CHAPTER 72

128K 2.7K 150
                                    


Lumabas si Kyrene ng kwarto niya, nagulat ito ng makita si Donya Solidad na nakahandusay.

"Lola" Anas niya.

"LOLA!" Mabilis siyang tumakbo at umupo sa tabi nito.

"Lola, anong nangyari? Lola." Nagpalinga-linga si Kyrene.

"TULONG! TULONG! TULONG!" Malakas na sigaw ni Kyrene.

"Kyrene anong nangyari?" Mabilis na lumabas si Jelian mula sa kwarto nito at lumapit.

"Humingi ka ng tulong dali." Utos ni Kyrene. Mabilis na tumakbo si Jelian pababa para humingi ng tulong.

Halos taranta ang lahat, dinala si Donya Solidad sa ospital.

**

Nasa sala si Jelian at Kyrene, nag aantay ng balita sa nangyari sa donya. Dumating ang daddy niya, agad na tumayo si Kyrene at sinalubong ito.

"Daddy kumusta si po si lola?" Tanong agad ni Kyrene.

"Unstable parin siya.. Ano bang nangyari, bakit siya inatake?"

"Hindi ko po alam daddy, pag labas ko ng kwarto ko nakita ko nalang siyang walang malay." Paliwanag niya. Dumating naman si Yasmine at Dianna.

"Mommy, san po kayo galing?" Agad na tanong ni Jelian sa mommy niya.

"Kumain lang kami ni Yasmine sa labas." Sagot nito.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang mga itsura niyo?" Pag mamaang-mangan na tanong ni Dianna. Kahit alam naman talaga nito ang nangyari, pero si Yasmine halata ang pagkabalisa kaya hinawakan at pinisil nito ang kamay ni Yasmine.

"Si mama inatake." Sagot ni Vincent na sobrang lungkot ng mukha.

"Ano!? Bakit?" Bulalas ni Dianna

"Kumusta po si lola daddy?" Tanong naman ni Yasmine sa mahinang boses, na halata ang takot.

"Unstable pa rin ang lagay niya eh. Nag ka-brain damage siya, pwede ma-stroke." -Vincent

"Hindi kaya inatake, dahil na naman sayo Kyrene? Diba sinaway ka ng lola mo kanina dahil sa pananakit mo kay Yasmine?" Sabi nito at tumingin kay Yasmine.

"Diba Yas, sinabi mo sakin kanina na sinagot-sagot ni Kyrene ang lola mo." Pinisil nito ang kamay ni Yasmine.

"Po? " Yun lang ang nasabi ni Yasmine.

"Hindi mo siya kailangan pag takpan Yasmine." Sabi uli nito.

"Totoo ba yun Kyrene?" Tanong ni Vincent, hindi agad nakasagot si Kyrene,  dahil sa kabilang banda, muntik na talaga itong atakihin kanina.

"Daddy sorry po, kasi po..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya, nailing nalang ang daddy niya at umalis, tumuloy ito sa taas.

Napangisi naman si Dianna at hinila na si Yasmine sa taas, nanglulumo si Kyrene na umupo sa sofa, tinabihan naman siya ni Jelian.

"Baka nga  dahil sakin yun. Dapat hindi nalang ako nagsalita kanina eh. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay lola." Naiyak ng tuluyan si Kyrene at inalo naman siya ni Jelian.

**

Pumasok si Dianna at Yasmine sa kwarto.

"Mommy anong gagawin natin? P'ano kung may mangyaring masama kay lola. Hindi pwede yun." Agad na sabi nito pag pasok. 

"Yasmine, makinig ka. Isipin  natin kung papaano natin 'to lulusutan pag nagising ang lola mo."

"Sabihin ko na kaya kay daddy ang totoo."

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon