Kabanata 10
Cookies
"Chels! Time to wake up." Narinig ko ang boses ni Mama sa labas habang kumakatok kaya naman bumangon agad ako at binuksan ang pintuan.
"I'm now awake. Susunod na po ako." I yawned.
Hindi ako nakatulog doon sa 'I'm sorry' ni Damon. Hindi naman ako nag reply dahil tumawag agad sila Leira sa akin at itinatanong kung bakit ko kasama yung Marco. Really, bakit parang lahat sila Galit kay Marco?
"Chels, don't you dare sleep again. It's already 10." Pag papaalala niya sa akin.
Maaga pa pa-- 10!? Shit. Shit. Shit. Dali dali akong naligo at nag ayos ng sarili ko. Pagbaba ko doon ay nasa sala si kuya, walang damit pang itaas habang nanonood. Agad akong umupo sa tabi niya at pinalo ang tyan niya.
Tawa lang ako ng tawa ng makita siyang masama ang tingin sa akin kaya naman agad akong tumigil at niyakap siya.
"Baliw ka ba?" Agad na tanong niya at pilit nilalayo ako sa kaniya pero mas hinihigpitan ang yakap ko sa kaniya binitawan ko ang suklay.
"Hahahaha. Sorry, ang taba mo kaya.." sabi ko at bumitaw sa kaniya.
"Bangasan ko muka mo e. Abs yan, abs." Pagmamalaki niya kaya binelatan ko na lang siya at umalis doon para pumunta sa sala.
Abs your ass.
"Pumunta pala si Damon dito kahapon, anak?" Tanong ni Daddy kaya tumango lang ako.
"Iniwan niya kahapon.." sumbong ni Mommy.
"Mom!" Angal ko, kahit totoo naman.
"Sinong kasama mo kahapon?" Tanong ni Daddy habang nagbabasa ng dyaryo.
"Si Marco po.."
"Surname?" Tanong ni Mommy
"Gaizer po."
Napansin ko namang nagkatinginan si Mommy at Daddy
"Chels, naaalal--"
"Mom dad, may gustong kumausap sa inyo" napatingin naman ako at nasa gilid ko lang pala si Kuya.
Ano ba yung sasabihin ni daddy? Epal talaga si kuya pero di bale, itatanong ko na lang mamaya dahil lumabas na sila Mommy at Daddy. Pansin ko naman ang pagkabalisa ni kuya na bumalik na sa sala habang hawak hawak ang cellphone niya. Tumabi lang ako kay kuya kaya tinago niya na yung cellphone niya.
Nasaan na kaya si Marco na kaibigan ko nung grade 3 ako? Namimiss ko na siya. Kaya nga sinamahan ko si Marco kahapon kase naaalala ko sa kaniya si Marco.
"Kids, aalis muna kami ha." Sabi agad nila Daddy pagkapasok na pagkapasok ng bahay
Tumango lang naman kami at dumiretso na sila sa taas.
"Dito ka muna, kuha lang ako ng pagkain." Sabi ni kuya at umalis papuntang kusina
Bigla namang may nag ring kaya naman napatingin ako doon sa may cellphone malapit sa vase kaya dali dali ko itong kinuha. Kay kuya pala ito
Damon Foncio is calling...
Halos mabitawan ko ang cellphone ni kuya pero sinagot ko agad ito. Hindi ako nagsasalita.
[Bro!]
Ayaw kitang makausap, sorry. Nakikinig lang ako.
[David?]
"A-ah e--"
Sasabihin ko na sana na wala si kuya pero nakita na ko ni kuya.
"Lil sis! Sino yan?" Agad na tanong nito at ibinaba ang chips na hawak niya at inabot ko naman sa kaniya ang cellphone niya at lumayo siya saglit pero naririnig ko pa rin ang boses niya sa sobrang lakas.
"Ah oo, si Chels ang sumagot e. Ano? Sige mamaya, dalian niyo."
Napairap na lang ako at kinuha yung isang bowl na chips at sumandal sa sofa habang nakataas ang dalawang paa. Kain lang ako ng kain ng tumabi na uli si kuya sa akin.
"Hinay hinay sa kain, Chels.." pagpapaalala niya.
Agad akong napatingin at ang bilis kong nakain ang mga ito hays. Ano kayang pinag usapan nila? Duh, ano bang pake ko.
Umirap lang ako kay kuya at ipinagpatuloy ang kain ko at kinuha ang cellphone ko. Tinignan ko yung gc namin at mag b-backread na sana ako ng makita ko ang pinakahuling reply sa gc.
Grace: I have a plan!
Agad akong napaisip doon at magrereply na sana ako ng hablutin ni kuya ang cellphone ko. Asar!
"Kuya!" Pilit kong inaabot ang cellphone ko dahil itinaas ito ni kuya. Psh, dahil sa inis ko ay agad akong umalis doon at pumunta sa kwarto.
May laptop naman ako e, duh! Pag ka open ko doon ay tinignan ko na uli ang gc at nagtatakang tinignan ko ang mga replies doon na ngayon ay puro removed messages.
Chelsea: Anong meron?
Leira: wala ah
Grace: oo nga wala
Chelsea: weh?
