Chapter 1

35.1K 1.4K 1.2K
                                    

Terry

"Teray! Bumangon ka na. Tanghali na!"

Iinat inat na napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng sigaw ni Mama.

Awtomatikong hinanap ng mga mata ko yung wall clock na nakadikit sa dingding ng kwarto.

Jusko, Ma. Alas singko pa lang. Tanghali na ba yan?

Lalo ko pang hinapit yung kumot pabalot ng katawan ko. Tiyak na pag pumasok si Mama ng kwarto katakot takot na sermon na ang aabutin ko. Pero naman kasi inaantok pa ko.

Anong oras na ko nakauwi kagabi dahil sa part-time job ko na pinagresign.an ko na din. Saka tumulong pa ko sa pagbebake ng mga cupcakes na dadalhin ngayon sa shop. Di ba pwedeng matulog muna kahit dalawang oras pa?

Isa pa, licensed engineer na ko ngayon. Kaya dapat di na ko sinisigawan ni Mama. Nakakahiya.

Engr. Terry Alcatraz.

What a name di ba? Tapos tawag lang ni Mama sakin Teray. Hays.

"Teray!" Mas malakas na sigaw ni Mama.

Gusto ko man magdabog habang pilit na pilit na bumangon ay hindi ko magawa. She's the only person I have. Sa lahat ng sinakripisyo ng Mama ko para lang mapag aral ako at masuportahan din si Ate Corinne, I can't even think of raising a tone on her.

Ilang minuto lang ay pumasok na nga si Mama. Nakaligo na ito at nakaayos na. Siguro pupunta na ito ng shop.

We have a cakeshop na puro mga made-to-order cakes at cupcakes lang naman ang tinitinda. Yun lang kasi ang pastries na kaya namin gawin. But that help us for a living.

"Ma, inaantok pa ko e." Reklamo ko sa kanya. Pero nakaupo na din naman ako at nagkukunwaring nagtitiklop ng ginamit na kumot.

Tiningnan ako ni Mama bago naiiling.

"Ikaw talagang bata ka. Sinabi ko naman kasi sayong wag ka na pumasok dun sa part-time mo. Napakakulit mo."

"E paano naman kasi Ma, syempre kelangan pumasok pa din ako kahit sabihin na last day ko na yun. Nakakahiya naman kung hindi ako papasok."

Tiningnan muna ako ni Mama saka nagbilin na lang ng mga gagawin ko. Sya na lang daw ang pupunta sa shop. Pero ako ay kailangan nandito lang sa bahay at maglinis. Pati banyo linisin ko din daw.

Ilang buwan ng wala si Ate Corinne dito sa bahay pero hindi pa din ako nakacope up. Si Ate Corinne kasi ang mahilig mag ayos at maglinis ng bahay. If nandito lang sya kahit siguro tanghaliin ako ng bangon. Kaso pareho pala kaming laging tinatanghali ng gising.

"Yung mga maruming damit natin, labahan mo. Huwag mo basta isasalang lang sa washing machine. Madumi iyon. Brushin mo yung kwelyo lalo na yung mga puting damit."

"Opo, Ma."

"Naku Teray ha. Wag mo pairalin yang katamaran mo. Baka pagsabayin mo na naman yung puting damit sa de kolor. Naku!"

"Hindi, Ma." Totally nakapikit na ulit yung mata ko pero nakikinig pa din ako sa binibilin ni Mama.

"Saka yung sinaing natin mamaya, huwag mong hahayaan na masunog ha? Kukurutin talaga kita sa singit na bata ka pag sunog na naman ang kanin."

"Opo, Ma."

Kasalanan ko bang inutos nya sakin na isabay ko ang pagsasaing sa paglalaba noon? Isipin mo naman kung nasa labas ako ng bahay at naglalaba tapos nasa loob yung sinaing. Maamoy ko ba pag nasusunog na pala?

"Saka yung gulay na togue. Tanggalan mo ng mga ugat. Dapat malinis na yun pagdating ko."

"E Mama naman e. Aabutin ako ng tatlong oras sa pagtanggal nun. Pwede naman lutuin na kasama na yun."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon