Trapped with the Cactus-Lover

By hannarie_21

1.1M 50.4K 17.1K

"You're my betrothed." "Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara ko na sana yung pinto ng humarang sya doon. "I... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Author's Last Note

Chapter 15

22.6K 1K 297
By hannarie_21

Terry

"Anong gusto mong food?"

Nandito kami sa hilera ng mga kainan. Yung area ay para bang may dollar sign na nakalagay sa labas dahil puro fine dining. Wala bang kahit anong fastfood dito?

I think I've had enough with Samantha's universe. Ang layo kasi ng kinalakhan namin. Ito yung sanay sa lahat ng luxury na kayang ioffer ng pera at pangalan ng pamilya nito. Samantalang kami ni Mama bihirang makapagmall. Yung mga damit pa namin yung nabibili lang sa divisoria o di kaya yung mga nakasale sa direct selling na kinsenas at katapusan ang bayaran.

Itong casual white shoes na suot ni Samantha na binili niya para maging kasingnormal ng suot ko, it costs her thirty two thousand. Samantalang itong old white sneakers ko nabili ko lang ng four hundred fifty. Money spells everything that I am not. Pati tuloy sya napapaaway pa dahil sa akin.

Ganito din ba yung nararamdaman ni Ate Corinne kapag kasama nya si Aria? Because right now, I can clearly see the difference of our universe. Hers is something I can't grasp kahit takbuhin ko pa.

"Hey, wala kang gusto sa kahit saan dito?" Inakbayan ako ni Samantha.

As usual. Dama ko yung tingin ng mga tao sa paligid sa aming dalawa. Hinahabol kasi ng tingin ng mga ito si Sam. Maganda naman itong si Sam. To be honest, sobrang ganda. Pag tiningnan kasi yung ekspresyon ng mukha nito ay sobrang bait at sobrang sweet. A typical angel-type. Yung tipo ni Sam yung hindi ko kailanman gugustuhin. Kasi alam ko na hindi ko kailanman maaabot. And people surrounding us will always have the harsh slap of sanity for me. A forceful blow of reality.

This is not a fairy-tale story, Terry. Wake up.

"Hmm. May nakita akong fastfood doon sa may malapit dito. Kaya lang hindi na sya dito sa loob ng Mall. Parang masarap itry yun, tingin mo Terry?"

"Ha?"

Bakit ang perpekto kasi ni Samantha?

"Gusto ko itry yung fastfood. Tara?"

Inilahad nito yung kamay nito. Have I told you that her hand is so soft na parang bulak at kasing warm ng kapeng unti-unting lumalamig habang tumatagal? Bahagya kasing nagpapawis yung kamay nito pag matagal kong hawak.

Dahil hindi ko kinuha yung kamay niya ay ito na din ang kumuha ng kamay ko para makapagholding hands kami.

"This really feels weird. But in a good way." Napasunod ako kay Sam habang naglalakad ito palabas ng Mall.

"Alin yung weird?"

Inangat nito yung kamay naming magkahawak.

"Haven't you felt it? Parang laging may current ng kuryente. But our fingers intertwined perfectly like they longed to be together."

Inis na hinampas ko sya sa balikat. Bakit ba kasi ganyan sya magsalita? Bakit ganyan sya umarte? Minsan nakakadala na yung pag rorole play nya. Kasi parang totoong too.

" Ouch, what that called for? "

" Tabasin ko kaya yung dila mo? Masyadong madulas e. May factory ba ng sweets sa loob nyan?"

Ngumiti ito. Yung normal na ngiti nito pag naaaliw.

"Wanna taste it? C'mon. Para malaman natin kung meron ba o wala." Pabirong inilalapit pa nito yung labi nito sa akin. Ako naman ay nahihiyang tinulak sya palayo.

How dare her! Hindi ba sya aware na nagPPDA na sya? Jusko!

"Puputulin ko talaga yung dila mo pag natutulog ka na."

Kumunot ang noo nito. "Don't. Grant says tongue is a vital part of love."

Ano daw? Bakit parang namumula si Samantha?

"Okay ka lang? Anong vital part? Nalalasahan na ba ngayon yun?"

Lalong namula si Samantha. Ang cute nya. Giraffe na Giraffe pa naman sya ngayon kasi nakamessy bun yung buhok nya at kitang kita yung haba ng leeg nya na napakakinis. Tapos para syang nahihinog na kamatis sa pagkapula.

"Wala." Sabi nito habang hawak pa din yung kamay ko. Nakalabas na kasi kami ng Mall. Sa tapat niyon ay may Wendy's.

Finally, makakakain na din ako ng gusto kong food.

"Bakit namumula ka?"

"Kasi hindi ako gaya mo na nagkukulay ube?"

Sinamaan ko tuloy sya ng tingin. Sya naman ay natawa lang. She's always happy pansin ko lang lalo na pag magkasama kami. Ganyan ba talaga sya? Ang babaw ng kaligayahan?

"Come here." Hinapit nya ako palapit sa kanya dahil tatawid kami ng kalsada.

Nakakatuwa dahil kahit mainit ay sinasangga nya na yung init ng araw kasi matangkad sya. Samantalang ako nakakatago pa ng bahagya. Nice. Pwede pala syang pangharang. Perfect sa tag-init.

"Sa daan ka tumingin. Baka madapa ka."

"Sa daan ka din tumingin. Napaghahalataan ka na tinitingnan ako e."

"No, I'm not."

"Paano mo naman nalaman na hindi ako nakatingin sa daan kung hindi ka tumitingin sa akin, aber?"

"I can see you on my peripheral vision."

"Peripheral vision mo mukha mo. Magkapigsa na sa pwet ang sinungaling."

"Cursing is bad."

"As lying is bad."

"Lying agad? Hindi ba pwedeng assuming ka lang?"

"Assuming ako agad? Hindi ba pwedeng pasimple ka lang at nahihiyang umamin?"

Nilingon ako ni Sam.

"There, tiningnan na kita. So just shut up and put your eyes straight."

Umismid ako dito. Tigas talaga ng mukha nito paminsan minsan.

Pawis na pawis na si Samantha ng makatawid kami. Grabe, ang OA naman ng balat nya. Nakakainis.

"There, let's go?" Hinatak nya ako papasok sa loob ng Wendy's.

Hala, walang katao tao. Siguro meron doon na tatlong pares lang. Tapos puro bakante na yung upuan.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakatingin sa nakadisplay na list ng pagkaing in-ooffer doon.

"I'll go for salad. Gusto ko dalawang plates."

"Anong drinks mo?"

"Three bottled water."

"Tatlo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo. Can't you see the sweat dripping on my forehead? Baka madehydrate ako e."

Inis na kinaltukan ko yung pisngi nya. Ayun lang kasi yung abot ko.

"Ang OA mo po, Ateng."

Ngumiti ito bago ipinunas yung pawis nya sa damit ko.

"Kadiri ka, nakakainis." Inis na sabi ko matapos ilayo yung noo nya sa damit ko.

Gagayahin ko din sana sya na ipapahid yung pawis ko sa damit nya pero mabilis agad itong nakaatras.

"Don't." Seryosong awat nito sa akin. "Baka mag iba yung kulay pag ikaw ang gumawa."

Gagong Samantha talaga 'to.

"Maupo ka na nga lang. Bwisit ka!"

Inis na pinaupo ko na lang sya. Sinabi ko na ililibre ko na sya ng lunch. Sumunod naman agad ito sa akin at naghanap ng mauupuan.

Hays, Samantha. What should I do with you? You're nice. You're sensitive too. Yung kahit di ko pa simasabi sayo na ayoko dun sa mga fine dining restaurant ay ikaw na yung nagyaya sakin dito. Did you know that your world is overwhelming for a commoner na kagaya ko? Pero pag feeling ko na nagiging mabait ka na, bumabalik na naman yang pagkaherodes mo. Hercules ang type ko, okay?

***
Samantha

Natatawang nakaupo na ako ng maramdaman ko yung pagvibrate ng phone ko.

Leigh calling

Tiningnan ko muna sa counter si Terry. Mukhang matatagalan pa naman sya kaya hindi naman siguro masamang sagutin ko muna yung tawag ni Leigh.

"Yo."

"Sam, where are you?"

"Dito sa Mall nila Van. Why?"

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Buying new clothes?"

"You're not wearing ready to wear clothes, Sammie."

Hah! That got me. Si Leigh nga pala ito. Think of another excuse, bilis.

"Ahm, I'm checking your new collection." totoo naman yun di ba?

"I told you to stop buying my set. You're not even wearing it. Nagsasayang ka ng pera."

"Alangan naman na pareho tayo ng damit, Leigh? That would really be awkward."

"Exactly. So why waste your money and time buying things you're not even going to use?"

"Because you're my friend. Isn't that obvious?"

Feeling ko kung kaharap ko lang si Leigh ay niyakap na ako nito.

"Don't be too full of yourself, Sam. Kahit hindi ka bumili, our sales will still hit the roof. So nah, hindi kami malulugi if you'll stop doing that."

"Don't be too full of yourself too, Leigh. Ipapa auction ko tong mga damit mo. And I'll invite you. Para sa charity and not for your own sake."

