Gathered Memories [Acquisitiv...

By _Sodaaaaa

118K 2.7K 256

Acquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known busines... More

Prologue
Note
Acquisitive Billionaires Series
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1: Family

Chapter 5

2.7K 129 14
By _Sodaaaaa

Gabrielle Allison Leviste

A flashback

Kasalukuyan akong nasa classroom, wala pa akong mga kaibigan dahil unang linggo palang ng pasukan. Ang teacher namin sa Network Analysis ay may pagka-strikta, siya lang ang nagpa- arrange ng seats namin. Ngayon ay katabi ko ang isang lalaki. Matangkad, maputi at mukhang pilyo ngunit tahimik ito marahil gaya ko ay nangangapa pa rin.

"Hi! Ako si Lucas, bago ka dito ano?" nagulat ako ng bigla niya kong in-approach. Oo transfer ako, dalawang taon din ako sa ibang school, at noong lumipat kami ng bahay ay nag-enroll ako dito sa PUP, o Polytechnic University of the Philippines.

"Ah, oo parang ganoon na nga. Ako nga pala si Allison." sabi ko at nginitian siya.

"Allison. Pang mayaman naman pala ang tunugan ng pangalan mo." tukso nito sa akin kaya natawa naman ako.

"Baliw! I was named Allison because Mom likes it so bad." sabi ko.

"Gabrielle Allison ang full name ko" sabi ko at inilabas ang notebook ko.

"Okay, but I will call you Gabrielle."sabi niya.

Nakinig muna kami sa teacher sa harapan, medyo nakaka-stress ang lesson pero kayang-kaya ko naman. Mabilis din tumakbo ang oras, pagkatapos ng ilang sandali ay break time na namin.

"Gabrielle, let's eat, treat kita." Sabi sa akin ni Lucas.

"Sure!" sabi ko at nginitian siya. He's my first friend in this school, and I guess I am lucky because he is famous in this school. Nakikita ko kung paano kami pagtinginan ng mga kababaihan habang naglalakad kami patungo sa cafe.

Kumain kami sa cafeteria, maraming estudyante ang nakatingin sa amin pero hindi ko na lamang ito binigyan ng pansin. Naupo na ako sa isang pwesto at si Lucas naman ay umorder na. Nakakapagod ang araw na ito at nakakagutom rin. Bumalik si Lucas na may dalang dalawang pinggan ng spagetti at dalawang baso ng coke. Paano niya nalaman ang paborito ko? Coincidence.

"Wow! Favorite ko 'to, thank you." sabi ko at nagsimula ng kumain.

"No problem, sabay tayo ulit bukas". sabi niya at kumain na rin.

"Sige pero ako naman ang manlilibre ah?" sabi ko. Natawa naman ito.

"Ikaw bahala." sabi nito at ngumiti.

Matapos noon ay nagpatuloy pa rin ang klase namin. Makulit si Lucas kumpara sa mga lalaking nandito sa classroom namin. Sobrang daldal niya at mapagbiro rin kaya hindi ako nabuburyo kapag walang teacher. Doon na nga nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Lucas, laging ganoon ang takbo ng mga araw namin, kulitan at sabay kumakain sa recess, minsan din ay hinahatid niya ko sa bahay. Sa makatuwid matatawag ko siyang boy best friend kumbaga.

Pero nagbago yun lahat ng bigla siyang nag-text sa akin ng bagay na hindi ko inakalang sasabihin niya. In that time, I am fully cherishing our friendship and labelling as only that.

"Gabrielle, gusto kita."

Nagulat ako at nanghinayang sa friendship namin. Simula noon ay nahiya na akong lumapit muli sa kanya, hindi ko na siya gaanong pinapansin at iniiwasan ko rin siya. Nahihiya ako dahil hindi ko pa kayang suklian ang nararamdaman niya.

Si Lucas ay ang lalaking hindi mahirap magustuhan, halos nasa kanya na ang lahat. Pero ang puso ko ay tila may gusto pang iba.

Isang araw ay pumasok ako ng maaga, kakaunti palang ang mga kaklase ko, at nandoon na rin si Lucas. Lumapit ito sa akin kaya kinabahan ako, May dala itong papel at nakasulat doon ang mga katagang "Can I treat you like my Princess?"

I was so surprised. I didn't expect him to do this. I just let out a small laugh, the atmosphere is so awkward.

After what happened, hindi na muli pa kaming nag-pansinan ng sobra. Yung closure na mayroon kami noon ay hindi na katulad ngayon.

Ngunit isang katangahan, Nagugustuhan ko na rin siya. Alam kong para akong tanga, pero nagustuhan ko na rin siya. Masaya naman ako na malaman na gusto niya pa rin ako kahit na ganoon ang ginawa ko noong una. Nagkaroon kami ng mutual understanding noong mga panahon na yon.

Niligawan niya ako ng halos kalahating taon, sinagot ko siya noong umabot na ng December. Ipinakilala ko siya ay Mommy at Daddy, ganoon na din kila Kuya Lee at Louis.

Ngunit nabalitaan kong lilipat na kami ulit ng bahay, malalayo na ako kay Lucas, pero tila hindi siya nagpatinag, ayos lang sa kanya na ganoon ang magiging set up ng relasyon namin. Hindi naman gaano kalayo ang bagong nilipatan namin. Hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral, ay mas tumitibay ang relasyon naming dalawa na kahit ang ibang tao sa aming paligid ay hinahangaan ang paraan namin sa paghawak ng relasyon.

Isang katangahan ang ginawa ko sa kanya noon, ang ginawa ko ay itinaboy at pinatigil ko siya, pero ngayon, mas matibay pa sa bato at konkreto ang relasyon namin.

Ilang taon pa ang lumipas ay bigla siyang nag-propose sa akin, sa mismong birthday ko. I'm so surprised that time because I don't have any idea why he brought me in a exclusive yacht. Doon ko napansin na nandoon rin pala sila Mommy at Daddy, ganoon din sila Kuya. Sobrang romantic ng pagkaka-ayos. Mayroong banner na may nakasulat na "Will you marry me, my love?"

At dahil, mahal na mahal ko siya, I said yes. Halos lahat ng tao na nandoon rin sa yate at natuwa.

And after that, Mommy and Daddy let me sleep with Lucas for that day. We made love. He was so gentle and passionate. Pinapakita at pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya at kung gaano niya ako kamahal.

Sobrang saya ko noong mga panahon na iyon. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw ay bigla na lamang nangyari ang bagay na magpapahiwalay sa aming dalawa, bigla na lang niya akong hindi maalala, hindi ko alam kung hindi niya ba talaga ako maalala o kinalimutan na niya ako.

We got into a car accident, he protected me that time so I wasn't heavily injured, instead he was the most injured and critical that time. Ilang araw namin siyang hinintay bago magising, lalo na ako, because I am blaming myself why he suffered more injuries because he saved me. But one day, he said those words that are like a hard pill to swallow.

"Who the hell are you? Bakit ka nandito sa kwarto ko?" sabi niya sa akin noong pumasok ako sa kwarto niya sa bahay nila, doon kasi siya dinala matapos niyang umuwi galing ospital.

"Love, don't be like that. Kagagaling mo lang sa ospital tapos aasarin mo na agad ako." sabi ko at ngumiti sa kanya, lumapit ako sa kanya para sana hawakan ang kamay niya pero marahas niya itong tinabig.

"What are you saying huh? Woman? Bakit ka ba nandito sa kwarto ko? Umalis ka na baka makita ka ni Katrina at sabihin pa na may babae ako." sabi niya pa kaya nagtaka na ako sa inaasal niya. Nangingilid na ang luha ko pero pinigilan ko ito dahil, alam ko na mahilig talaga magbiro si Lucas, halos tuwing monthsary namin at may pranks siya sa akin.

Tumawa naman ako ng bahagya "Love hindi natin monthsary ngayon kaya don't pull pranks on me this time okay?" sabi ko sa kanya.

"What?! What the hell are you talking about woman? And please stop calling me Love, I don't even know you. Get out." sabi niya at sumenyas pa sa pinto. Tila gusto na nga talaga ako paalisin.

"Love, it's not funny anymore. Stop this. Talk to me properly, ilang days kang nasa ospital. I missed you so much." sabi ko. Muli lumapit sa kanya at niyakap siya pero tinulak niya lamang ako.

Hindi ganito si Lucas, kapag niyakap ko na siya pagkatapos ng prank niya ay niyayakap niya rin ako pabalik, nang mas mahigpit pa.

"Ikaw, hindi ka ba makaintindi? Sabing hindi nga kita kilala, pwede ba umalis ka na? O baka gusto mo pang tumawag ako ng guard para kaladkarin ka palabas dito?" sabi niya at sinamaan pa ako ng tingin.

"Fine, pero babalik ako dito bukas. Stop your pranks Lucas. Hindi ka na nakakatuwa." sabi ko sa kanya at lumabas na. Sinubukan kong sabayan ang trip niya, pero hindi niya ako sinundan, ibig sabihin ay hindi siya nagbibiro.

Parang noong nakaraang linggo lang ay nagpropose siya sa akin, tapos magiging ganito bigla ang pakikitungo niya sa akin.

Tulad nga ng sinabi ko ay bumalik ako sa mansyon nila, pero ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Hindi ako sumuko. Paulit-ulit akong nagpupunta roon kahit ka paulit-ulit lang rin ang sasabihin niya sa akin.

Noong pangatlong linggo ng pagpunta ko ay nakita ko roon si Mommy Antonette at ang ex girlfriend ni Lucas na si Katrina.

"Who is she tita Antonette?" tanong ni Katrina kay Mommy Antonette nang makita akong papasok sa loob.

"Just a random woman who wants to visit your boyfriend, Lucas." sabi niya na ikinagulat ko.

"Hija, kung sino ka man ay lubayan mo na ang anak ko, masaya na sila ni Katrina, infact Katrina's pregnant with Lucas' child" Nagulat naman ako sa sinabi ni Mommy Antonette. Katrina is pregnant? with Lucas' child? Pakiramdam ko ay unti-unting nadurog ang puso ko sa nalaman ko.

Hindi sila maaring magsinungaling dahil may kalakihan na ang tyan ni Katrina. Totoong buntis ito.

"Tita, baka naman po hindi si Lucas ang ama ng baby niya." sabi ko pero bigla akong sinampal ni Katrina.

"How dare you b*tch! Ilang buwan na kami nagkikita ni Lucas habang nakatalikod ka! Kasalanan ko bang mas gusto niya sa akin kaysa sayo?! Go away b*tch! Umalis ka na dito!" sabi ni Katrina at tinulak ako papalabas ng gate.

Nakakawalang gana mabuhay, tila naubusan ako ng lakas sa mga natuklasan ko.

May anak na pala siya sa iba habang nagpapanggap siya mahal niya ako. Iyon na ang naging huling bisita ko sa mansion ng mga Montesenia. Hindi ko na kaya pang humkbang o matapakan man lang ang lugar kung nasaan sila, Dahil mas nawawarak ang puso ko.

"Pero tatlong taon na rin ang nakalipas at ito pa rin ako, nagmamahal sa kanya. Sa taong matagal ng walang pagmamahal sa isang katulad ko. Nandito pa rin, umaasang mamahalin niyang muli. Pinaka-tangang ideya hindi ba?" sabi ko kay Ciara at ngumiti ng mapait.

"It's okay, just cry, I'm here for you." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020 

Continue Reading

You'll Also Like

39.3K 314 23
Adalee hated all the girls na mapapalapit sa kanyang first love na si Axel. Kababata nya ito. Lahat ng pagtaboy ay ginawa nya sa mga babae nito. Unti...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
7.4K 435 33
HATRED SERIES 03.30.21 - 09.30.21