School Of Power (On-Hold)

By janijani19

769 117 3

"Your heart is the most powerful magic inside you." "Kindness and love will always be on top. Remember that." More

PROLOGUE
Chapter 1 : Letter
Chapter 2 : Accept or Decline
Chapter 3 : Arrival
Chapter 5 : Meeting the Roommate
Chapter 6 : Looked like Him
Chapter 7 : Magic Type & Special Ability
Chapter 8 : The God Seven
Chapter 9 : Known Magic Powers
Chapter 10 : Ice
Chapter 11 : New Alpha?
Chapter 12 : Ice and Rielle
Chapter 13 : P.E Time
Chapter 14 : Rielle's First Fight
Chapter 15 : It's Tricia's Turn
Chapter 16 : She's talking with whom?

Chapter 4 : Morrison High

48 9 0
By janijani19

PATRICIA

Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong pag-uga.

Pag mulat ko ng mata ko, nakita ko kaagad si kuyang driver na ginigising ako.

Nahiya ako bigla. Baka may panis na laway ako.

Agad kong inayos ang sarili ko saka bumaba ng kotse

"A-ahm, kuya?"

"Yes, Ms. Knight?" Tanong ni kuyang driver habang inilalabas ang maleta ko mula sa compartment.

"Ahh, ilang oras po ako tulog?" Nahihiya man ay itinanong ko pa rin.

"Eight hours and fifteen minutes." What? That long?

At bigla ay naalala ko 'yung mata ng lalaking naka all black kanina. Nakaka-hypnotize 'yung tingin nya. Baka kaya ako nahilo at nakatulog ay dahil do'n.

"Ms. Knight let's go." Sabi ni kuyang driver kaya agad akong sumunod sa kanya.

Bumungad samin ang napakalaking gate na kulay silver. As in sobrang laki. At sobrang taas pa.

Parang gusto nilang siguruhin na walang estudyanteng magca-cutting classes.

At napansin ko naman sa itaas na parte ng gate ay may naka-lettering.

M   O  R   R   I   S   O   N   H   I   G H

Ang ganda ng pagkaka-lettering tapos ang ganda pa ng kulay. Kulay silver na kumikinang-kinang pa.

Hindi ko kaagad napansin na may nakasulat pala do'n sa taas dahil parehas na kulay silver.

Sa gilid ng gate ay may pinindot na mga number si kuyang driver.

Hindi ko alam kung ano 'yon. Ang alam ko lang ay 'yon ang dahilan para magbukas ang gate.

Seconds later, bumukas na ang gate. Sobrang laki dito sa loob. Sa may kanan ko, nakita ko ang isang malaking building na may nakalagay na 'GIRLS DORMITORY'. Three storey building 'yon.

Sa kaliwa ko naman, may three storey building den at 'BOYS DORMITORY' naman ang nakalagay.

Sadya ba talaga na ang dorm ay nasa bukana ng gate? Ahh. Ewan ko sa kanila.

Bigla ay napatingin ako sa second floor ng building at may nakita akong lalaki na nakatayo. He is looking at me directly into my eyes. Into my red eyes.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan at maya-maya ay nakita ko syang ngumisi saka naglakad palayo.

Akala nya siguro hindi ko nakita na blue 'yong mata nya. Pati buhok nya blue den. Far sighted 'to oy! Kala mo ha!

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod kay kuyang driver at sa paglinga ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang malaking falicity na may nakasulat na 'MORRISON CLINIC'.

Malaki ang clinic nila. Salamin ang pinto at may ikalawang palapag din.

Sa kaliwa ko naman ay isang malawak na field. Soccer field?

"Ahh, kuya?" Pagtawag ko kay kuyang driver.

"Yes, Ms. Knight?"

"Soccer field po ba 'yon?" Itinuro ko pa ang nakapalawak na field.

"Ahh, yes. D'yan nagte-training ang mga estudyante."

Training? Ahh. Baka p.e lang.

Straight lang ang daan dito. Walang paliko-liko.

Ayy..wait. Mali!

Lumiko kami ni kuyang driver. At saktong pagliko namin, napakataas na building ang sumalubong samin.

Tumingin ako sa taas at nakita ko ang nakasulat na 'MORRISON LIBRARY'.

Wtf!? Library? Ang laki naman ng library nila.

Sa kanan ko ay naman ay ang canteen. Nakakatuwa kasi sobrang laki. Parang restaurant lang. Salamin lahat. Wala syang second floor pero malaki talaga. Malawak.

Sa may pinto ng canteen, naka-stand 'yung logo nila. 'Yung malaking kahoy na may apoy na napapalibutan ng kung ano-anong element.

Naka-stand sya sa mismong entrance ng canteen.

Parang katulad lang ng jollibee.

Sa kaliwa ko ay building na may katamtaman lang ang laki. Hindi mataas pero sakto na. May nakasulat sa pinto na 'MUSIC ROOM'.

Great! Pupunta ako dito 'pag may free time ako.

Akala ko ay papasok kami ni kuyang driver sa library pero mali ako. Kumaliwa kami at bumungad sakin ang napakalaking stage.

Puno ng magkakapatong na upuan at lamesa. Kahit saan ay makikita mo ang logo.

May red carpet na mahaba. Abot 'yon sa mismong taas ng stage. Sa hagdan lang pala.

Malawak ang stage. Kasya siguro dito ang atleast 800+ students.

Dumaan kami ni kuyang driver sa gitna. Sa mismong red carpet.

Na-imagine ko tuloy na ako daw ang prinsesa dito sa school tapos escort ko daw si kuyang driver. Hahaha.

Anyways, akala ko aakyat kami sa stage pero mali na naman ako. Sa gilid kami dumaan. Pupunta yata kami sa backstage.

Tahimik lang kaming naglalakad nang makita ko ang garden sa kanan ko.

Ang gaganda ng mga bulaklak. Sobrang fresh nila. Iba't-ibang uri at kulay ng bulaklak ang nakikita ko.

Pero namangha talaga ako nang may makita akong sunflower. Favorite ko kasi ang yellow tapos favorite ko pang flower ang sunflower.

Nakakatuwa. Pinapalibutan sila ng mga paru-paro.

Inalis ko ang tingin ko do'n at sa kaliwa naman ako tumingin. I can't imagine na  may makikita akong ganito dito.

Three storey building na mall. Sobrang taas! Tiningnan ko ito from bottom to top. At sa rooftop ay may nakita akong tao.

Babae. Gray ang buhok at yellowish ang mga mata.

Ano kayang ginagawa nya do'n?

"Ms. Knight? What are you looking up there?" Nai-alis ko ang tingin ko do'n at nabaling kay kuyang driver.

"Ahh, kasi kuya may nakita akong babae do'n sa rooftop. Gray ang buhok tsaka yellowish ang mata. Kilala mo ba 'yon kuya?" Tanong ko.

"Ahh. She's the leader of the Beta Class. Favorite spot nya 'yang rooftop ng mall kasi kitang kita ang tanawin."

"Ahh. Sige po kuya. Tuloy na po kayo sa paglalakad."

Tumango lang si kuyang driver tsaka nagsimula na ulit maglakad.

Noon ko lang napansin na buhat nya pala ang maleta ko at 'yung isa ko pang maliit na bag.

Dumiretso lang kami sa paglakad. Ngayon ay nandito na kami sa backstage.

May puting malaking pader dito ngayon sa harap namin.

"Kuya? Sa'n po ba tayo pupunta? Pader na po ito oh!" Itinuro ko pa ang puting pader sa harap namin.

"No, Ms. Knight. Office 'yang itinuturo mo. 'Yang malaking pader na itinuturo mo ay ang ang office ni Mr. Ricafort."

Wtf!? Kelan pa naging office ang pader?

"O-office? How come?"

Binitawan ni kuyang driver ang maleta ko na dala nya saka dahan dahang itinulak ang pader.

Pero hindi naman bumukas.

"O ano? Kuyang driver hindi naman yata office 'yan e. Niloloko mo lang yata ako e." Pang-aasar ko.

