Umupo si Kyrene sa tabi ni Yasmine, tumabi sakanya si Kenneth si Tricia sa kabilang dulo ng table.
"Kala ko hindi na talaga kayo sasabay eh." Sabi Zion.
"Hindi talaga yan sasabay. Doon sana yan kakain sa ilalim ng puno." Sabi naman ni Tricia. Iwas na iwas naman ang tingin ni Kyrene kay Khielve at ganun din si Khielve.
"I didn't expect too see you here Kyrene. How could you afford to sudy here?" Nagtinginan lahat kay Yasmine.
"I mean,... I'm sorry Kyrene I didn't mean to offend you--
"Si Donya Clara, siya ang nag bigay sakin ng scholarship." Putol ni Kyrene sa sasabihin ni Yasmine.
"Oh I see! She's really good. And you're lucky."
"Oo" Simpleng sagot ni Kyrene.
"Sige na order na kayo ng food." Sabi ni Tricia.
"Ako na oorder, ano gusto niyo? Sayo Kyrene ano gusto mo?" Tanong ni Zion.
"Hindi na, may baon ako." Sagot niya.
"Sainyo?" Sinabi ng iba yung gusto nila.
"Sayo Kenneth?" Tanong ni Zion.
"Hindi na share kami ni Kyrene sa baon niya. Drinks nalang samin. " Sabi ni Kenneth, napatingin si Khielve sa sinabi ni Kenneth.
"Ang sweet naman." Sabi ni Yasmine at ngumiti.
"Labas mo na Kyrene ang baon mo, gutom na ako eh." Sabi ni Kenneth.
"Oo na! Hindi ka naman niyan excited ah?" Nilabas ni Kyrene ang baon niya. Bumili naman na sila Zion ng pagkain.
Dalawang tupper ware ang nilabas ni Kyrene, yung isa kanin ang laman, ang isa naman ulam.
Binuksan ni Kenneth ang tupper ware.
"Sandali kukuha lang ako ng plato." Tumayo si Kenneth para kumuha ng plato at bumalik din agad.
"Antayin mo muna sila Zion, para sabay-sabay tayong kumain." Sabi ni Kyrene. Mga ilang sandali lang dumating si Zion at Simon dala ang pagkain.
Nagsimula silang kumain lahat.
"Umm lalong sumarap luto mo Kyrene ah." Sabi ni Kenneth.
"ahahaha!" Natawa si Kyrene na medyo napalakas. Kaya Nagtinginan sakanya.
"Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ni Kenneth.
"Kasi nagsisinungaling ka." Natatawa parin si Kyrene.
"Hindi ah! Totoo kaya."
"Tss.. eh yan din yung baon ko kahapon eh! Ininit ko lang, hindi ako nagluto. Ahaha! Bolero ka eh."
"Ganun ba ahaha! Pero totoo sumarap para sakin."
"Kahit panis ata ipakain sayo ni Kyrene sasabihin mong masarap eh." Sabi ni Simon.
Napatingin sila kay Khielve ng medyo napalakas nito ang pag lapag ng baso. Pero pinagpatuloy lang nito ang pagkain.
"Ano Kyrene, saan mas masarap kumain sa cafeteria o sa ilalim ng puno?" Tanong ni Tricia. Sinabi kasi ni Kyrene dito na dun sila kumakain ni Kenneth.
"Parehas lang." Sabi ni Kyrene na napangiti.
"Alam mo Kyrene nag aalala ako eh!" Sabi ni Kenneth.
"Bakit?" Seryosong tanong ni Kyrene.
"Kasi sa sarap mong magluto, baka mawala ang abs ko."
"Ahaha! Okay lang yun, daanin mo nalang sa mukha." Sagot ni Kyrene.
Nakikinig lang si Khielve pero naiirita na to, nakayuko lang ito sa pagkain.
"Fashion design ang course mo Kyrene?" Tanong ni Yasmine.
"Oo"
"Same building lang pala tayo, sa 3rd floor ako. Hindi ka ba nahihirapan?" Yasmine asks.
"Hindi yan nahihirapan ate Yasmine, ang galing kaya niyan. Believe sakanya ang mga prof. Namin." Si Jelian ang sumagot.
"That's good to hear." Ngumiti sakanya si Yasmine.
"San ka nga pala Kyrene nakatira dito?" Tanong ni Simon.
"Huh? Ano."
"Sa tita niya, doon siya tumutuloy." Si Kenneth ang sumagot.
"Wag mong sabihin nakapunta kana dun." Sabi ni Simon kay Kenneth. Nagkibit balikat lang ito.
Tumayo bigla si Khielve.
"Khielve saan ka pupunta?" Tanong ni Yasmine.
"C.R lang." Sagot nito at umalis na. Natapos na rin kumain ang lahat.
"Tara na, hahatid na kita Kyrene." Aya ni Kenneth.
"Sabay na ako sainyo." Sabi ni Jelian.
"Sabay-sabay na tayo. Wala pa si Khielve." Sabi ni Simon.
"Ako nalang mag aantay sakanya." Sabi ni Yasmine.
"Okay" Tumayo na silang lahat, nauna nang naglakad palabas ang iba.
Nahuli si Kyrene dahil inayos pa niya ang baon niya, inantay naman siya ni Kenneth tsaka umalis na rin.
Napatingin si Yasmine sa upuan ni Kyrene. May naiwan si Kyrene, kinuha ni Yasmine at nilingon si Kyrene, pero wala na ito nakaalis.
Hinawak ni Yasmine ang tali at inangat, pinag masdan niya ito.
"Gumagamit siya ng ganitong keychain." Anas ni Yasmine.
"Yasmine!" Napalingon siya sa tumawag sakanya. Si Khielve na seryosong naka tingin sakanya.
"Khielve nauna na silang umalis, inantay lang kita. Sabay na tayo." Lumapit si Khielve kay Yasmine at naghila ng upuan.
Umupo ito paharap kay Yasmine. Nagulat naman si Yasmine sa ginawa nito. Kinuha ni Khielve ang kamay ni Yasmine na may hawak na key chain.
"Sayo to?"
"Huh!? Ano kasi--
"Ikaw si butiki?"
"What?" She asks, confused.
"Ako to! Si bungal, Ako yung batang nagbigay sayo nito, nung mga bata pa tayo. Sa hacienda." Nakangiting sabi ni Khielve.
Naguguluhan si Yasmine pero mukhang alam na niya ang ibig sabihin nito. Si Kyrene at si Khielve ang mga batang nagkakilala at ngayon napagkamalan siya dahil sa keychain. Hindi naman malayong mangyari dahil taga doon naman siya.
"Nilagyan mo talaga ng letter B, hindi ako makapaniwala na ikaw yung batang payatot, hindi ka na talaga mukhang butiki ngayon." Alanganin ngumiti si Yasmine. Nagulat pa siya ng yakapin siya ni Khielve.
"I'm happy to see you again butiki." Sabi ni Khielve habang nakayakap kay Yasmine.
Napangiti si Yasmine at tinignan ang keychain.
I'm sorry Kyrene! But I'll take your place. - sa isip ni Yasmine. Niyakap din nito si Khielve.
"Ako din, I'm so happy to see you again." Kumalas ng yakap si Khielve. Nginitian niya ito.
"Halika na, hatid na kita butiki." Nakangiting sabi ni Khielve.
"Khielve pwedeng B nalang tawagan natin, instead na Butiki at Bungal. Malayo na itsura natin eh."
"Okay! B." Napangiti ng husto si Yasmine.
Tumayo na sila pero nagulat ang dalawa ng makita si Kyrene nakatayo sa hindi kalayuan. Nasa likod din nito si Kenneth. Napadiin naman ang pagkakahawak ni Yasmine sa keychain.
Naglakad ang dalawa pasalubong kay Kyrene. Nilagpasan nila ito.
Parang nangatog naman ang tuhod ni Kyrene ng makita ang yakapan ng dalawa, bumalik siya ng Cafeteria pero pagpasok niya at ng papalapit na siya sa table nila kitang kita niya nang yakapin ni Khielve si Yasmine.
Napahinto siya, nilagpasan siya ng dalawa na inaalalayan pa ni Khielve si Yasmine, hawak nito sa may siko. Hindi siya makakilos.
"Kyrene!" Hinawakan siya ni Kenneth sa balikat niya.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa table at umupo. Ang bigat-bigat sa pakiramdam niya. Bigla nalang tumulo ang luha niya. Umupo si Kenneth sa tabi niya na tinitignan lang siya. Dali-dali niyang pinunas ang luha niya.
"Asan na kaya yun, wala ata dito yung... yung key chain Kenneth." Pumiyok ang boses niya.
Palinga-linga siya. Pero gusto lang niyang patayin yung nararamdaman niyang bigat at sakit.
"Kailangan kong mahanap yun, tulungan mo ako Kenneth hanapin." Patuloy niya.
"Kyrene!" Hinawakan siya ni Kenneth sa braso.
"Kenneth importante kasi yun kaya kaila--
"Kyrene" Biglang hinawakan ni Kenneth ang dalawang balikat niya. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha niya.
"Kyrene" Mahinang sambit ni Kenneth at niyakap niya si Kyrene.
Masyado siyang naaawa kay Kyrene, alam nito kung gaano kabigat ang pinag dadaan nito. Malayo pa ito sa pamilya niya.
"Tahanan na Kyrene, kung nasasaktan ka pwede mong sabihin sakin, kaibigan mo ako diba?" Sabi ni Kenneth habang hinahaplos ang likod nito.
"Kenneth!... Nasasaktan ako Kenneth, ang sakit sakit pala ng ganito." Tulo ng tulo ang luha niya habang sinasabi niya ang mga ito. Pinagtitinginan na sila ng tao sa cafeteria.
"Let's go somewhere, where can we talk privately." Kumalas si Kenneth sa pagkakayakap. Hinawakan nito ang mukha niya at pinunasan ang pisngi na basa ng luha.
"Let's go!" Tumayo naman si Kyrene at inakbayan siya ni Kenneth. Lumabas sila ng Cafeteria.
Pumunta sila ng garden at umupo sa isang bench. Hinarap ni Kenneth si Kyrene.
"Ngayon Kyrene, pwede mo bang sabihin sakin kung anong nangyari sainyo ni Khielve?" Sabi ni Kenneth.
"Hindi ko alam Kenneth kung bakit nagkaganun siya, pero nung birthday niya, nagkita kami nun sa garden. Alam mo bang sasagutin ko na siya nun. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Sabi niya, bakit daw ako nag paligaw sa kanya kung ikaw naman ang man of my dream ko, akala daw niya iba ako sa iba. Wala daw akong....." tumulo na naman ang mga luha ni Kyrene.
Hinawakan ni Kenneth ang kamay niya. Huminga ng malalim si Kyrene bago siya nag salita uli.
"Wala daw akong pinagkaiba sa mga..... bitch na mga babae." Humagugol ng tuluyun si Kyrene. Niyakap siya ni Kenneth.
"Gago siya!" Sabi ni Kenneth na bakas ang galit sa boses.
Hindi na sinabi ni Kyrene ang ginawang paghalik nito. Yung iba lang ang sinabi niya. Kumalas ng yakap si Kenneth at hinawakan ang mukha niya. Tumingin ito sa mata ni Kyrene.
"Tahan na! Wag mo na siyang iyakan. He doesn't deserve your tears, he doesn't deserve you and you don't deserve him. You deserve someone better Kyrene, a person who'll cherish you, who'll love you whatever happen, a person who'll protect you." Niyakap niya uli ito.
"Salamat Kenneth, salamat nandiyan ka."
"I'll always be here Kyrene. from now on."
***
San Jaoquin General Hospital:
"Doc kailangan lang namin malaman kung sino-sino ang nanganak nung July 20, 1996, o kung sino ang nawalan ng anak dahil sa sunog." Sabi ni Tatay Benito, ang director na ng hospital ang kausap nila.
May kasama din silang pulis na nagimbistiga sa sunog noon. dahil alam nilang hindi sila makakakuha ng information kung sila lang, humingi sila ng tulong kay Donya Clara, dahil marami itong koneksyon nakahingi sila ng request para makakuha ng impormasyon sa hospital sa tulong na rin ni Mayor Ruiz.
"Malaki ang sunog na nangyari sa nursery noon, doon kasi nagmula ang sunog. It caused due to a short circuit. May tatlong batang namatay sa sunog. Anak ni Mrs Ferrer anak ni Mrs. Sarte, and Mrs. Brizalde. Ayun dito sa record 5 lang ang nanganak nung july 20, 1996. Pero may mga bata pang kasama na pinanganak ng ibang araw doon."
