The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 11

113K 3.7K 1.1K
By Maria_CarCat

After 2 years






"Parang awa mo na, wag mo akong patayin" umiiyak na pagmamakaawa ng isang lalaking pumatay ng isang matanda para pagnakawan ito.

Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. Dahan dahan kong ikinabit ang silencer sa aking hawak na baril. Halos lumuhod siya sa aking paanan, pero hindi na iyon uubra sa akin. Hindi deserving ang mga katulad niya para sa second chance.

"Nagawa ko lang naman iyon para sa pamilya ko" pagdadahilan pa niya sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan. "You can't fool me idiot, alam ko kung saan mo ginagastos ang perang ninanakaw mo, sa droga!" Asik ko sa pagmumukha niya.

Nagsimula nanaman siyang ngumawa at magkaawa. Tamad ko lamang itong tiningnan, ni wala akong nararamdaman habang nakatingin sa kanya, ni kahit kaunting awa ay wala din.

"Parang awa mo na..." pinal na sabi pa niya bago siya kaagad na bumulagta sa sahig dahil sa pagkakabaril ko sa kanya.

"Hindi ako tumatanggap ng bagay na minsang ipinagkait sa akin" nakangising sabi ko sa walang buhay nitong katawan.

Muli akong napatawa kasabay ng pagpiyok. Muli ko nanamang naalala ang nangyari dalawang taon na ang lumipas. "Mahihina lang ang humihingi ng awa" sabi ko pa sa aking sarili.

(Flashback)

Ginawa ko ang lahat para gisingin si Sachi, hindi ko iyon matatanggap. Hindi pwede.

"Piero tama na iyan" pagsuway sa akin ni Kenzo.

Kaagad ko siyang hinarap. "Tulungan mo siya, tulungan mo si Sachi, hindi pwede to" pamimilit ko sa kanya. Para na akong tatakasan ng bait, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nakita ko ang muling pagtulo ng luha sa mga mata nito. "Let her rest, let her go..." pumiyok na sabi pa niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Muli ko siyang hinarap at tsaka kinwelyuhan. "Anong sabi mo?" Nanggigil na tanong ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit. "Walang may gusto nito Piero. Sa tingin mo ba madali para sa akin ito. The least we can give to Sachi is to let her go, peacefully..." pilit niyang pagpapaintindi sa akin pero alam ko sa sarili kong hindi ko kailanman iyon maiintindihan.

"Wala kang kwenta" asik ko sa kanya at bayolente siyang binitawan.

Muli kong hinarap ang wala ng buhay na katawan ni Sachi. Pilit na hinahawakan ng mahigpit ang kanyang kamay, pilit na humahanap ng pagasang pisilin din niya iyon pabalik. "Ikaw nasaan ka nung kailangan ka niya?" Mapanuyang balik na tanong niya sa akin.

Napahinto ako. "Ikaw ang huling tinawagan ni Sachi, ni isang tawag hindi mo sinagot" pagbibintang pa niya sa akin.

Parang may kung anong malaking bagay ang bumara sa aking lalamunan, hindi ako makapagsalita hanggang sa ang malaking bagay na iyon ay unti unting bumaba sa aking dibdib dahilan kung bakit halos mahirapan akong huminga.

"Baka hihingi sana siya ng tulong sayo, pero hindi mo sinagot" paguulit pa ni Kenzo.

Halos malukot ang puting kumot dahil sa pagkakakuyom ko sa aking kamao. "Hindi ko alam..." madiing sagot ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa, pero mas lalo akong nagalit. Nagalit ako sa aking sarili. Kaagad akong lumapit sa pader at pinagsusuntok iyon. Gigil na gigil, ginamit ko ang lahat ng natitirang lakas ko para suntukin iyon. Galit na galit ako, hindi kung kanino kundi sa aking sarili.

Sinubukan akong pigilan ni Kenzo pero hindi siya nagtagumpay. Kumalat ang dugo sa pader galing sa aking sugatang kamay. Pagod at hinihingal akong tumigil, napaiyak na lamang dahil sa sobrang frustration.

"Kenzo kailangan ka ni Mommy" kaagad na singit ni Cairo.

Napatingin si Kenzo sa akin, ramdam kong nagaalinlangan itong iwanan ako duon. "Umalis ka na, iwanan mo muna ako" pagtataboy ko sa kanya.

Sandali pa itong napamura bago siya tuluyang sumama kay Cairo paalis duon. Nang muli akong mabingi dala ng sobrang katahimikan ay napatawa na lamang ako.

"Putang ina!" Sigaw ko sabay tawa.

Tawa dala ng halos takasan na ako ng sarili bait. "Nilayuan ko na, nilayuan ko pa..." natatawang paninisisi ko sa aking sarili.

Sinadya kong layuan si Sachi, hinayaan kong itago ang totoong nararamdaman ko para sa kanya sa pagaakalang mas maproprotektahan ko siya kung ako lang magisa ang nahihirapan. Ayoko na matulad kami kina Tito Axus at Tita Elaine na umabot pa sa pagtatakwil sa kanila. Ayokong maranasan iyon ni Sachi, hangga't maaari ayoko siyang masaktan.

Nanghihina akong tumayo para lapitan siya. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. "Do you want me to die with you?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, nanatiling nakapikit halos mamuti na ang kanyang mga labi. May malaking sugat ito sa noo marahil dahil sa pagkakabangga sa kanya. "Baby please...wake up" malambing na bulong ko sa kanya.

Ni hindi ko man lang nagawang sabihin iyon habang buhay pa siya. Hinalikan ko ito sa kanyang ulo. "Kung sakali mang mabuhay ka ulit, sana hindi ka na si Sachi, ayoko nang maging si Sachi ka pa. Hindi ko na ulit itatago pa ang nararamdaman ko para sayo." Pagkausap ko sa kanya.

Muli kong naalala ang sinabi nito sa akin nung minsang mapunta kami sa intramuros. "I love you Sachi...take my heart with you. Make me heartless in this fucking world"

(End of flashback)

Muli akong bumalik sa Agrupación matapos kong matapos ang aking misyon. Walang kaemoemosyon ang aking mukha habang naglalakad papunta sa opisina ni Boss Bob. May ilang nagtangkang batiin ako ngunit hindi ko sila pinansin. Wala akong pinagkakatiwalaan sa organisasyong ito.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahuhuli ang totoong pumatay kay Sachi.

"Hail Hagen!" Nakangiting salubong ni Boss Bob sa akin na may hawak pang baso ng whiskey.

"Mission done" sabi ko sa kanya kaya naman muli niyang itinaas sa ere ang hawak na baso.

Tiningnan ko lamang siya hanggang sa naikuyom ko ang aking kamao ng hawakan ako nito sa balikat. "You are really my top aganet. Hail Hagen..." nakangising sabi pa niya sa akin na ikinairap ko na lamang.

Amaryllis Guevarra Pov

Sobrang bigat ng aking katawan habang pinipilit kong bumangon. Kulang na kulang ang tulog ko sa magiging trabaho ko sa buong araw.

"Ate gising na daw po" paggising sa akin ng aking bunsong kapatid na si Akie.

Sandali aking nagunat ng katawan bago ko lumapit sa may maliit na salamin na nakadikit sa aking drawer na gawa sa kahoy. "Magandang umaga sayo Amaryllis" pagbati ko sa aking sarili para pagaanin ang loob ko dahil ayoko pa talagang bumangon ngunit kinakailangan dahil sa dami ng trabaho ko.

Dalawang taon na kaming naninirahan sa Hongkong. Halos illegal na ngang ituturing ang pananatili naming pamilya dito. Mabuti na lamang at may ilang kababayan ang tumutulong sa amin para makapagtago sa oras na may nagiikot na mga pulis.

Handa na ang aming munting agahan pagkalabas ko ng aking kwarto. Sa taas ng isang maliit na kainan kung saan isang tagaluto si Papa kami nanunuluyan.

"Gabi ka nanaman nauwi kagabi" puna niya sa akin kaya naman napakagat ako sa hawak na kutsara.

"Hindi po kasi ako sinipot nung buyer ko" inis na kwento ko pa.

Nagaalaga ako ng bata sa umaga. Waitress pag may oras pa, online seller din ako at kung may ibang raket pa gagawin ko iyon sa gabi. "Eh bakit hinintay mo pa din, paano kung nahuli ka?" Sita sa akin ni Papa.

Napanguso ako at tsaka hinipan paitaas ang full bangs ko. "Pera po iyon, kailangan natin ng pera" pagdadahilan ko pa.

Magpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Akie. "Pasencya na kayo mga anak..." pagdradrama nanaman nito kaya naman kaagad kaming napatawa ni Akie at mabilis na lumapit kay Papa para yakapin siya.

"Ayos lang po kami papa, basta ang mahalaga magkakasama tayong tatlo" paalala ko pa sa kanya.

Matapos ang umagahan ay bumaba na si Papa at Akie para buksan ang maliit na kainan sa baba. Mabuti na lamang at kahit papaano mabait ang amo namin dahil pinapatira pa niya kami sa taas nito, kung hindi ay baka sa kalye kami nakatira ngayon.

"Good morning ma'm" bati ko sa aking among babae pagkabukas niya ng kanilang pintuan.

Sinimangutan ako nito. "You're late" bungad niya sa akin.

"I'm sorry ma'm. Not again, not again. I promise" pangako ko dito.

Hindi na lamang siya nagsalita, pero halos mahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang kalat sa buong bahay. Parang dinaan iyon ng bagyo. Signal number 3 kung ihahalintulad. Puno din ang lababo, nakakalat kung saan saan ang ilang mga damit.

"You clean, i'm going" pagmamadali nito.

Pipigilan ko sana siya para sabihing babale ako pero hindi na niya ako pinakinggan pa at nagmadali ng umalis. "Ang snobber naman ni Ma'm" nakangusong sabi ko sa aking sarili at tsaka napakamot na lamang sa batok.

After lunch ng matapos ako sa paglilinis. May dalawang anak na lalaki ito, kapwa nagaaral pa kaya naman sa tuwing umaalis silang magiina ay ako lamang ang naiiwan sa kanilang bahay para maglinis. Three times a week ang punta ko sa kanila, laba at linis lang ang aking trabaho kaya naman hindi na iyon mabigat para sa akin.

Hapon na ako ng matapos. Naglakad ako pabalik sa maliit noodle house na pinagtratrabahuhan namin. Nasa malayo pa lang ay tanaw ko nang puno ang loob nito kaya naman tinakbo ko na ang layo nuon at kaagad na nagsuot ng apron pagkapasok.

"Ako na po Pa!" Pagkuha ko ng tray sa kanya para ibigay sa costumer.

Nagulat si Papa dahil sa aking biglaang pagsulpot. "Kami na dito anak, kagagaling mo lang sa trabaho magpahinga ka na muna sa taas" suway niya sa akin.

Kaagad kong itinaas ang kamay ko para ipakita ang kunwaring muscles ko. "Pa naman, malakas ako noh" pagbibida ko pa sa kanya. Napangisi na lamang ito at tsaka ako hinayaan.

"Amaryllis!" Tawag ni Wesley sa akin ng magulat siya ng makita ako duon.

Inirapan ko na lamang ito. Siya ang anak ng aming amo, sila ang may ari ng maliit na noodles house na ito. Isang pilipina ang ina ni wesley, ilang taon din siyang natira sa pilipinas kaya naman kahit kinuha na siya ng kanyang ama dito sa hongkong ay talaga namang pusong pinoy pa din ito. Isa din siya sa dahilan kung bakit napilit niya ang kanyang ama na kuhanin kami at patirahin sa taas ng kanilang noodle house.

"Ano nanaman ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Dapat kasi ay nasa eskwelahan ito. Pilyo kasi ang isang ito kaya naman laging napapaway sa eskwela. "Galing ka sa trabaho?" Panguusisa pa niya sa akim at hindi na pinansin pa ang tanong ko sa kanya.

"Oo" maiksing sagot ko at ipinagpatuloy ang pagseserve sa mga costumers.

Napangisi ito. "Napaka cute mo talaga Amaryllis ko" paglalambing pa niya kaya naman kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Tigilan mo nga ako" pagtataboy ko sa kanya pero mas lalo lamang itong napangiti.

"Gusto mo ba ng ice cream? Bibilhan kita" pagbibida pa niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin pinagpatuloy ko lamang ang pagtratrabaho. Hanggang sa tumunog ang aking cellphone. Nakareceive ako ng message mula sa costumer ko kagabi na hindi ako sinipot. Hindi ko na sana siya sasagutin ang kaso ay naisip kong pera din iyon. Hindi uubra ang galit galitan sa isang bussiness woman na katulad ko.

Mabilis kong iniabot kay Wesley ang hawak kong tray. Nagulat siya dahil sa aking ginawa. Maging ang suot kong apron ay isinuot ko din sa kanya.

"Ah napakasweet mo talaga Amaryl..." hindi na niya natuloy ang pagiinarte niya ng kaagad akong nagpaalam.

"Pa, may deliver po ako...babalik po ako kaagad" sigaw ko kay papa na nasa counter.

Magsasalita pa sana ito ng hindi ko na siya mahintay. Narinig ko pa ang pagtawag ni Wesley sa akin bago ako tumakbo palayo duon. Tinakbo ko ang layo patungo sa meeting place namin. Gustuhin ko mang gamitin ang lahat ng lakas ko para maglakad at tumakbo na lamang ay hindi ko magagawa, kinailangan kong sumakay ng train para makarating sa Pier.

Maaga ako ng ilang minuto sa napagusapang oras. Baka kasi hindi nanaman ako nito siputin. Dala ko ang dalawang box ng Hopia na galing pa sa pilipinas. Dala dala ito ni Ate Daisy, kalabalik niya lang galing sa bakasyon niya sa pilipinas. May ilang itong produckto na ibinibenta sa mga kasamahang OFW din dito sa hongkong. Ibigbigyan niya ako ng pursyento sa kada maibebenta ko. Hindi na din masama dahil dagdag kita din iyon.

Tinanaw ko ang mga naglalakihang Ferry Boat na dumadaong at umaalis. Nagiipon kami nila Papa para makabalik sa pilipinas. Pagod na kaming illegal na manirahan dito sa Hongkong, pagod na kaming magtago at tumakbo sa tuwing may mga pulis na nagbabahay bahay.

"Amaryllis?" Tanong ng isang babaeng may edad na ng lumapit siya sa akin.

Tiningnan ko ang aking cellphone nagmessage na pala ito. "Opo ako nga po" sagot ko sa kanya.

Kaagad niyang iniabot sa akin ang bayad para sa dalawang box. "Pasencya kanna kahapon, nagkaemergency kasi yung amo ko kaya hindi ako nakalabas" paumanhin niya sa akin.

"Ayos lang po" sabi ko pa sa kanya.

Nginitian ako nito. "Sa uulitin" sabi pa niya sabay taas nung karton. Tumango na lamang ako at tsaka siya nginitian.

Muli kong naramdaman ang pagod at pagkahingal habang naglalakad ako pabalik sa train station. Mabuti na lamang at linggo bukas. Makikita ko sina ate Daisy at ang iba pa naming kaibigan. Bago sumakay ng train ay dumaan muna ako sa 7/11.

"Kakain ako ng ice cream, irereward ko ang sarili ko" madiing paghihikayat ko sa aking sarili. Pumasok ako duon at naghanap ng ice cream sa may freezer, pero sa huli lumabas ako na walang dala.

Hindi ko ata kayang lunukin iyon. Kailangan naming makapagipon balik sa pilipinas. Tsaka na ako kakain ng ice cream pag may sobra na kaming pera. Napabuntong hininga na lamang ako at muling umuwi.

Araw ng linggo ang pinakihihintay ng halos lahat ng OFW dito sa hongkong. Maaga akong nagising sa araw na iyon para pumunta sa ilalim ng HSBC tower kung saan kami palaging nakikitumpok sa iba pang mga Pilipino workers.

Inihanda ko ang tatlong takeout na noodles para kina ate Daisy, ate Jane at Ate Evelyn. Halos may mga edad na din ito kaya naman kung ituring nila ako ay parang anak na nila. Parang nakababatang kapatid naman ang turing ni ate Jane sa akin dahil halos ilang taon lang ang tanda niya sa akin.

Nasa malayo pa lang ay sumisigaw na ako at kumakaway. Kaagad na napatayo si Ate Daisy para salubungin ako. "Naku may dala nanamang noodles itong si Amaryllis" natatawang sabi ni Ate Jane sa akin.

Napangisi ako. Sinasadya ko kasing dalhin iyon para ipakain sa kanila at pabayaran. Sapilitang pagbebenta kumabaga. "Ang aga natin ngayon ah" puri nila sa akin.

Nginisian ko sila. "Syempre, may pasalubong ka po sa akin eh" natatawang sabi ko sa kanya.

Mabilis kong inilapag ang hawak na supot ng noodles ng iabot sa akin ni Ate Daisy ang isang box ng special na tikoy. "Para iyan sa iyo. Kainin mo na bago pa masira, alam kong paborito mo iyan" sabi pa niya sa akin kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat po Ate Daisy"

Matapos iyon ay kaagad akong tumabi sa kanila para makibalita habang kinakain ag pasalubong na tikoy ni Ate Daisy sa akin na galing pa ng pilipinas.

"Kamusta naman duon?" Panguusisa ni Ate Evelyn sa kanya.

Tahimik lamang akong nakikinig habang kinakain ang tikoy ko. "Ayun Pilipinas pa din" nakangising sagot ni Ate Daisy sa kanya.

Ramdam namin ang lungkot sa kanyang boses. Halos isag buwan niya lamang kasi nakasama ang mga anak niya. Pagkatapos ay aabutin nanaman siya ng ilang taon dito sa hongkong para magalaga ng ibang bata.

Hinawakan siya ni ate Evelyn sa balikat. "Para din naman ito sa kanila, maiintindihan nila iyon" pagaalo nito sa kanya.

Napatingin ako sa paligid, may ilang naglalaro ng baraha, may mga nagpapamanicure, may mga malilit na salo salo. Kung iisa isahin mo ang kwento ng bawat tao dito. May isa silang pagkakatulad, iyon ay ang pagsasakripisyo nila para bigyan ng magandang buhay ang pamilyang iniwan nila sa pilipinas.

Ibinigay ko kay Ate Daisy ang mga napagbentahan ko. Ibinigay din niya kaagad sa akin ang pursyento ko para dito. "Hindi ka ba napapagod kakatrabaho mo, kung ano anong trabaho na pinapasok mo ah" puna pa sa akin ni Ate Daisy.

Napanguso ako. "Ayos lang po ako. Basta po, ayoko pong mahiwalay kina Papa at Akie, gagawin ko po lahat para sabay sabay kaming makabalik sa Pilipinas" desididong sagot ko sa kanya kaya naman napangiti si Ate Daisy.

"Napakaswerte talaga ng Papa mo sayo" puri pa niya sa akin kaya naman kaagad akong nagpacute sa harap nila.

Natawa ang mga ito. "Kailan ba maghihiwahiwalay yang bangs mo?" Pangaasar ni ate Jane sa full bangs ko.

Marahan ko iyong sinuklay. "Sabi ni Papa ang cute ko daw dito eh" laban ko pa sa kanila kaya naman napailing na lamang sila.

Nagpatuloy ako sa pagtanggap ng trabaho, kahit ano, kahit gaano kaliit ang kita basta ay makatulong at makadagdag sa aming ipon. Maaga akong pumasok sa aking pinagtratrabahuhan araw ng lunes.

"Good morning ma'm" bati ko sa kanya pagkabukas niya ng pinto.

Nakasimangot nanaman ito sa akin. "No Good in morning!" Asik niya sa akin kaya naman napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi.

Kagaya ng inaasahan ay halos mukhang dinaanan nanaman ng bagyo ang kanilang bahay. Naglinis ako, naghugas ng mga pinggan, naglaba at sampay. Hindi umalis si Ma'm, nanatili ito sa may dinning habang nasa harap ng kanyang laptop kaya naman hindi ako nakapagpahinga kahit sandali. Nung minsan kasi makita niya akong nakaupo para magpahinga sandali ay pinagalitan niya ako.

Nagmamadali akong lumabas mula sa laundry room ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin. "Ma'm" paglapit ko sa kanya.

Itinuro nito sa akin ang isang supot ng tinapay. "That's yours" sabi niya sa akin at kaagad na tumayo para pumasok sa kanyang kwarto.

Tinanggap ko na lamang iyon. Nung una ay may palibre pang pagkain. May palunch pa kung minsan, ngayon ay isang supot ng tinapay lamang ang kakainin ko para sa buong araw na pagtratrabaho.

Nang makaramdam ng gutom ay kaagad ko iyong kinain. Nasa may laundry room ako at kumakain habang hinhintay na matapos ang pagikot ng washing machine. Masarap ang tinapay na ibinigay niya sa akin, mukhang mamahalin. Pero ilang minuto lamang ay nakaramdam na ako ng paginit ng aking katawan hanggang sa nagsimula ng mangati iyon.

Hinayaan ko, pinagpatuloy ko ang aking paglalaba. Hanggang sa mapasigaw si Ma'm ng makita niya ako.

"What happend to you?" Sigaw niya sa akin. Napatingin ako sa salamin. Puno ng pantal ang aking mukha maging ang mga braso, medyo hirap na din ako huminga dahil sa allergy.

Gusto ko sana siyang lapitan para sabihing ayos lang ako. Pero pinigilan niya akong makalapit sa kanya. "Don't go!" Sigaw niya sa akin at pagtataboy.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagtindi ng allergy. "I'll call a doctor" sabi niya at kaagad na lumapit sa may telepono.

"No ma'm please" pakiusap ko sa kanya. Hindi ako pwedeng madala sa hospital, makikita ang records ko, delikado.

Dahil hindi na siya nagpapigil pa ay sinubukan kong lumabas ng kanilang bahay. Pero hinabol pa din niya ako, napahinto ako ng makakita ako ng dalawang hongkong pulis sa may dulo ng hallway. Wala na akong lakas pang tumakbo. Kaagad itong tinawag ni Ma'm. Hindi ko man gaanong naiintindihan ang lenggwahe nila ay batid kong nagaalala ito na baka mayroon akong nakakahawang sakit

Umiiyak akong dinala ng mga ito sa hospital. Hindi na din nila ako pinakawalan pa, lalo ng malaman nilang illegal ang pagstay ko dito sa Hongkong.

"Miss, do you have family here? Are you alone?" Panguusisa ng pulis sa akin. Hindi ako makasagot dahil sa pagiyak.

Maya maya ay nakita ko ang pagtakbo ni Ate Daisy palapit sa akin. "Ano bang nangyari?" Emosyonal na tanong niya sa akin.

Siya na ang nakipagusap sa pulis. Bagsak ang balikat nito ng bumalik siya sa akin. "Pwede na po ba akong umuwi?" Tanong ko sa kanya.

Naluha ito at tsaka umiling. "Ipapadeport ka nila pabalik ng Pilipinas" sabi niya sa akin kaya naman bumigat ang dibdib ko.

"Po...pero paano po sina Papa?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Napaiyak na lamang si ate Daisy at napayakap sa akin. "Ayoko pong umalis dito ng hindi kasama sina Papa at Akie, tulungan niyo po ako Ate Daisy" pagmamakaawa ko sa kanya.

Umiyak na lamang din siya kasama ko. Nang umayos na ang aking lagay ay diniretso ako ng mga pulis papunta sa presinto. Hindi ako iniwan ni Ate Daisy.

"Nasa labas ang Papa mo" bulong niya sa akin kaya naman kaagad akong nabuhayan ng loob.

Kaagad niya akong pinakalma. "Hindi siya makakapasok dito, baka mahuli din siya. Paano na lang ang kapatid mong si Akie...menor de edad pa iyon" pagpapaalala niya sa akin.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Hanggang sa may iniabot siyang maliit na papel sa akin. "Susunod sila sa Pilipinas, wag kang magalala magkakasama ulit kayo" pagaalo niya sa akin.

"Pero wala po akong kakilala duon, hindi ko po alam ang gagawin ko" pagkataranta ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin duon pag dating ko ng pilipinas.

Itinuro niya sa akin ang papel na nanggaling daw kay Papa. "Matutulungan ka daw ng taong iyan" sabi pa niya sa akin.

Binuksan ko ang Papel na ibinigay ni Papa. "Hanapin mo daw ang taong iyan pagdating mo sa Pilipinas, makitawag ka. Sabihin mo diyan sa lalaking iyan, anak ka ni Doctor Vicente Guevarra" paginstruction niya pa sa akin.

Hindi ako nakaimik, nanatiling nakatitig sa pangalan, address at contact number ng taong sinasabi nila.

Piero Arthur Herrer
















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
921K 31.6K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.2M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something