My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 42

18 8 2
By itzmoons

Princess Yanaez is Yana?

"Tham! Hoy Tham! Tham!" Ramdam ko ang kamay na yumuyogyog sa magkabilang balikat ko.

Napabalikwas naman agad ako ng bangon ng maalala yung mga pating!

"Yung pating! Takte yung mga pating!" Naghuhumirintado ko agad na sigaw.

"Tham, nasa dalampasigan na tayo. Nahimatay ka kasi nung may pating na lumapit sayo tapos binuka yung malaking bibig nila." Inikot ko ang buong paningin ko at nandito na nga kami sa dalampasigan. *hinga ng malalim*

Agad kong kinapa-kapa ang buong katawan ko upang mapagtanto kung buhay pa ba talaga ako. Binalingan ko si Balensyano ng tingin ngunit kakaiba ang titig niya sa mukha ko.

"B-bakit?!" Bulalas ko. Para siyang nakakita ng multo habang tinuturo ang mukha ko.

(>_<)

"N-naging pating narin ba itsura ko?" Gumagaral kong tanong at kunti nalang maiiyak na talaga ako.

"Ppppffttt Bwahahahahahahaha! Grabi expression mo, Tham! Hahahahaha!" Halakhak niyang puna habang nasa tiyan ang kaniyang dalawang kamay.

Unti-unti naman nag-init ang ulo ko kaya tumayo ako upang batukan sana siya ng malakas ngunit datapwat ay agad siyang kumaripas ng takbo!

"Uuurrgghh! Balensyano! Buset ka talagang kumag ka! Humanda ka talaga sa'kin pag naabutan kita!" Inis kong bulyaw. Huminto naman si Balensyano sa kakatakbo saka ako binelatan at tumakbo ulit.

(>__<)

Uuurrrghh! Inutil talaga ang kumag na Balensyano!

Sinundan ko siya ng takbo hanggang sa makarating kami sa bahay. Sa likod siya dumadaan kaya napag-isipan kong sa harap ako dumaan upang mabihag ko agad siya. Ngunit pagtakbo ko papunta sa harap ay ikinagulat ko ng may nabunggo akong tao!

"Ouch! A-aray!"

"S-sorry! Sorry!" Tutulungan ko na sana siyang tumayo ng mapagtanto ko ang itsura niya.

"M-my Princess! Fvck! What happened?!" Naaninag ko agad si Gorilla na lumabas mula sa loob at agad tumungo sa gawi namin upang tulungang tumayo si Princess Yanaez. (>_<)

Mukhang nasasaktan nga si Princess Yanaez dahil nagkaroon ng gasgas ang siko niya. "S-sorry talaga. H-hindi ko sinasadya. Sorr--"

"Bullsh*t! Why can't you act a little normal?! You keep on doing incomprehensible things!" Napatigil ako at natuod sa kinatatayuan dahil sa sita niya. Pinipigilan ko ang mga luhang unti-unting nangingilid sa mga mata ko.

He's so mean. Would it kill him to be a little nicer?

"Tham! A-anong nangyari?" Dumating si Balensyano at mukhang gulat pa siya ng masilayan ang nagasgasang siko ni Princess Yanaez.

Tinutulangan ni Gorilla si Princess Yanaez sa pagtayo.

"I-I'm okay. D-don't exhaust yourself Prince Gav." Mahinang saad ni Princess Yanaez ngunit hindi siya pinakinggan ni Gorilla. Sa halip ay nilagay niya ang kamay ni Princess Yanaez sa kaniyang balikat at agad hinawakan ang bewang nito.

Bago paman sila maka alis sa harap namin, binalingan ako ng masamang tingin ni Gorilla. Yung tingin na maypagkadi-gusto. Yumuko nalang ako at hinintay silang makapasok sa loob ng bahay.

Now tell me, should I stop this hatred of mine towards him? How?

Nang mawala na ang presensya nila sa harap namin, do'n na tumulo ang mga luha ko.

"Tham."

Tumalikod ako mula kay Balensyano at tumingala upang pigilan ang paghikbi.

"Ha-ha, o-okie dokie l-lang ako! Wag m-mo akong alalahanin! H-hahaha." Pilit kong sabi kahit gumagaral na ang boses. Pasimple kong pinalis ang mga luhang tumutubod sa pisngi ko, at pinilit ang sarili na ngumiti.

"T-Tham. Sorry." Ramdam ko ang yakap ni Balensyano mula sa likuran ko. Ang mahinang paghikbi ko ay napalitan ng hagulgol.

"H-hindi mo n-naman k-kasalanan." Sa bawat katagang binibitawan 'ko, pasakit ng pasakit rin ang lalamunan at dibdib ko.

"T-Tham. W-wag ka ng umiyak, please?" Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi na kumawala pa ang hagulgol na namumuo ulit sa kaloob-looban ko.
.

.

.

.

Dinala ako ni Balensyano sa gilid ng bahay. Umakyat kaming dalawa sa puno ng mangga at do'n tahimik na umupo.

Medyo nahimasmasan narin ako ng kunti kaya makangiti na ako ng maayos, ngunit hindi ko ramdam ang saya. Sa tanang buhay ko kasi, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit kapag binubulyawan o sinisitaan. Pakiramdam ko kasi nawalan ako dignidad at katarungan na ipakita at ipaglaban sa lahat kung ano ang karapatan ko bilang isang tao.

"Balensyano, sabihin mo nga sa'kin, masama ba akong tao?" Naitanong ko nalang.

Hindi ko siya binalingan ng tingin. Nakatutok lang ako sa isang maliit na sanga na nababali dahil sa'kin. Naalala ko tuloy yung araw na akala ko may powers ako, nasa bisig lang pala ako ng taong masama ang tingin sa'kin.

"Hindi. Hindi ka masamang tao, Tham. Ang bait bait mo nga, eh. Masasabi ko ngang maswerte ako dahil naging kaibigan kita. May kakwentuhan na ako. May kalaro na ako. Tapos ang saya mo pang kasama." Sambit niya.

Bumuntong hininga ako at nilaro-laro ang mga daliri ng kamay. "Bakit parang palaging galit sa'kin ang hyung mo? Hindi ko naman talaga sinasasdya ang mga nangyari. Kung alam ko lang sana na..." hindi ko nalang pinagpatuloy ang sinabi ko at aksidenteng tumama ang paningin sa pinto ng bahay. Nagulat pa ako ng maaninag ko si Gorilla na nakatayo sa pinto, kinusot-kusot ko ang mata ko at napagtantong imahinasyon ko lang pala 'yon.

"Just follow your heart, apo ko. That's your mission."

Napapikit nalang ako nang sumagip sa isip ko ang boses ni lola.

Anong klaseng misyon ba ito lola? Ang gusto ko lang naman ay ang maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal at may minamahal, pero bakit sunod-sunod ang sakit na natamo ko? Lola, all these time, puso ko ang sinunod ko. Simula nung dumating ako dito, alam kong sinisigaw ko kung ano ang salitang hinahalingling ng puso ko.

Pinikit ko ang mga mata ko saka bumuga ulit ng hininga. Kakayanin ko. Kakayanin ko para sa absolute freedom na binigay mo, lola. Kakapit ako.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Tham. Nabigla lang siguro si hyung ng makita niya si Princess Yanaez na ganun. May sakit kasi sa dugo si Princess Yanaez, leukemia. Kaya hangga't maaari, ayaw ni hyung na makita si Princes Yanaez na nasusugatan o nasasaktan." Leukemia? Kaya ba ganun ang kulay ng balat niya? Maputla.

"N-naintindihan ko." Pabulong kong puna.


Kaya pala gano'n nalang ang galit sakin ni Gorilla kanina.


Tinap ni Balensyano ang ulo ko saka nagpaalam na umalis dahil dadalawin daw muna niya ang kaniyang ama't ina sa kanilang kaharian. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango nalang.

Mag-isa ulit ako dito sa puno. Nagmu-muni-muni. Hindi ko alam kung nasaan si Luciosuno, siguro may inaasikaso rin.

Mga ilang minuto ang tambay ko dito, hanggang sa napagpasiyahan kong bumaba na at planong maglakad-lakad kung saan.

Aalis na sana ako patungong likod ng bahay nang biglang sumulpot si Princess Yanaez sa harapan ko.

"B-bakit po? M-masakit pa po ba 'yang gasgas sa siko niyo? Sorry po talaga. Hindi ko kasi kayo nakita kanina." Puno ng sensiridad kong turan. Pansin ko ang maliit na dahon sa siko ni Princess Yanaez. Mukhang nagagamutan na.

"Ah, okay lang. Don't be sorry. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako tumitingin sa daan. Total galos lang naman to, hihilom rin ito." Napatungo nalang ako. Ang bait bait niya pala.

"M-may kailangan po ba kayo sakin?" Tanong ko nang maalala kung bakit siya sumulpot sa harap ko.

"Ah, yes! Nakalimutan ko agad. Prince Gav once told me that you're his maid. So, I guess it is your priority na magluto." N-nakakapagtaka lang. Bakit kung umasta siya ngayon, parang wala siyang sakit na leukemia. Hindi siguro ganun ka lala?  Parang ang sigla niya kasi ngayon, hindi katulad nung unang kita ko sa kaniya at kanina na mahinhin.

"A-ah hehe oo naman po! Ano po ba ang lulutuin ko?" Mukhang mabait naman siya. Ano na ba ang nangyari sa'kin? Bakit pati mababait na tao pinag-isipan ko ng masama?

"Porridge."

Sinunod ko ang utos ni Princess Yanaez. Trabaho ko naman talaga 'to--no, scratched that---parusa ko naman talaga 'to. Kung hindi ba ako pumunta sa gubat, hindi rin siguro to mangyayari sa'kin. Edi sana kapiling ko pa sina nanay sa bahay.

I heave a deep sigh. Patapos na ako sa aking niluto. Habang abala ako dito pansin ko si Princess Yanaez na pumunta sa mga kaldero na hindi ko pa nahuhugasan. May kung ano siyang ginawa do'n ngunit hindi ko nalang binigyan ng pansin. Kinuha ko ang maliit na bowl at agad nilagyan ng lugaw. Inilagay ko narin ito sa isang tray at humahilap narin ng kutsara upang wala nang abalahin pa si Princess Yanaez.

"Ako na!" Nagulat ako dahil sa pabiglaang sigaw ni Princess Yanaez kasabay sa pag-agaw niya sakin ng tray.

Kabado naman akong ngumiti. Pinagkiskis ko ang dalawang kamay ko hanggang sa mapansin ko ang mga kulay itim sa mukha ni Princess Yanaez na parang galing sa dumi ng kaldero.

"Ahm, Princess Yanaez, m-may dumi po kayo sa mukha." Hindi niya kaya napansin?

Ngumiti lang siya sa'kin saka ina-arrange ulit ang bowl at kutsara sa tray upang lagyan ng isang basong tsaa. Okay lang ba talaga sa kaniya ang dumi sa kaniyang mukha? O baka iniisip niya na isa akong joker? Luh!

"Teka lang po, pupunasin ko nala--"

"Don't!" She cut me off when I was about to wipe the dirt on her face using my own dress. Nagtaka naman ako sa inasta niya. Hindi naman madumi ang damit ko. At isa pa, malinis naman ang kamay ko. Bakit ayaw niyang punasan ang dumi sa kaniyang mukha?

Umalis na sa harap ko si Princess Yanaez at agad pumasok sa loob. She left me dumbfounded.

T-teka! Paano kapag ma-misundertand ni Gorilla ang dumi sa mukha ni Princess Yanaez? Baka akalain niyang may ginawa akong masama kay Princess Yanaez! (>_<)

Para akong lasing na nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Pumunta agad ako sa harap ng nakasaradong pinto ni Gorilla at aakmang kakatok ng marinig ko ang tawa ni Princess Yanaez sa loob. Sa hindi malaman na dahilan, ay mas pinili ko nalang na mag eavesdrop dito sa labas at pakinggan ang pag-uusapan nila. Natatakot na kasi ako kapag papagalitan na naman ako ni Gorilla.

"This is my first time na magluto, kaya medyo p-pumangit ang mukha ko." Rinig kong sambit ni Princess Yanaez.

(0_0)

Eh? First time niyang magluto?

Eh, hindi ba't ako naman ang nagluto?

"You overworked yourself again. I told you, let my maid do the cooking." Ani pa ni Gorilla rito.

"Just taste it nalang. Sinubukan ko talagang magluto ng personal para sa iyo. Kung hindi ako pinuntahan nina Prince Kyle at Felix sa kaharian namin, siguro walang nag-aasikaso ngayon sa iyo." Napagitla ako. "Susubuan nalang kita para hindi mo na kailangan pang gumalaw. Pinaghirapan ko itong lutuin. Nadumihan pa ang mukha ko. Just make sure na magugustuhan mo." Natatawa pang sambit ni Princess Yanaez.

Unti-unti ako nilalamon ng inis habang pinakinggan ang pinag-uusasapan nila.

Ang daming mga tanong sa isipan ko na gustong gusto kong isigaw.

Kaya ba ayaw niyang ipapunas ang dumi sa kaniyang mukha dahil gusto niyang iparating at ipakita kay Gorilla na siya talaga ang nagluto?!

Kaya rin ba umalis sina Balensyano at Luciosuno no'n dahil pinuntahan nila si Princess Yanaez?

At ano ang ibig sabihin niyang kung hindi siya nandito, wala ring mag-aasikaso kay Gorilla ngayon? Ipinabatid niya bang wala akong silbi?!

"How was it?"

"Hhhhmm, good. This porridge taste really good."

Napapikit ako dahil sa sobrang inis! Sa halip na magwala ay mas pinili ko nalang pakalmahin ang sarili ko.

Lumabas nalang ulit ako ng bahay at tumungo sa likod para magpahangin.

Napahilamos ako saking mukha ng may pumasok saking utak na ipinagtataka ko lalo.

Bakit ba ako naiinis? Hindi ba dapat masaya ako dahil okay na kami ni Princess Yanaez?

Hindi dapat big deal sakin ang pag-aako niya ng niluto ko, dahil unang una prinsesa siya, ordinaryong tao lang ako. At pangalawa, wala namang mawawala sa skills ko kung aakuin niya ang lugaw na niluto ko. Pangatlo, katulong lang ako dito malamang obligasyon ko ang pagluluto, hindi ko dapat minamasama ang pag-ako ni Princess Yanaez sa niluto ko. Pang-apat, baka gusto lang ipakita ni Princess Yanaez ang kabutihan nito at gustong ipabatid na napupusua---Eh? Teka nga...

(0_0)

Princess Yanaez...

Yana...

Princess Yanaez is Yana?!

Nabingi ako sa sariling pag-iisip ng biglang nag-pop up saking isipan 'yon. Imposible kayang si Princess Yanaez at Yana ay iisa? Magkahawig kasi ang pangalan nila.

Siya kaya yung pinaginipan ni Gorilla kagabi? Siya kaya yung iniyakan niya? Siya yung kalaro niya? Kung kalaro nga talaga niya si Princess Yanaez....bakit hindi ito bakla?

(>__<)

Buset na utak! May naibigan nga si Gorilla diba?! Paano siya naging bakla?! Ikaw talaga Sam! Ang bobo minsan!


Pero come to think of it, tinatawag ni Gorilla si Princess Yanaez ng 'My Princess', at kung titigan naman ni Princess Yanaez si Gorilla ay parang may something sa kanilang dalawa. (>_<) Hindi ba't lovebirds silang dalawa?!

Naguguluhan na ako! Kung sakaling lovebirds silang dalawa, at napupusuan rin ni Gorilla si Princess Yanaez ibig bang sabihin nito--si Princess Yanaez, si Yana, at ang babaeng hinahanap niya ay iisa?!

Pero bakit sinabi ni Balensyano na hanggang ngayon ay wala paring balita tungkol sa babaeng iniwan si Gorilla? Hindi niya kaya alam na si Princess Yanaez ang babaeng 'yon? At isa pa, hindi niya minsan nakita ang itsura nung babae, ibig sabihin hindi niya rin ito kilala.



Posibleng si Princess Yanaez ang matagal na nilang hinahanap. Pero dapat ini-inform sila ni Gorilla, diba? Na nakita na niya ang babaeng pinapahanap niya.

Sandali nga! (>_<)

Kalaro ba talaga ni Gorilla si Yana? O si Yana ang babaeng araw araw niyang hinihintay? Kung Yana nga ang pangalan nung babae, hindi hamak na si Princess Yanaez nga 'yon.


Pero bakit---uurrgghh! Ang gulo! Bakit kasi hindi nalang sinabi ni Gorilla na si Princess Yanaez at si Yana ay iisa? Nagpapasikat ba talaga siya?! O baka ayaw niya lang ipagkalat na bumalik na si Yana sa buhay niya?

Pero----bakit pinapahanap ni Gorilla si Yana kung alam niyang si Princess Yanaez ang babaeng 'yon? Kung alam niyang nakatira ito sa kaharian ng Ryanggang?

Hindi kaya, nung naging sila ni Princess Yanaez hindi nito sinasabi na isa siyang prinsesa ng Ryanggang? Tapos 'Yana' ang tanging ipinakilala niyang pangalan kay Gorilla? 'Yon ba ang dahilan kung bakit pinapahanap siya ni Gorilla? At walang ibang alam noon si Gorilla kundi ang pangalan nitong 'Yana'?


Ngayon...

Ngayon nahanap na niya. Kapiling na niya ulit ang babaeng mahal niya.




Unti-unting pinalis ng hangin ang inis ko. Hindi ko alam, pero naging malambot bigla ang loob ko kay Princess Yanaez. Mahal na mahal niya siguro si Gorilla kaya niya ginawa yung kinaiinisan ko kanina.

Ngayon, naintindihan ko na.



Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Sasabihin ko kaya 'to kina Balensyano at Luciosuno? O hahayaan nalang na si Gorilla mismo ang magsalita?

Siguro hahayaan ko nalang si Gorilla na magsalita tungkol kay Princess Yanaez.

Wala ka rin namang papel sa buhay ni Gorilla, Sam. Kaya bakit ka mangingialan?

(>_<)

Tila binabato ako ng mga katagang iyon. Tch! Pati sariling isip ko may bibig narin!

Napakagat ako ng ibabang labi. Totoo rin naman kasi, wala naman talaga akong papel sa buhay ni Gorilla, kaya bakit nga ba ako mangingialam?

Hayst! Bakit ko nga ba pinoproblema ang naudlot nilang relasyon? Tch! Tch! Grabi talaga virus ng mga tsismosa, pati ako naging biktima narin.

Sumibat ulit ako sa harap at napag-isipang maghugas nalang ng pinggan at kaldero, ngunit ikinabigla ko ng makita agad si Princess Yanaez do'n. Hindi niya ako napapansin dahil nakatalikod siya mula sa'kin, nakaharap siya sa kagamitang pang kusina na hindi pa nahuhugasan. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya, naaninag ko kasi ang mga kamay nitong parang nandidiri.


Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Nilapitan ko siya at ngumiti.

"Princess Yanae---"

"Oh My!"

(0__0)

"N-nagulat ko po ba kayo? P-pasensiya na po." Agad siyang humarap sa'kin, wide-eyed; shocked, at medyo naiilang pa ako dahil sa kakaibang titig niya.

Para siyang nakakita ng multo. May binabanggit siyang pangalan ngunit walang boses na lumalabas sa bibig niya.

"Princess? Princess Yanaez?" Tawag ko pa sa kaniya. Umiwas naman agad siya ng tingin at mukhang natauhan na.

Pansin ko rin na wala ng dumi ang mukha niya. Nilinis na niya siguro.

"I-I'm s-sorry. Y-your presence somewhat shocked me a little bit." Hindi siya makatingin sa mga mata ko.

Sa halip na magsalita ay ngumiti nalang ako as an assurance na okay lang. Pero, nawewerduhan talaga ako sa kaniya. Kasi noon sa kaharian nila, parang na-shocked rin siya nung masilayan niya ako. Tapos kakaiba rin ang bawat titig niya sa'kin, yung parang may deep meaning pero hindi ko madefine.

"Maitanong ko lang po," she raised her left eyebrows while waiting for me to continue my words. I smiled genuinely. Hindi ko alam pero, para siyang nanigas dahil sa ngiting pinapakita ko. "Ikaw ba si Yana?" I said; full of confusion.

She gasped and stiffened too. Is she really okay? Bakit parang napa-paranoid siya dahil sa tanong ko?

She turned her back from me. I know there's something wrong about her, but I still remained calm. Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa. Para kaming sumabak sa isang Q and A.

Bakit kaya ganiyan ang reaksyon niya? Hindi pa kaya siya handang sabihin sa lahat na siya si Yana?

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Yes. I am Yana." Huling sabi niya sa'kin bago umalis.

-To be Continued-

Just a little trivia!

Yanaez -> Ya·Na·Yez

And, baka magtataka kayo kung bakit pabago-bago ang emotion ni Shacy or Samantha. Kapag may galit po siya sa isang tao, ilang minuto lang po ang dadaan, makakalimutan niya agad ang sama ng loob. Parte po iyan ng karakter niya.

:-*

-Monaxen-

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 913K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
5.5M 437K 95
Sitting on the bed, I was waiting for my husband to arrive. It was our wedding Night. I rolled my toes as the visuals of him slowly touching my cheek...
3.8M 157K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
215K 13.6K 123
The Divine woman Draupadi was born as the eternal consort of Panadavas. But we always fail to treasure things which we get easily. Same happened with...