"Yung Brizalde po? Ano ang pangalan niya?" Tanong ni Mang Benito.
"Margarita Brizalde."
"Dito siya nanganak?" Anas ni Aling Belen.
" Sigurado po ba sila na namatay ang mga anak nila. Confirm po ba na anak nila ang mga namatay?" Tanong ni mang Benito.
"Kung tutuusin halos hindi rin sigurado yun eh. kasi halos natupok ang nursery nun eh. Isa kami sa nagimbistiga nun dito, halos hindi na rin talaga makikilala ang bangkay. Pati ang mga higaan ng mga sanggol tupok na tupok." Ang chief ng pulis ang sumagot na kasama nila. Pulis ito ng San Jaoquin.
"Halos yung nursery talaga ang natupok, tsk tsk tsk, kawawang mga bata. Buti hindi na kumalat ang apoy sa buong ospital, yung parte talaga na yun ang grabe ang sunog. At ibang katabi pa ng nursery, halos kalahati ng ospital ang nasunog. Hindi agad na agapan, dahil walang kahit isang nurse sa loob ng nursery nung mangyari yun." Paliwanag ng pulis. Kaya hindi nawala ang mga record ng ospital dahil hindi naman ito nasama sa sunog.
"Eh nawalan ng anak wala ba?"
"Isa lang ang nawalan, ang mga Brizalde, pero nabalik din after 3 days.. twin pala ang anak nila." Sabi ng director na nakatingin sa isang papel na naglalaman ng information tungkol sa insidente noon.
Inalala naman ni mang Benito ang sunog noon.
Nang magkasunog noon, agad siyang tumakbo para puntahan ang asawa niya sa ward na kakatapos lang alisin ang sanggol sa tiyan.
Napadaan siya sa nursey room at napalingon sa loob, glasspanel ang dingding nito kaya kitang-kita sa loob. Kitang-kita niya ang batang kumakawag kawag mayroon din ibang tao na pilit nagliligtas ng bata, pumasok siya para tumulong at kinuha niya ang bata.
Hindi na rin naman nito pinansin pa kung may ibang bata pa doon, dahil halos may mga nagbabagsakan na sa loob. Halos hindi na makita sa loob at ang ibang higaan ng bata nabagsakan na ng mga kisame.
Agad siyang lumabas, tumakbo siya sa papunta sa kung saan ang ward may nakabangga pa siyang isang lalaki noon na halos nagmamadali din.
"Posibleng isa sakanila ang magulang ni kyrene, pwede naman na nagkapalit-palit ang mga bata?" Sabi ni mang Benito.
"Possible yun Mr. Cruz, kasi wala pa naman wrist tag noon na nilalagay sa mga bata dito sa ospital. Hindi niyo ba napansin ang pangalan sa higaan ng bata, ang apilyedong nakalagay?" Tanong ng director.
"Hindi ko na po napansin eh. Kasi sa sobrang taranta na rin." Sagot nito
"Bakit hindi niyo to agad ni report noon?" Tanong ng pulis.
"Nagtanong kami noon, pero sabi naman nila noon, may nawalang bata pero nabalik na daw sa magulang. Hindi naman namin sinabi ang tungkol sa bata dahil baka angkinin ng ibang tao. Natakot naman po kami sa kaligtasan ng bata." Paliwanag ni Mang Benito.
"Pero pwede kayong makasuhan sa ginawa niyo." Sabi ng pulis. Hindi umimik si Mang Benito. Iniisip din niya si Kyrene, kaya ginagawa niya ito.
"Baka pwede namin makuha ang buong pangalan ng mga nanganak noon at address nila." Sabi uli ni mang Benito.
"Sige po, pero hindi ito siguradong mga address nila dahil sobrang tagal na nito eh." Sabi ng director ng hospital.
"Ayos lang po, magbabaka sakali nalang kami."
"Kung wala na sila sa mga address na yan, sabihin niyo lang samin para makatulong kami sa paghanap." Sabi ng pulis.
"Sige po chief salamat."
"Yung damit na suot ni Kyrene noon, baka sakaling matandaan nila yun pagnakita nila." Sabi ni Aling Belen.