Tiningnan ako ni kuyang driver saka kinuha ang cellphone nya sa bulsa nya. Nagpipindot sya saglit saka inilagay sa tainga nya ang cellphone.

"Ahh, yes sir. Ms. Knight is already here. Yes sir. In front of your office sir." Tumatango-tango pang sabi ni kuyang driver.

Ilang segundo pa kaming naghintay at napansin naming unti-unting umaangat ang puting pader.

Ang cool! Parang hidden place pala ang office ng Mr. Ricafort na sinasabi nila.

"Oh, Ms. Knight, pumasok ka na sa loob. Kakausapin ka muna ni Mr. Ricafort bago kita ihatid sa dorm mo."

"Ahh, sige po, kuyang driver. Salamat!"

Ngumiti ako sa kanya saka pumasok sa loob.

Nakita ko si Mr. Ricafort na prenteng nakaupo sa swivel chair. Nakatalikod sya sakin pero alam kong sya 'yon.

"Ahm, sir?"

Nagitla pa ako dahil sa biglaan nyang pagharap.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Nginitian nya ako pabalik. "Oh, so you're Patricia Zachary Knight?"

"Ahh, yes sir."

"The daughter of Fatima Knight." Tuma-tango pang sabi nya.

"Ahh, yes sir."

"Hmm. You look good in your uniform."

"Thank you, sir."

"Okay, Ms. Knight patingin ako ng ilalim ng uniform mo."

Lumapit naman ako kay sir. Itinaas nya lang 'yung laylayan ng uniform ko.

And to my surprise, may nakasulat na A-B-G do'n. Kulay blue ang G, kulay yellow ang B at kulay red ang A.

May kinuha si Mr. Ricafort na kung anong gamit sa kanyang drawer saka itinapat sa uniform ko.

Parang inii-scan lang.

And then tumunog 'yong gamit na 'yon tapos pagtingin ko sa laylayan ng uniform ko, wala ng kulay ang letter B at G. Plain na white nalang sya. Habang ang A naman ay lalong naging red.

"Congratulations Ms. Knight you're now legally part of Alpha Family. You may proceed to the stage for your I.d."

At may kinuha ulit sya sa drawer nya.

Kind of some papers.... again...

"This is your schedule. Nakalagay dyan ang room number nyo ng Alpha at ang floor nyo."

Kinuha ko naman 'yon at yumuko tanda ng pasasalamat.

"You may go."

Tumango ako sa principal at dali-daling lumabas. Nakita ko si kuyang driver na naghi-hintay pa rin.

"Ahm, kuya? Ako nalang po ang magdadala ng gamit ko sa dorm. Pupunta po kasi ako sa stage para sa I.d ko."

"No. Dadalhin ko nalang ang gamit mo sa dorm mo and then magtanong-tanong ka nalang kung saan ang daan pabalik."

"Okay po. Una na po ako."

Sabi ko at tumakbo pabalik sa stage.

Paglabas ko palang sa backstage ay napakaraming estudyante ang nakapila.

Tatlo ang photographer. By family. Sa unang photographer ay ang mga Gamma. Sa pangalawang photographer ay ang mga Beta. At sa pangatlo naman ay ang mga Alpha.

Naglakad ako papunta sa ikatlong photographer. Pagod na kasi ako tumakbo e.

Habang naglalakad ako ay kapansin-pansin ang tingin sakin ng mga estudyante.

Ngayon lang ba sila nakakita ng estudyante na pula ang mata at buhok? May kulay din naman ang kanila ah?

(A / N : Just to remind you... highlights lang po ang kulay red sa buhok ni Patricia. Hindi po 'yung buong buhok nya ang may kulay.)

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso nalang ako sa pila. Pito na ang nakapila sa Alpha Family. Tatlong babae at apat na lalaki.

'Pag dumagdag ako, magiging walo na. Bakit gano'n? Bakit kaunti lang ang member ng Alpha?

・・・

Minutes later, turn ko na. Agad akong tumapat sa camera.

"Okay miss, please smile. Ang panget naman 'pag naka poker face ka sa I.d mo."

Agad naman akong tumingin sa camera at ngumiti.

"Okay... One, Two, Three..."

*Click*

"Okay, wait for a moment miss."

Hindi naman ako umimik at nag-antay nalang.

"Miss, what is your nickname?" Nangunot naman ang noo ko.

"Hindi pa ba sapat ang pangalan ko?" Umiling-iling sya.

"C'mon. Kahit anong pangalan na gusto mong itawag nila sayo."

Tumingin ako sa itaas. Ahmm... ano bang magandang nickname?

"Ahm, Tricia?"

"Tricia? Nice nickname."

Ngumiti ako sa kanya. "Oh, ayan na Tricia. You're registered as one of the students of Morrison High."

Agad kong kinuha ang I.d na iniaabot nya sakin saka sinuot ito at nagpasalamat.

Pag-alis ko do'n, dumiretso ako sa 'GIRLS DORMITORY'.

...

Nasa harap na ako ng building ngayon. Tinanaw ko ang three storey building na 'to at bigla nalang napaisip.

Sa'n ba ang room ng mga alpha?

Aha! Nakasulat 'yon sa papel na ibinigay sakin kanina mi Mr. Ricafort.

Inilabas ko ang papel mula sa bulsa ko.

This is my schedule. Sa baba ng schedule ay nakasulat ang Third Floor, Room 306... Alpha Member

And so on..

Agad akong pumasok sa loob ng building at sumakay sa elevator.

May kasabay akong lalaki na blue ang buhok. Hindi ko kita kung anong mata nya dahil bahagya syang nakatalikod sakin.

Pero teka... akala ko ba bawal ang lalaki sa girls dormitory? Bading ba 'to or what? Nagpapanggap lang ba syang lalaki or lalaki talaga?

Aishh! Ewan. Hayaan na nga.

Bumukas ang pinto ng elevator. Nasa second floor pa lang kami. Akala ko bababa na sya pero nagkamali ako.

So ibig sabihin.. sa third floor din sya?

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay lumabas agad ako.

Nandito ako sa tapat ng room 306. Kakatok na sana ako pero nakita ko 'yung lalaki na papunta sa direksyon ko.

No! Sa pinto pala. May itinype sya sa keyboard ng pinto at agad na bumukas iyon.

Pumasok ako agad at hinanap kung saan ang kwarto ko. Apat kasi ang pinto dito.

Tiningnan ko ang unang pinto.

Okay. Hindi 'to saken.

Sunod naman ay sa pangalawang pinto.

Okay. Hindi din 'to saken.

Patatlo na.

I feel relieved nang makita ko ang gamit ko doon.

Muli kong sinulyapan ng tingin ang lalaki ngunit walang imik lang itong nagpapagala-gala sa sa buong dorm na animo'y may hinahanap.

"Ahh, Mister? Bakit ka nandito sa dorm ng girls?" Kahit gusto kong manahimik ay hindi ko nagawa.

He look at me and speak. "Your roommate ask me to look for something." He said coldly.

O...kay?

"Hmm. 'Kay." Tipid na sagot ko saka iniwan sya sa labas at pumasok na sa loob ng kwarto.

Wala na akong ibang inintindi at nahiga nalang ako.

Hindi ko na nagawang makapagbihis dahil sa pagod.

Maya-maya ay may narinig akong malakas na tunog.

'Yung lalaki nga pala. Umalis na pala. Ibinagsak pa pinto!

Umirap ako sa hangin saka pumikit. Hayyy.

Bukas, simula na ng pagpasok ko.

***

A / N : So 'yonn guysss!!! Chapter four?✔🎉

Sa wakas! Nakarating na rin si Tricia sa Morrison High!

The next chapter will be her second day there!

Lovelots!🔥

Vote • Comment

Continue Reading

You'll Also Like

237K 35.2K 20
လက်တွေ့ဘဝနှင့် နီးစပ်ချင်ယောင်ဆောင်ခြင်း
176K 10.8K 49
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
1.6M 111K 26
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
61.8K 6.1K 120
A story following a young hunter named Jay. He has grown up in a world where dungeons, monsters, and humans with leveling systems are a cultural norm...