EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

Od HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... Více

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 12

8.8K 203 20
Od HeavenKnowsFLO

CHAPTER 12

KINALADKAD papasok sa compartment ng sasakyan ang bangkay ng pusher at doon ay nagsimulang umalis ang dalawang gwardya ni Hugo upang dalhin ito sa warehouse.

"Boss," mahinang tawag ni Gael kay Hugo nang makita niya itong nakahelmet habang nakaupo sa motor.

"Secure the area and search for those kids. Mga college students ang nagtutulak."

"Copy sir! Ah, si Jamie po nasa loob ng Red Light."

"Good, nang masubukan kung matinik nga ba iyan s—

Hindi natapos ang pagsasalita ni Hugo nang marinig niya ang sigawan at takbuhan sa loob ng bar. Napatakbo ang dalawang binata upang pasukin ang magkabilang entrance.

Papasok si Gael at Hugo habang ang mga tao sa loob ay naglalabasan.

"Nagkakagulo na!"

"Labas! Baka madamay pa tayo!"

"Baka may Pulis na dumating!"

Ilan sa mga sinisigaw ng mga lumalabas na kabataan kaya mas lalong na alarma si Hugo. Habang si Gael na nahuli ng kanyang mga mata si Jamie na tinumba ang dalawang lalaki.

"Jam!" Bulalas ni Gael at hinatak ang hood ng dalaga palabas ng bar.

"Gael, sila ang nanggugulo!" Pagmamaktol nito.

"Kundi ka ba naman sira ulo, bakit ka nakipagrambulan sa first day of duty mo kay Sir Hugo?!" Panenermon ni Gael hanggang sa makalabas silang dalawa.

"Hinihipuan nila ang mga waitress doon. Tsaka nakita ko na nilalagyan nila ang bulsa ng mga kababaihan doon ng drugs."

"You stay here, pupuntahan ko si Boss! Baka mapano pa iyon, wala man lang bullet vest! Magmasid ka!" asik ni Gael pagkatapos ay tinulak siya papasok ng kotse.

Nagmadaling tumakbo si Gael papasok ng bar ngunit naharang na siya ng mga bouncer.

"Sarado na po. Darating po ang Pulis."

Hindi nakapagreklamo si Gael at tumalikod na ito para hanapin ang amo.

"Saan ba nagsuot si Sir? Wala man lang proteksyon sa katawan. Kahit kailan nakakakunsumi," nagkakamot ng ulo ni Gael dahil parang ipis na mahirap hanapin si Hugo.

Kapag may misyon ito, madalas siya mismo ang bumabali sa plano lalo na't pinangunahan na ito ng galit.

**

"OKAY ka lang ba?" tanong ni Jaica.

"Siguro, eh kasi naman at nagkagulo pa sa loob dahil sa mga fourth year students sa school."

"Schoolmate mo sila?"

"Oo, mga notorious talaga sila. Natapilok tuloy ako," reklamo ni Belle at paulit-ulit na hinihilot ang kanyang paa.

"Naku, Belle! Namamaga iyang paa mo!" Malakas na sinabi ni Donya at nilapitan ang dalaga.

"Malayo po sa bituka. Kaya ko naman umuwi. Tsaka kasama ko naman po si Jaica."

"Eh? Hindi ako makakauwi may booking ngayon."

Tumaas ang kilay ni Belle. "Siguraduhin mo lang na walang sakit iyan kikitain mo ha!" Sigaw ni Belle.

"Ano ka ba? Matanda na iyon kaya pa-masssage-massage lang," malokong sinabi ni Jaica kaya naman tumawa si Donya.

"Kilala ko ang cliente na iyon, hindi naman siya bastos," pagtatanggol ni Donya.

"Hay, ewan ko po sa inyo. Uuwi na ako," asar na tumayo si Belle at basta na lamang niyang hinatak ang wig.

"Sige at mag-iingat ka," paalam ni Jaica.

"Ipahatid na kaya kita?"

"Hindi na po, Donya. Kaya ko naman."

Pilit na tumayo si Belle at nagsimulang lumabas na bar. Hindi nag-alis ng make-up si Belle at tinakpan lamang niya ng jacket ang katawan.

Ika-ika itong naglalakad sa madilim na eskenita hanggang sa mapansin ni Belle na parang may sumusunod sa kanya. Masakit man ang kanyang mga paa. Minadali pa rin niya ang paglalakad.

"Wala, masama lang ang isip ko. Walang sumusunod sa akin," bulong niya sa sarili.

Habang nagmamadali ang dalaga, hindi siya nagkakamali na mapalingon sa dalawang anino sa likuran niya. Mas binilisan niya ang paglalakad at para bang lalabas ang puso dahil sa sobrang nerbyos.

"Huwag!" Biglang sigaw ng dalaga nang makita niya ang malaking anino na papalapit. Ang pagpikit niya ang siyang naging dahilan ng kanyang pagkakadapa. Hinagkan niya ang sarili habang umiiyak.

"Huwag niyo po akong saktan!" Paulit-ulit na sigaw ni Belle.

Kitang-kita ito ni Hugo habang buhat-buhat niya ang payat na lalaking sumusunod sa dalaga. Pinatulog lamang ito ni Hugo at basta iniwan sa gilid ng madilim na kalsada. Gusto niyang tulungan ang dalaga na nakahiga sa kalsada pero pinangunahan ng kaba si Hugo.

"Hindi ako pwedeng magpakilala. At least I helped her, tama na iyon."

Akmang tatalikod si Hugo pero parang hinahatak ang paa niya para tulungan ang dalaga. Ang hagulgol nito ang siyang nagbibigay lambot sa kanyang puso.

"No. She's fine."

Umiling si Hugo at tuluyang iniwan si Belle. Diretso lamang naglakad si Hugo at basta na lang sumakay ng motor. He put on his helmet until Gael saw him.

"Sir!" Hiningal na tawag ni Gael.

"What?"

"Walang mga dealer dito. Mga tulak lang at mga estudyante."

"I need to go home. Just find them," malamyang tugon ni Hugo.

Nagtaka naman si Gael dahil hindi man lang siya tiningnan sa mga mata ni Hugo. Diretso lang ang paningin nito sa daan lalong mukhang hindi masaya ang amo.

A few minutes later, nakarating si Hugo sa condominium na kasalukuyan niyang tinitirahan. Hinubad lamang niya ang damit at kumuha ng isang bote ng alak. Sinimulan niya itong inumin na parang tubig at padabog na umupo sa kitchen counter.

"How could it be? I feel weak with a woman who cries."

Dinukot ni Hugo sa kanyang bulsa ang school I.D ni Belle. Pinagmasdan niya ito at basta na lang tinapon sa basurahan. Ilang segundo niya itong tinitingnan hanggang sa tumayo ang binata at pinulot muli ang school I.D.

Kinuha niya ang cellphone at sinimulang tawagan si Gael. Hintay nang hintay si Hugo sa sagot nito hanggang sa, "Sir! I'm sorry, inuwi ko muna sa warehouse si Jamie."

"It's okay. Pupunta rin ako d'yan."

"Hindi po kayo magpapahinga?"

"Iuwi mo siya pagkatapos may ipapagawa ako sa iyo."

"Copy sir."

PARA bang bumalik sa pagiging paslit si Belle habang nakaupo sa istasyon ng tren. Nilalamig ang katawan nito dahil sa biglang buhos ng ulan. Wala na rin biyahe kaya nakapag desisyon siyang pumarito muna dahil maituturing niyang safe zone ang lugar. Maraming gwardya ang nagbabantay sa estasyon kaya alam niyang walang pwedeng manakit sa kanya.

"Akala ko bang matapang ka na? Bakit duwag na duwag ka pa rin?" bulong niya sa sarili. "Nagkakaganito ba ako dahil sa muling pagnanakaw ko roon sa lalaki? Hay... hindi na talaga ako uulit."

Niyakap lamang ni Belle ang sarili hanggang sa mapansin niya ang gwardya na papalapit.

"Ma'am, bawal na po maghintay para sa pang alas sais na biyahe."

"Kuya, malayo pa kasi ako."

"May mga taxi naman po."

"May pilay ang paa ko. Tsaka three hundred pesos ang metro pauwi sa amin, kumpara naman sa napaka murang bayad sa tren."

"Halina po dahil baka mawalan pa ako ng trabaho."

Walang nagawa si Belle kundi sumunod sa gwardya. Ngunit ang hindi niya alam, napag-utusan ito ni Gael dahil sa sinabi ni Hugo.

Sinundan ni Gael si Belle hanggang sa makilala niya ito. It was the girl who snatched his empty wallet.

"Kuya, mahal kasi ang taxi," reklamo ni Belle.

"Okay na po iyan. Isasabay ka na ni manong."

"Safe ba iyan?"

"Opo, Ma'am."

Hindi na nagdalawang isip si Belle at sumakay sa taxi. May halong kaba ang dalaga hanggang sa makababa siya ng matiwasay sa kanilang kanto.

"Kuya! Thank you ha!"

"Welcome po!"

Naglakad muli si Belle papasok sa kanilang kanto hanggang sa makauwi na ito ng kanilang bahay. Para bang pinag bagsakan ng langit at lupa si Belle hanggang sa mapansin niya ang school I.D sa lamesa.

"Hala! Naiwan pala kita!"

Without any knowledge, she doesn't know that Gael left her I.D inside their house. Nilooban niya ang munting bahay nila Belle at iniwan ang gamit niya.

**

"How's she?"

"She's okay. Binayaran ko na po ang taxi pauwi sa bahay nila. Ganoon din ang I.D niya."

"You left money in her wallet?"

"Opo sir..."

"Okay, good. Papasukin mo si Jamie para makausap ko."

Sumunod naman si Gael ngunit bago siya tumalikod muli niyang kinausap si Hugo. "Sir, why did you give her a money? Hindi ba't masamang babae iyon?"

"Para hindi na ulitin sa pagnanakaw. Baka kapit sa patalim lang kaya nagawa iyon."

"But she's professional. Mahusay kumilatis ng mga gamit, the way she looks."

"It was just a petty cash. Hindi ko ikakahirap ang maliit na pera para sa kanya. Papasukin mo na si Jamie!" Asik ni Hugo kaya takot si Gael.

Nagmamadaling lumabas si Gael at sinenyasan si Jamie. "Be careful. Mainit ang ulo niya."

"Eh parang palagi naman," asar na tugon ni Jamie pagkatapos ay pumasok sa loob ng opisina ni Hugo.

"Hello sir."

"Hi, come here near me."

Kaagad naman lumapit si Jamie kay Hugo at doon niya nakita ng malapitan ang gwapong mukha ng binata.

"Follow me."

Sumunod siya sa bawat yabag ng binata papasok sa isang kwarto. Binuksan ni Hugo ang ilaw at bumulaga sa mga mata niya ang pulang ekis.

"Welcome to Red X."

"Bakit hindi po El Hombre?"

"In the Philippines only, dahil kapag mabunyag iyon, mapuputukan kami ni Vito."

Nagkalat sa pader ang ilang mga litrato na may ekis ang mukha kasama na rin dito ang ang Presidente.

"Bakit minamarkahan niyo po ng pulang ekis ang mga iyan? Habang ang iba ay kulay itim?"

"Itim para sa mga kailangan kong patayin."

"Eh ang pula po?"

"Top secret."

Pinagmasdan ni Jamie ang mga litrato at halos ng pulang marka ay nasa magagandang babae. "Baka type niya kaya pula ang ekis? Babaero talaga 'to?" Bulong ni Jamie.

"Jam, you need to follow her moves," inilatag ni Hugo ang xerox copy ng litrato ng I.D ni Belle kaya naman kunot noo ang dalaga.

"Para saan po?"

"Hindi ba't maalam ka sa mga child trafficking, o alin pang mga sindikato? This young lady is a professional snatcher. Just do a research about her," utos ni Hugo pagkatapos ay minarkahan ng kulay pula si Belle.

"Go and search about her. Inaasahan ko na magiging tapat ka sa organisasyon na ito. Or else," kinuha ni Hugo ang baril at tinutok sansentido ni Jamie.

"Opo! Masusunod po!"

Nagmamadaling lumabas si Jamie kaya naman iniwan na lamang si Hugo sa loob ng opisina. Hindi mapalagay ang binata at panay ang tingin sa orasan. Tumapak na ito sa alas tres pasado ng umaga pero gising na gising ito kaya napagpasyahan niyang lumabas muli.

Gamit ang kanyang motor, bumalik si Hugo sa eskinita papunta sa tinitirahan ni Belle. Para bang magnanakaw at binuksan niya ng dahan-dahan gamit ang magnetic weapon ang barrel vault ng bahay. Parang pusa kung kumilos si Hugo at hindi marinig ang bawat yapak nito sa sahig.

"F-fuc—" halos sumigaw si Hugo nang maramdaman niya ang pagdaan ng daga sa kanyang paanan. Hiningal si Hugo at sumandal sa pader dahil sa labis na takot. "Tang ina, daga lang pala ang katapat ko," bulong niya sa sarili.

Nagpatuloy ang binata sa pagpalakad hanggang sa makita niya si Belle na nakahiga sa isang foam. Lislis ang damit nito kung kaya't kitang-kita niya ang buong katawan ng dalaga.

"She's not wearing a bra and panty while sleeping? An easy access going to heaven?" Malokong bulong ni Hugo at kinuha ang kumot para ilagay kay Belle.

Napansin din ng binata ang pamamaga ng paa nito na nakapatong sa unan. He wants to massage her foot but he's afraid. Lalong mukha siyang stalker sa suot niyang damit. Kinuha ni Hugo ang cellphone ni Belle at pinasukan ng microchip sa parte ng mouthpiece. Maliit lamang ito at hinding-hindi mahahalata ng dalaga.

"Why am I doing this? Magnanakaw nga diba? Bakit ba ako naaawa sa iyo?" Kausap ni Hugo ang sarili at tumalikod. He saw her underwear on the floor. Dinampot ito ng binata at inilagay sa kanyang bulsa. Nagmamadaling lumabas si Hugo at mabilis na nilisan ang lugar.

"Damn... bakit sa lahat pa ng kukunin, ang underwear niya pa?"

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

6.8K 879 31
Synopsis: 10 years ago,Valen Grut is one of the Bachelor's Top List that gain trillions every month. He has all that everybody don't have which envy...
12.6K 562 59
|R-18+| AKIRA SENDOH Dakilang stalker - ito ang madalas ibansag kay Teresa Jean Yamada dahil sa mala-obsessive na pagkakagusto nito sa kanyang napili...
171K 4.4K 74
Synopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Th...
9K 1.5K 28
|COMPLETED | R18 | MATURE CONTENT| Ang buhay ng tao ang higit na mahalaga. Lahat ay nakahandang itaya para sa buhay na hinahangad nila. Ano ang gag...