ako at hindi ko alam kung bakit!

To: Ma'h baby Drainy ❤️

I'm fine, Drain. Don't worry. You should focus in your class, stop texting me. Take care! I'll text you later. Bye!

Sinend ko agad 'yun. Ayos lang ba ang reply ko?  I bit my lower lip to hide my smile! Buwisit talaga! At bakit ako kinikilig?

Akala ko ba hindi mo rereplyan, Je?

Akala ko rin, punyeta!

_____________
T H A N K S!

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
134K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...