"Okay. So, why don't you come at Rail's unit and have a drink with us? Tapos pag iisipan ko yang charity event mo na yan?"

Napatingin ako sa wristwatch ko. It's only two in the afternoon. Ang aga naman ng inom na yan.

"Sure. Later. What time?"

"Ngayon na. Umiiyak si Van. Nascam yata."

Natawa naman ako. Si Van maiscam? I doubt it. Baka ito pa ang mang scam.

"Paanong nascam? That's quite a news,BTW."

"Nascam ng poser."

Lalo naman akong natawa. Imposible yun. Napaka imposible.

"Spill the details, Leigh. I'm outside. Nag oorder lang ng food namin si Terry and I have to hang up soon."

"I don't know the full details. Rail just called me inviting us for a drink because Grant is MIA. The only details I've been told is that Van was scammed by a poser. Akala nya yata lalaki tapos nung pinatrack nya yung traces ng call dahil ayaw makipagmeet sa kanya when she's already dying in curiosity to meet him, Dang, it's not a he. Babae pala. "

" Okay. That's something so unusual. Kaya siguro ganyan si Van."

" Yeah, so what time are you available? "

Napatingin ako sa papalapit na pigura ni Terry. Isinenyas ko dito na sandali lang dahil may kausap pa ako. Tumango lang naman ito.

" I don't know. Maybe seven or eight. Ihahatid ko pa si Terry sa kanila. "

" Why don't you tell her to come along? We could all meet now. Sa unit lang naman ni Railey. Para makauwi din tayo ng maaga. I still have things to do tomorrow morning. I just can't say No to Van. "

Napabuntong hininga naman ako. I feel her. Bihira kasing si Van ang magkaproblema sa amin. Mainitin man ang ulo nito pero hindi naman ito tinotopak ng ganito.

Hays. Plano ko pa naman ayain si Terry na mamili kami ng bagong kama nya para magkasya na kami dun sa kama sa bahay nila.

Wait. Did I just admit that I intend to always sleep beside her?

"Okay. I'll call you." Sabi ko na lang bago naghang up.

Sakto naman na nakaupo na si Terry sa harapan ko.

"Okay ka lang. May problema ba?" Agad na tanong nito sa akin pagkaupo.

Umiling naman ako. Grant is missing and cannot be reached. Tapos si Van naman ay namomroblema. Goodness. What's happening to them?

"Are you free this afternoon, Terry? O may gagawin ka pa after?"

"Wala naman. Bakit?"

"Do you mind if we join Van? Sa unit lang ni Railey. Yung unit beside my own condo. You've been there before right?" Tukoy ko. Dahil ang alam ko sa condo ko siya natulog noon para sabay na sila ni Corinne na pumunta sa bahay namin on my birthday party.

Napatango naman si Terry. Pagkatapos ay natigilan. Baka may gagawin ito o di kaya ay uuwi na ngayon yung Mama nya.

"Uuwi na ba ngayon yung Mama mo?"

Umiling ito. "Bukas pa uuwi si Mama. Kaya lang hindi ba masyadong malayo sa Cainta yun? Taguig iyon di ba?"

"Hmm. We can sleep sa unit ko muna tonight. Tapos ihahatid na lang kita bukas ng umaga. Kung okay lang sayo?"

"Wala akong damit."

"May mga pinamili naman tayo di ba?"

"Wala akong undergarments."

Sabay kaming natahimik nang dumating yung mga inorder nya.

Sakin dalawang plates ng salad and three bottled water. Sa kanya naman ay full-pack. Meron na syang chicken with rice, meron pa syang burger at fries. Naks, hindi halatang gutom na sya no?

"Bumili na lang din tayo ng undergarments mo. Meron naman akong automatic front-loader sa bahay. Matutuyo agad iyon kahit labahan mo muna bago mo suotin."

Sandaling nag isip si Terry bago sinimulan ng kumain. Halatang gutom na nga ito.

Ganoon din yung ginawa ko. Infairness, kahit paano ay masarap naman yung Ceasar salad nila dito. I think fast food is not that bad at all sa health ng tao. Or maybe this one fast food. I haven't tried the rest yet.

"Terry?"

"Okay sige. Pero hindi ako iinom ha?"

Tumango ako habang ngumunguya.

"Okay. After this, balik tayo ng mall para bumili ng undergarments mo. Tapos, diretso na tayo kina Railey."

"Okay."

****

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
2.1M 96.8K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1.7K 114 18
Meeca Vanja's been doubting her boyfriend, Dominic, lately because of his actions. Nanlalamig na, ika nga. She's been trying to figure out what she d...
14.4M 744K 71
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...