SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STOR...

Per AGENT_WRITER

20.8K 588 36

Nagkakilala sila sa isang bar ang pilyong studyante at sakit sa ulo na si Astran at ang torpe at strict na pr... Més

CHAPTER 01 : Badboy and Strict
CHAPTER 02 : Hazel and Zayne
CHAPTER 03 : Wrong love
CHAPTER 04 : Kiss
CHAPTER 05 : Trouble Again
CHAPTER 06 : Teacher's Pet
CHAPTER 07 : Hug
CHAPTER 08 : Heartbeats
CHAPTER 09 : Jelous
CHAPTER 10 : RIVAL
CHAPTER 11 : The Game
CHAPTER 13 : The New Life
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 12 : Choose

1K 32 1
Per AGENT_WRITER

SECRETLY LIKE YOU
CHAPTER 12 : Choose

“SAAN KA BA GALING?” ang tanong noon ni Hazel sa professor. “Lumabas ako. May binili lang ako sa store na malapit. Sorry hindi na ako nakapag-call o text sa iyo.” Tugon naman nito.

“Uhmm. Okay lang.” Napatango- tango ang dalaga ngunit mapapakunot noo nalang siya nang mapatingin sa buhok ni Zayne na basang- basa. Kaya naman tinanong iyon ni Hazel subalit sinagot naman siya nito na dahil lang sa pawis iyon, doon napaisip ang dalaga na sana nga ganoon nga iyon at hindi 'yung sa kung ano man ang kanyang hinala ngayon.

“Tara na?” ngiti ng professor. Napatingin pa si Hazel kay Zayne noong mapailing nalang siya. Impossible nga din naman.

Habang nasa biyahe sila nangingiti ang professor na iniisip ang kakulitan ni Astran kanina, hindi din niya malimutan kasi 'yung nangyari sa kanila sa banyo. Para siyang nasisiraan sa paglipad ng isip at natatawa pa siya. Sa kabilang banda naman hindi din maiiwasan noong oras na iyon na mag- usisa ng dalaga na nagtataka at napatanong pa ‘kung bakit tila yata lumilipad ang isip ng professor at sobrang laki pa ng kanyang mga ngiti sa labi?”

‘“Nothing!” sabi lang ni Zayne saka nalamang napatahimik ang dalaga at tinitigan pa ito. Inalala niya ang mga ganap kanina noong hanapin niya ito. Sinadya niya tunguhin ang room kung saan naroon ang mga players. Pero pagdating naman niya doon ay nakalock na ang pinto. Marahil wala ng tao sa loob. Iniisip niya ‘kung saan kaya nagpunta si Zayne?’ Nag-decide siyang umalis, pero sisimulan pa lamang niyang humakbang noon ng konti nang may marinig siyang agas ng tubig mula sa loob. Kaya naman hindi siya nag-atumili na kumatok.

“Hello! May tao ba diyan? Zayne! Zayne! Zayne! Si Hazel ito!”

Atsaka naman kumatok pa siya nang paulit- ulit tapos bumukas ang pinto at hinarap siya ni Astran.

“Anong ginagawa mo dito, Ma'am?” tanong nito sa kanya.

Napatingin naman ang dalaga noong itulak niya ang pinto dahil sa pagtatago nila sa likod ng pintuan ngunit magugulat siya ng makita na nakahubad ang binata at nakatapis lamang.

Magbababa ito ng tingin. “Si Zayne pumunta ba siya dito?” tanong niya.

“Oo kanina pumunta siya para maghatid ng drink pero umalis din.” Turan naman ni Astran. Babalakin pa sana pumasok ni Hazel sa loob ngunit hinarangan siya ng binata.

“Ma'am! Bawal po dito ang babae, may kasama po ako sa loob nagbibihis kami.” Wika nito para matigilan siya.

“Ah ganoon ba? Pinapunta ko kasi si Zayne dito, hindi pa siya bumabalik. Nagbabaka- sakali lang na nandiyan siya. Pasensiya na.
Sambit pa nito noong matawa lang ang binata at sabihan siya nito na ‘bakit naman mage-stay ang professor sa banyo, for what?’ Atsaka na siya umalis.

Sa kabalikang banda pagkasarado ng pinto ay agad nakahinga ng maluwag ang binata saka niya tinungo ang shower room kung saan iniwan niya si Zayne. Nakabukas ang shower at hubad itong naliligo habang nakatulala lang. “Si Ma'am Hazel mo ba iyon?” tanong nito. May pag-aalala sa tono ng boses nito saka nito sinabi sa kanya na nakalimutan niya ang tungkol sa dalaga. Dapat hindi nalang nila ito basta basta ginawa. Masiyado silang nagpapadala sa damdamin nila.

“So you are regretting what happen to us?” wika ng binata, napa-cross arms pa siya.

Napabuntong hininga si Zayne saka napaduko bago ay nagtaas noo, pinatay ang shower, at lumapit sa kanya. “I'm just saying I hope it never happened—”

“Saan ba pupunta iyon? Hindi ba doon din iyon Si—” pagputol ni Astran.

Bahagyang ngumiti ang professor. “But that doesn't mean I regret it and I don't like what happened to us today. I am happy. See you!” Dagdag nito sabay pisil sa ilong niya saka na ito nagsuot ng mga attire nito kanina atsaka umalis. Lihim na mapapangiti ang binata. Alam niyang may bumabagabag sa professor dahil sa namumuong relasyon sa pagitan nila na hindi puwede sa mata ng iba,  pero sa mga simpleng ganito lang ni Zayne ay napapasaya na siya. Ibig lang sabihin niyon ay may feelings din talaga at hindi narin sarado ang puso at pakikitungo nito sa kanya. Bukas ang pintuan nito sa chance na nais niya.

---

DUMATING ANG araw ng date nila Hazel at Zayne, ilang days after ng event. Datapwat hindi nila aasahan ang magiging tagpo nila sa isat-isa. Not everyone will turn out well, from the moment they meet, until they sit down in a restaurant. Especially when Hazel first admits her feelings for the professor. Noong una nakakapag-ngitian pa sila tapos nakakapag-usap pa ng maayos ng tungkol sa pagyayaya ni Zayne ng date sa kanya. At personal matter.

Like maganda si Hazel at guwapo ang professor ngayon. University things like department problem. At tungkol kay Astran na siyang ilang saglit na nakapagpatahimik at nakapagpalalim ng hininga kay Zayne.

“He's doing fine! Iyon nagiging okay na ang lahat para sa kanya. I love how he change his behavior now. Tumataas narin ang mga paperworks niya at active na sa mga activities.” Wika niya saka siya mapapangiti.

Nang nkakapagbiruan pa sila. Hindi pa seryoso ang lahat. But then the ambiance between them became quiet and serious when Hazel admitted first that she had feelings for him. Wala ng paligoy-ligoy. Hindi na humaba pa ang malamig na gabing iyon namay magandang naririnig na romantic at sweet music galing sa mga nagba-violin.

“Prof. Dreuz Zayne, I like you!” that confession of her was so sweet and brave. There was a big smile on Hazel's lips as she said that. It’s a bit embarrassing to do that for a girl like her but she did it without hesitation and even ignored the fact na ang lalake dapat ang gumagawa nito.  Because he likes Zayne, anyway.

Magugulat ang professor dahil doon pero biglaang lalalim ang kanyang isip, at mapapaduko. May hindi tama sa mga reactions at action na ginagawa at pinapakita nito. Tahimik lang si Zayne at napapabuntong hininga. Sa kabilang banda dapat magiging masaya siya sa mga narinig na sinabi ng taong nagkaroon ng puwang sa puso niya pero hindi iyon ang nararamdaman niya. May iba siyang nararamdaman. Malungkot, kinakabahan, walang excitement, at worried.

Para siyang may gusto sabihin pero hindi lang mailabas sa kanyang bibig dahil natatakot siya. Nahahahati ang pag-iisip niya sa choice na pipiliin. Hindi niya namamalayan may luha ng namumuo sa kaniyang mata. Muli siyang mapapahinga ng malalim sabay kakagatin niya ang ibabang labi. Saka niya tinignan si Hazel at humingi siya ng sorry. Para bang nalimitahan ang dila niya at iyon lang ang nabanggit.

“Sorry, for what?”

Hindi siya makasagot. Nagtagal ang pananahimik sa pagitan nila.

Until. “You like someone else, don't you?” tanong ng dalaga na hindi niya aasahan. May pakiramdam ito? He mean alam nito? Like how?

Pero ano itong ngiti na ipinapakita ni Hazel sa kaniya? Dapat dissapointed ito.

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Zayne nang mapapikit siya saka niya idinuko ang ulo at kahit may hesitate siya na sagutin ang tanong nito sa kanya ay napatango-tango na lang siya, saka siya muling humingi ng sorry. Sabay ilang saglit magtataas- noo nalang siya noong maramdaman niyang kuhanin nito ang kanang kamay niya saka niya makikita ang naluluha din nitong mata habang nakangiti. Sinasabi pa nito na wala namang dapat itong ikabahala pa at problema sa kanya kung may iba itong gusto. 

She already knew it from the start. Kung paano niya nalaman? Hindi niya nalaman. Kun'di naramdaman niya. Napaka-obvious ng mga pagbabago nito. Iyong mga kakaibang ngiti sa labi nito ay napapansin niya nitong nagdaang araw, kahit kung paano ito kumilos.

On the other side she believes she once really liked by Zayne but someone made him feel something strange. Strange na nag-lead dito to fall for that person. And if this person makes him happier, his choice is right. Dahil hangad ni Hazel ang kaligayahan para sa kaniya. Atleast honest ang professor sa nararamdaman niya. Suportado niya ito sa kung ano mang desisyon ang pipiliin nito pero sana gaya ng pagsagot nito sa tanong niya ay maging tama din ang pipiliin nito.

Hazel is right, he is very happy to be with this person and when he is with him. He had never felt it before but this person moved him. His heart flutters a lot, when he sees its lips smiling and happy.

That’s why he does everything just to see that smile all the time. He knew that this person needed a lot of care, but instead of being strict with it, he chose to get to know him and being caring.

Ang totoo hindi niya pa nagagawang maging caring at ma-attached ng ganito sa isang tao ng sobra. But this person softens his heart. He thought it was just pity for him at first, but there was something.

Also during the time they were together. There he proved that the bad image that others see from him is very different from the person he sees and knows today. He is naughty and a bit goofy.

Yes! He will admit that this person was a naughty sometimes. But as he continued to get along with him, he didn't know that he was gradually falling into him. 'Cause he's not that bad, he is a good and nice person actually.

‘Pero paano kung 'yung tamang choice na pipiliin ni Zayne na galing sa puso niya ay mali sa mata ng ibang tao?’

Sa kabikang banda tanggap ni Hazel if ma-busted siya ngayon ng taong hinahangaan. Siguro nga hanggang sa paghanga lang siya.

Nang halos mag-breakdown na sa pag-iyak ang professor. Hindi siya 'yung tipo ng ganito subalit hindi niyalamang mapigilan. Sobrang bait ni Hazel na dalaga.

Surely in the other guy’s point of view. It was a big mistake that he let go of this kind of girl and he turned down her confession for him. That is also stupid..

Nang tatayo ito atsaka lalapit kay Zayne para yakapin siya ng mahigpit. “So ano bang klaseng tao itong naging karibal ko sa puso mo?” tanong pa nito bilang biro sabay tawa.

“Stupid and idiot! Stupid and idiot like what am I.” Turan naman niya saka pa napangiti si Hazel, bago ay napayakap narin ang professor pabalik. At naging maayos ang kanilang paghihiwalay ng landas sa isat-isa after their dinner date. May ngiti pa nga sa labi niya si Zayne noon nang pauwi na siya pero ilang saglit lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa dad niya.

Niyayaya siya nito na lumabas at makipagkita sa kaniya. Napangiti siya, atsaka siya pumayag. Naglalambing na naman sa kaniya ito. Gusto ng bonding. Medyo matagal-tagal narin noong nagkaayos sila ng kaniyang ama. Nakakatuwa lang na amakin nga naman niya na siya mismong professor na dapat na siyang nagtuturo ay naturuan ng kaniyang sariling studyante.

Lahat ng payo sa kaniya ni Astran ay nagkaroon ng magandang resulta. Dahil sa pagmamatigasan nila ng kaniyang dad. Hindi niya agad nalaman namay soft side pala ito, at mali ang tingin at pagtrato niya dito. Doon lamang niya nalaman na hindi siya pino-force ng dad niya for his dad sake. But for Zayne's late mother.

Masiyado lang talaga naging caring ang dad niya dahil sa kaniya na nasa puntong iniisip niyang gusto siya nitong kontrolin.

Sabagay lahat naman ng magulang o parents ay kabutihan parati ang hangad nila para sa kanilang anak.

Inuna ni Zayne kasi ang pagrerebelde. At noong tuluyan siyang napasok sa kaniyang profession ay isinarado niya ang puso niya sa kaniyang ama. Handa siyang makipagbangayan parati dito. From the start, siya ang mali. Naging succesful professor pa naman din siya pero ayaw niya matutunan ang katotohanan at pagkakamali niya.

Sabi nga nila ‘Without good communication, a relationship is merely a hollow vessel carrying you along a frustrating journey fraught with the perils of confusion, projection, and misunderstanding.’

---

DALAWANG naiwan sa classroom sina Astran noon at si Zayne nang busy na busy na nag-aayos ng mga paperworks at nag-eencode ng activity saka paperworks ang professor. Nagkaroon kasi sila kanina sa class ng groupwork activities na recorded.

Nang hindi rin niya magawang makapag-pokus dahil sa nasa harapan niya ang binata na kanina pa siya tinitignan at pinagmamasdan habang nakahiga ang pisngi nito sa lamesa. Ang totoo kasi niyan ay hinihintay siya nitong matapos sa ginagawa. So they can have a lunch together.

Sinubukan na niyang sabihan ito na mauna na lamang. Ang problema ay nag-iinsist ito na magsabay sila at ayaw nitong sumunod sa utos niya na mananghalian mag-isa.  Napapangiti nalang talaga siya ng lihim saka mapapailing-iling. Ilang beses din siyang nagpasulyap-sulyap kay Astran habang busy siya.

Nang matawa nalang siya after nitong pabirong bumanat na. “Sir, finish that later. Let's have lunch. I am very hungry now. Or you want me to eat you up instead. HAHA.”

Halata naman kasing gutom na ito, pero napakakulit.

Nanlaki nga ang mata ng professor sa banat na iyon, kukunot ang noo sabay mapapatawa. “Crazy! Alam mo? Kumain ka na!” turan niya, saka lamang mapapakamot ng ulo niya si Astran.

“Kain ka na! Alam ko namang gutom ka na.” Dagdag pa niya.

“Sir. Bakit ikaw, hindi?” tanong naman nito.

“Nope. Kailangan ko nalang tapusin ito.” Sagot naman niya, nang mapapatayo si Astran saka nito ilalapit ang sarili niya kay Zayne. Ang mukha niya papunta sa harap nito na para bang may pagbabalak o pagtatangkang halikan ang professor.

“Sa pagkakataong ito, hindi ako nagbibiro. I am going to eat you up.” Pagbulong pa ng binata sabay may pagkaseryoso siyang makikipagtitigan dito.

“No! Astran, can you stop teasing me? If you are hungry. Eat alone. Just leave me here. I am okay.” Zayne raised his voice as he spoke to Astran.

Mapapalayo naman si Astran saka siya mapapa-cross arm. “I am not teasing you.”

Hindi naman papansinin iyon ni Zayne.

“You are okay. Okay! But not okay for me,” nang bigla bigla ay hihilain siya sa necktie at susunggaban siya nito ng isang uhaw na halik galing mula sa binata. Hindi iyon inaasahan ng professor, kita ang gulat na kumawala sa kaniyang mata at mapapatigil sa kaniyang mga daliri na sa paperwork at laptop nakatuon kanina. Datapwat imbes na patigilin ito ay parang may nagtulak nalang din sa kaniya to kissed Astran back.

“Sinasabi ko naman sa iyo na hindi ako nagbibiro. May isa akong salita.” Mapang-asar na sambit pa ni Astran nang mapangiti pa siya sabay matamis sa labi na mapapangiti nalang din si Zayne habang pailing-iling at titig sila sa mukha at mata ng isat-isa. Sabay mabilis na babatukan ng professor sa tuktok ng ulo niya ang binata.

“Aray naman, Sir!”

“Kahit kailan talaga—”

“What, Sir?”

“You're bad!”

“At bakit naman ako naging bad. Sir?”

“You're interrupting me in what I'm doing here.”

“Pero nagpa-interrupt ka. You kissed me back.”

Biglaang mapapatikom si Zayne because Astran is right.

At muli ay nagkatawanan lang sila. Ilang mga araw ang lumipas, tuluyang nagkaroon at nagpatuloy ang masaya at komportableng relasyon na namamagitan ng sikreto sa isat-isa. Walang ibang nakakaalam na ang normal na nakikita ng iba na closeness sa pagitan ng studyanteng si Astran at sa professor nitong si Zayne ay may lihim ng meaning. Ngunit hindi lahat ng kasiyahan ay nagtatagal sapagkat lumilipas din ito. Datapwat sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Kung kailan ba naman okay na ang lahat kahit paano ay saka pa mangyayari ang hindi inaasahang dagok na kakaharapin nina Astran at Zayne.

Someone photographed them from the scenarios na ito ay maiisip ng iba na mali at hindi maganda sa paningin. At parang sa lagay nito ay mapag-iisipan naring para bang may relasyong namamagitan sa isang professor at student.

Some of the photos of them are the image of holding hands, and they almost kiss each other which is really happened at those times.

Ang masama pa ay kumalat ang litrato sa buong unibersidad, atsaka ito nagdulot ng epekto sa katayuan nila Zayne at Astran. Nagsimula ang mga bulong-bulungan, unti-unting nadudungisan ng scandalo ang imahe ng unibersidad, at maging ang mga pribadong mga bagay at buhay ay nauusig.

Para bang bigla bigla ay walang pakundangan na samu't saring mga pangmamata, kahusgahan, bashing, pangda-down, curse words, at pandidiri ang natanggap ng professor at binata.

Doon sa mga oras na iyon ay nadama ni Astran na parang mas higit na naaapektuhan at nasasaktan si Zayne. Simula't sapul napagdadaanan na ng binata ito. Normal nalang ito. Sanay na siya sa gossip ng mga pakialamerong tao. Manhid at hindi na siya nasasaktan pa sa mga ganito. Pilit nalang niyang ini-immune ang sarili. Kaya naman para sa kaniya ay wala siyang pakialam sa opinion o iniisip ng ibang tao. He knows himself better than anyone else.

Ang hindi lang siguro normal ay iyong nasasaktan siya para sa puwedeng maramdaman ng professor. Noong araw na nasa lugmok silang sitwasyon ay kitang-kita niya ang pangamba sa mukha at basang-basa niya ang kalungkutan sa mata nito.

Gusto man niyang mas lapitan pa si Zayne nang kuyugin ito. Para hawakan ang kamay nito upang iparamdam na narito siya for him. Ang kaso ay pinili na lang niyang manatili kung saan siya naroon.  Mas makakabuti nang ganito.

Pinili niyang huwag umeksena at gumawa pa ng mas lalaking problema na kakaharapin nito. Naiiyak nalang talaga siya habang nakatingin sapagkat wala siyang magawa. He want, but can't. Nakakainis man ng sobra ay pilit nalang niyang ipinapasok sa kokote na this is for the guy he like, he want to protect him. Dahil alam niya how exhausted already Zayne is.

Ngunit ano itong tingin na natanggap ng binata mula sa professor? Sa hindi kasi sinasadya ay nahagip siya ng mga mata ni Zayne habang nakatanaw siya dito. Ilang segundo din natigilan ito, bago ay inagaw nito ang tingin na para bang may ibang ibig tukuyin bago ito umalis.

Dahil doon ay ginawa niya ang lahat ng paraan upang ma-approach ang professor ng palihim. Tila naging mahirap, pero kahit paano ay nagawa niya. Ilang araw din ay nakikita niya ito pero never itong um-attend ng class nila.

“I miss you, hindi naging madali ang malapitan ka.” Pauna niyang sambit habang nakangiti. Baka sa kaniyang mata ang kasayahan na makita si Zayne, nang saka lamang napaiwas ng tingin niya ang professor. Atsaka napaduko ang binata, alam niyang galit ito at hindi dapat sila nagkikita ng ganito dahil sa scandalong nangyari. Basang-basa niya ang mukha nito. Napahinga nalang siyang malalim.

“I just want to talk. I have something to say—” dagdag niya.

“What?” tanong naman nito sa malalim na tono ng boses.

“I just want to say that—”

Kaya nga lang ay hindi magiging maganda ang tagpo nila. “Puwede ba?” bagsak ang balikat na sambit nito.

‘Because Zayne wants them to never meet again from now on. He wants Astran to stay away from him. Hanggang maaari lang.’ Kitang-kita ng binata ang inis at exhausted sa mukha nito. Ngayon niya lang nakita kung paano ma-annoying ang professor.

Doon ay hindi rin nagtagal nalaman niyang hindi na pala nasa maayos na sitwasyon ang lagay ni Zayne. Ilang rebelasyon ang nalaman niya na puwedeng hindi na makapagturo pa ito, dahil puwedeng i-terminate ang licensed nito sa pagtuturo as professor. Malulogmok din ang reputasyon nito dahil sa scandalo na kumalat. Kaya hindi din impossible na mapaalis na ito sa unibersidad. At ang mga iyon ay nalaman niya sa dalawang tao. Kay Ma'am Hazel nang humingi ito ng pabor sa kaniya dahil alam na nito ang lahat at si Molly noong magtapat ang kaibigan nito ng katotohanan sa mga ginawa ng babae. Kaya naman kinompronta niya si Molly. Hindi niya aasahan na aabot sa ganito ang babaeng ito. Halos hindi niya na mapigilan ang sarili niyang saktan ito sa sobrang galit.

“Ano bang naging kasalan ko sa iyo at problema mo sa akin para umasta ka ng ganito? Sumusobra ka na!” tanong nga niya e, noong kamuntikan na niyang paliparin ang kamao sa mukha nito.

Pero hindi ang obssessed na babaeng ito ang priority niya, kung hindi ang proffesor. Ang problema nga lang ay tila yata may binabalak pa si Molly noon nang parang baliw itong nakangiti at may tinawagan sa phone habang nakatingin kay Astran na papalayo sa kaniya para puntahan si Zayne

At the end of the day. Imbes na ang professor, ay ang dean ang kaniyang nakaharap at nakausap.  Tungkol ito sa hinihinging pabor ni Ma'am Hazel na walang pagdadalawang isip niyang ginawa.

‘Ipinagtapat ni Astran na wala talagang relasyon na namamagitan o nabuo sa kanila ng professor na si Zayne.  Sadyang mabait lang talaga ang nasabing professor at alam naman ng lahat na naka-handle o under observation siya sa pangangalaga nito dahil sa mga past problem that he caused. Naging sobra sobra lang na mapagbigay si Zayne kaya nami-missinterpret ito ng iba. Atsaka naging close din sila ng professor, kaya kung ano man iyong mga lumabas na photo ay may hidden agenda at dahil lang talaga sa closeness na nabuo at bonding nila. At walang naganap na student-teacher relationship.’

Sobrang sakit para sa binata ang mga binitawan na iyon at para bang sasabog na sa sobrang sakit ang nararamdaman niya dahil sa kirot ng puso. Ngunit para kay Zayne he did it. Mukha namang naniwala ang dean at humingi din ng paumanhin patungkol dito. Masaya din daw ito na si Astran na nadidiin ay nagpaliwanag, datapwat laking gulat nalang niya noong sabihin nito sa kaniya na huli na ang lahat. After niyang mabanggit ang huwag pag-terminate sa licenced ng professor at pag-papaalis dito.

But the dean know the truth now?

‘It was Professor Zayne's decision.’

‘Zayne choose to leave.’

Tila maba-blangko nalang sa kaniyang isipan si  Astran matapos niyang malaman iyon. Hindi puwede ito. Bakit? Bakit? Dali-dali siyang kumilos at umalis sa office. Aligaga na siya at noong makalayo ay hindi na niya napigilan na mapaluha at mapahagulgol. Sinubukan niyang hanapin ang professor. Nagbabaka-sakali siyang maaabutan niya pa ito. Pero mukhang huling-huli na siya. Wala na si Zayne.

Para na siyang nasisiraan kakahagilap dito. Umaasa siya. Umaasa siya kahit malabo na, subalit magugulat nalang siya noong wala siyang kamalay-malay sa panganib na kaniyang haharapin noong tambangan siya ng isang grupo ng mga kalalakihang may hindi kaaya-aya na itsura na bigla siyang haharangan para gulpihin.

Astran fight back, ngunit tila mas may lakas ang mga ito para siya ang pabagsakin.

Ramdam na ramdam niya ang mga sakit ng suntok na tumama sa kaniya hanggang sa bumagsak nalang siya sa kalsada. Duguan at unti-unting lumalabo ang visual ng mata.

But in those times before he lost consciousness, ay sure siya na may isang tao na parating para tulungan siya.

Until a smile appeared on his lips when he saw who it was. Kahit hinang-hina at unti-unting nabablangko na ang lahat kay Astran. He was pretty sure...  it was Zayne.

Continua llegint

You'll Also Like

160K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7K 63 17
Author: Sign_pain Genre: BL Language: English, Tagalog ManxMan BoyxBoy #LGBTQ
50.9K 753 9
double the trouble or double the fun? WARNING: Ang storyang ito ay Rated SPG kaya read at your own risk XD you may all proceed.