UNRIVALED!

Bởi PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... Xem Thêm

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 33 "Justice"

5.2K 425 114
Bởi PeachyyyPie

"Jo, talaga bang gagawin natin 'to?" Nag-aalalang tanong ni Junel kay Jose habang nag-tatago sa likuran nito. Sa katunayan, pareho silang nag-tatago ngayon sa likod ng brick wall. Panaka-naka nilang sinusulyapan ang mga nag-babantay sa entrance ng Briston hill. Isang tagong lugar kung saan naka-locate ang isa sa mga tagong organisasyon ni Zagan, ang commander ng Black knight Academy.

"Ngayon ka pa ba maduduwag, Junel? Nandito na tayo, oh.. Lakas nalang ng loob ang kailangan.." ani Jose. Hindi sila basta-basta makaka-pasok sa loob para iligtas si Jomar dahil may mga nag-babantay sa lagusan. Malalaking tao na naka-suot ng itim na cloak. Mga sorcerers at alchemists yata. Kahit pa na mag-palit sila ng wolf form ay hindi nila magagawang patumbahin ito.

Masyado silang mahina para dito..

"Ano bang gusto mong gawin natin? Sugurin nalang sila bigla? Nababaliw ka na ba? Kung nagawa nila tayong pigilan noon, mas kaya nila tayong patumbahin ngayon.."

"Eh, anong gusto mong gawin natin? Mag-paka'duwag nalang? Ga'non ba 'yon?"

"H-Hindi naman sa ga'non.. Ang ibig ko lang sabihin, sana hindi muna tayo pumunta rito ng hindi handa.."

"Hay.. alam mo Junel, walang mangyayari kung gan'yan lang ang prinsipyo mo sa lahat ng oras.. Kailangan ni Jomar ng tulong natin.. 'Pano kung may gawin silang masama sa kan'ya? Mahihintay ba 'yan ng handa mong oras??"

Umiling-iling si Junel. Hindi nito makuha ang ibig niyang sabihin. Aminin man niya sa kan'yang sarili ay naduduwag siya, pero hindi iyon ang pinaka-dahilan kung bakit ayaw niyang ituloy nila ang binabalak. 'Yon ay dahil hindi pa nila kasama ang kanilang Queen. Dahil doon ay wala pa siyang assurance para ituloy ang kanilang pag-sugod. Dahil panigurado lang na matatalo sila.

"Makinig ka sa 'kin Jose.." hinawakan niya si Jose sa parehong balikat nito at iniharap sa kaniya. "Hindi naman sa naduduwag ako, pero.. pero.. Okay parang ga'non na nga.. Pero hindi pa tayo sigurado na mag-tatagumpay tayo.. Ikaw ba? Gusto mo bang sumugod ng wala man lang plano? Hindi 'di ba?"

"Pero.. We're brothers, 'di ba? Bakit kailangan pa natin hintayin na—"

Nahinto sa pag-sasalita si Jose nang kunin ng kanilang atensyon ang nangyayari sa harap ng entrance. Dahan-dahan silang sumilip at tiningnan kung ano ang nangyayari. Sapilitang hinihila ng dalawang lalaki ang isa pang lalaki gamit ang mag-kabilang braso nito. Nag-pupumiglas ang lalaki pero mas malakas ang p'wersa ng dalawa.

"Sino kayo?" Tanong ng isa sa mga taga-bantay ng entrance.

May inilabas na card ang lalaki at tiningnan ito ng taga-bantay. Maya-maya ay sumenyas ito na papasukin siya kaya nag-bigay daan naman ang dalawa pang taga-bantay. Bumukas ang mataas na double door at pumasok sila, kasama ang nag-pupumiglas na lalaki habang umiiyak.

Nang mag-sarado ng malakas ang pinto ay siya namang napa-tingin si Junel at Jose sa isa't-isa. Sa pamamagitan 'non ay naiintindihan nila na pareho ang kanilang iniisip.

Napalunok si Jose. "M-Mukha ngang kakailanganin na'tin si Queen.."

~•~•*•~•~

Mag-katabing naka-upo si Olivia at Eugi sa harap ng guidance counselor, si Miss Wengie, ang kanilang instructor sa History ang kaka-usap sa kanila ngayon. Limang minuto matapos silang pinatawag. Masama ang tingin ni Olivia habang pasulyap-sulyap sa kaniyang gilid. Naiinis siya dahil kahit na anong gawin niya hindi pa rin niya makita ang takot sa mukha ni Eugenie.

"You know why you're here, right?" Pareho niyang sinulyapan ang dalawang estudyante sa kaniyang harapan. Hindi niya inaasahang masasangkot si Eugi sa isang gulo. Kilala niya kasi ito bilang tahimik at walang paki-alam niyang estudyante. Kaya nakakapag-taka nang marinig niya ang report na siya ang salarin sa nawawalang emblem ni Olivia. "We're here to settle this incident.. I've never, ever heard about this kind of crime before.. And I never expect you.." tumingin siya kay Eugi. "—to be involved.."

"Same, ma'am.. Hindi rin ako na-inform na ako pala 'yung kumuha ng emblem niya.."

"Oh, shut up! Of course you knew, you were planning to steal it from me!" Mag-kasalubong ang parehong kilay ni Olivia, parang umuusok ang kaniyang ilong sa galit. Humarap siya kay Miss Wengie. "Alam mo, ma'am.. Naka-salubong ko siya kaninang umaga sa entrance.. I told her to tell our classmates that my emblem was missing.. But she was acting like she didn't care! Oh, what can I say!? Siya pala ang nag-nakaw, that's why ayaw niyang sabihin sa mga kaklase namin!"

Napasandal si Wengie sa kaniyang swivel chair at sinuot ang kaniyang eye glasses. Sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari. Tumingin siya kay Eugi na kanina pa tahimik at hindi man lang nag-aabalang magsalita. "Ikaw? What do you need to say for yourself, hindi mo ba dedepensahan ang sarili mo? Do you have nothing to say??"

"Wala siyang masabi, ma'am kasi—"

"Shut up.. I'm not talking to you.."

Dalawang beses na kumurap si Eugi bago mag-salita. "Kapag ba nag-salita ako.. Makikinig kayo?"

"Of course.. Hindi ba 'yon naman ang purpose kung bakit ka nandidito?"

"Well.." sumulyap si Eugi kay Olivia. "I didn't do it.."

"That's it?"

Tumango si Eugi.

"See?? She didn't even want to admit it! Tsk, pa-victim pa siya! She's using her 'emotionless' tactics para makawala sa kaso niya! She didn't even care when I lose my emblem!"

"I won't pretend I cared for someone when in reality I didnt.." prangkang usisa ni Eugi kaya mas lalong nagalit si Olivia. Mas lumakas ang apoy ng kaniyang galit kay Eugi at pag-hahangad na mapa-bagsak ito. Kung wala nga lang si Miss Wengie sa kanilang harapan ay baka kanina niya pa ito inatake.

"We can only be certain that Eugenie is telling the truth, If.. she prove her innocence.." si Miss Wengie. "And you two are here for that.."

"But ma'am.. There's already an evidence that she stole it! Saksi ang buong klase namin! They saw it in their own eyes, it came from her bag!"

"Saksi ang buong klase, pero hindi ka saksi.. Wala ka doon, para sabihin na nakita mo.."

"And so what?? Atleast many had witness!"

"Tapatin mo nga ako, Eugenie.." seryosong tumingin si Wengie sa kaniya. "How will you explain that they found it in your bag? How?"

"Someone.. Someone put it in my bag.."

"Oh my, here we go again.." napa-irap sa inis si Olivia. "So ang gusto mong ipalabas ay nilagay ko ang emblem sa bag mo!? How!? Sige nga, explain mo!  Ni hindi nga ako nakaka-lapit sa 'yo, sa bag mo pa kaya!? Wow, galing-galingan mo sa pag-gawa ng k'wento, ha!? Dapat 'yung mabenta.."

'Galingan mo rin sa pag-gawa ng krimen, Olivia..'

"She wanted to turn the tables and put the blame on me! That's her true nature.. Mukha lang siyang tahimik pero iba na pala ang iniisip niya.. She's wicked! She's pa-victim! She's planning something against me because she hates me!"

"Be careful to what you are saying, Olivia.. Hindi mo namamalayan, dini'describe mo na pala ang sarili mo.." sagot ni Eugi

"Shut up, Eugi! Nobody asked!"

"Nobody asked for your response either.."

"You little—"

"Enough.." Pag-putol ni Miss Wengie sa pag-uusap ng dalawa. "Can't you see, I'm here? You're talking as if I'm not here! Have manners, for pete's sake!" Bumaling siya kay Eugi. "Are you aware, you're standing to the most prestigious Academy? Once your conviction is proven to be true, that means you're violating one of the lethal rules of this Academy.. And if you're innocent, that means Olivia will take the responsibility and will be facing a serious crime.."

"Hm, kung mapatunayan mo.." taas-noong sabi ni Olivia habang naka-ngiti.

Tumango lang si Eugi. Maya-maya ay may pumasok sa isip niya. "Thumbmark.."

"Ha?"

"Thumbmark.. You could check my thumbark in the emblem.. Kung ako talaga ang kumuha ng emblem niya, it would left my thumbmark, right? But since, I can assure you na hindi ko pa hinahawakan ang emblem, it would prove my point.." suhestiyon ni Eugi.

Nasaksihan ni Eugi ang pag-daloy ng matinding kaba sa mukha ni Olivia. Alam niyang pinag-papawisan na ang noo nito. Nakita niya rin kung paanong dumaan ang gulat at takot sa mukha ni Olivia na para bang hindi nito inaasahan ang sasabihin niya.

Napalunok si Olivia sa kaba. "B-But, ma'am.. M-May evid-dence—"

"Why, Miss Olivia? Are you scared? Maganda ang suggestion ni Eugenie.. In that way, we can truly see who was telling the truth.. I'll leave the investigation to the officers, for now you two could leave.." ani Miss Wengie. Tumayo sa kaniyang upuan si Eugi at yumuko sa harapan niya bago lumabas ng counselor office. Nanatili naman sa kaniyang upuan si Olivia at ilang segundo pa napa-amang bago tuluyang tumayo 'saka lumabas.

Sa labas ng counselor office.

"Manipulative ka talaga, no!?" Habol na sigaw ni Olivia kay Eugi.

Tumigil si Eugi sa kaniyang pag-lalakad at humarap sa kaniya. Wala itong sinabi.

"Ano?? Masaya kana?? Masaya kana sa ginawa mo!?" Hinihingal sa galit si Olivia.

"Hindi ba dapat ako ang mag-tanong niyan sa 'yo, Olivia?"

"Oh, shut up! Sa tingin mo ba talaga paniniwalaan ka nila!? Sa tingin mo ba talaga mananalo ka??"

"Ikaw, sa tingin mo ba mananalo ka?"

"Without a doubt I would.."

"Yun naman pala.. Bakit kailangan mo pa 'kong habulin para sabihin sa 'kin? Kung gusto mo ng kausap, mali ka ng nilapitan.."

"No Eugi, nandito ako para sabihin sa 'yo na hinding-hindi ka mananalo!"

"Wow, okay.. Nasabi mo na.. Umalis kana.."

"Argh! You really think they believe you!? Ha? No! Alam mo kung bakit?? Dahil low class ka lang! At walang naniniwala sa mga low class! Not even Miss Wengie! Kung sa tingin mo iuurong nila ang kaso kapag napatunayan niya na wala ang thumbmark mo sa emblem ko.. Oh honey, you are thinking the wrong idea! Ha! Tingnan nalang natin, dahil makikita nilang iiyak ang babaeng emotionless 'kuno' sa harapan ko mismo.."

"Dami mong sinabi, 'di ko naintindihan 'yung iba.."

"That's because you're not smart enough to catch up.. To put it simply, matatalo ka.. You know what that means?? That means.. You. Will. Never. Get. The. Justice. That. You. Deserve.. Because you belong to the lowest part of hierarchy!" Pang-aasar ni Olivia pero parang lumalabas lang sa kabilang tainga ang kaniyang mga pang-iinsulto dahil wala man lang pag-daloy ng emosyon ang mukha ng kaniyang kausap. "Unlike me, I'm a Guardian.. Isang pitik ko lang, maniniwala na sila sa 'kin!"

"Yun naman pala.. Pumitik ka nalang para itigil nila 'yung investigation, total isang pitik mo lang, maniniwala na sila sa 'yo.."

"Maybe you didn't get my point, Eu-Ge-Nie! What I meant was, nobody will believe you.. Kahit pa mapatunayan ng mga officers na wala ang thumbmark mo sa emblem ko, the report will came out positive! Alam mo kung bakit? Because, their justice was on my side! They have NEVER ever—"

"Ang dami mong sinasabi.. Isa lang naman ang point mo, walang maniniwala sa 'kin, or whatever keme chu-chu justice na 'yan.." kalmadong sagot ni Eugi. "Kung totoo nga ang sinasabi mo na ikaw pa rin mananalo after ng investigation.. Then give me your emblem, I'll give it a thumbmark.."

Nagtataka, ay kinuha pa rin ni Olivia ang emblem niya at inabot 'yon kay Eugi. Nababaliw na ba ito? So, handa itong sumuko dahil wala itong laban sa kaniya? Hm, mabuti naman at nakuha na rin ni Eugi ang ibig niyang sabihin.

Nang mahawakan na ni Eugi ang emblem ay parang nag-iba ang paki-ramdam ni Olivia. Nawala ang kaninang ngiti sa mukha niya, pero hindi niya mai-paliwanag kung bakit.

"They say Rhodium is the most durable metal out there.. Well, let's see.."

At hindi inaasahan ni Olivia ang sunod niyang nakita!

Niyupi ni Eugi ang emblem niya!

Niyupi nito ang buong bakal sa loob lang ng palad nito!

Nanlaki ang mga mata niya at parang na-paralyze ang buong katawan niya dahil sa kaniyang nakita! IMPOSIBLE!

"What a shame.. Rhodium is not durable as what you think.." parang tono ng patay ang boses ni Eugi.

"A-Anong gi-ginawa m-mo..."

"Hm? Sinubukan ko lang kung matibay 'yung metal, but guess what? It's fake.. like you.."

Hindi pa rin makapag-salita si Olivia sa gulat! Bahagyang naka-buka ang kaniyang bibig habang naka-amang ang kaniyang buong isip sa nangyari!

Binitawan ni Eugi ang emblem at nahulog ito sa sahig. Dinig na dinig ang malakas na tunog ng bakal nang mahulog ito sa lapag.

"Now let me tell you something, Olivia.." nag-lakad palapit si Eugi sa kaniya. Gustong umatras ni Olivia at tumakbo pero hindi niya magawa! Hindi man lang niya magawang i-galaw ang kaniyang katawan sa kinatatayuan. "Tutal sabi mo nga, pinapaniwalaan ka naman nila, bakit hindi mo sabihin sa kanila na niyupi ko ang emblem mo? Go ahead, tell them.."

"H-Hindi sila, ma-maniniwala s-sa 'kin.."

"Exactly.. No one will believe you.. Alam mo kung bakit? Dahil mortal lang ako.. Dahil low class lang ako at walang maniniwala na ako ang nag-yupi sa emblem mo.. You know what that means?" mas lumapit pa si Eugi sa kaniya at bumulong sa tainga niya. "That means, you'll Never. Get. The. Justice. That. You. Deserve.." lumayo siya at dumistansya sa kaniya.

Hindi! Hindi p'wedeng ga'non-ga'non nalang! Pag hindi na-balik sa dati ang emblem niya ay isa lang ang ibig 'nong sabihin!

Hindi na siya makaka-pag aral pa sa Blue Haven!

Dahil ang emblem ang sumisimbolo ng kanilang Registration form as an enrolled student..

Tumingala si Olivia kay Eugenie at sinalubong ang walang ganang tingin nito sa kaniya, kahit hirap na hirap siyang paniwalaan ang kaniyang nakita ay alam niyang higit pa doon ang kayang gawin ng babaeng kaharap niya.

"I-Ibalik mo ang e-emblem ko s-sa dati.." mahinang sambit niya. Nawala na ang lahat ng kumpiyansa sa sarili niya. Parang hinigop lahat ang lakas niya at naglaho lahat ng kaniyang tapang.

"Hm.. At bakit?"

"Dahil hindi na 'ko tuluyang makakapasok dito.."

"So.."

"M-Mawawalan ako ng k-karapatan na mag-aral d-dito.."

"Ngayon, tatanungin kita.." muling humakbang si Eugi palapit sa kaniya. "Alam mo na ba ang paki'ramdam ng walang naniniwala sa 'yo?"

Dahan-dahang tumango si Olivia.

"Alam mo na ba ang paki'ramdam ng walang kakampi?"

"Oo na! Oo na! Ibalik mo na sa dati 'yung emblem ko.."

Umiling si Eugi..

"Bakit?? Ano pa bang gusto mong gawin ko? Lumuhod?" halos mangiyak-ngiyak na sambit ni Olivia.

Umiling uli si Eugi..

"Ano? Sabihin mo, ano??"

"I-urong mo ang kaso.. Sabihin mo sa kanila na wala akong kasalanan.. Sabihin mo sa buong klase natin na wala akong kinalaman sa pag-kawala ng emblem mo.."

Hindi naka-pagsalita si Olivia. Nararamdaman niya ang pag-apaw ng mainit na tubig sa kaniyang mata, hanggang sa sunod-sunod ng pumatak ang luha sa buong mata niya. Tumango-tango pa siya. "I'll do it, I'll do it.. Just.. Just take my emblem back to its shape.."

Pinulot ni Eugi ang emblem sa lapag at ini'stretch ito para bumalik sa dati nitong anyo. Parang wala lang sa kaniya ang ginawang pag-yupi. Nang mai-ayos na ito sa dating hugis ay inabot niya 'yon kay Olivia.

"Make sure you'll stay true to your word, Olivia.. Dahil hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa oras na hindi mo ginawa ang pinapasabi ko.."

Tumango si Olivia kahit na may luha pa sa buong mukha niya.

Tumalikod na si Eugi para umalis nang marinig niya ang boses ni Olivia. "Napakasama ng ugali mo.."

Hindi siya lumingon. "Masama talaga ang ugali ko.. lalo na kung deserve mo.."

***

Pa-promote lang pala 'yung sis ko ng story niya haha.. She's the writer of Agartha and Mystify Academy.. Kindly check them at YourPinkRose

Please leave your feedback for motivation, I love reading them! <3

Vote. Comment. Follow. God bless!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

239K 4.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
276K 22.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
THE BROKEN SOUL'S PLEA Bởi C.C.

Tiểu Thuyết Chung

46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...