EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 16

13.9K 295 74
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 16

MAGKABILANG kamay ni Belle ang nakahawak sa baso habang pinanonood sa karinderya ang nangyaring pagsabog.

"Mainit na balita ngayong tanghali! Akmang aatakihin ng bagong sindikato ang Feeding Program ng dating Heneral Jacob sa Bagong Nayon, may kinalaman ba ito sa mga Mafia organization na kanilang kinalaban dahil nandoon din ang dating Heneral Don Vito Valentin? Maayos na nailikas sa maayos na lugar ang mga dumalo sa programa. Sinisiguro rin ng PPD ang seguridad ng dating Heneral at iba pang pwedeng madamay." 

"Akala ko bang tapos na? Bakit parang nagsisimula na naman sila?" Bulong ni Belle at sinimulang kumain.

Nagmamatyag at patuloy pa rin nakatingin si Jamie sa kilos ni Belle. Hindi mawala sa kanyang isipan kung saan niya nakilala o natagpuan ang pamilyar na mukha ng dalaga.

"Saan ba kita nakita? Pamilyar talaga ang bilog niyang mga mata," bulong ni Jamie. 

"Bayad po!" Biglang tayo ni Belle at binigay ang kwarenta y pesos na bayad.

Akmang susunod si Jamie pero bigla niyang narinig ang tawag mula kay Hugo. "Boss? Boss okay ka lang?"

"How's she? Sinong kasama niya?"

"She's alone."

"Alone? Sigurado ka?"

"Sir okay ka lang? Hindi ka naman ba nasugatan?"

"I'm still hot. Teka nasaan si Belle?"

"Kumain po sa karinderya. Bihis na bihis mukha pong maglilibot."

"Okay. Give me the location."

Tuluyang tinungga ni Hugo ang isang basong alak bago lumabas ng bahay. He felt bad about what happened. This is his first mission in the Philippines at malapit pa ito sa dating grupo na ginagawa ng kanyang ama kung kaya't gusto niyang mapuksa na ito ng tuluyan. Hindi maganda ang timpla ni Hugo at para itong bulkan na gustong sumabog. He can't think clearly, that's why he decided to see her.

Nagkalat ang mga nagtitinda sa buong kalsada dahil sa nagaganap na bazaar. May banda na tumutugtog at dagsa ang mga taong bumibili.

Nilibot ni Belle ng paisa-isa ang tindahan hanggang sa makakita siya ng magandang bag.

“Ang ganda naman nito? Sakto kapag pumasok na ako bilang kolehiyala…” sinukat pa ni Belle ang bag sa likuran niya at nagsalamin ng paulit-ulit. “Ate, magkano po pala ito?”

“Dalawang libo iyan, original kasi at galing mismo sa factory niya.”

“Ah ganoon ba?” tila nanghihinayang ang dalaga dahil pinipigilan na rin niyang maging magastos sa luho. Bukod sa mahal ang graduation fee pati na ang tuition fee kapag siya ay nag-aral muli.

“May tawad pa ba?”

“Wala na, ma’am. Tapat na po iyan.”

Tumango na lang si Belle at binitawan ang gusto niyang bag. Muling tumuloy ang dalaga at lumapit sa mga nagtitinda ng damit. Walang kamalay-malay ang dalaga na may nakasunod na mga mata sa kanya.

“Yes sir, ano po ang sa iyo?” tanong ng tindera.

“That bag,” diretsong sagot ni Hugo pagkatapos ay inabutan ng pera ang nagtitinda. Mabilis niya itong binalot at binigay kay Hugo.

Muling sumunod ang binata at lahat ng sinukat ni Belle ay kanyang binili ng patago.

“Jowa mo ba sir?” tanong ng tindera.

“Hindi…”

“Nililigawan pa lang? Sasagutin ka niyan!”

“Shut up, mind your own business,” masungit na sinabi ni Hugo pagkatapos ay tinalikuran ang tindera. 

Napagod kakasunod si Hugo bukod sa maraming paper bag na kanyang hawak. “Ang dami naman niyang gusto sa buhay? Hindi nga sapat ang binayad ko sa kanya noon,” reklamo ni Hugo.

Kalaunan, natapat si Belle sa banda at doon ay nakikitalon din ito. She’s enjoying her day. Para bang walang problema at nakikisigaw din tulad ng mga nanonood.

Para bang tumigil ang mundo ni Hugo nang makita niya ang matamis na ngiti ni Belle. He can’t deny, she’s gorgeous without any effort of heavy make up. Only her red lips and pretty eyes.

Para bang nanonood ng sine si Hugo at nawili na tingnan ang bawat kilos ni Belle.

"I'd like to smell her sweet scent again. Her soft skin, damn… why am I fantasizing so bad?" Bulong ni Hugo.

“Ahh!”

“Oh my gosh!”

“Takbo!”

Na-alarma at mabilis na tumakbo si Hugo nang makarinig ng dalawang beses na pagsabog. Nagkagulo ang mga tao sa paligid kaya mas lalong kinabahn si Hugo nang mawala sa paningin niya si Belle.

“Belle!” sigaw ni Hugo at para bang hinahawi niya ang mga taong nakakasalubong. “Belle!” Muling sigaw ng binata.

Panay ang tingin ni Hugo sa paligid kahit na makarinig pa siya ng ilang barilan. Hanggang sa makita niya ang dalaga na nakahiga at may bakas ng mga sapatos sa balat.

“Stampede na!” Muling sigaw ng mga tao dahil lahat sila’y gustong makalabas sa lugar na ito.

Binuhat na parang walang timbang ni Hugo si Belle kasabay ang mga gamit na kanyang binili. Pilit na hinugot ni Hugo ang cellphone upang tawagan si Jamie.

“Sir!”

“There’s a bombing in here!”

“Kasalukuyan po kaming tumatakbo papunta r’yan! Where are you sir? May bullet vest ka ba?!”

“I don’t need that! Magkita tayo sa parking A!”

“Copy!”

Nag-init ang dugo ni Hugo dahil sa mga nakita niyang mga bata na nadamay lalo ang ilang matanda na may tama ng baril. Halos duguan ang paligid at nagliliyab na rin ang ibang tindahan.

Muling nakisabay si Hugo sa agos ng tao habang sinasalubong niya ang mga tumatakbong Pulis.

“Sir!” Sigaw ni Jamie nang makita niya si Hugo.

“Bring her to my new house, now!”

“But sir? Huwag po kayong magpaiwan dito!”

“Follow me! I’m your boss!”

Binuhat ni Jamie si Belle at inilagay ni Hugo ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Hindi pa natatapos ang gulo sa Feeding Program ni General Jacob, meroon na namang nanggugulo sa paligid.

Hugo took off Jamie’s gun and mask. “Sir, bullet vest, please. Baka tamaan ka!”

“I’m okay… please make her safe. Including you.”

Kinakabahan na tumango si Jamie at pinaandar ang sasakyan. Naglakad si Hugo at sinundan ang map tracker ng lugar. Pumunta ito sa ibang daan upang unahan ang pulisya sa paghuli ng suicide bomber at mga gunmen na namatay.

“Boss, nakaganti tayo!” Bulalas ni Allan habang nakusap sa radyo si Joseph.

“Good, marami bang namatay sa  stampede?"

"Marami, boss! Hanggang ngayon malaki rin ang sunog!"

“Umalis na kayo ng mga tao r’yan. Sa susunod na araw tayo manggugulo,” malokong sinabi ni Joseph.

“Opo, may magaganap na cultural event sa mall g— Fuck!”

“Allan?!” Sigaw ni Joseph mula sa kabilang nang marinig niya ang malakas na sigaw ng utusan.

“Abort! Abort! Mamamatay tayo!” sigaw ni Allan hanggang sa mawala ng tuluyan ang linya.

Hindi magkandaugaga si Joseph at tinawagan  ang ibang tauhan. Walang sumasagot kaya mas lalo itong kinabahan.

“Where’s the sniper?!” sigaw ni Allan habang hawak ang braso na may tama ng baril.

“Sir! He’s above the building!”

Pinatakbo ng mabilis ng mga tauhan ng Plantera ang sasakyan at nag-iwan ng bomba upang hindi sila masundan ng sniper.

It was an eagle eye coming from Hugo. Nasa itaas na parte ng gusali si Hugo hawak ang kanyang baril. Alam niyang nakita siya ng isang sniper mula sa sindikato kaya sila’y nakatakas.

“It wasn’t a good game, but at least… tinamaan ko siya,” he smiled while smoking for a while.

Kitang-kita niya ang mga bangkay sa ibaba ng gusali at ilang bumbero na inaapula ang sunog. He decided to go down at naglakad na parang walang nangyari.

Sa pagbabalik ni Hugo sa kanyang kotse, halos marinidi na ito sa paulit-ulit na pagtunog ng kanyang cellphone.

“What?!”

“Sir! It was the scarred face gang!” Bulalas ni Gael.

“I know, I saw his guard.”

“Paano po?”

“An eagle can see everything. Lumikas na kayo, dumarami ang Pulisya.”

"Copy sir!"

Nagmadali si Hugo na mapuntahan si Belle sa kanyang bahay upang tingnan kung ayos lang ba ang pakiramdam nito.

Kalaunan, mahimbing ang pagtulog ni Belle at pinalitan din siya ng damit ng mga alalay ni Hugo. Wala pa rin itong malay bukod sa pinaamoy din ito ng pampatulog ni Jamie upang hindi magising habang pinaliliguan.

"Jam."

Napabalikwas mula sa kinauupuan si Jamie nang marinig niya ang baritono na boses ni Hugo.

"Sir! She's still sleeping."

"Okay, pagkatapos ko siyang tingnan kailangan nating pumunta sa warehouse. I need to sketch his face."

"Who?"

"I shoot the man inside the van. Hindi siya naging maingat dahil huling-huli ng mga mata ko ang itsura niya. He's an asian, so I need to sketch his face. We need to contact the team. Kailangan ikalat ang mukha niya.”

Nagmadaling magkalad si Hugo upang tingnan ang payapang pagtulog ni Belle. As he opened the door, natahimik na lamang ang binata at doon nasaksihan ang maganda niyang mukha. Bahagyang umupo si Hugo sa kama ni Belle at tiningnan ang namumula nitong braso. Tinanggal din ng binata ang kumot upang siguraduhin kung may sugat din ba ito o pasa sa kanyang binti. Ang pag-aalala niyang ito ay nauwi sa isang nakakalokong ngiti.

“Bakit sa lahat ng pwedeng maalala, iyong underwear mo pa ang sumagi sa isip ko?” bulong niya sa sarili.

Bago pa tuluyang masilaban ang binata, kinumutan niya ulit si Belle at nag-iwan ng halik sa kanyang noo. Para bang hindi nakuntento ang binata at nag-iwan muli ng halik sa maliit nitong ilong.

“Fuck, Hugo? Ano ba ang gusto kong mangyari? Why did I kiss her twice? Tama na ang kahibangan!” pakikipag-away niya sa sarili kaya naman tumayo ito upang talikuran si Belle. But he’s goddamn weak kaya naman lumingon siyang muli at nagnakaw ng halik sa labi nito. 

“Sir.”

Biglang napaatras si Hugo nang makita ni Jamie ang kanyang ginawa.

“Bakit hindi ka kumatok?”

“I did, sir.”

“Tara na nga!” Asik ni Hugo at padabog na naglakad 

 Pasimpleng ngumiti si Jamie at sumama hanggang sa makalabas na sila ni Hugo.

“Take the responsibility, pag gising niya ipakisuyo mo siya sa driver at ihatid lang sa bahay nila. Walang magsasabi tungkol sa atin, understood?” utos niya sa mga tauhan. Um-oo ang mga ito at sinara ang malaking gate pagkatapos makalayo ng sasakyan ni Hugo. 

Lumipas ang ilang oras na pagtulog ni Belle, bigla na lamang naalimpungatan ang dalaga. Pagmulat ng kanyang mga mata, puting ceiling at puno ng salamin ang kanyang nakita. Para bang nasa loob siya ng kahon at natakot si Belle sa paligid.

“Nasaan ako?” Sa pagbangon ni Belle, halos mapahiga siyang muli nang maramdaman ang kirot ng kanyang braso pati na ang balakang. 

Nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib ang dalaga dahil hindi niya alam kung nasaan siya at kung sinong tao ang nagdala sa kanya sa lugar na ito. 

Dahan-dahan na binaba ni Belle ang paa mula sa kama hanggang sa nakatayo ang dalaga. Naglakad ito papalapit sa isang malaking salamin. Pinagmasdan niya ang sarili hanggang sa makita ang ilang pasa. Napapikit ang dalaga at naalala ang nangyari kanina sa bazaar. 

“Sino ang nagdala sa akin dito?” tumingin sa paligid ang dalaga hanggang sa mapansin niya ang ilang paper bags sa lamesa. Kaagad niya itong nilapitan at nakita ang mga gamit na sinukat at nilapitan niya kanina. Napakagat ng labi si Belle at mas natakot sa nakita.

“Stalker? Bakit alam lahat ng taong ito ang gusto ko?” Hinawakan ni Belle ang paligid hanggang sa maitulak niya pagilid ang isang lagusan. Doon pa lang niya napansin na isa pala itong salamin na pintuan. Nakalabas ang dalaga at napansin na ordinaryo lang ang itsura nito sa paglabas. Puno ng narra furnitures ang buong bahay dagdag pa ang gold plated interior design. 

Napanganga na lang si Belle nang makita ang malaking agila na may pulang  ekis na tinatapakan. 

“Kaninong bahay ito?”

“Gising ka na pala.”

“Oh my gosh! Sino ka?!” Bulalas ni Belle kaya naman napalukso ito sa likuran ng malaking vase.

“Huwag kang matakot , yaya ako ng may-ari ng bahay naito. Ako si Manang Karing, nagugutom ka? Ayos na ba ang pakiramdam mo?”

“Sino po ang dala sa akin dito?”

“Huwag kang mag-alala. Mabait na tao ang dala sa iyo rito. Halika, hija. Siguradong gutom ka na.”

Nag-aalangan na lumapit si Belle pero gawa ng matamis na ngiti ng matanda, sumunod din siya hanggang sa makarating sila ng kusina. Bumulaga sa kanya ang three doors refrigeration, ilang bote ng alak, prutas at maraming pagkain.

“Kumuha ka lang ng kahit anong gusto mo, libre naman lahat.”

“Gusto ko na pong umuwi.”

“Hija, madaling araw na. Delikado ang daan.”

“Sino nga po ang nagdala sa akin dito?”

“Kumain ka na lang dito,” ngumiti ang matanda at iniwan sa kusina si Belle. 

Ilang segundong hindi gumagalaw si Belle hanggang sa nilapitan niya ang saging. Pumitas siya rito at pasimpleng binalatan. Nakakailang subo ang dalaga hanggang sa matulala siya paligid.

“Kaninong bahay ‘to? Ang gara naman?”

Naglakad-lakad si Belle sa paligid hanggang sa muling makita ang painting. Napansin ng dalaga ang maliit na nakasulat sa gilid nito.

“F.F.H?  Baka ito ang may-ari? Ha? Hindi naman siguro?”

Nagpatuloy si Belle sa paglilibot at hinahanap niya ang matandang katulong sa bahay na ito. Belle slowly opened the door, hindi siya nagkakamali na makita ang malawak na lupain. May ilang gwardya na nakaayo kaya kinabahan si Belle.

“Hindi kaya, si Joseph o si Henry ang may gawa nito?” 

Tila sumagi sa isip ni Belle ang nakaraan kaya naman mas nauna ang emosyon niya. She tried to go down pero hindi natuloy nang masilaw siya sa isang ilaw mula sa sasakyan.

Biglang napatakbo ang dalaga at sinara ang mabigat at malaking pintuan. Nabitiwan niya ang hawak na saging at kumaripas sa pagtakbo ang dalaga papasok sa kwartong tinutuluyan.

“Sino iyon?!”

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 54 20
Carrie returned to the Philippines, but she did not expect to meet Logan again, her ex-boyfriend and father of her Son, Shiloah, who is one of the co...
19.2K 628 30
Stella is 18 years old and Brayden is 28 years old. He adopted Stella to be his sister, but Stella suddenly felt something for Brayden, and she was c...
698K 12.3K 54
When you think you knew everything about him, you're wrong. He's Van, and he's obsessed with me. ©All Right Reserved
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...