HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

370M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY

3.1M 84.3K 46.5K
By maxinejiji

DEIB'S POV

"CONGRATULATIONS TO Mr. Yakiro Tobi Yanai and Michiko Sil Tarranza! They're the first pair to receive a sash and cash!" anunsyo ni Migz dahilan para maghiyawan at palakpakan ang mga naroon. "Please join me here, guys!"

Nakangiting tumayo at magkahawak-kamay na umakyat sa stage ang dalawa. Naroon at nakahanda naman ang special guest para iabot at isabit ang prizes sa dalawa. Nakangiting nagkamay ang mga naroon sa stage.

"Mr. Yanai is on his fourth year while Ms. Tarranza's on her third year. A very lovely couple! You look good together!" dagdag pa ni Migz na pinasalamatan ng dalawa.

"I will now give the microphone to Mr. Maxwell Laurent del Valle to announce the Face of the Night winners," nakangiting sabi ni Migz na nilapitan naman ni Maxwell. "You may now announce the winners." Panay ang pa-cute at pagtitig niya sa mukha nito.

"Our Face of the Night winners are Mr. Deib Lohr Enrile and Ms. Kimeniah Sirvey Gozon. Congratulations to the both of you," nakangiting sabi ni Maxwell.

Hindi na ako nagulat pero pagtingin ko kay Kim, tulad ng dati parang gulat na gulat pa rin sya. Tch! Hindi na dapat syang magulat dahil sa gabing ito, likod pa lang ay sya na ang pinakamaganda.

Tumayo ako at nakangiting hiningi ang kamay nya.

"Sinabi ko na nga ba sila na naman e."

"Sino pa nga ba? Hahaha! Wala namang makakatalo sa love team nila. Kakilig!"

"Grabe, huhuhu! Sana ganyan rin kagwapo ang prince charming ko."

"Sana rin ganyan kaganda ang magiging prinsesa ko. She looks perfect!"

"No, they look perfect!"

"I'm envious!"

"Me, too!"

Iyon ang mga naririnig kong sabi ng mga tao habang naglalakad kami ni Kim papuntang stage. Wala akong tinignang iba, ngayon ay na kay Kim lang ang paningin ko at hindi ko maalis yun dahil sa sobrang ganda nya.

"Consistent sila, ano? Bagay na bagay, grabe!" salubong samin ni Migz. Pinagitnaan nila kami ni Maxwell. "Sabagay hindi na ako magtataka, parang kayong dalawa na ang nakatakda sa isa't isa."

"Congratulations," nakangiting sabi ni Maxwell sakin.

"Thank you."

"Bago sumayaw ang ating Face of the Night pair, sasayaw muna ang ating apat na winners. Tob and Michiko, kindly join them on the dance floor. Then our special guest will be dancing with Kim."

Nagsigawan ulit yung mga tao. Napanguso ako dahil magkakaroon ng pagkakataon ang Maxwell na ito na isayaw ang prinsesa ko. Pumunta kaming apat sa dance floor at sumayaw.

Now Playing: If You're not the One by Daniel Bedingfield

I never know what the future brings

But I know you're here with me now

We'll make it through

And I hope you are the one

I share my life with

I don't wanna run away

But I can't take it

I don't understand

If I'm not made for you

Then why does my heart

Tells me that I am?

Is there anyway

That I can stay

In your arms?

"I like the song," nakangiting sabi ko kay Kim.

"Me, too," nakangiti ring sabi nya.

"Sana huminto ang oras."

"Nako, haha! Baka mangalay ka kakasayaw sa 'kin."

"Kung ikaw naman ang kasayaw bakit ako mangangalay?"

"Deib talaga."

Cause I miss you...

Body and soul so strong

That it takes my breath away

And I breathe you

Into my heart

And I pray for the strength

To stand today

'Cause I love you

Whether it's wrong or right

And though I can't be

With you tonight

And though my heart

Is by your side

I don't wanna run away

But I can't take it

I don't understand

If I'm not made for you

Then why does my heart

Tells me that I am?

Is there anyway

That I can stay

In your arms?

Huminto ang kanta at nakita kong papalapit na si Maxwell samin. Umalis na rin sila Tob sa dance floor. Tumingin muna ako kay Kim habang wala pa si Maxwell.

"Wag mo sya masyadong titignan sa mata ha?" biro ko kay Kim.

"Ha? Bakit naman? Haha!"

"Baka kasi maagaw ka nya sakin e."

"Ikaw talaga."

Now Playing: I Do (Cherish you) by 98 Degrees

All I am

All I'll be

Everything in this world

All that I'll ever need

Is in your eyes

Shining at me

When you smile

I can feel

All my passion

Unfolding

Your hand brushes mine

And a thousand sensations

Seduce me 'cause I...

"Can I have this dance?" si Maxwell.

Tinanguan ko lang sya at saka iniabot ang kamay ni Kim sa kanya. "I'll be back before the song ends," nakangiting sabi ko kay Kim.

Naglakad ako pabalik sa table namin nang mapansin kong wala na si Parrot at Taguro doon. Bahagya akong tumingin sa table nila pero si Parrot lang ang nakita ko don kasama si Migz.

"Face of the Night!" salubong ni Tob sakin.

"Ano pa nga ba?" biro ko. Tumabi ako kay Lee. "Ano? Hahaha! May napala ka ba?" pang-aasar ko pa. Nginitian nya lang ako. "Boo! Ang hina mo, dre! Ang daming maganda ngayon, oh! Maski isa wala?"

"Who cares?" natatawang sabi ni Lee.

"Isayaw mo na lang ulit si Taguro, Lee!" si Tob.

"Nahirapan na nga akong pilitin kanina e, hahaha!"

Nagulat ako. "Wow! Nagpapilit pa 'yon?" Ngumiti sya sakin. "Kapal..." bulong ko.

Mayamaya ay pinanood na lang namin si Maxwell at Kim sa dance floor. Mukhang nag-uusap sila dahil parehong nakangiti sila sa isa't isa.

"Selos ka na naman," biro ni Tob.

"Hindi ah." Nakanguso man ay tanggi ko.

In my world, before you

I lived outside my emotions

Didn't know where I was going

'Til that day I found you

How you opened my life

To a new paradise

In a world torn by change

Still with all of my heart

'Til my dying day

"Bakit ganyan ka tumitig? Hahaha! Takot kang maagaw si Kim? Hahaha," panay tawa si Tob.

"Tch! 'Yon ay kung...maaagaw niya," biro ko.

Hindi ako nagseselos. Lalong hindi ko naiisip na posibleng maagaw ni Maxwell si Kim. Naiinis lang ako nang walang dahilan.

Tinignan ko ang rose na itinago ko sa loob ng suit ko.

Sa sweetness pa lang, e...panalo na ako!

I do cherish you

For the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still

From the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long

To say this to you

If you're asking do

I love you this much, I do...

Tumayo na ako at naglakad papalapit sa kanila dahil patapos na ang kanta. Mukhang nag-eenjoy si Kim dahil tumatawa pa sya don sa Maxwell na yun.

Nakakainis!

"Oh, he's here...already?" parang nang-iinis pang sabi ni Maxwell.

"As I've said, I'll be back before the song ends."

"Oh, I didn't noticed."

"May I take her hand?" seryosong sabi ko.

"Sure," ngiti ni Maxwell. "Thank you and it was nice meeting you, Ms. Kim. Congratulations to the both of you."

"Thank you, Mr. Maxwell del Valle," ani Kim.

Now Playing: God Must Have Spent A Little More Time On You by N'Sync

Can this be true?

Tell me, can this be real?

How can I put into words what I feel?

My life was complete

I thought I was whole

Why do I feel like I'm losing control?

I never thought that love

Could feel like this

And you've changed my world

With just one kiss

How can it be

That right here with me

There's an angel?

It's a miracle...

"Mas gumanda yung kanta," nakangiting sabi ko.

"Psh, favorite mo kasi ang N'Sync."

"No, not that. It's just that, sumasakto sayo yung meaning nung kanta."

"Talaga?" natatawang tanong niya.

"Mm. How can it be that right here with me there's an angel? You're my miracle."

"Yiiieee."

"Hahaha! Kinikilig..."

"Oy, hindi, ah! Ayan ka na naman e," namumulang sabi nya.

"Matatapos na yung gabing 'to hindi mo man lang inaamin saking kinikilig ka."

In all of creation

All things great and small

You are the one

That surpasses them all

More precious than

Any diamond or pearl

They broke the mold

When you came in this world

And I'm trying hard to figure out

Just how I ever did without

The warmth of your smile

The heart of a child

That's deep inside

Leaves me purified

"Oo na! Oo na! Hahaha! Masaya ka na?" pag-amin niya.

"Yes! Hahaha! Yun lang kasiyahan ko e. Pagbigyan mo na ako."

"Yiiiee! Hahaha! Oo na nga e."

Natigilan ako. "Kim...Ibig bang sabihin nito...?"

"Hahaha! Ayan ka na naman, ah! Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo."

"Hahaha! Binibiro lang e. Kim..."

"Mm?"

Ngumiti sya sakin at ngumiti rin ako sa kanya. Pakiramdam ko nakalutang kaming dalawa. Ang cool lang! Ang lambot ng kamay nya, ang bango nya, ang ganda nya at twing titignan nya ako sa mata feeling ko gusto ko syang halikan! Hinihigop ako ng mata nya.

Dahan-dahan kong inilagay ang kamay nyang hawak ko sa balikat ko at dahan-dahang inilabas ang rose.

"Waaaaaaaa!"

"Shocks!"

"Nakakainisss! Nakakainggit!"

"Waaa, ang sweet!"

"Yaaaa!"

Nagsigawan ang mga babae nang ilabas ko mula sa suit ko ang rose. Nakita ko nang mamula si Kim, naiilang siyang ngumiti at salubungin ang mga mata ko.

100 points, Deib!

"Aaahh..," parang natatouch na sabi nya nung iabot ko ang rose sa kanya. "How sweet..."

"Kim."

"Yes, Deib...?" naroon ang pag-aasam sa mga mata ni Kimeniah.

"I lo—" Nasapawan nang nakabibinging ingay ng gitara mula sa sound system ang boses ko nang mapalitan iyon nang rock song!

Now Playing: Sweet Child O' Mine by Guns and Roses

She's got a smile that it seems to me

Reminds me of childhood memories

Where everything

Was as fresh as the bright blue sky

Nakagat ko ang labi ko at marahan akong napapikit. Naramdaman ko nang mag-init ang ulo ko nang marinig ang kanta!

Inis kong nilingon ang sound system. "What the hell happened?" angil ko.

Nangibabaw ang tawanan ng mga naroon. Ang kaninang sobrang ganda at tahimik na sandali ay napalitan ng nakaiinsultong ingay! Pakiramdam ko ay wala ni isang naroon ang hindi natatawa sa sitwasyon namin ni Kim ngayon at pareho kaming napapahiya!

"Damn it!" asik ko.

Now and then when I see her face

She takes me away to that special place

And if I stare too long

I'd probably break down and cry

Oooh-oh-oh, sweet child o' mine!

"Baka nagkamali lang..." Naroon ang matinding pagkapahiya sa mukha at tinig ni Kim. Lalo na nang sinabayan ng tawanan at pagkanta ng mga kalalakihan ang kanta. "Deib..." nakayukong dumikit sa 'kin si Kim.

Hinawakan ko sya sa kamay at niyakap. "I'll take care of this."

Inaninag ko yung pwesto ng DJ dahil medyo madilim ay hindi ko agad ito nakita. Pero nang tuluyan ko naman iyong makita ay gumapang lalo ang galit ko.

"What the hell?" asik ko.

"Why?" tanong ni Kim.

Pero sa halip na sagutin siya ay binitiwan ko siya at agad na sinugod si Taguro. Na noon ay siyang naroon sa tabi ng DJ at sounds system, naka-Indian sit sa sahig at magkakrus ang mga braso.

Awtomatiko niya akong napansin at pinanood ang paglapit ko, sigurado akong nakikita niya maging ang inis at galit ko.

Tignan ko kung hindi magbago ang reaksyon mo sa gagawin ko sayo!

Nung makalapit ako sa kanya sinipa ko sya ng malakas sa sapatos.

"Aray!" kunot-noong angil niya.

"Tayo!" singhal ko.

Tumayo sya at pinagpag ang pantalon nya. "Ano?" walang takot niyang tugon.

"Ikaw ang may gawa non no?"

"Nang alen?" inosente ngunit mayabang na sagot niya.

"Ikaw ang nagpalit no'ng kanta!" angil ko. Nakakainis ka! Sarap mong kutusan, Taguro!

Nakakainis lalo ang reaksyon niya. Inosente ngunit nakataas nang bahagya ang isang kilay. "Hindi ako," kaswal niya lang na sabi.

"Anong hindi? E ikaw lang ang nandyan malapit sa DJ at ikaw lang ang galit sakin!"

"Nakita mo bang ako?"

"Hindi! Pero alam kong ikaw yun!"

"Wow..." napapamaang kunyari niyang tugon.

"Anong wow? Sigurado akong sinadya mo yun para mapahiya kami ni Kim!"

"Tss. Ano namang pakelam ko sa inyo? Nanonood lang ako."

"Anong nangyari dito?" si Migz. Nakita kong marami nang lumapit samin at nakiusyoso.

"Ano pa ba sa tingin mo?" inis na baling ko kay Migz. "Napalitan yung kanta kung kailan maganda na yung moment namin ni Kim! At ganyang rock song pa? Anong gusto mong palabasin?" muling baling ko kay Taguro.

"E hindi nga ako ang nagpalit! Nakaupo lang ako dito at nanonood sa inyo. Ni wala ka ngang patunay na ako ang naglipat, e."

"Ikaw lang ang kaaway ko at ikaw lang ang gagawa ng ganyang kalokohan para ipahiya ako, Taguro! Sana man lang pumili ka ng maayos na moment! Hindi yung pinakahihintay kong mo—"

"Wala akong pakialam sa moment mo! Sinabi ng hindi ako e!"

"Enough!" Hindi ko inaasahang mangingibabaw ang boses ni lolo. "Deib Lohr!" Lumapit siya sa 'kin.

"Lolo..." nakababa ang tinging tugon ko.

"What's going on here?"

"E...'Lo..."

"What? Why are you yelling at each other?"

"Kasi ito e!" inis na turo ko kay Taguro.

"What did she do?"

"She changed the song!"

"What? You did that?" baling ni lolo kay Taguro.

Hindi naman sya kumibo. Lalong dumami ang tao na nakapaligid samin. Hindi pa rin nawawala ang tawanan bagaman naging mahina. Maging ang kanta ay tuluyan nang inihinto.

Nakakainis! Lalo akong napapahiya!

"Answer me, did you do that?" muling tanong ni lolo.

"No, I didn't, Dean."

"Anong, no?" inis na singhal ko kay Taguro.

"I said, no! Nakaupo lang ako dito!"

"Shut up, stupid! Ikaw lang ang gagawa sakin ng gan—"

"Nag-iisip ka ba?"

"What?"

"Sana bago ka lumapit sakin, sa DJ ka muna nagtanong kung nagkaproblema! Dumerecho ka agad sakin porket nakita mo akong nakaupo dito kanina? Hanep! Ikaw ang gumagawa ng ikakapahiya mo!"

Matindi ang tensyong nararamdaman ko pero natigilan ako sa sinabi niya. Gano'n man ay hindi ako nagpahalata, hindi no'n mababawasan ang galit ko.

Bakit nga ba hindi ko naisip lumapit sa DJ? Stupid!

"Deib Lohr?" bumaling sa 'kin si lolo.

"'Lo..."

"Sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo?" salubong ang kilay na tanong ni Lolo.

"Sir," bumaba at lumapit sa 'min ang disc jockey. "Sorry po, nagkamali po kasi ako ng pindot," aniya saka nagbaba ng tingin.

Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin at isa-isang binilang ang mga sapatos sa sahig. Damn it!

"See? That's how stupid you are," sabi ni Taguro at saka tumalikod sa amin.

Andwae! Lalo pa akong nainis dahil sa dobleng pagkapahiya!

"Follow her," si Lolo na nakaturo kay Taguro.

"That?" turo ko rin kay Taguro.

"Yes. Apologize to her."

"What? Lolo naman? Why should I?"

"Dahil napahiya mo siya."

"And what about me and Kim, Lolo? We were also—"

"But it was his mistake," turo ni Lolo sa DJ. "She has nothing to do with th—"

"Lolo naman?"

Ngunit sa halip na sagutin pa ay tinignanlang ako nang masama ni lolo at dinuro saka tinalikuran at umalis.

Ugali ni Lolo yun. Makuha ka sa tingin at turo! Nakakainis!

Linapitan ko si Kim. "Sya na naman ang may kasalanan?" halatang inis na tanong niya.

"Hindi."

"Huh? E, kanino?"

"Sa DJ," nakayukong sabi ko. "Baka pwedeng uliting na lang na—"

"Wag na," malungkot na tugon ni Kim. "Napahiya na tayo, e."

"Iniisip mo yung pagkapahiya mo, pero paano yung pagpapahiya mo sa kaibigan ko?" Pareho kaming napalingon nang mangibabaw ang boses ni Parrot.

"Sandali lang, okay? Nag-uusap pa kami," angil ko.

"Whatever, sweet child!" singhal ni Parrot saka tatawa-tawa, nang-aasar na naglakad papalayo.

"Don't mind her," si Kim.

Binasag ni Migz ang naunsyami kong sandali na ipinagpapasalamat ko rin dahil pakiramdam ko ay nasa amin ni Kim ang lahat ng paningin.

Bumalik kami sa table at naupo. Noon ko lang naisip ang nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang inasta ko. Kahit ako hindi nakapag-isip at nagulat sa inasal ko.

I can't explain the anger I felt when I saw her sitiing there and staring to me like she doesn't care. Masyadong nag-init ang ulo ko pagkakita ko sa kanya at parang siguradong sigurado na akong sya talaga ang gumawa nun at ganti yun sa ginawa kong pagpapahiya sa kanya kanina!

"Sabi ng lolo mo, humingi ka ng sorry, Deib," si Tob.

Nagulat ako ngunit agad napanguso. "I know."

"E, ano pang ginagawa mo dyan?" si Lee.

Matagal pa akong nakipagtitigan sa kanila. "Tsk!"nawawalan ng choice na angil ko.

"You have no choice, Deib. This time, it is your fault,"dagdag ni Lee.

Hindi ko na sila pinakinggan. Tumayo ako at lumapit sa table nila Taguro. Hindi ko inintindi si Migz na nagsasalita sa stage at hindi ko inintindi kung sino ang mga nakatingin sa paligid.

Pumunta ako sa harap ni Taguro at tumingin sa kanya habang nakaupo sya. Tumingin sya sa sapatos ko at saka dahan-dahang iniangat ang paningin nya sakin.

Baguhin mo ang reaction mo bago pa mag-init lalo ang ulo ko! Gusto ko siyang ngitian pero hindi magkusa ang mukha ko.

"Look..." panimula ko, panay ang buntong-hininga. "If you think I'm doing this because I'm sincere...you're wrong! I'm doing this because my Lolo asked me to, and he's looking at us right now. You know me...at hanggang ngayon naba-badtrip ako! Imposibleng wala kang kinalaman don! Kaya maghanda ka na sa susun—"

"The BIS dance troupe!" nasapawan ni Migz ang boses ko.

Tumayo si Taguro, kunot-noong tiningnan ako sandali at saka naglakad kasunod nung ibang member ng dance troupe.

"Damn it!" natatawa na naiinis na singhal ko. Kumuyom ang palad ko, kagat ko ang labi habang sinusundan siya ng tingin.

"Let us all give them a round of applause! Due to public demand, BIS dance troup, everyone!" muling ani Migz.

Alam kong kaming dalawa lang ang nakarinig nung sinabi ko pero siguradong halos lahat ng mata ay nasa amin dahil lumapit ako sa kanya.

Ngumiti ka, Deib. Humarap ka sa tao ng may ngiti sa labi.Ngiti!

Ngumiti ako at dahan-dahang tumalikod sa table nila Taguro at naglakad pabalik sa table namin.

"Oh? Okay na?" si Michiko.

"Hehe. Oo," utal na sabi ko.

Tiningnan nila akong lahat pero nag-iwas ako at pinanood na lang ang dance troupe. Hindi ko maiwasang samaan ng tingin si Taguro.

Yung pakiramdam na inis na inis ka na tapos sya mukhang kalmadong kalmado pa at walang reaksyon, kumukulo ang dugo ko.

Kung hindi lang talaga sya babae! Dinurog ko na sya!

Now Playing: Give It To You by Jordan Knight.

Nakakainis lang na matapos nung mga nangyari, namamangha pa rin akong nanood sa kanya habang sumasayaw, at unti-unti ay nalimutan ko ang inis na nararamdaman ko.

Nung matapos ang sayaw nila, unti-unti ring nauubos ang mga tao. At sabay sabay kaming umalis na magbabarkada. Sinubukan kong hanapin si Taguro nung nasa parking lot kami.

"Michiko, ihahatid ka ba ni Tob?" tanong ko kunwari, nagbabakasakaling may kinalaman kay Taguro yung isasagot nya.

"Hindi, may sundo ako. Isasabay ko si Migz pauwi, hinihintay ko lang sya."

"Ah, ganon ba. E, kung ganon, hindi ka pala namin pwedeng iwan dito. Hehehe. Samahan ka na naming maghintay kay Migz."

"No, it's okay, dre, ako na lang. Sasamahan ko syang hintayin si Migz. Mauna na kayo," nakangiting sabi ni Tob.

"Ha? Hahaha! Alam mo namang hindi kami makaalis ng wala ka e."

"Ang sweet, ah," si Kim.

"Hahaha, ganon talaga," sabi ko habang hinahawakan pa sya sa baba nya. "Late na rin kasi, mas kampate akong makakaalis kung kasabay natin si Tob."

"E magkakaiba naman kayo ng sasakyan."

"Oo nga, pero at least magkakasunod lang tayo, di ba? Gusto mo na bang umuwi?" pinilit kong huwag mautal. Ayaw kong isipin nila na sinasadya kong magtagal.

"Hindi naman. Okay lang. Ihahatid mo naman ako, e. Ikaw Lee?"

"Mm, I agree with Deib, mas okay kung hihintayin nating makaalis si Michiko at magsabay-sabay na tayong umalis after." Gusto kong ipagpasalamat ang sagot ni Lee.

After 15 minutes ay lumabas si Migz...nang mag-isa. Agad humaba ang nguso ko. "Oh? Lahat kayo ang naghihintay sakin?" namamaos na sabi niya.

"Yeah, hehehe," sagot ni Michiko.

"Really! Wow! Na-touch naman ako. Lalo na sayo, Papa Lee." Napaiwas ako at nandiri. Bakla! Nginitian lang sya ni Lee. "Tara," yaya ni Migz.

"Wala na bang hinihintay?" tanong ko. Pare-pareo silang natigilan, nagkatinginan bago lumingon sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin.

"At bakit? May hinihintay ka pa?" sarkastikong tanong ni Migz.

"Wala naman na. Ikaw lang talaga."

"Akala ko hinihintay mo pa mga kaibigan ko e. Kanina pa nakaalis."

Pinandilatan ko siya. Ha? Bakit hindi ko nakita?

"Mga ninja yung mga yun, mabilis sa uwian hahaha," dagdag pa ni Migz.

Pakiramdam ko ay napahiya ako sa sarili ko. Hindi pa rin ako nagpahalata, nauna akong nagpaalam sa lahat. Tahimik ko siyang inalalayan papasok pero hanggang sa buong byahe ay wala kaming kibuan ni Kim. Pagod na rin kasi siguro sya.

"We're here," sabi ko sa kanya.

"Mm, yeah," nakangiting sabi nya.

"Did you enjoy the night?"

"Somehow...yes. I guess?"

"You look tired. Take a good rest, okay?"

"I will. Ikaw rin. Take care, Deib." Ngumiti siya. "Thanks a lot for tonight. Goodnight!"

Papasok na sana siya sa gate nang pigilan ko. "Kim, wait..."Nakangiti siyang lumingon. "Mm, may lakad kasi kami bukas nila Manang, kasama yung mga anak nya. Do you wanna join us?"

Sana pumayag!

"Mm, anong oras ba?"

"I promised them that I'll treat them out, so I guess, before lunch?"

"I'll text you, ha? I can't promise. Hindi kasi kami nagkausap ni Ate, baka may lakad rin kami na hindi nya nababanggit."

Lumaylay ang mga balikay ko. I'm sure that's a no, hindi niya lang masabi nang derecho. "I see, it's okay. I guess, I'll just call you tomorrow?"

"Okay, I'll wait."

"Thanks! Goodnight, Kim. Have a good sleep."

"Mm, you, too," nakangiting sabi nya at dumerecho na papasok ng gate.

Hinintay ko muna syang makapasok sa loob saka ako bumalik sa kotse.

Now Playing: Sometimes by Britney Spears

Awtomatiko akong natigilan nang mag-play ang kantang 'yon.

"What the... Paano ako nagkaron ng ganyang kanta dito?" sabi ko habang binubuksan yung player pero radio pala iyon.

Nakakainis!

Dahil sa kantang iyon ay naalala ko na naman si Taguro. Iyon 'yong kanta habang naglalakad ako papalapit sa kaniya kanina upang ipahiya.

Mayamaya pa ay nasa bahay na ako. As usual, naabutan ko si Noona sa harap ng laptop nya nagkakapalang libro at nag-aaral.

"How was the party?" nakangiting tanong nya habang nakatingin sa laptop.

"Unbelievable," walang ganang sabi ko.

"Huh? Like how?"

"A lot of things happened. Tch! I'll tell you later. Matutulog na ako, magpahinga ka na rin, late masyado, baka lumabo mata mo."

"I know, pero kailangan kong tapusin 'tong presentation ko. Sige na magpahinga ka na at inaasahan ng mga anak ni Manang yung pangako mo bukas."

"Yeah, I know, niyaya ko nga si Kim kaso hindi pa sya sure kung pwede sya. Sunday naman bukas, kaya bukas mo na gawin yan."

"Yun na nga e. Tinatapos ko na ngayon para makasama ako sa inyo bukas, hehehe."

"Hahaha. Sige. Goodnight, Noona."

"Jalja," aniya na ang ibig sabihin ay sleep well.

After maligo, ibinagsak ko na lang basta ang katawan ko sa kama. Pagod na ako at sobrang inaantok na pero talagang pumasok pa rin sa utak ko yung Taguro na yun.

Nakakainis!

Nai-imagine ko pa rin kung paano sya sumayaw. Kung paano sya ngumiti kay Maxwell. Kung paano sya nagreact nung pinagbintangan ko sya. Lahat! Lahat lahat naaalala ko. Nakakinis! Nakakabwisit! Nakakairita!

"Siguraduhin mo lang na wala ka talagang kinalaman don at nagkamali lang talaga yung DJ! Dahil lalong hindi kita mapapatawad kapag nagkataon!" nakangusong sabi ko habang ang isip ay siya ang laman, ang paningin ay siya ang nakikita. 

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
18K 562 16
Ang pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020