Same Ground [COMPLETED]

By Moreyna_

1.4K 49 8

An ordinary story of a two person with a common life. How they'll deal in such chaotic chapters of their live... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 5

29 2 0
By Moreyna_

Kabanata 5

Arn

Upon changes to the schedule naks english --- Naging PM Shift ako.

Naka post na sa Schedule Board ang shift ng mga tao dito sa SubPoint, masaya naming sinusulyapan ni Pat ang Sched.

Nakapag desisyon na din kaming kahit may pasok sa school ay magpatuloy sa trabaho dito. Hindi nalang gawing Summer Job kundi Part time Job nalang.

AM Shift:
- Nanay Jenny
- Mickey
- Jen
- Pat
- Agapito
OIC: Mam Sheryl Ferma

PM Shift:

- Mery
- Walter
- Arn
- Bryce
- Yve
- Kuya Joey
OIC: Mam Myrna Olatea

Yes! Kasama ko si Yve. Matutuwa kaya siya? Kakayanin nya kayang mapuyat? Si Mam Myrna pa mandin OIC namin. Walang palitan sa OIC ng Shift dahil may sakit daw si Mam she at bawal magpuyat, pinaburan yon ng SubPoint Mngt.

"Yes! Magkasama kami ni Jen." Mahinang sambit ni Pat at tinulak tulak ako sa galak.

"Ayos nga e, kasama ko si Yve." Sambit ko.

"Pre, kaibigan kita, hindi naman hamak na may gusto ka kay Yve pero kilala kita Arn, post womanizer ka. Baka naman nagagandahan ka lang kay Yve?" Sambit ni Pat.

Actually, hindi ako nagagandahan kay Yve. Wala akong pakialam sa itsura, hindi naman din ako kagwapuhan, mabait lang. Ewan. Pero sya yung tipo ng taong ayaw ko malayo sakin.. Dito na nga lang kami nagkakausap at nagkikita sa SubPoint e.

"Hindi ba ako pwede magbago? Noon 'yon, nung panahong --- immature pa ako saka Highschool lang tayo no'n, naglalaro, curious."

"Nakakainis naman si Tita, pinayagan si Yve mag PM Shift."

"Edi ikaw mag Manager." Sambit ni Jen nag uusap sila sa couch.

Natahimik si Mickey at tinarayan kami nila Jen.

"Bakit hindi nagsusumbong si Mickey sa tita nya about satin bal?" Tanong ni Pat kay Jen.

"Tinakot ko. Pano'y gustong gusto nya si Arn." Pag irap ni Jen at tinapik ako.

Iba ang gusto ko.

"Gwapo mo talaga Par." Natatawang sambit ni Pat.

Kamusta na kaya si Yve? Masaya kaya siya sa Day off nya.

KINABUKASAN, alas syete pa lamang ng gabi ay nakarating na ako sa trabaho, inaabangan kong dumating si Yve. Bumaba siya sa Jeep.

"Namiss ki--- ka namin! Kamusta day off mo?" Bungad ko sa kanya.

Ngumiwi siya sakin.

"Okay naman. Enrolled na ako." Sambit nya.

"Yve!! Hindi tayo magka shift, sad naman." Bungad ni Jen hawak ang basahan.

"Okay lang 'yon, kasama ko naman si Mery. Okay na siguro kami, inadd nya ako sa Facebook e."

"Nag activated ka na?" Tanong ko.

"Yieee alam nya na nag deactivate si Yve" pang aasar ni Pat. Hindi ko siya pinansin.

"Oo naman! Inadd nga nila akong lahat pwera sayo. Famous ka ha." Sambit nya.

"Uy Yve!!" Paningit ni Aga.

NAGSIMULA na kaming pumasok sa PM Shift.

"Arn, ikaw na ang cook ngayon." Ani Mam Myrna. Ayaw nya akong mag service crew dahil lagi ko raw tinutulungan si Yve.

"Mery, turuan mo magkaha si Yve. Pero mag service crew ka rin Yve kasama si Aga at Bryce. Ikaw naman Walter, Prep ka para kontrolado mo ang tapa."

Nginitian ko si Yve pero mukhang balisa siyang nakatingin sa table 8.

"Tulala nanaman si Yve, naaalala nya sigurong nagwala siya dati. Sabi sakin ni Mam Myrna ayaw daw nya kay Yve kasi nagkalat noon. Hiyang hiya siya sa ibang customer buti nalang customer si Yve noon." Ani Bryce.

"Kambal, parang nadaldal ka na ah?" Natatawang sabi ko kay Bryce.
"Eh kasi naman nakaka antok kapag hindi dumaldal. Bakit kaya hindi pa rin nagpapansinan sina Walter at Yve? May something ba sa dal'wa?"

Uminit ang tenga ko. Wala naman siguro. Halos araw araw at gabi gabi kami magkasama ni Yve. Yun na nga lang ang paraan ko 'e. Hindi ko siya maiadd sa facebook kasi hindi naman ako nag aadd.

'W-wala naman siguro."

"Wala? Daig pa nila jowa na mag LQ. Saka umamin sakin si Walter nung nakaraan, lalo daw siya sinipag pumasok nung nakilala si Yve ang masama pa neto-- ginagamit ni Walter si Mery para daw pagselosin si Yve. Sa tingin mo ba nagseselos si Yve? Tingnan mo o, naggatawanan si Mery at Walter. Nakatitig siya."

Nilingon ko si Yve. Nagpupunas siya ng lamesa habang ang atensyon ay na kay Walter. Posible kaya na may gusto si Yve kay Walter?

Sana naman hindi.

"Nasusura ako dyan kay Aga, masyadong pabibo at laging paepal kay Yve." Inis na sabi ko.

"Luh? May gusto ka ba kay Yve?" Takang tanong ni Bryce kaya napatingin ako sa kanya.

"Masama ba? Hindi naman siya mahirap magustuhan." Sagot ko.

"Puro kayo daldal dalwa. May mga riders oh!! Yve ikaw ang mag kaha!!" Sigaw ni Mam Myrna.

"Kabado ako ang daming customer Mery." Ani Yve.

LUMIPAS ang ilang oras, nakayanan ni Yve na magkaha habang ako naman ay patuloy na naiinitan na nagluluto nagulat ako nang lumapit siya matapos mag hugas ng kamay.

Pinunasan nya ang pawis ko sa noo at ilong.

"Seloso ka no? May pawis pati ilong,e." Anya.
Winagayway nya ang panyo na red. "Sorry labhan mo siya kasi nagamit mo na sa pawis." Tawang tawa na sabi nya.

KASABAY ni Yve si Aga na mag dinner break. Nainis ako kasi naging close din sila. Nalalandian ako masyado sa aga na 'yan lahat nalang nilalapitan niya kahit si Mery man o si Jen, kahit nga si Mickey masyado syang clingy.

Sabay naman kami ni Kuya Walter. Medyo awkward pero hindi naman ako galit sa kanya, naiinis ako kasi nagiging iba ang ugali nya. Willing naman ako maging competent para kay Yve.

"Sorry" sabay naming sabi ni Kuya Walter. Nagtawanan kami nang marealize na mukha kaming mga bata.

"Nice bati na sila!" Ani Bryce

"Nasusura talaga ako kay Aga." Sambit ni Kuya Walter.

"Ayaw mo talaga ng may kaagaw kay Yve, ay iyo?" Ani Bryce at tumawa.

Pikon na nilayasan kami ni Kuya Walter at nagpunta sa Kusina.

"Gago ka Bryce mamaya kayo naman mag away." Saway ko kay Bryce.

"I got your back, boto ako sayo para kay Yve. Nakikita kong nagbabago ka na" Sambit nya.

Oo, simula nang makuha ni Yve ang atensyon ko, wala na akong nakakachat na babae, wala na akong nakaka meet.

NANG magmadaling araw na, natutulog si Mam Myrna sa Personnel Office sakto at walang customer.

Kami ni Yve ang nag desisyon na sabay mag Breaktime.

"Higa ka dyan sa couch ako nalang dito sa lapag may karton naman." Sabi ko.

Tinitigan lang nya ako.

"Alam mo? Ang bait bait mo Arn, ingat ingat ha? Baka kuhain agad ni Lord" saka sya tumawa.

Napangiti naman ako. Siya lang nakakapag sabi na mabait ako. Siya lang nakakakita ng kabutihan ko. Nasanay kasi akong hindi pinupuri.

"Kaya ka siguro naglalaro ng babae para mabawasan kabutihan mo noh? Uy takot mategi agad." Tawa siya ng tawa.

Sinimangutan ko naman siya.

"Paano kaya tayo makakatulog kung ang ingay mo, yve?" Sambit ko.

Tumawa lang naman siya.

Rinig na rinig namin ang music sa labas.

You and I by J.R.A

"Papasa naman ng kanta, Arn! Sawang sawa na ako sa pang broken hearted na kanta sa Playlist ko." Anya.

"Wala ka talaga balak na magpatulog eh noh?" Sabi ko at inirapan sya.

"La! Bakla ka talaga may pag irap pa, e." Natatawang sabi nya.

"Hyper ka nanaman, Yve"

Nakahiga kami parehas. "Yve."

"Hmmm"

"Kamusta ka?"

"Gago ayos lang" Tumawa siya.

Nilingon ko sya pero nakapikit siya

"Sana palagi kang okay."

"Paano ba maging okay?" Seryosong sabi niya.

Tumahimik ako saglit. Paano nga ba maging okay? Kapag ba masaya ka? Kapaga may pera ka? Kapag wala kang problema?

Ang problema ay kakambal ng buhay. Wala namang taong walang problema.

"Mag yakult ka everyday. Para everyday okay." Tumawa ako ngunit narinig kong nahilik na siya.

Bumangon ako at lumapit sa kanya.

"Ang ganda mo Yve. Sana---" huminga ako ng malalim. "Goodnight" Bulong ko.

KINAUMAGAHAN, nag aayos kami sa Restroom panay ang harutan nila Bryce at Pat, nagkukwentuhan sa mga kaweirduhan daw ni Nanay Jenny.

"Menopause na nga kasi si Tanders!!" Tawang tawa na sabi ni Bryce.

Napansin ko ang panginginig ng kamay ni Yve. Hinawakan ko 'yon saglit, napatingin siya sakin na namumula ang mata, pinipigilan umiyak.

"Bakit, yve?" Curious na tanong ko.

"Si Mien."

Siya again?

----

Yve

Mabigat ang mga hininga ko ng mabasa ang Text Message ni Mien. Kanino naman niya nakuha ang number ko? Bago ang number ko!

From: Unknown Number
[Mark as Spam]

Akala mo ba ganoon kadali lahat? Mahal na mahal kita Yve. Bumalik ka na, alam ko nahihirapan ka magtrabaho dyan, araw araw gabi gabi kita sinusundan, nakikita ko kung paano ka umiyak, Yve, wag ka masyadong lumapit sa iba, nagseselos ako, sinasaktan ko ang sarili ko dahil ang tanga kong niloko at hinayaan kita mawala sakin. Yve, balik ka na. Miss na miss na kita. Yve I'm sorry. Mahal kita, please come back. I can't live when I'm missed you. Damn. Please come back. I promised, it won't happen again. Akin ka lang Yve. Ikamamatay ko ang mawala ka.

Sabay kaming naglakad ni Arn papuntang kanto ng Suburbia Road. Pinilit ako ni Walter sumabay pero si Mery nalang ang sumakay.

Mas gusto ko maglakad at hayaan sina Mery at Walter. Mukhang nagiging malapit naman sila sa isa't isa at mas maigi iyon.

"Ano'ng sabi nya?"

Buti nalang andito ai Arn talaga. Isa siyang superhero.

"Gusto niya ako bumalik. Tinatakot nya rin ako pero alam kong gagawin niya iyon. Hindi ko alam kung papano nya nalaman ang number kong bago."

"Gusto mo mag almusal?" Niyaya niya ako sa isang Karinderya sa Crossing Plaza.

"Bibigyan mo ba ng chance?"

"Iniisip ko pa. Sabi nya, palagi daw nya ako sinusundan."

Baka kay Nathan nya din nakuha ang number ko. Nakakainis na kapatid 'yon ah. Dapat ko siguro pagsabihan.

Tatanggapin ko ba si Mien? Ulit?

"Replyan mo agad kung hindi mo bibigyan ng chance."

"Arn." Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa paligid, wala naman akong nakitang Mien or kahit si Emm.

"Arn kasi hindi ganon kadali. Ano ba yan? Ang balangaw mo talaga mag kanin, hindi ka naman nataba." Sambit ko.

Hinampas ko siya. Seryoso ba ang lalaking 'to? Hindi siya nataba at may abs pa rin. Buti may oras pa siya mag workout. Pinaghahandaan nya siguro maging Police.

"Kumain ka nang madami para hindi ka iyakin." Sambit nya

Pinisil nya ang ilong ko. Agad ko siyang tinampal.

"Ikaw ha? Ang clingy mo!!" Sigaw ko sa mukha nya. Natigilan ako na malapit pala ang mukha namin sa isa't isa.

Agad akong lumayo.

"Tangina." I murmured.

LUMIPAS ang mga araw, sabay kami matulog ni Arn sa gabi, nagkukwentuhan kami sa mga bagay bagay hanggang sa pareho kami makatulog. Tuwing naghuhugas siya ng nga plato at baso bigla akong magkukusa na tulungan siya, nagbabasaan pa nga kami ng may sabon, pantanggal antok.

Napansin ko namang hindi na masyadong nalapit sakin si Walter, si Agapito nalang. Hay nako Early seven, wala akong plano na magpaligaw sa ngayon. Marami akong problema.

"Napapansin kong malapit kayo ni Arn, ingat ka ha? Matinik sa babae 'yan." Paalala ni Walter.

Inirapan ko naman siya. "Kahit siraan mo si Arn, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At ang kaibigan hindi sinisiraan, kaibigan mo siya bakit hindi ka nalang maging masaya sa kanya. Saka wala syang gusto sakin." Wika ko.

Ngumisi si Walter sakin.

"Wala talaga. Sigurado ka?" Sambit nya.

Inirapan ko lang siya at iniwasan sa gabing iyon. Sabay na din kami sa Dinner Break.

SUMUNOD na gabi, si Agapito ayaw ako tigilan ng kabibigay ng Chocolates may pa flower pa buti nalang sinaway siya ni Mam Myrna.

Inuuwi ko maman ang bigay ni Agapito kay Natalia.

Nasasanay na ako sa pang gabi basta kasama si Arn, nawawala kasi yung antok ko sa mga korni nyang jokes.

Hindi pa rin ako tinitigilan ni Mien sa katetext at tawag kaya nagpalit ulit ako ng Sim. Sinabihan ko na rin si Nathan na wag na contact-kin si Mien. Sumunod naman siya.

Now Playing naman ang Araw araw by Ben & Ben dahil cellphone ko ang nakasaksak sa speaker.

"Tinigilan ka na ba ni Mien?" Tanong ni Arn habang naglilipat ng bigas sa Malaking tumbler.

Umiling ako. "Ako na nag adjust kahit hindi naman ako sinturon" Natatawa kong sagot.

"Mukhang hindi mo na babalikan ah? Hindi ka na ba marupok?!" Wika nya

"Tarantado ka talaga, Arn." Natatawang sabi ko at binasa siya ng tubig sa mukha.

Kaya naman winisikan din nya ako ng tubig sa mukha hanggang sa mag wisikan kami.

NANG sumunod na gabi, nag usap kami ni Arn na magkikita sa isawan sa plaza, kaya magkasama kami ngayon na nag iisaw.

"Nagbaon ako ng kanin, masarap siguro mag ulam ng barbecue at isaw." Sambit nya

"Hmmm kasali ba ako sa baon mong 'yan?" Tawang tawa na biro ko.

"Oo. Wag kana bumili ng kanin, malaking kabawasan to sa gastos mo."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Alam mo ikaw--- mayaman ka talaga." Natatawang sabi ko.

Umiling naman siya. "Hindi ako mayaman para hindi mo ako magustuhan" ngumiti siya at I claimed that as a Joke.

Kilala na talaga nya ako at ang mga prinsipyo ko sa buhay. Nalilimutan ko tuloy na galit nga pala ako sa mundo.

"Bakit hindi mo pa rin ako inaadd sa facebook?" Tanong ko.

Ang pa-famous talaga ni Arn, hindi manlang ako i-accept sa facebook.

"Kailangan ba may mauna satin? Edi ikaw mag Add sakin, aba hindi ako nag aadd." Anya.

Sinapok ko s'ya sa balikat. Ang tigas ha? May maskel. Hahahaha.

"Hindi kita iaadd " sagot ko.

Kumain lang kami ng dal'wa at nag take out ng ulam para mamaya.

Isang Hotdog, Dal'wang Bbq at isang isaw lang sakin, gumaya naman siya.

"Hmm peram pala ng number mo para itetext kita kapag nakauwi ka na. Minsan kasi iniisip ko kung gaano kalayo yung sa inyo." Sambit ko habang naglalakad kami pabalik sa SubPoint.

"Gusto mo lang ako textmate e." Biro nya.

Hinarang ko ang paa ko sa paa nya kaya naman natisod sya. Tawa ako ng tawa habang siya naman ay pikon na nakatitig sakin. Ibinigay nya ang cellphone sakin.

'Akala mo hindi ako matalino ha?' I mouthed.

NANG mag duty na kami, nagpasya kaming sabay ulit ni Arn na kumain dahil parehas kami ng ulam, pinansin pa iyon ni Agapito at bitter na inasar si Arn.

Napailing nalang ako. Nang matapos kami kumain ---

"Barbecue."

Lumingon ako kay Arn na nakatitig sakin.

"Anong barbecue?" Kunot noo kong tanong.

"Ikaw, pwede ba kitang maging B.B.Q?"

Bibi ku? Potang korni talaga ni Arn kaya naman mabilis ko siyang tinadyakan sa ilalim ng lamesa pero kinulong nya ang mga paa ko.

"Ang sarap mo maging bb q." Anya

Namula ang pisnge kong inirapan siya.

Gago ka talaga Arn, ang swerte ng magiging girlfriend mo.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

87.8K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
27.2M 695K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy