My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 40

16 8 4
By itzmoons

Fever.

"Kahit ano po, lola?" Tanong ko pa kay lola at tumango naman ito. "Gusto ko po sanang maka-experience ng may minamahal at may nagmamahal. Nakakainggit kasi pakinggan ang love story niyo ni lolo. Feeling ko po kasi magmamadre nalang ako. Mukha kasing wala akong kapares sa buhay."

Hindi ko alam kung bakit mas lumaki pa ang ngiti ni lola. Tapos kumikinang rin ang mga mata niya. Ang weird weird na talaga ni lola!

"Apo ko, nakita mo ba 'yan?" Tanong niya sabay turo sa malaking portrait na hinanap niya kanina.

Malamang, eh ang laki kaya niyan! Ang healthy pa kaya ng mga mata ko!

Hindi ko tuloy 'yon masabi dahil sa ka weirdohan ni loka, sa halip ay tumango lang ako.

"Kunin mo 'yan at ilagay mo sa kwarto mo. 'Wag mo munang buklatin 'yang tela, wag mo rin silipin kung ano at sino ang nasa portrait na'yan. Pagpasok mo sa kwarto, do'n mo na tignan."

XXXXXXXXXXXXXXX

"T-tumakbo kana, pakiusap! T-tumakbo kana! Nasa panganib ang buhay mo dito! Papatayin ka nila! U-umalis kana!"

"H-hindi! Hindi kita iiwan dito! Dapat malaman to nina---"

"P-pakiusap, dapat kapang mabuhay. Tumakas kana habang wala pa sila!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Sunod-sunod ang malalakas at mabibigat na buntong hininga ang kumawala mula sa'kin. Ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo't likuran ko.

A-anong klaseng panaginip 'yon? B-bakit paulit-ulit?

At, anong nasa portrait na 'yon? Teka, 'yon rin ba yung portrait na palaging sumasagip sa isip ko ngunit malabo ang imahe sa paningin ko?



Bakit putol-putol rin ang mga panaginip ko? Bakit hindi nalang tapusin para wala na akong gambalain pa? Bakit kailangan pahirapan pa ako?

"Tham! Gising kana!" Napasinghap ako ng hangin dahil sa pabiglaang sigaw ni Balensyano.

Teka. Nasaan ako? Kaninong kwarto 'to? Eh, hindi ba't umalis ako? Paano ako napunta rito?

"Gising kana ba talaga?!" Sigaw niya pa ulit sabay lapit sa'kin at tinutusok-tusok ang pisngi ko gamit ang daliri niya. "Gising kana nga! Hindi ka ba nagugutom? Ipagluluto kita ng lugaw, limang araw ka kasing nakaratay diyan sa kama ni hyung, kailangan mo ng lakas para gumaling----"

"Ano?! L-limang araw ?!" Gulat kong sigaw. (0_0)

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. "Oo nga, kakasabi ko lang, eh. Si Tham talaga. Dapat kasi nakikinig ka ng mabuti." Ani niya pa.

(>_<)

T-tapos, sa kwarto't kama pa ni Gorilla?!

Limang araw?!

Sa hindi malamang dahilan ay agad akong pumagilid at padabog na tumayo.

"Teka! Tham, kailangan mo pang magpahinga!" Pigil pa sa'kin ni Balensyano.

Nagtataka naman ako dahil hindi na masakit ang kaliwang paa ko, tapos may bandage narin ang kanan kong braso at mukhang humihilom narin ang sugat na natamo ko.

"Tham! Baka magalit si hyung, humiga ka muna kasi at magpahinga." Puna niya ulit.

Narinig ko lang ang salitang 'hyung' ay agad bumukal sa inis at galit ang dugo ko.

"Aalis na'ko." Mariing sabi ko at lalabas na sana ng silid nang biglang pumasok ang taong pinaka-ayaw kong makita. (-_-)

"Eat." He ordered with full of authority. May dala siyang maliit na tray at nakapatong doon ang isang bowl ng lugaw, kutsara, at isang basong tubig.

Napakunot ang noo ko dahil kung umasta siya parang wala lang. Baka nakakalimutan niya, siya ang dahilan kung bakit ako nakaratay sa kama ng limang araw. (-_-)

Tinabig ko ang kamay niya at pasimple siyang tinulak upang makalabas ng pinto. Napangiwi naman ako ng bigla ako hinarangan ng daan ni Luciosuno.

"Lady Sam, you need---"

"Tch!" Hasik ko at binunggo siya ng buong pwersa para makalabas lalo ng bahay. Wala akong paki-alam kung ano ang iisipin nila, basta aalis na'ko! Aalis ako!

"Tham!" Rinig ko pang sigaw ni Balensyano pero hindi ko na ito tinapunan pa ng tingin at nagpatuloy parin ako sa paglalakad paalis. "Tham wala kang payong! Mauulanan ka!" Napatigil ako sa paglalakad sabay tingala sa itaas. Peste! Ba't ngayon pa umuulan?!

Napalitan ng maiitim na ulap ang maliwanag na araw. Nagsimula naring kumulog ng malakas. Patuloy ang pagpatak ng ulan. Tumingala lang ako sa langit at hinayaan ang sarili na mabasa sa ulan, ngunit ikinagulat ko ng napalitan ng kulay white ang aking paningin at nawala ang maiitim na ulap.

"Ttss." (>_<)

Do'n ko lang ata narealize na payong pala iyon na kulay puti. T-tapos, si Gorilla ang may hawak.

Hindi ko alam pero, unti-unti na naman ako pumipiyok sa inis!

Nakakabuset talaga presensya ng lalaking 'to!

Dahil sa umuusok kong inis, padabog akong lumayo sa kaniya at wala akong paki-alam kung mababasa ako--ngunit! Ang peste hinatak ang tela ng damit ko sa bandang leeg tapos hinigit ako pailalim sa dala niyang payong! Buset to ah!

Masama ko siyang tinignan at blangko lang ang mukha niya! Peste! Tinakwil ko ang kamay niya sa bandang leeg ng damit ko at aakmang aalis nang bigla na naman niya ako hinatak papalapit sa kaniya, aksidente naman akong nadulas kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

*gulp*

Magkadikit ang katawan namin. Ramdam ko mula saking batok ang hininga niya. (>////<)

Lalayo na sana ako nang bigla ulit akong madulas at sakto namang sa kaniya parin ang bagsak ko ngunit ang ikinabigla ko lalo ay ang pagkawala ng balanse ni Gorilla kaya kaming dalawa ang bumagsak sa maputik na lupa!

"Fvck!" Hasik niya. Peste! Kung maka fvck ang timang!

Nakaratay ako sa harap niya. *gulp* Ramdam ko ang pamumula sa buong mukha ko. B-bakit ganito ang reaksyon ng mukha ko? Eh, nangyari narin samin to dati ni Kieno, at wala lang naman 'yon sa'kin. P-pero, bakit ngayon parang may kuryente na dumadaloy sa ugat ko. H-hindi ko maintindihan. (>///<)


Ginaw lang 'to. Tama, nilalamig lang ako.



Basang basa na ako at gano'n rin ang ugok na napapatungan ko. Tumayo na ako at umiwas ng tingin kay Gorilla. Lumunok muna ako ng ilang beses at naghinay-hinay sa paghakbang pabalik sa bahay. Okay, kailangan ko ng masisilungan.

Hindi ko na ulit tinapunan ng tingin si Gorilla at hinayaan nalang siya do'n sa gitna ng ulan. Kitang kita ko naman ang nakamaang na sikmura nina Balensyano at Luciosuno samin kaya napa-smirk ako kahit ang totoo bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

"Bakit?" Maarte kong tanong sa dalawa ng makahuma ako sa gitna ng ulan.

"Ahem!" Umiwas ng tingin si Luciosuno na animo'y nakakita ng nakakalaswang pangyayari! (>_<)

"Bakit hindi mo tinulungan si hyung, Tham?!" Sigaw pa ni Balensyano at palakas ng palakas na ang ulan. Tumaas naman ang sulok ng labi ko dahil sa tanong niya.

"B-bagay sa kaniya 'yan. Bakit ko siya tutulungan?!" Inis kong sigaw.

"Huh? Bagay ba 'yan kay hyung, Felix? Ang sama ng mukha ni hyung, oh." Patay malesya pang usal ng kumag!

Hindi umimik si Felix sa halip ay kumuha siya ng panibagong payong sa gilid ng dungawan at pinuntahan si Gorilla na ininda parin ang mabibigat na ulan. Pinayungan agad ito ni Felix at tinulungan. Tch! Kalalaking tao pero kung umasta napaka-hinhin!

"Tham, mamaya ikaw muna ang bahala kay hyung, ah. Lagyan mo narin ng bimpo noo niya para hindi kana mapapagod sa kakapunas---"

"Teka nga! At bakit ko naman gagawin 'yon? Wala naman siyang sakit ah!" Naguguluhan kong putol sa kaniya.

Pinahaba ni Balensyano ang kaniyang nguso. "May lagnat kasi si Hyung, tsaka ikaw naman yung personal niyang maid, eh. Nung nabalitaan ko kasing umalis ka ay agad ka naming hinanap ni Felix. Pero hindi ka namin mahanap. Pagbalik namin dito sa bahay wala narin si hyung. Tapos umulan ng malakas sa gabing iyon, laking pasasalamat namin nung umuwi si hyung habang buhat-buhat ka niya sa kaniyang bisig. Basang basa kayong dalawa. Tapos, tumawag pa siya ng babaeng katulong do'n sa kaharian namin upang magpakuha ng pambabaeng damit at bihisan ka. Kumuha narin ng iba't ibang tauhan si hyung para gamutin ang sugat mo sa braso tapos ang paa mo. Sa gabing iyon hinayaan ka niya sa kwarto niya matulog habang siya naman ay ininda ang lamig sa labas. Hindi ko nga lubos maisip 'yon eh, dahil ayaw na ayaw ni hyung na may pumasok sa kwarto niya. Tapos, nalaman nalang namin ni Felix na may lagnat siya nung nahimatay siya sa harap ng kwarto niya. Putlang putla at malamig ang buong katawan."

Hindi ako maka-imik. Ramdam ko ulit ang hiya sa kaloob-looban ko. Pasimple kong sinulayapan ang suot kong damit at iba nga. (>_<)

Do'n lang ata pumasok sa isip ko na nandito pala ako bilang isang personal na katulong.

Nakarating sina Luciosuno habang akay-akay si Gorilla sa balikat. Narinig ko pa ang pag-ubo ni Gorilla hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.

Hindi ko siya magawang titigan. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang dapat kong gawin.

Lumabas na si Luciosuno galing sa loob at mukhang nasa loob na ng silid si Gorilla. Tumingin ito sakin at agad naman ako nag-iwas ng tingin.

"Lady Sam, please take care of Lord Gaveign. May kailangan lang po kaming puntahan. Babalik agad kami hangga't maaari. Mag-ingat rin po kayo. May mga damit po kayo na pinabili ni Lord Gaveign at nasa loob ng silid ni Lord Kyle ko iyon inilagay. Mauna na po kami." Nag-bow sa harap ko si Luciosuno saka tumalima. Hindi ako nagsalita sa halip ay tumango nalang ako. Unti-unti ako nilalamon ng konsensya ko.

"Tham, wag mong pabayaan si hyung, ah! Tapos pagbalik namin laro tayo ah!" Nakangiting puna sakin ni Balensyano bago tumalima kasunod ni Luciosuno. Saan rin naman kaya ang punta nila? Eh malakas pa ang ulan.

Binabalutan ako ng lamig habang tinatanaw ang papalayong bulto ng dalawa. Kahit kailan hindi sumagip sa kukute ko na gawin sa'kin 'yon ni Gorilla. Alam kong ayaw niya sa'kin at ayaw ko rin sa kaniya, the feeling is always mutual. Pero, nakokonsensya talaga ako. DahiI sa'kin nagkakaroon siya ng lagnat.

Mag-isa nalang ako dito sa labas. Nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hindi.

Pero sa huli ay pumasok parin ako. Nagbihis muna ako ng bagong damit sa loob ng silid ni Balensyano tapos lumabas na ulit upang magluto ng lugaw. Nakita ko pa yung natitirang lugaw sa maliit na kaldero at mukhang niluto pa ito ni Gorilla para sa'kin. Abot langit na yata ang hiya ko. Pakiramdam ko tuloy kumakapal narin mukha ko. (>_<)

Nagluto ulit ako ng panibagong lugaw pagkatapos ay naglagay sa maliit na bowl. Nilagay ko agad ito sa maliit na tray at humagilap narin ng kutsara at isang basong tubig.

Nang makaharap ako sa pinto ni Gorilla ay agad ako pumasok. Nang masilayan ko siya'y tumalikod agar ako sa gulat dahil sa nakita! Para akong sirang turumpo na umikot at tumalikod agad saka pinag-untog-untog ang sariling noo sa saradong pinto. *lunok*

"Fvck! Can't you knock?!" Sigaw niya at halatang halata sa boses niya ang pamamaos.

"P-pasensya na." Mahina at bakas ang hiya kong sambit habang nakapikit at nakatalikod parin. Takte! Daig ko pa ang nakakita ng porno!

"Ttsss." Napalunok ako. Pasimple akong sumilip at napagtanto kong nakabihis na ito, kaya lumapit na ako sa kaniya at maingat na inilagay ang tray sa maliit na table dito sa gilid ng kama niya at halatang halata pa ang panginginig ng dalawang kamay ko. *lunok*

Nasa kama siya ngayon, naka-upo habang isinandal sa headboard ng kama ang likod niya. Masama itong nakatingin sa akin kaya naiilang akong ngumiti saka nag peace sign.

"W-wag kang mag-alala. W-wala akong nakita, promise. Close my heart. Mamatay kapa---este mamatay pa lahat ng mga manyak sa buong mundo." Takte! Mas lalo lang sumalubong ang kilay niya. T__T Likod lang naman talaga niya ang nakita ko. Hindi ko na tinignan ang baba nito dahil klarong-klaro na naman sa peripheral vision ko. Maputi, makinis--peste! Lord, hindi po talaga ako manyak!

(>>__<<)

His cold eyes hovered over my unnatural nervous face as if he was measuring the truth of my words. T_T

"I lost my appetite. *cough* Get out." Sambit niya habang umuubo.

Umiling ako at nagmamatigas. "Kailangan mo munang kumain." Kinuha ko yung bowl at kutsara. Hinihipo hipo ko ito upang lumamig at sinubuan agad siya ngunit malakas niyang tinakwil ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang bowl na hawak ko at ang kutsara. Nababalutan ang kwartong ito ng ingay mula sa pagkabasag ng bowl.

Napalunok ako at nagsimula na namang namumuo ang inis sa ulo ko. Nasayang lahat ang pagod at pawis ko, hindi niya lang pala kakainin. Basag ang bowl at nagkalat ang lugaw sa sahig. Ininda ko nalang ang sama ng loob at nilinis nalang ang kalat.

Nahagip naman ng mata ko ang basag na tray at bowl na nasa gilid ng pinto at nagkalat rin ang laman nitong lugaw. Mukhang kasalanan ko rin. Tinakwil ko kasi kamay niya kanina habang dala-dala ang mga iyon.

Napabuntong hininga ako. Nilinis ko nalang lahat ng kalat dito sa loob at napagpasyahang magluto ulit ng lugaw para malagyan kahit papano ng kakaunting init ang tiyan ng Gorilla. 

Kailangan kong magtiis. May kasalanan rin ako. Iindain ko nalang ang pagkamasungit ng Gorilla. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagkaroon ng lagnat.

But I hate him. I really really hate him! The first time I met this guy, alam kong hinding hindi ko magugustuhan ang pag-uugali niya. Masungit, mayabang...basta! Nakakainis siya!

-To be Continued-

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 644 162
Yuan Li was an excellent logistics personnel on the battlefield. One day, after transmigrating, he found himself in ancient times as the son of a min...
Malika By laiba

Historical Fiction

734K 55.8K 44
This book is a sequel to Khalifa and cannot be read as a standalone. To avoid spoilers, description and excerpt are added inside the book. ✵ Started:...
28.8M 913K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
335K 13.6K 122
It all started when Princess Catheline married the dangerously attractive and recently crowned King of Anthreal, Xander. After their marriage, he ne...