Chapter 29

21K 1K 553
                                    

Terry

Sinundan ko ng tingin si Samantha hanggang sa makapasok ito ng kwarto.

Gaga ka talaga, Teray. Bakit mo ginawa iyon? Baliw ka. Nagmukha ka tuloy tanga.

Napatingin ako sa hawak kong tsokolate pati sa ginamit kong wet wipes na pinanglinis ko ng kalat sa leather sofa nito.

Naiiling na tumayo ako at hinanap yung trashbin nito. Usually nasa may kitchen nakalagay yung trashbin diba?

Bago pa ako makarating ng kusina ay napatingin ako doon sa picture frame na nakadisplay sa may gilid ng TV.

Sam is so weird.

Picture ito ng mga kaibigan nito. Si Grant nakaakbay kay Aria. Samantalang si Van ay nakayakap kay Leigh. While Railey and Hariette is raising their glasses of wine habang masayang nakangiti. Sa tabi ng mga ito ay mayroon pang magandang babae. Mas maganda pa kay Sam kung face value yung titingnan. Pero si Sam pa din yung pinakamaappeal sa kanila kasi halatang inaantok ito na nakasandal yung ulo sa balikat nung babaeng katabi nito. Tapos nakapeace sign lang. May isa pa silang kasama na hindi ko din alam yung pangalan. Pero halatang ito yung pinakamaliit sa kanila.

Effortless yung pagiging eye catcher nya. Ang cute!

Napatingin ako doon sa mga picture frames pa na nakadisplay.

May picture doon si Sam at Aria habang natutulog si Sam sa desk tapos si Aria ay nakangiting nakatingin sa camera habang itinuturo si Sam.

Meron din na pictures nila Sam, Van, at Leigh. Pare-parehong nakaswimsuit ang mga ito. Si Sam seryoso lang yung mukha na halatang naiinitan dahil tumatama yung sinag ng araw sa mukha nito.

Shems! Ang yummy ng flat stomach! Walang abs pero halatang lean.

Meron din doon na parang family picture. Yung Mommy at Daddy nito ay hinahalikan ito sa magkabilang pisngi while Sam is frowning habang nakaakbay yung right hand sa Daddy nito at yung kabilang kamay ay sa Mommy nito. They look like a perfect family.

Dun sa panghuling picture ako natigilan.

Picture nila Sam at Ate Corinne. Si Sam ay nakapulupot yung braso sa bewang ni Ate Corinne habang pareho silang nakasuot ng jersey na pareho yung number, design, at kulay. May pangalan pa na Callaghan. They were both smiling widely sa camera.

Sa lahat ng pictures na nakadisplay. Sa pictures lang ni Ate Corinne sya nakangiti.

Marahang ibinaba ko iyon.

No Terry. Don't get jealous or anything. You know Sam spent time with Corinne. Syempre they are close too.

So close to make her smile like that.

Naiiling na tinungo ko na yung kusina para itapon yung chocolate na natira ko pati yung wet wipes.

Pagkatapos ko gawin yun ay sumalampak na lang ako ng upo sa sofa habang hinihintay si Samantha.

It took her almost an hour bago lumabas ng kwarto. Tuyo na din yung Ash gray hair nito at nakasuot na ito ng mint green na cotton pajamas.

"Hey, Nagugutom ka na ba?" Tanong nito sa akin. "Nakaorder na ko bago ako maligo. In less than thirty minutes padating na siguro iyon."

Lumapit sya sa akin at inabutan ako ng pares na light blue cotton pajamas. May unused underwear at malinis na towel na din.

"Pwede kang maligo na din habang hinihintay natin yung food para kumportable ka sa suot mo."

Inabot ko iyon at inilapag sa sofa.

Kumunot ang noo ni Sam ng mapatingin sa mga picture frames na nasa gilid ng TV.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon