She's The Billionaire's Obses...

Від RainMaxxx

125K 4K 218

Every moment of her life is like a mystery,like a puzzle piece, magugulo ang dati nang magulong buhay ni heav... Більше

Prologue
Fall Chapter 1
Fall Chapter 2
Fall Chapter 3
Fall Chapter 5
Fall Chapter 6
Fall Chapter 7
Fall Chapter 8
Fall Chapter 9
Fall Chapter 10
AUTHOR'S NOTE
Fall Chapter 11
Fall Chapter 12
Fall chapter 13
Fall Chapter 14
Fall Chapter 15
Fall Chapter 16
Fall Chapter 17
Fall Chapter 18
Fall Chapter 19
Fall Chapter 20
Fall Chapter 21
Fall Chapter 22
Fall Chapter 23
Fall Chapter 24
Fall Chapter 25
Fall Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Author's Note

Fall Chapter 4

4.5K 227 26
Від RainMaxxx

dedicated po ito sa mga taong pang palipas sakit ang alak hindi na nga nakakalimot pinapatay pa ang liver mag liver boy para maging liver lover babush hmp

******

Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Flor. Binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa pagpunta sa pool side. Ramdam ko agad ang tingin na iyon. Ano ba talaga ang pakiramdam na yun? Bakit lagi kong nararamdaman 'to lalo na kapag nasa pool side ako?

Pinilig ko ang ulo at hinubad ang jacket. Nagtungo ako sa hagdan ng pool at kinakabahang umupo roon para maibabad muna ang mga paa ko. Malamig ang tubig sa pool kaya kahit papaano ay nagising ang diwa ko. Napalunok ako habang dinadama ang lamig ng tubig. Dahil sa hang over ko ay hindi naapektohan ng lamig nang hangin ang katawan ko.

This is my first time to wear some revealing clothes and I don't feel comfortable by it, pero mabuti na lang ay walang tao sa pool side kaya nakakakilos ako ng maayos nang hindi ako naiilang. Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa grass field na siyang nakapalibot sa pool side habang winawagayway ko ang dalawang paa ko sa ilalim ng tubig. Kaya ko naman pala magsuot ng ganito, kapag wala nga lang tao.

Napatingin ako sa buong paligid. Napako ang tingin ko sa open door papasok sa pool side. Slide door iyon na may kurtinang puti sa dining area patungo sa pool side. Parang may tao akong nakita na nakatayo roon. Hindi ko alam kung namamalik-mata lamang ako dahil mabilis din iyong nawala nang kumurap ako.

Napa-ayos ako sa mag-upo at halos magdikit na ang kilay ko sa pagkalito. Akmang tatayo ako para pumasok sa dining area nang tumunog ang cellphone na nilagay ko sa tabi ko. Wrong timing naman ng call, kung kailan naman nasa baba lang ako at ang lalaking yun saka naman may tatawag. Kunot-nuo na sinagot ko ang tawag, without giving to much attention on the caller.

"Bee, wanna hang out tonight?!" excited na bungad ng caller, rinig ko pa kung paano pumalakpak ang kamay niya, at parang tumatalon pa.

Nagtatakang tinignan ko ang caller sa phone ko, Cyrene name was flash on the screen. Ano na naman kaya ang dahilan ng pagiging hyper niya?

"Anong mayroon, Cy?"

"Omg, girl. Huli ka na naman sa balita. May group chat naman kasi hindi ka nagbabasa. So ito na nga, girl. I got promote so everyone want a celebration, so are you in?"

Napa-isip ako sa sinabi niya. Maybe hanging out tonight isn't bad idea after what happened last night. Isa pa kailangan ko rin maka-usap si Joshua at kuya Justine about what happened last night. I can't remember anything. Ang tanong, papayagan kaya ako?

After what happened, I don't think so. Nakagat ko ang lower lip ko.

"Cy, I don't know. Um, I just call you, anyway, congratulation about promotion. You deserve it," malamyang sabi ko.

"Bee naman, why naman ganyan? Why so gloomy? Anyway, thanks. But I'm expecting a yes. I want to iyak na girl, this is supposed to be our reunion na rin but looks like hindi naman kami important sayo," madramang turan nito na parang ginagaya ang tono ng pananalita nang isang artista.

"Ang pangit pakinggan, girl. 'Wag madrama. Isa pa, magwawalwal ka na naman, parang hindi ka na nadala noong nabastos at muntik na tayong madala sa motel."

It's true buti na lang may mabait na gwapong nilalang ang nagligtas samin, ang kaso it turn out na isa din palang manyakis ang hinayupak, humingi sya ng kapalit buti na lang at nasa wisyo pa ako at nagamit ko ang pagiging taekwondo player ko before.

"Hey! Hey! Where's the fun? We will celebrate and go out to have fun, girl! Come on... Hindi lang naman tayong dalawa ang magba-bar. Don't worry kasama naman natin ang buong tropa," she said, trying to convince me.

Napabuntong-hininga ako, handa na akong magdesisyon pero naudlot nang marinig ko ang ingay mula sa loob ng bahay. Parang may nabasag na gamit, at sa lakas nito ay parang sinadyang basagin. Napatayo ako at sandaling nagpaalam kay Cyrene, umangal pa ito nung una pero pinaliwanag ko ang nangyayari. Kinuha ko ang jacket at sinuot ito habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.

Pinagbabawal ang makabasag ng gamit sa mansiyon, kahit mamantyihan ang mga kurtina at sofa ay bawal kaya nakapagtataka kung sino ang may lakas na loob na magbasag ng gamit gayong mahigpit iyong ipinagbabawal. Naikuyom ko ang kamao ko kasabay nang paghigpit ng pagkakahawak ko sa cellphone ko.

Nakapasok ako sa dining nang walang kahit anong ingay. Naglakad ako palabas ng dining at dumiretso sa kitchen na katabi lang ng dining area. Maingat ang mga naging lakad ko. Pagkapasok ko sa kusina ay wala akong nakitang tao.

"Manang?" mahinang pagtawag ko.

May isang malaking mesa na cabinet ang ilalim nito, doon inilalagay ang ilan sa mga kagamitan sa kusina. Biglang sulpot si Manang habang balot ng plastik ang kaniyang dalawang kamay. Gulat itong nakatingin sa akin, nanlalaki ang mga mata at parang nakakita ng multo.

"Ano po ang nangyari? May maitutulong po ba ako?" nag-aalalang tanong ko at akmang lalapit.

"Wala!" tumaas ang tono ng boses ni manang sabay harap sa akin na para bang may itinatago sa likuran niya. "Kami na ang bahala rito. Doon ka na lamang sa pool side," masungit na tugtong nito.

Nagdadalawang-isip na tumango ako habang hinahampas nang kanang kamay ko ang likuran ng kaliwang kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi bago pilit na ngumiti. Tumalikod ako at marahang naglakad paalis. Gusto kong malaman ang nangyari pero paano?

All this time I'm still clueless. Kapag hindi ako nakatiis ay talagang gagawa na ako ng paraan para maka-usap si mama. Kay mama nagsimula ang lahat kaya si mama lang ang tatapos nito, siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Kung wala lang akong respeto sa kay mama ay una pa lang ay hindi na ako papayag na tumira dito.

Napahinto ako nang makarating ako sa dining area. Naalala ko na kailangan ko palang magpaalam kay manang para makasama ako sa celebrition ni Cyrene. Naglakad ulit ako pabalik, but this time more careful at pinapakinggan ko ang nangyayari sa loob ng kusina. I stopped in front of the jamp as I stay there to eardrove from inside. May kausap si Manang, maingat at mababang boses ang gamit nila.

"Hindi ka ba naaawa sa bata?" turan ni Nanay Ella.

"Naaawa, kahit sino naman siguro pero wala tayong magagawa. Ella, pigilan mo ang sarili mo, mga tauhan tayo rito hindi tayo dapat nakikielam sa gulo ng pamilya nila. Gulo nila 'to dapat sila rin ang dapat na mag-ayos nito," nangangaral na sagot ni manang.

"Pero paano ang mag-asawa. Ganito na lamang ba sila? Wala ba tayong puweding gawin?"

"Sa ngayon, isa lang ang boss natin at siya lang ang dapat na sundin natin. Naiitindihan mo ba, Ella?!"

Hindi ko na narinig ang sagot ni Nanay Ella, marahil ay tumango na lamang ito at piniling huwag ng magsalita. Sandali akong napatulala sa kisame. Gulo ng pamilya? Sinong pamilya ang tinutukoy nila? Sinong bata ang dapat kaawaan?

Pareho kaming napaigtad ni Manang nang lumabas siya at nakita ako na nakatayo sa hamba ng kusina. Napasigaw si manang sabay mura.

"Ano bang ginagawa mo diyan?" masungit na tanong nito.

"Um, magpapaalam po sana ako. May reunion po kaming magkakaibigan. Kaya sana po payagan niyo akong umalis," marahan at maingat na sabi ko.

"Oh, siya, sigi. Baka tumakas ka na naman kapag hindi kita pinayagan." Tumalikod na ito at hindi na hinintay ang sagot ko.

Lumabas si Nanay Ella at nadatnan akong nakatanaw kay Manang. Ngumiti ito, ngunit may kasamang pagod, awa at lungkot sa ngiti nito. Walang pasabing sumunod si Nanang Ella kay Manang. Matamlay na tumalikod ako at bumalik na sa pool side. Galit si Manang sa akin pero mas matamlay ang pakiramdam ko dahil ang dami na namang tanong sa isip ko na hindi na naman masasagot.

Bumalik ako sa dating puwesto ko at hinubad ulit ang jacket, itinabi ko iyon sa gilid ng pool as I dialed Cyrene's number. Sumagot naman agad ito pagtapos ng ilang rings. Tanong agad ang bungad nito.

"So what happened, girl? Okay na ba ang happening sa house mo? It there anything na maitutulong ko?"

"Wala, girl. Okay na. Saka puwede ba tigilan mo 'yang taglish, speaking mo. Kakaumay, girl."

"You're so arte naman, girl."

"Ewan ko sayo, mamaya pala sasama ako," mahinag turan ko pero may ngiti sa labi. "Okay, okay! I'll gonna prepare now, I'm so excited na to see them, I miss them na rin e!" masayang sabi ko.

Nakagat ko ang labi ko sa kaba. Wala pa silang alam sa nangyayari sa akin at hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba. Paano naman nila maiitindihan ang mga nangyayari kung ako nga e nagugulahan din, siguradong babarilin nila ako ng maraming tanong na hindi ko naman alam ang sagot.

Paano ako makakatakas sa tanong nila kung sakali? Paano yung mga guards? Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila. I don't know what to do. I already disrespect manang yesterday as a parent in this house kaya wala na akong lakas ng loob na gawin pa iyon sa mga bodyguards. Hindi ko naman ginusto ang nangyari, pero ginawa ko pa rin and kahit saan anggulo tignan mali ako.

"So, sila lang ang miss mo?! Ganun?!" pagtataray na turan nito. Nakataas na naman ang isang kilay nito for sure.

"Of course not, hindi naman sa ganun, bee... pero lagi ko kasing nakikita ang muka mo at sila halos bilang lang sa kamay sa isang taon kung makita ko sila, okay? Kaya excited na ako."

"Yeah, yeah, whatever mag-prepare na rin ako. We pick you up around 6:30, girl. So be ready!" Cyrene hang up the phone immediately after bedding goodbye.

Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa dulong parte ng pool. Parang may kung sinong nagsasabi sa utak ko lumangoy ako. The water is tempting me. Hindi mainit sa pool side dahil sa mga puno na nakapaligid sa bahay. Sa laki ng mga puno ay nasasakop ng mga sanga nito ang pagpayong sa pool side.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at humawak sa stainless na hawakan sa hagdan ng pool. Takot ako sa malalim na tubig at hindi ko alam kung bakit. Nakakaramdam lang ako ng takot pero hindi ko alam ang pinanggalingan. Kinakabahan akong bumaba sa bawat baitang ng hagdan sa pool. Lagpas bewang ko na ang tubig at sa tingin ko ay hanggang leeg ang lalim ng pool.

"Heaven, kumain na. Baka malipasan ka pa ng gutom," turan ni Manang. Bigla na lamang itong sumulpot.

Gulat na napalingon ako sa gawi ni Manang. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagsulpot ni Manang. Napalunok muna ako bago marahang tumango bilang sagot. Seryosong tumango si Manang at tinalikuran ako.

Napahawak ako sa dibdib ko at nanghihina na napaupo. Hindi sinasadyang kamuntikan ko ng malunok ang tubig sa pool dahil umabot hanggang ilong ko ang tubig nang umupo ako. Nauubong tumayo ako at umakyat. Napahiga ako sa mataas na baitang ng hagdan habang umuubo. Nararamdaman ko ang tubig sa buong katawan ko habang nakahiga.

Ang malas naman. Kadiri naman, baka mamaya ay hindi pa pala nalilinis ang pool tapos kamuntikan ko ng mainum kadiri. Nandiri na bumangon ako habang nakatingin ako sa katawan ko at nakakurot ang isang kamay ko sa ilong ko. Kainis naman, ito ba ang kabayaran sa ginawa ko kagabi?

HAPON na kaya nasa sala na ako habang nakaupo at naghihintay sa sundo ko. Biglang pumasok ulit sa isip ko na may mga bodyguard nga pala ako at hindi alam nila Cyrene ang tungkol doon. Nasisira ang mood ko kapag naiisip ko iyon. Ang alam lang ni Cyrene ay lumipat lang ako ng bahay. Paano bang gagawin ko?

Napatayo ako nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Cyrene. I wore a simple sexy fitted dress, plain black dress lang iyon, pero backless. Pinarisan ko iyon ng black high heels. Nakita ko si manang na palabas ng dining kaya nagpaalam ako. I try to convince her na huwag na isama sa akin ang mga bodyguard dahil hindi naman ako tatakas pero hindi ito pumayag at sinabing tanging sa malayo lang magbabantay ang mga bodyguards, at hindi magpapakita sa mga kaibigan ko. I think it's better than before.

Nanatili si manang sa harap ng double door at hinatid lang ako ng tingin. For the last time I felt someone staring again at me. Sa limang buwan kong pananatili dito, I did my best para malaman ang lahat, at paunti-unti may mga conclusion ng nabubuo sa isipan ko pero conclusion lamang iyon at sa tingin ko ay hanggang doon na lamang iyon sa ngayon.

Bago ako makalabas ng tuluyan sa gate ay tumingin muli ako sa bahay. Hindi kita mula rito ang veranda ng lalaki pero may malapit na veranda na tanaw mula rito, ang veranda kung saan tumalon ang lalaking nakita ko ilang buwan na ang nakalipas. Hindi ko alam kung namamalik-mata ako dahil nakita ko ang isang lalaki na nakasilip na naman sa veranda na iyonat hinahatid ako ng tingin. Tanaw mula rito ang veranda na iyon dahil hindi straight structure ang pagkakagawa sa bahay lalo na kung ang gate ang center ng angle ang pagbabasihan dahil naka-side view ang bahay ng kaunti.

Nakagat ko ang labi ko as I try to ignored the man and walked away. When I entered the car Cyrene just looked at me weirdly as I something is not right on me. I just ignored Cyrene and stayed silent. I can't help but to asked myself about this stupid heart every time na magtatama ang tingin namin.

Sa limang buwan na pananatili ko rito ay ni minsan hindi ko pa siya nakausap. I already saw him multiple times pero hanggang ngayon hindi pa rin malinaw ang buong muka niya sa isipan ko. Tanging mata lang niya ang pinanghahawakan ko dahil tuwing makikita ko ang bulto niya, ang mata niya, agad na naaagaw ang pansin ko.

"Hey, we're here, miss sexy!" mapang-asar na sabi sa akin ni Cyrene.

Natauhan ako at napalingon sa driver seat, bukas ang bintana pero sarado ang pinto niyon. Mukang masiyado akong preoccupied kaya hindi ko napansin na narito na kami maging ang paglabas ni Cyrene ay hindi ko napansin. Nagtatampong tingin ang ibinato ko kay Cyrene. Mang-aasar pa talaga gayong alam niyang ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito.

Dinudungaw niya ako mula sa bintanang nakabukas mula sa driver seat na nilabasan niya. Tinanaw ko ang bintana sa tabi ko, kung saan nakasarado ito. Tinted ang bintana kaya kampanti ako na walang makakita sa akin dito sa loob ng sasakyan. Nakita ko ang bar halatang kabubukas lang dahil kaunti pa lang ang tao.

Hindi naman ako na-trauma last time na pumunta kami ng bar medyo hindi lang ako kampanti ngayon. Kasama naman ang buong tropa at hindi nila kami papabayaan. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng sasakyan. Sumipol pa si Cyrene nang makababa ako, para bang may nakitang chics. Para siyang adik sa kanto dahil sa inaasta niya. Naiinis na tinapunan ko siya ng tingin.

Ang dami ko na ngang iniintindi mang-aasar pa siya. Ngumisi lang si Cyrene bilang sagot. Palihim na nagmasid ako sa paligid, nagdadasal na sana ay hindi sila magpakita sa mga kaibigan ko. Sana nagtatago ng maayos ang mga bodyguards. Ayoko magpaliwanag sa buong tropa na kay haba-haba. Pupurgahin nila ako sa tanong.

"Lets go! Cyrene, where are they?!" tanong ko at pinupulupot ko ang aking braso sa braso niya habang tinatahak namin ang hallway papasok sa mismong center ng bar. I'm a bit clingy when I am close to a person.

"Ang ilan, nasa loob na ang iba pa-vip pa. Darating din ang nga yun," pabirong sagot ni Cyrene.

I'm sure ang mga kaibigan naming mga lalaki na naman ang pa-VIP. Pa-VIP sila yung laging late, gusto laging hinihintay. Palagi naman nilang ginagawa yun kaya sanay na kami.

Magulo na ang lahat nang dumating kami. Almost six in the evening na rin, marami na ang sumasayaw sa dance floor, malakas na ang sound system na para bang magigiba na ang eardrums ko, malikot na rin ang mga ilaw na iba-iba ang kulay, to be true, ang masakit sa mata.

"Ayun! Nandoon sila! Let's go girl!" excited sigaw ni Cyrene.

Bago ko pa mahanap ang tinuturo niya ay hinila na niya ako at nagpahila na rin ako. Nakita namin ang tropa sa medyo tagong p'westo. Kaunti lang ang napapadaang mga customer sa gawing napili nila. Mukang may couple kaming kasama kaya siguro dito nila napiling umupo.

Isa-isa ko silang tinungo para makipagbeso at yumakap. Nag-I-inom na rin ang ilan. Gaya ng natural na bar, isang malaking round table na napapagitnaan ng sofa ang kinalalagyan namin. Nagpatuloy ang kwentohan ang iba habang ako ay natuon ang atensyon kay Kuya Justine, kung saan ko piniling tumabi. Isa siya sa pinakamalapit na kaibigan sa akin.

"How's life princess?!" malakas ang tono na tanong ni kuya para marinig ko ito.

"I'm good, mapapa-publish na ang isa sa mga story ko and nagiging maganda ang takbo ng business ko," halos pasigaw na sago ko at medyo lumapit sa kanya. I saw him smile and nodded.

"That's good to hear, you're improving." May naglalarong ngiti sa labi niya and I know what the meaning of his smile.

"Ow, no, kuya. By the way, how about you?!"

Bago pa masagot ni Kuya ang tanong ko ay hilahin na ako ni Cyrene sa dance floor. Nagulat pa ako noong una pero nagpahila na lang ako since time niya 'to. We are all here to celebrate her promotion.

Sumabay ako sa kanya at sumali sa pagsayaw. I am a party girl since... I can't remember. I how to dance and seduce a guy, especially in a bar, but I am still virgin. Seconds, minutes, and hours pass, I just dance it all. Sandaling nawala ang problema ko.

Umaalis si Cyrene sa puwesto namin para kumuha ng drinks. I don't know if it cause by the drink or I really do feel the stare again. Maybe I'm just drunk. I tried my best to ignore the stare and just enjoy the boys, I mean the night. This is what I called freedom. This is what I called the steps on how to forget problem and enjoy. Some people think, bar in the people is toxic, pariwara, little did they know, we just want to forget life, our problem, we just want to enjoy maybe in a wrong way but this is our way.

ILANG oras ang lumipas ay naramdaman ko na parang nalalasing na ako. I have a low tolerance with beverages. Tumigil ako sa pagsasayaw at nagpaalam kay Cyrene na magrerest room muna. Kanina pa kami sumasayaw at parang hindi man lang napapagod. I think I'm drunk. Arghh, my stomach, not here please...

Nagtungo ako sa restroom ng mga babae habang kumukuha ng suporta sa pader na nadadaanan ko. Gumigiwang na ang paningin ko. Naduwal ako kaya napahinto ako at sumandal sa wall, pero walang lumabas na pagkain o tubig man lang sa bibig ko. Saktong pag-angat ko ng tingin ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng restroom ng mga lalaki.

I know that guy. With his eyes, of course I will surely remember him. Natigil ang pagtitig ko sa kaniya nang biglang umikot ang paningin ko at sikmura ko kaya dali-dali akong nagtungo sa banyo na ilang hakbang na lang ang layo sa kinatatayuan ko. Pumasok ako sa banyo at hindi nag-abalang I-sarado ang pinto.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang presenya sa likod ko. I looked at the mirror pero blurry ang paningin ko. I felt a hand caressing my back, para bang pinapakalma nito ang pagsusuka ko. Hinayaan ko lang siya bago ako muling nasuka. Kumuha ako ng suporta sa lababo at pumikit habang kinakalma ang sarili. Maya-maya ay bumuti ang pakiramadam ko kaya naghilamos at nagmumog ako. I am a party girl pero I'm still not into beverages, sayaw at kasiyahan lang ang habol ko sa bar.

"You're drunk, hon," I heard a whisper from my back.

Nahihilo pa rin ako but I tried to looked at the mirror and there I saw a man behind me with his white long sleeve polo. He is also looking at me in the mirror. My heart skip a beat nang magtagpo ang mga mata namin sa salamin. Salamin pa lang iyon pero ganto na agad ang epekto ng mga mata niya sa akin. Lumunok ako para mabasan ang bigat sa dibdib ko.

Nanatili lang siyang nakaalalay sa akin the whole time. Nang magkalakas at umayos na ang sikmura ko ay humarap ako sa kaniya. Nakita ko kung paano siya mag-alala nang muntik na akong ma-out of balance dahil sa kalasing. Sino ba lalaki na 'to? Hindi kaya rapist 'to? Kidnapper? Hindi pala ako kid? Adultnapper? Walang ganoong word... aish.

Tinulungan niya akong tumayo ng maayos pero dahil sa kalasingan ay umasa ako ng lakas sa kaniya. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko habang hawak-hawak ng isa niyang kamay ang kanang siko ko. Magkaharap na kami ngayon, at ramdam ko ang katawan niya na nakadikit na sa akin.

"You're so drunk, hon. Let's go home, you're making me worry, babe," he said while looking straight into my eyes.

Nakita ko ang naglalarong ibat-ibang emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko mapangalanan. Anong pinagsasabi niya? Adik ba siya? Nada-drugs yata 'to. Nasa delikadong tao pala ako. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga pero hind I ko puwedeng iwan na lang basta si Cyrene. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Sa sobrang hilo ko ay naipatong ko ang ulo ko sa balikat ng lalaki.

"I'm not your fucking wife, mister," I mumbled and tried to looked at him.

Kusang yumakap ang dalawang braso ko sa bewang ko. Before the darkness ate me, I saw his smirked and whisper something on me. Inaantok na pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"You are my wife legally."

********

Fan fact:

Falling in love is like being on drugs.

That feeling of euphoria you get when you fall in love is the same feeling that drug users experience, according to one study published in The Journal of Sexual Medicine. Both actions trigger the release of happy hormones like dopamine, oxytocin, and adrenaline, giving you a natural high (that you hopefully never come down from).

oh guys mainlove na kayo kesa magdrugs parang ganun na rin yun kaso pag inlove emotionally ang pinapatay samantalang ang drugs eh mentally at physicall dun tayo sa isa maging loyal ka naman chour;)

Продовжити читання

Вам також сподобається

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...