CHAPTER 15

186K 4K 383
                                    

Nasa living room si Khielve at tinitignan ang mga pictures sa camera niya. Pati ang video na kuha nila Tricia pinanood niya rin. Napaangat siya ng ulo ng maramdamang may tao.

"Oh Kyrene, halika upo ka. Tignan mo tong picture na kuha nila Tricia." Sabi nito na nangingiti. Umupo si Kyrene sa sofa na kaharap na inuupuan ni Khielve.

In'open ni khielve ang favorites. Puro pictures ni Kyrene ang nakasave dun. Nakita niya uli yung picture nito na nakanga-ngang matulog si Kyrene.

"Ahahaha!" Biglang natawa si Khielve ng malakas. Kumunot naman ang noo ni Kyrene pero napangiti parin siya dahil sa pagtawa nito.

"Ang panget mo pala matulog Kyrene. Ahaha!" Sabi nito at tumawa.

"Anong sinasabi mo? Para lang akong si sleeping beauty pag natutulog no." Sabi ni Kyrene.

"Ahahaha! Ganito ba ang sleeping beauty?" Tumawa ito ng malakas at pinaharap ang camera sakanya.

Napaayos ng upo si Kyrene at pinakatitigan ang picture. Nanglalaki ang mata niya at tumingin kay Khielve na tumatawa.

"Saan yan galing?" Nagkibit balikat lang si Khielve.

"Burahin mo yan." Napapalakas na ang boses ni Kyrene.

"Ayoko nga. Ito nga ang pinaka favorite ko dito eh. Isasama ko to sa portfolio na gagawin ko." Nakangiting sabi nito.

"Burahin mo yan KULUGO!" Napasigaw na siya.

"Ang cute mo talaga pag naiinis ka Ky-ky." Sabi niya.

"Naki Ky-ky ka pa ah." Tumayo si Kyrene at nilapitan si Khielve.

"Akin na yan, ako magbubura niyan." Kukunin niya ang camera pero iniwas ito ni Khielve. Tumayo ito at tinaas ang kamay habang hawak ang camera.

"Kulugo akin na yan. Burahin mo na yan." Sabi niya at pilit inaagaw. Tumatalon talon pa siya dahil mas matangkad ito sakanya.

"Ayoko! Kulugo ka ng kulugo eh." Sabi nito.

"Oh sige hindi na. Mahal na hari, mahal na prinsipe."

"Talaga mahal mo ako? Mahal din kita." Sabi nito at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo. AKIN NA YAN!" Ubos na naman ang pasensya ni Kyrene.

Hinawakan nito ang braso ni khielve. Pero nilipat lang nito ang camera sa kabilang kamay niya. Lalong nainis si Kyrene ng tinawan lang siya nito ng malakas.

"Akin na sabi eh." Pinalo ito ni Kyrene sa dibdib. Tawa lang ito ng tawa sa ginagawa niya habang atras ng atras.

Nacorner si Khielve sa armchair ng mahabang sofa.

"Kyrene tama na matutumba ako." Sabi nito.

"Wala akong pakialam! Burahin mo muna yan. Titigilan na kita." Tinulak-tulak pa ito ni Kyrene. Kaya nawalan ito ng balanse napaupo ito sa armchair ng sofa.

Nahawakan ni Kyrene ang camera pero pilit parin nilalayo ni Khielve.

"Aaayy!" Napasigaw si kyrene. Natulak pa ni Kyrene si Khielve kaya napahiga ito sa sofa. Pero napahawak ito kay Kyrene sa bewang kaya kasama siyang bumagsak sa sofa.

Natigilan ang dalawa dahil sa itsura nila. Napahiga si Khielve at nakapatong si Kyrene sakanya habang ang mga paa nila nasa armchair. Walang makakilos sa dalawa, walang makapagsalita. They're faces were inches apart. they were holding their breathe habang nakatingin sa isa't-isa.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon