The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 12

99.8K 3.7K 709
By Maria_CarCat

Strawberry Allergy






Ilang minuto akong nakatitig sa papel na iyon. Halo halo ang aking nararamdaman pero mas nangingibabaw ang takot. Hindi ko kakayaning mabuhay na hindi kasama sina Papa at si Akie. Sila na lang ang meron ako, hindi pwedeng magkahiwahiwalay kami.

"Pero ate Daisy, sino po ba ito?" Panguusisa ko pa sa kanya.

Napakibit balikat din siya. "Hindi ko din alam Amaryllis eh, kung alam mo lang kung gaano ka namin gustong tulungan. Hindi na nga din mapakali sina Ate Jane at Evelyn mo eh" malungkot na sabi pa niya sa akin.

Muli akong napaiyak. "Ayoko pong umalis dito, aalis lang po ako kung kasama sina Papa at Akie" umiiyak na pakiusap ko pa sa kanya.

Buong lambing niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Magiging ayos din ang lahat, may rason kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay...hindi ka pababayaan ng Diyos, maging matatag ka lang" pagpapalakas pa niya ng aking loob.

Hindi na lamang ako nakasagot pa at tsaka mabilis na yumakap kay ate Daisy. "Natatakot po ako" patuloy na sumbong ko sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang malambing na paghaplos nito sa aking likuran.

"Tatagan mo ang loob mo" paulit ulit niyang paalala sa akin.

Tahimik lamang ako habang nasa loob ng presinto. Hindi mawala sa aking isip sina Papa at Akie, paano pag umalis ako? Paano sila? May edad na si Papa, masyado bang bata ang kapatid ko. Mas lalong matatagalan ang pagiipon nila para makasunod sa akin sa pilipinas.

Naputol ang malalim kong pagiisip ng tawagin ako ng isa sa mga pulis. Inanunsyo nito na mayroon akong bisita. Dahan dahan akong tumayo para lumabas ng selda. Si Ate Daisy ang inaasahan kong bibisita sa akin, pero nagulat ako at muling naiyak ng makita ko si Papa. Tatakbo na sana ako para yakapin siya ng mabilis niya akong sinenyasan na wag magpapahalata.

Sandaling umurong ang luha ko ng tuluyan kong makita ang kanyang itsura. Nakasuot ito ngayon ng uniporme ng delivery man ng noodle house. Duon ay napagtanto ko ng hindi ako pwedeng magpahalata na siya ang Papa ko.

Nanghihina akong umupo sa kanyang harapan, patuloy ang pagtulo ng masasaganang luha. Halos hindi ko na makita ng maayos si Papa dahil sa panlalabo ng aking paningin.

"Kamusta ka dito anak?" Emosyonal na tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok para pawiin ang kung anong malaking bagay na nakabara sa aking lalamunan. "Ayos lang po ako Papa" pagsisinungaling na sagot ko sa kanya habang pinipilit na patatagin ang aking boses. Kaunti na lamang ay pipiyok na ako dahil sa pagpipigil ng iyak.

Dahan dahan niyang hinawakan ang nakapatong kong kamay sa ibabaw ng lamesa. "Pasencya ka na kung wala akong magawa" pumiyok na sabi pa niya sa akin kaya namang bumigat ang aking dibdib.

Hindi ko makayanang makita si Papa na umiiyak sa aking harapan ngayon. Sobrang bigat nuon sa aking dibdib. Lalo pa at paulit ulit niyang sinasabi na wala siyang kwentang ama dahil wala siyang magawa.

"Napakawalang kwenta ko talaga" paguulit pa niya kaya naman marahan kong pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Wag niyo pong sabihin yan Papa, hindi po yan totoo. Ginawa niyo po ang lahat ng makakaya niyo para bigyan kami ng magandang buhay ni Akie" pagpapaalala ko pa sa kanya.

Marahas itong napailing kasabay ng patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. "Kung totoong nagawa ko na ang lahat, wala ka sana sa sitwasyong iyan anak" patuloy na paninisi niya sa kanyang sarili.

Tipid ko siyang nginitian. "Magiging ayos lang po ako Papa, basta ipangako mo sa akin na susunod kayo duon ni Akie. Hihintayin ko po kayo" sabi ko pa sa kanya habang nakangiti ako, pero hindi ko na nakayanan dahil pumiyok na ako sa dulo.

Dinala ni Papa ang kamay ko sa kanyang labi para mahalikan ito. "Pangako anak, pangako" paninigurado niya sa akin.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko kahit pa, pinaghaharian na ako ng takot. Sa huli ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, tumayo ako para umupo sa tabi ni Papa para mayakap siya ng maayos.

"Wag po kayong masyadong magpapakapagod dito, magtratrabaho din po ako duon para tumulong sa pagiipon natin" paninigurado ko pa sa kanya.

Hinintay ni Papa na maubos ko ang dala niyang noodles mula sa noodles house, tahimik niya lamang akong pinapanuod habang magana ko iyong kinakain.

"Pagdating mo sa Pilipinas, makitawag ka. Tawagan mo si Piero, matutulungan ka niya" sabi pa niya sa akin.

Napapahid ako ng labi dahil sa medyo makalat kong pagkain. "Sino po ba si Piero? Kamaganak po ba natin siya?" Tanong ko pa sa kanya.

Tipid siyang ngumiti at napayuko. Kita kong may pagaalinlangan si Papa na sagutin ang tanong ko. "May malaking utang tayo sa kanya..." alanganing sagot niya sa akin kaya naman dahan dahan kong nabitawan ang chopstick na hawak ko.

Pinilit kong nilunok ang noodles sa bibig ko kahit pa hindi ko iyon gaanong nanguya. "Anong pong ibig niyo sabihin Papa? Bakit po sa kanya tayo hihingi ng tulong kung may malaki tayong magkakautang sa kanya?" Naguguluhang tanong ko pa sa kanya.

Hindi ako matingnan nito sa aking mga mata. Kita ko ang kanina pa niyang pagaalinlangan kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang nasa itaas ng lamesa. "Siya lang ang alam kong pwedeng kumupkop sayo duon, mabait naman iyon. Maiintindihan niya" sagot pa niya sa akin kaya naman napakagat na lamang ako sa pangibabang labi ko.

Kahit pa hindi ako sigurado sa papasukin ko ay hinayaan ko na lamang. Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Papa. Ipagkakatiwala niya ako sa Piero na iyon dahil alam niyang maayos ang magiging lagay ko sa kanya.

May ilan pang mga ibinilin ito sa akin bago siya tuluyang nagpaalam sa akin. Muling bumuhos ang mga luha naming dalawa ng magpaalam na siyang aalis. Bukas ng umaga ay ipapadeport na ako pabalik ng Pilipinas.

"Maging matapang ka Amaryllis" paalala pa niya sa akin.

Kahit umiiyak ay napatango tango ako. "Pangako po Papa" garalgal na sagot ko sa kanya.

Hindi ko pa gustong bitawan ang kamay niya. Pero si Papa na mismo ang nagtanggal ng kamay niya sa mahigpit kong pagkakakapit sa kanya. Ramdam kong nahihirapan din siyang magpaalam sa akin. Pero kung magtatagal pa ay mas lalo lang kaming mahihirapang magpaalam sa isa't isa.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Nakatulala lamang ako sa kung saan. Hindi man ako bibitayin ay para pa din akong papatayin isipin ko pa lang na mahihiwalay ako sa aking pamilya. Mas gusto ko pa ding manatili na lamang dito sa hongkong kahit pa mahirap ang buhay namin. Kesa mabuhay ng magisa duon sa pilipinas.

Para akong nakalutang sa ere kinabukasan. Saktong alas nuebe ng umaga ng ilabas ako sa selda para dalhin sa airport. Sa labas ng presinto ay naghihintay na sina Ate Daisy, ate Jane at Ate Evelyn na pare parehong umiiyak. Pagod akong ngumiti sa kanila, ayokong magpaalam na mabigat ang aking dibdib kahit pa ang totoo ay parang mawawasak ang dibdib ko dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

"Magiingat ka duon Amaryllis" paalala pa nila sa akin na tinanguan ko na lamang.

Sa malayo ay nakita ko sina Papa at Akie na nakatanaw lamang sa akin. Bago pa ako muling bumigaw ay mabilis na akong sumakay sa sasakyan na magdadala sa akin patungo sa airport. Iyak lamang ako ng iyak habang nasa byahe. Gusto kong tumalon pababa ng sasakyan para tumakbo pabalik kina Papa.

Kasama ng dalawang pulis ay umiiyak akong naglakad sa aiport na dala dala lamang ang isang backpack na naglalaman ng ilan kong mga gamit na inayos ni Papa para sa akin. Yakap yakap ko ang aking gamit habang naglalakad, pinagtitinginan ako ng ilang mga taong nakakasalubong namin.

Idiniretso nila ako sa departure office kung saan may isang lalaki na Pilipinong sasama sa akin pabalik ng Pilipinas. "Ms. Amaryllis Guevarra?" Tanong niya sa akin na tinanguan ko lamang.

Nagpakilala ito sa akin at tsaka niya ipinaliwanag sa akin ang mga procedures na gagawin sa akin sa oras na dumating kami sa pilipinas.

"May gusto ka bang tawagan pagkarating natin duon? Kung wala kang abogado, bibigyan ka ng gobyerno" sabi pa niya sa akin.

Kaagad kong kinuha ang papel na ibinigay ni Papa sa akin. "Siya po. Siya po ang tutulong sa akin" sabi ko pa sa kanya sabay abot ng papel.

Tumango na lamang ito sa akin. Parang bumigat ang aking mga paa, nang ianunsyo nito na kailangan na naming sumakay ng eroplano. Muli akong napaiyak sa takot. Pero alam kong wala ng magagawa iyon dahil hindi na magbabagopa ang pasya ng korte.

Halos dalawang oras at kalahati ang itinagal ng byahe pabalik ng pilipinas. Tahimik lamang ako at nakatulala, hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin pagkalabas ko ng eroplanong iyon. Nakasunod lamang ako sa lalaking kanina ko pa kasama, dumiretso kami sa immigration office at duon ay halos ilang oras akong nanatiling nakaupo sa isang kwarto. Walang pagkain at tubig, nanatili akong nakaupo habang yakap yakap ang backpack ko.

Napaiktad ako ng pumasok ang lalaking kanina ko pa kasama. "Wala daw siyang kilalang Amaryllis" sabi nito sa akin tukoy sa taong pinapatawagan ko sa kanya.

Nataranta ako. Kaagad na nagisip. "Pakisabi po, Anak ako ni Doctor Vicente Guevarra" sabi ko pa sa kanya kaya naman napatango na lamang siya at tsaka muling lumabas.

Napahawak ako sa aking tiyan ng makaramdam ng gutom. Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi. Kararating ko pa lamang sa Pilipinas ay sobra sobrang hirap na kaagad ang inabot ko.

"Paano ka mabububay dito Amaryllis?" Emosyonal na tanong ko sa aking sarili.

Isang oras pa ang nagtagal ng muling bumukas ang pintuan, muling pumasok ang lalaki, pero ngayon ay may kasama na siya. Nasa pintuan pa lamang ito ay napahinto na siya habang nakatingin sa akin. Kaagad akong nagtaka. Matangkad ito, itim na itim ang kanyang suot. Titig na titig siya sa akin habang kita ko sa kanyang mukha na para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Ah Mr. Piero may problema po ba?" Tanong sa kanya nito.

Bayolente akong napalunok dahil na din sa pagkailang dahil sa klase ng tingin nito sa akin, titig na titig. Dahan dahan siyang lumakad palapit sa akin.

"Sige iiwan ko muna kayo para makapagusap kayo" paalam sana sa amin nito kaya naman kaagad ko siyang pinigilan.

"Ah Sir, pwede po bang makahingi ng tubig. Uhaw na uhaw na po kasi ako" matamlay na sabi ko sa kanya dahil tuyot na tuyot na ang bibig ko.

Nagulat pa siya dahil sa aking sinabi. "Oo nga pala, sorry i forgot" paumanhin pa niya sa akin.

Mabilis na bumalik ang tingin ko sa lamesa ng kaming dalawa na lamang nung Piero ang naiwan sa loob. Nakakabingi ang katahimikan, nakakatakot.

"Sino ka?" Emosyonal na tanong niya.

Nagulat ako kaya naman kaagad ko siyang tiningala. Bahagyang kumunot ang noo ko ng makita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Parang siyang iiyak.

"Ako po si Amaryllis Guevarra" magalang na pagpapakilala ko sa kanya.

Napaiktad ako ng hapampasin nito ang lamesa sa aking harapan. "Hindi!" Asik niya.

Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. "Ako po si Amaryllis Guevarra, anak po ako ni Dr. Vicente Gu..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng kaagad niya akong nilapitan at tsaka nito mahigpit na hinaklit ang kanang braso ko.

"Ikaw ba yan Sachi?" Pumiyok pang tanong niya sa akin. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, nangungusap ang kanyang mga mata.

"P...po?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Tumulo ang luha sa kanyang kanang mata. "Sachi..." tawag pa niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Sino pong Sachi?" Naguguluhang tanong ko.

Tumigas ang mukha nito ng makabawi siya. Kita ko ang pagtiim bagang nito. Dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin, napatingala siya at tsaka mariing napapikit.

Tinawag niya ang lalaking kanina ko pa kasama na nagngangalan pala Mr. Alejandro. Kinuha niya lahat ng documento ko, at tsaka inisa isa iyong tiningnan na para bang meron siyang gustong patunayan.

"May problema po ba Mr. Herrer?" Tanong ni Mr. Alejandro sa kanya.

"Sigurado ka bang Amaryllis ang pangalan ng babaeng ito?" Tanong pa niya dito sabay turo sa akin.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan sa mga pangyayari. "Amaryllis po talaga ang pangalan ko" giit ko pa.

"Shut up!" Asik niya sa akin kaya naman kaagad akong natahimik at napanguso.

Nagusap silang dalawa bago muling lumabas si Mr. Alejandro. Umupo si Piero sa upuan sa aking harapan. Kagaya kanina ay titig na titig pa din ito sa akin. Halos gusto ko na lamang magpakain sa lupa dahil sa pagtitig niya sa akin.

"Bakit ako ang tinawagan mo?" Seryosong tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok bago ako sumagot sa kanya. "Sabi po kasi sa akin ni Papa matutulungan mo ako" malumanay na sagot ko sa kanya dahil na din sa takot.

Napangisi ito. "Ano namang pumasok sa kokote ng tatay mo para isipin niyang tutulungan kita?" Nakangisi at mapanuyang sabi pa niya.

Bahagyang sumama ang tingin ko sa kanya pero hindi na lamang ako sumagot. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang ng tatay mo sa akin?" Mapanghamong sabi pa niya.

"Magkano?" Matapang na tanong ko kaya naman napatawa siya.

Muling tumalim ang tingin niya sa akin. "Higit pa sa pera..." madiing sagot niya.

Napanguso na lamang ako at napaiwas ng tingin. Sandali pang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya padabog na tumayo. "Hindi kita matutulungan, hindi kita kilala" sabi pa niya kaya naman napatayo na din ako.

"Anong gagawin nila sa akin? Wala akong pupuntahan, hindi ko alam ang gagawin ko" pamomorblema ko sa kanya.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, pero muli lamang lumambot ang tingin niya sa akin ng napatitig siya sa aking mukha. "Problema mo na iyon" sabi niya sa akin pero ramdam kong may kakaiba duon, may kakaiba sa tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung sino o ano ang nakikita niya sa aking mukha dahilan ng paglambot niya.

Tatalikuran na sana niya akong muli ng kaagad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso. "Parang awa niyo na po, wala po akong kakilala dito" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Unti unting bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. "Bitawan mo ako" mahinahong pagbabanta niya sa akin, pero mas nakakatakot iyon.

Hindi ako natinag. "Please po, hindi ko po alam ang gagawin ko. Magisa lang po ako" pagmamakaawa ko pa sa kanya.

Mas lalong nainis si Piero dahil duon kaya naman bayolente niyang itinaboy ang pagkakahawak ko sa kanya. Dahil sa lakas nuon ay kaagad akong napaupo sa sahig dahil na din sa aking panghihina.

"Please po" umiiyak na pakiusap ko.

Humupa lang ang tensyon ng pumasok si Mr. Alejandro. Nagulat ito ng makitang nasa sahig na ako. "Anong nangyayari dito?" Gulat na tanong niya at tsaka ako mabilis na tinulungan.

"Hindi ko siya kilala, hindi ko siya matutulungan" sabi pa ni Piero.

Inipon ko ang lakas ko para lumapit sa kanya at lumuhod. "Tulungan niyo po ako, babayaran ko po ang pagkakautang ni Papa sa inyo, kahit paunti unti" pagmamakaawa ko sa kanya.

Ilang beses akong sinuway ni Mr. Alejandro at sinubukang patayuin. "Parang awa niyo na po Sir Piero..." patuloy ko pa.

Hindi siya umimik, hanggang sa sumabat si Mr. Alejandro. "Kug ganuon po palang may utang ang ama niya sa inyo, bakit po hindi niyo na lang kupkupin ang batang ito, para may habol pa din kayo sa ama niya" suwestyon pa niya.

Ramdam kong parang may takot din siya kay Piero. Masyado kaming intimidating ang dating dito, manliliit ka pagkausap mo siya. "Kung gusto niyo lang naman po" nagaalinlangang sabi pa niya.

Sa huli ay hindi natuloy ang pagalis ni Piero, masinsinan silang nagusap ni Mr. Alejandro, tahimik at nakayuko lamang akong nakaupo sa tabi, nanghihina na din ako dahil sa gutom.

"Magkano ang kailangan kong bayaran para makalaya siya?" Tanong pa niya kay Mr. Alejandro na sinadya niyang iparinig sa akin para ipamukha sa akin na may bago nanamang utang ang pamilya ko sa kanya.

Inabot na kami ng gabi duon. May halos tatlong oras din silang nawala bago niya ako binalikan ng alas nuebe ng gabi. "Tumayo ka na diyan" tamad na utos niya sa akin.

Sinubukan kong tumayo, ngunit naramdaman ko ang panlalambot ng aking tuhod. "Pwede ba, inabala mo na ang buong araw ko. Dalian mo na diyan dahil gusto ko ng umuwi" asik niya sa akin halatang inis na inis na.

Pinilit ko ang aking sarili na makatayo at tsaka maglakad para makasunod sa kanya. Ang bilis ng lakad nito, halos hindi ko siya masabayan kaya naman pagdating sa gitna ay naiwala ko si Piero. Huminto ako at tsaka lumingon lingon para hanapin siya.

Maya maya ay bahagya akong napatalon ng sumulpot ito sa aking harapan. Kitang kita ko nanaman ang pagkainis sa kanyang mukha, lukot na lukot ang noo nito.

"Napakabagal mong kumilos!" Asik niya sa akin at tsaka muli niyang hinaklit ng mahigpit ang aking braso.

"Teka nasasaktan ako!" Daing ko pero hindi niya ako pinakinggan. Hinila niya ako patungo sa parking lot habang hawak hawak ang aking braso.

Huminto lamang kami sa isang kulay itim na sasakyan, magara iyon. "Sakay" utos niya sa akin.

Para hindi na siya mainis pa ay mabilis akong pumasok sa loob. Mahigpit ang nagaw akong pagyakap sa aking backpack. Napausod na lamang ako sa tabi ng pinto ng padabog itong pumasok sa may driver seat.

"Dagdag ka pa sa kargo ko" pagpaparinig niya sa akin.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para kausapin siya. "Pwede naman akong magtrabaho sayo, kapalit ng pagtira ko sayo" suwestyon ko pa sa kanya kaya naman napangisi ito.

"Talagang magtratrabaho ka! Anong akala mo, ililibre ko ang lahat sayo? Ano ka siniswerte?" Asik pa niya sa akin. Kung makipagusap ay akala mo palaging may kaaway.

Hindi na lamang ako umimik, hinayaan ko na lamang siyang magmaktol duon. Napakasama ng ugali ng lalaking ito. Walang puso!.

Nakarating kami sa sinasabi niyang Condo unit niya. Nanatili akong tahimik na nakasunod sa kanya. Tahimik akong pumasok ng binuksan niya ang pinto, kaagad na gumala ang tingin ko sa kabuuan nito.

"Duon ka sa dulong kwarto. Bodega ko iyon, ikaw na ang bahala" tamad na sabi niya sa akin at kaagad akong iniwanan para pumasok sa sarili niyang kwarto.

Naglakad ako papunta sa sinabi niyang kwarto pero napahinto ako ng makita ko ang isang malaking palaka na stuffed toys sa may sala. Kaagad ko iyong nilapitan, napangiti ako ng makita kong may suot suot itong damit.

"Rochi..." mahinang pagbasa ko sa pangalang nakaburda duon.

"What the fuck..." asik ni Piero sabay hablot sa laruang hawak ko.

Napakislot ako dahil sa pagkabigla. Nanlilisik ang kanyang mga mata. "Pinaka ayoko sa lahat malikot ang kamay." Galit na sabi niya pa sa akin.

"Hindi ko naman nanakawin, hinawakan ko lang" pagdadahilan ko sa kanya pero sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Pwede ba, ialis mo na nga yang pagmumukha mo sa harapan ko" pagtataboy pa niya sa akin.

Napayuko na lamang ako, inipon ang tapang at kakapalan ng mukha. "Pwede ba akong makikain, gutom na gutom na kasi ako eh" pagdadahilan ko pa.

Napanganga siya dahil sa gulat. "Seriously?" Mapanuyang tanong niya.

Napalunok na lamang ako. Sinundan ko siya ng tingin ng lumapit itio sa ref. May inilabas siyang plastick ng pagkain. Mabilis kong binitawan ang hawak kong bag para lumapit sa kitchen counter.

"Salamat..." malumanay na sabi ko sa kanya. Magsisimula na sana akong kumain ng mapahinto ako.

"May strawberry ba ito? Allergic kasi ako sa Strawberry eh" pagdadahilan ko sa kanya.

Muling nanlaki ang kanyang mga mata. Halos hindi ko nasundan ang galaw nito at nagulat na lamang muli ako ng nasa tabi ko na siya.

"Sino ka ba talaga?" Madiing tanong niya sa akin habang titig na titig siya sa aking mga mata.











(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

9.1M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
229 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
154K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
309K 5.1K 23
Dice and Madisson