Leira: Wehtlog
Pinatay ko ang laptop ko at agad humiga sa kama. Hindi ko namalayan na unti unti na palang nakatulog ako.
Agad akong tumingin sa salamin at nakita ko ang sarili ko sa gulo gulong buhok kaya naman inayos ko na lang ang damit ko dahil nakapantulog pa din ako. Naiwan ko siguro yung suklay kanina sa baba kaya binuksan ko na ang kwarto ng pinto ko at lumabas.
Dali dali akong bumaba at halos hindi ako makagalaw ng makita ko sila dito sa sala. Dahan dahan akong umaatras pataas para makakapit pa rin ako. Tatalikod na sana ako ng hindi na nila ako nakikita ng biglang may sumigaw sa pangalan ko.
"Chels! Narito ka na pala!" Sabi ni Kuya sa akin.
Mariin akong napapapikit ng makita niya ako. Dali daling hinanap ng mata ko ang suklay at halos mapapadyak ako ng makita ko ang suklay ko sa may tabi ni Damon. As in, katabi lang niya!
Agad napalingon ang dalawa sa akin kaya napatingin naman ako sa damit ko. Ayos naman ako pero yung buhok ko lang hindi, nakakainis! "T-tataas na a-ako" tatalikod na sanang muli ako ng wala pang ilang segundo ay narito na si kuya sa harapan ko at hinila ako pababa.
"Halika rito, wala ka namang ginagawa." Tumigil kami sa tapat ng upuan, umupo na siya at hinimas pa ang batok bago ibinigay ang cellphone ko sa akin.
"Salamat. May kukuhanin lang ako.." pagpapaalam ko
Hindi ko hinahayaang magtapo ang tingin namin dahil hindi ko pa rin maintindihan ang kaniyang galit sa akin at kay Marco. Nakapikit akong pumupunta sa upuan na matatagpuan ang suklay ko.
Halos pigil ang hininga ko ng bigla siyang tumayo. At sa pagkakataon na iyon, ay sa suklay ko lang itinuon ang atensyon ko at pagkakuha ko noon ay dali dali akong tumakbo pataas. Muntik na akong matisod at halos rinig ko lahat ang pag singhap nila pero hindi ko na ininda iyon. Shet, yung kuko ko.
Pagkadating ko ng kwarto ay napahawak agad ako sa dibdib ko sa hingal. Bakit ko ba nga siya iniiwasan? Ay dahil hindi ko siya maintindihan!
Papatapos kong magsuklay ay napatingin uli ako sa sarili ko. You will survive, dahan dahan akong bumaba ng hagdan ng mapansin kong wala ng tao doon. Pupunta na sana ako sa kusina ng may magsalita
"Iniiwasan mo ba ako?" Halos mapatalon ako sa gulat at napahawak pa sa dibdib.
"Ha? Hindi ah!" Pagtanggi ko at pinipilit pang ngumiti
"I'm sorry."
"No need." Agad na akong tumalikod doon at narinig ko pa ang buntong hininga niya.
Pansin ko lang, parang galit sila lahat kay Marco? Naiinis lang talaga ako. Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko sina Kuya at Lance doon kaya lumapit agad ako doon para makita kung anong ginagawa nila.
"Wow." I exclaimed, they're baking cookies.
"Pfft." Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Lance kaya nung mapatingin ako sa kaniya ay agad din itong tumigil.
"Bakit tuwing tatawa ka at napapatingin ako ay tumitigil ka?" Agad na tanong ko.
"Wala lang." tipid na sagot nito
Lumabas na din ako dahil ayaw naman akong pansinin ni kuya na sinungitan lang ako hmp. Pupunta na sana ako ng sala ng maabutan ko si Damon, umupo din ako doon dahil wala naman akong magagawa kung pupunta ako sa taas.
Tahimik lang kami habang nanonood. Magsasalita na sana ako ng mag ring ang cellphone niya at umalis ito saglit. Parang nanikip ang dibdib ko ng si Lexi ang kausap niya. Sa pinapanood ko na lang itinuon ang atensyon ko hanggang sa makabalik siya.
"Are you really mad?" Nabigla pa ako sa tanong ni Damon
Galit nga ba ako? I shook my head to him.
"Hindi sa ganon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang lahat kayo ay galit kay Marco." Diin kong sabi habang pinaglalaruan ko ang kamay ko.
Nawala na ang dating ako, hindi na ako pala away. Psh, lagi ba namang may bantay?
"Hindi naman ako galit." Sabi niya pero tumango na lang ako sa kaniya
Maya maya lamang ay dumating na rin sila kuya dala dala ang isang tray ng cookies kaya masaya akong kumuha doon. Kain lang ako ng kain pero agad akong napatigil ng mapansin ko na nakatingin lang sila sa akin, nanguya pa ako
"Chels, bakit mo kinain? Kay Damon 'yan." Tarantang sabi ni Kuya at napatingin din ako kay Damon na halos hindi na maipinta ang muka.
Halos mabuga ko ang kinakain ko, kay Damon!? Dali dali akong tumakbo papuntang kusina para kumuha ng tubig dahil nabulunan ako. Shit, lagot.