CHAPTER 59

140K 3.1K 179
                                    

Mall:

"Anong gagawin natin dito?" -Kyrene

"Anong bang ginagawa sa mall?" Balik na tanong ni Khielve.

Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa lobby ng mall.

"Pero may klase pa tayo eh. Tsk. Nagiging bad influence kana." Hinila siya nito at kinawit ni Khielve ang braso sa bewang niya.

"Relax, ngayon lang naman eh. Mag shopping lang tayo."

"Shopping? Khielve hindi ko kailangan mag shopping. Ang dami ko ng gamit, sa dami no'n pwede ko na ngang gawing tindahan yung closet ko eh."

"Hayaan mo na, dagdagan natin, may magandang shop akong nakita dito." Sumunod nalang si Kyrene dito. Nagpunta sila ng second floor ng mall.

"Ayun oh. Maganda ang mga damit d'yan bagay sayo." Napangiti si Kyrene.

"Kailangan ka pa nagka interes sa girl fashion." Hinawakan ni Khielve ang kamay niya at hinila siya sa papuntang shop.

"Bakit dito?"  Confuse na tanong ni Kyrene.

  Akala niya yung katabing shop ang tinutukoy ni Khielve. Pero nakatayo sila ngayon sa isang shop na may tarpaulin na nakatakip sa harap nito at may nakalagay na 'opening'.

"Good morning ma'am." Bati ng babae sakanya na nasa labas ng shop.

May dalawang lalaki naman ang nag simulang mag tanggal ng tarpaulin. Tuluyang inalis ang tarpaulin.

"Welcome to KY collection boutique!" Napaawang ng husto ang bibig ni Kyrene.

Buong pamilya niya at mga kaibigan nasa loob ng shop na halos mapuno ang loob. Lumabas ang mommy at daddy niya.

"Ito ang gift namin para sa birthday mo. Hindi namin kayang ibalot eh, kaya hindi namin dala sa araw ng birthday mo." Nakangiting sabi ng daddy niya.

"One of your dream Kyrene. Your very own shop." Sabi naman ng mommy niya. Wala naman masabi si Kyrene, gulat na gulat parin ito.

"Kyrene congratulation!" Bati nila Tricia, nand'on sila Bella ang nanay niya, ang buo niyang pamilya.

"Totoo ba talaga 'to?" Inakabayan siya ng mommy niya.

"Totoo Kyrene! Iyong-iyo 'to."

"Salamat po." Niyakap niya ang mommy niya at gano'n din ang daddy niya.

Pumasok sila sa shop at binati rin siya ng nanay niya.

"Friend congrats ah! Masaya ako para sayo." Masiglang bati sakanya ni Bella.

"Salamat Bella." Nagyakap ang dalawa.

"Mamaya sumama ka sa bahay ah. Bibigyan kita ng mga damit."

"Wag na nakakahiya sa mommy mo." Tanggi ni Bella.

"Kelan ka pa nahiya?"

"Ngayon lang." Ngumiti si Kyrene at tumingin sa mommy niya.

"Mommy, pwede ko po bang bigyan ng mga damit si Bella?" Tanong ni Kyrene.

"Of course." Nakangiting sagot ng mommy niya.

"Naku salamat po Ms. Margarita." -Bella

"It's okay Bella." -Ms. Margarita

Nagyakap uli ang magkaibigan.

Nasa di kalayuan naman si Yasmine with Bianca and Stacy. Nakatingin sa shop, pinapupunta ito ng mommy niya pero ayaw nito. lubos-lubos ang inis na nararamdaman nito.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Where stories live. Discover now