CHAPTER 11
"Bakit ngayon ka lang dumating? Bakit ang tagal mo? May kailangan tayong gawin," reklamo ni Hugo.
"May nakasalubong po akong snatcher sa grocery, sir. You will not believe this..."
Kunot noo naman si Hugo dahil sa dinukot ni Gael mula sa kanyang bulsa, hanggang sa ilapag nito ang pitaka at ang I.D ni Belle.
"Mukhang akala niya na naisahan niya ako. Mula pa nung nakapila ako, napansin ko po na iba siya kung makatingin. Kinikilatis niya ako mula ulo hanggang paa kaya ipinain ko ang relo ko..."
"And?"
"Alam niyang totoo. Hindi ako nagkakamali na aral ang dalagang ito, sir."
Umalis sa pagkakasandal si Hugo at kinuha ang I.D mula kay Gael.
"Wait? This is the woman who threw her scholarship form outside the Municipality."
"Kilala mo sir?"
"Tinapon niya sa harapan ko ang basura niya at walang pakialam."
Hinalungkat ni Hugo ang kanyang planner dahil alam niyang inipit niya roon ang one by one picture ng dalaga. Until he saw it, "Gotcha! Annabelle San Jose."
"Sir, kailangan ko ba siyang sundan? Mukhang alam niya ang estilo sa pagnanakaw. Kundi ko siya napansin at naging alerto, baka nilamas niya ang pera sa wallet ko."
"Let her... ako na ang bahala."
"What will you do sir?"
"Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng ito," saad ni Hugo pagkatapos ay kinuha ang pulang ballpen upang markahan ng ekis ang scanned copy ng I.D nito.
Tumango naman si Gael at bahagyang kinakabahan sa gagawin ni Hugo. Kilalang-kilala niya si Hugo. Kayang-kaya rin nitong manakit ng babae lalo na't mali ang ginagawa nito o labag sa batas.
"Dress up, may misyon ka. Jacob will have a rally at the grandstand. Maraming tao roon. Kailangan mong magmasid."
"Copy, sir! Ay, oo nga po pala. May isang gwardya ng El Hombre ang mataas ang grado. Gustong-gusto niyang maging katulad ko, sir Hugo."
"What's his name?"
"She's Jamie Andres."
"She? You mean a girl? I don't want a girl as my right hand. Magkakagusto lang sa akin 'yan."
Bahagyang nasamid si Gael sa sinabi ng kanyang amo kaya naman masama ang tingin ni Hugo sa kanya. "Hindi ka ba sumasang ayon sa sinabi ko, ha?"
"Sang ayon po. Pero magaling po si Jamie. Marami siyang alam tungkol sa mga child trafficking."
"Give me her documents then I'll review it. Mag-ayos ka na dahil kailangan ka sa rally ni Jacob. Find this man," utos ni Hugo at inilapag sa harapan ni Gael ang isang litrato.
"Who is this, sir?"
"Once you find this scarred eye, expect a war. Siya ang kalaban, siya ang patuloy na gumagawa ng ilegal na pagbebenta sa mga bata."
Pinagmasdan maigi ni Gael ang litrato ng mata nito na may peklat. Pikit ang isa at ang isa naman ang siyang maayos.
"I will find this guy."
"Be careful, Gael. Hindi na marumi sa panlabas na kaanyuan ang kalaban natin. Nagtatago na sila sa pormal at banal na kaanyuan."
"Babalik ako'ng buhay, Sir..." pangako ni Gael pagkatapos ay umatras ng isang hakbang. "Permission to leave, Sir!"
"You may."
Sa paglabas ni Gael, tinuloy lang ni Hugo ang paghithit ng tobacco. Nanggagalaiti ang binata dahil sa nakuha niyang impormasyon. Ang bunga ng ilang linggo ng pagpupuyat niya'y may napuntahan. Hindi nga lang niya nakuha ang buong mukha ng kalaban dahil natatakpan ito ng itim na maskara. Tanging peklat sa mata nito ang naging susi para malaman kung sino nga talaga ang natitirang kalaban.
Kalaunan, napansin na lamang ni Hugo ang madilim na paligid sa kanyang bintana. Hinubad ng binata ang itim na tuxedo at nagpalit ng itim na long sleeves. Pinalitan din niya ang kanyang leather shoes sa isang lumang sneakers.
Kaunting pabango pagkatapos ay kinuha niya ang pitaka at baril. Iniwan niya ang opisina ng malinis. Sa bawat hakbang ni Hugo ay may mga matang nagmamasid sa kanya. Ang mga empleyado sa Facundo Villas ay hindi pa rin makapaniwala na nandito na ang kanilang amo.
Facundo Villas, isa itong real estate para sa mga mayayaman na tulad ni Hugo. Ngunit hindi lahat ng mapera ay tinatanggap dito dahil tanging lehitimong mayayaman lamang ang pasok sa requirement nito. From this business he established, ngayon lamang siya nakapagtrabaho rito dahil palaging mga front-men lamang niya ang nagiging haligi sa negosyo.
Sakay ng isang big bike, pinaandar ito ni Hugo ng swabe. Tinutunton niya gamit ng tracker ang detalye sa identification ni Annabelle San Jose.
TUMAPAK ang oras sa alas onse ng gabi. Lumabas ng naka jacket at naglalakad ng mag-isa sa madilim na eskinita si Belle. Panay ang pagnguya niya sa chewing gum at siga kung maglakad.
Ang maliit at makinis na binti ang unang pumukaw sa mga mata ni Hugo. Nagtatago sa dilim ang binata at nakasunod lamang sa kilos ng dalaga.
Natatakpan ng hood ang mukha nito kaya hindi niya matanaw ng maayos kung ito nga ba ang babaeng snatcher na tinutukoy ni Gael.
Pumipito habang naglalakad ang dalaga paakyat sa estasyon ng tren. Kaliwa't kanan ang bali ng kanyang leeg dahil sa labis na pagod na kanyang nararamdaman. Masakit din ang binti ni Belle dahil sa araw-araw na paglalakad gawa ng malayong pinapasukan na eskwelahan at trabaho naman sa gabi.
"Isa po, District One," wika ni Belle at nagbayad ng treinta pesos sa counter.
Pagkakuha niya ng ticket, sumunod din si Hugo. "Same ticket like her," saad ng binata at nginitian ang cashier.
"Ay ka gwapo naman!"
Inabot ni Hugo ang limang daang piso pagkatapos ay tumalikod.
"Sir, sukli mo!"
"Keep the change."
Nagmadali si Hugo sa paglalakad hanggang sa makita niya na nag-aabang ng tren ang dalaga. Hindi matigil ang pagkuyakoy ng binti nito at napakalikot.
"Bulate ba ito? Ako ang nangangalay sa ginagawa niya?" bulong ni Hugo.
Ilang sandali lamang ay dumating na ang tren byaheng District One. Siksikan ang nasa loob ng tren pero parang pusa na maliit ang dalaga at nakalusot. Ganoon din si Hugo at pinagpilitan na makadikit sa dalaga, until he felt her back touching his cock.
Hugo tried to stay calm, pinawisan din ang binata dahil hindi malakas ang aircon sa tren lalong siksikan pa sa loob.
After a few minutes later, napansin na lamang ni Hugo ang katabi ng dalaga. Kitang-kita niya ang kamay nito na pasimpleng hihiwain ang puwitan ng bag ng dalaga.
Hugo cleared his throat ang changed his position. He covered her. Napansin ito ni Belle dahil dikit na dikit ang katawan niya sa binatang pinakamatangkad sa kanya.
"Buti na lang mabango ito, aber kung amoy sibuyas ito baka tinadyakan ko na," mahinang banggit ng dalaga.
Nagdaan ang ilang istasyon ng tren at narating nila ang District One. Nagmadaling bumaba si Belle at tumakbo kaya ganoon din si Hugo.
"Damn it. Bakit ang liksi kumilos ng babaeng ito?"
Sa patuloy na pagsunod ni Hugo, napatigil na lamang ang kanyang mga paa nang makita ang pinasukan nitong eskinita.
"Red Light District Bar," he said.
Hugo bit his lower lip and started to lick it. "Hindi ko alam kung minamalas ba ako o sinuswerte na sundan ang babaeng ito."
Tumapak si Hugo sa entrance ng bar at doon niya narinig ang maingay na paligid. Puno ng usok lalo na't lasing na mga kabataan.
Pumili ng pwesto si Hugo sa dulong lugar at doon nagmamasid sa paligid. Sa kasamaang palad. Hindi niya nagustuhan ang nakita. Ilang kabataan ang nagpupuslit ng droga.
Tinungga ng binata ang isang bote ng alak pagkatapos ay sinundan ang binatilyo na mukhang runner ng shabu.
Lakad nang lakad si Hugo kahit na nabubunggo siya ng ilang kabataan. Ang patuloy na pagsunod niya sa binata ay naudlot nang makita ang babaeng kanyang sinusundan.
**
NAGMAMADALI at halos maglaglagan na ang mga kolorete na nanggaling sa bag ni Belle dahil maraming tao ngayon sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Inilabas niya ang pekeng pabango, imitation make-ups at ang wig na ginagamit upang maitago ang kanyang tunay na pagkatao. She puts a heavy make-up on her face to cover her innocent eyes. Kailangan gawin ni Belle ang mga ganitong bagay upang hindi siya makilala ng mga college students sa kanilang paaralan.
"Naku! Belle bakit late ka at nauna si Jaica?"
"Nakatulog na naman po kasi ako."
"Tsaka bakit parang ang putla ng balat mo? Kaya mo bang magtrabaho, hija?"
"Eh, opo."
"Sige na at pumasok ka na. Marami ng tao."
Tumango naman ang dalaga at iniladlad ang brunette wig sa tumatakip sa maliit niyang balikat. Maikli ang kanyang palda at ang puting blouse na nagpapakita sa magandang hubog ng pangangatawan.
Napaka ingay at nagsisigawan ang mga kabataan sa loob ng Red Light District. Napansin din ni Belle na maraming ginagawa si Jaica kaya tinulungan niya ito.
"Annabelle!" Bulalas ni Jaica.
"Ay! Pwede bang huwag mo naman isigaw?"
"Belle! Naku, kulang tayo ng waitress. Paki dala na lang ito sa table five."
"Eh, naku naman at bakit hindi pumasok ang iba?"
"Alam mo naman, kapag sinumpong ng katamaran, wala talagang papasok."
Tumawa lamang si Belle at inilagay sa tray ang mga alak na ibinibigay ng mga bartender. Pagpasok niya sa trabaho, pinagpapawisan na ang kanyang sentido dahil sa dami ng tao at sunod-sunod na order.
"Pambihira at siksikan na naman," reklamo niya dahil hindi siya makalusot sa dance floor.
Walang kamalay-malay si Belle na meroon sumusunod sa bawat kilos niya. Ang mapupungay na mga mata at labi niyang ubod ng ganda ang nagbigay pansin kay Hugo.
Napangiti ang binata nang mapagmasdan niya kung paano ito kumilos. Paliit-liit ang bawat hakbang ngunit maliksi kung gumalaw.
Napansin din ni Hugo na tagaktak ito ng pawis sa noo at panay ang punas ng dalaga gamit ang kanyang kamay.
"Hey! Come here, pwede ka naman sigurong makasayaw no?" aya ng isang lalaking lasing kay Belle.
"Pwede pero may bayad."
"Oh, sure! Name your price!"
"Sayaw lang ha? Two thousand," alistong sagot ng dalaga.
"Seriously? Ang mahal mo naman!" Tinulak ng lalaking lasing si Belle kaya naman naging alisto si Hugo at sinalo ang dalaga.
"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ni Belle kay Hugo pagkatapos ay tinalikuran.
Halos bumagsak ang panga ng binata dahil sa asal na ipinakita ni Belle. "What? I helped her? Eh kung hindi ko siya sinapo baka nilamon na siya ng sahig. What's with her attitude? Pandak, snatcher at masama pa ang ugali?"
Kunot noo si Hugo at para bang nasira ang araw niya na pagdiskitahan ang dalaga. He chose to follow the young man inside the comfort room. Laking gulat ng binatilyo na may pumasok sa banyo at nakita ang pagsunog niya sa tuyong ligaw na dahon.
Ibinaba ni Hugo ang kanyang sumbrebro at sinakmal ang mukha ng binata.
"Ah! Sino ka ha?!" Nagpupumiglas nito.
Hindi nagpatinag si Hugo at hinatak ang bag ng lalaki. Hinawakan din niya ang ulo nito at biglang inuntog sa lababo ng dalawang beses. Nagkalat ang dugo sa banyo at walang pakialam na iniwan ni Hugo ang bangkay.
Namumula ang tainga ng binata sa galit dahil nang binuksan niya ang bag nito, puno ng mga naka repack illegal drugs.
"Hanep, at may contact number pa ang gago?"
He took his phone and left a message to his guards.
'Ligpitin niyo ang bangkay dito. Siguraduhin niyong malinis dahil ayokong maipasara ng Pulisya ang bar.'
Mabilis na lumabas si Hugo ng Red Light District at sumakay ng tren pabalik sa motor niyang ginarahe sa isang motel. Inilagay niya sa compartment box ang bag at sinimulang tawagan si Gael.
"Boss! Natapos naman po ng maayos ang rally pati ang dinner."
"I need you here. Pumunta ka sa District one."
"Okay po."
"With Jamie."
"Hired na po siya?"
"She's hired diba? Isama mo na, dami pang tanong."
Binabaan ng tawag ni Hugo si Gael at sinimulang paandarin ang kanyang motor. Pabalik ang binata sa District one dahil alam niyang hindi lang isa ang nagtutulak kundi nandoon din sa lugar na iyon ang mismong pinagkukunan.