I meet the second Prince of North and South Hamgyong.
Everything went through. Nagtulung-tulungan narin ang mga tao sa paghahanap sa nawawalang prinsesa. Officials from other provinces are helping too. But the probability to find the Princess is kinda hard to predict. No one knows what Princess Allysa looks like, well, except nalang siguro sa hari nila't mga ka-relatives niya.
Yung alas lang na nagbibigay daan sa'min upang mahanap si Princess Allysa ay ang kakaibang kulay ng mga mata nito. Hazel brown eyes with red variations and complexities. So far, wala pa akong nakitang gano'ng klaseng mata dito. Tapos, bukod sa kulay ng mga mata nito, may rare necklace rin daw na suot ang Prinsesa. Hindi nila nae-describe kung ano ang pormada o desinyo, kaya nahirapan kami lalo.
(>_<)
Mag-isa ulit ako dito sa loob ng bahay. Nasa palengke parin sina nanay, tatay at Kaia. Sina Kieno at ang tatlong unggoy naman ay may pasok. Ino-offeran ulit ako ng Master nila na mag-aral at maging isa sa mga scholars dahil wala rin naman akong gagawin dito sa bahay but I still refused his offer. Ayaw ko talaga, bukod sa tamad akong tao, ayaw ko rin sa ibang mga scholars do'n, especially yung mga linta. And besides, lots of people needs it, why stick to me? Okay na ako dito sa bahay, walang hassle. Matutulungan ko pa sina nanay sa mga gawain dito sa bahay.
"Tao po? Tao po?" Napalingon agad ako sa pinto ng may nagsalita at kumatok ng ilang beses.
Tinignan ko ito at chini-check kung sino.
w(°o°)w
"LISA!" I spread my arms and quickly run towards Lisa and hugged her. Ronnie's property.
"Kumusta kana?! Grabi! Ang tagal rin pala nating hindi nagkita!" Sigaw niya rin habang nakayakap sakin. (^__^) We're good friends.
Kumaliwas ako ng yakap saka humarap sa kaniya. "Okie dokie lang naman ako. Ikaw ba? Kumusta? Ang laki ng pinayat mo, ah. Nagkasakit ka no?" May ka-chubbyhan kasi si Lisa noon, ngayon naman ang sexy-sexy na.
A sweet smile plastered on her lips and nodded. "Oo, eh. One week ako may lagnat."
"Alam ba ni Ronnie?" I asked.
She shooked her head. "Hindi. Hindi ko pina-alam. Ayaw ko kasing madisturbo siya sa kaniyang klase."
"Miss Independent? Pppfftt hahahaha. Get ready nalang mamaya, paniguradong uusok sa galit ang unggoy na 'yon." Natatawa naman siya sa sinabi ko saka walang sabi-sabing pumasok siya sa loob. Sumunod naman ako at nakita ko pa siyang umupo sa maliit na upuan.
"'Yan nga ang inaabangan ko, eh." Tawa pa niyang sambit.
"Teka, kumain kana ba? Ipagluto kita, may mga gulay pa namang natitira dito." Ani ko saka tumungo sa kusina.
"Miss Independent? Hahahaha. Marunong ka na pala magluto?" Balik pa niyang hasik. Lokaloka talaga.
"Marunong naman talaga ako magluto, no. Tanungin mo pa nobyo mo." Pagmamayabang ko pa pero humagikgik lang ang timang. Hayst. Parang sira rin.
"Siya nga pala, balita ko may negosyo na raw kayo sa palengke? Kumusta naman si Aling Mariclar at Mang Kreno?" Tanong niya.
Pumunta ako sa abuhan upang e-check kung may mga kahoy pa bang panggatong o wala na. "Oo. Pinag-ipunan ni Kieno upang makapagpatayo ng maliit na negosyo. At, okay lang naman sina nanay at tatay, kahit matanda na naghaharutan parin!" Pasigaw kong sagot habang naghahanap ng kahoy sa ibaba ng abuhan.
Rinig ko naman siyang humahalakhak kaya napangiti ako. "Ikaw talaga, 'yang dila mo hindi parin nagbago!" Tawang puna niya.
Napanguso naman ako ng mapagtantong wala nang kahoy. Hayst. Bumalik ako sa gawi ni Lisa saka umupo sa kabilang upuan na nasa harap niya.
"Oh, bakit ganiyan itsura mo?" Tawang tanong ni Lisa. Happy-go-luvky-lady talaga ang isang to. Parang si Ronnie lang, happy-go-lucky-guy, perfect matched.
"Kailangan ko pa kasing manguha ng kahoy sa gubat." Nakanguso kong sambit.
"Samahan na kita, total wala rin naman akong gagawin rito. At saka, nakaka-bored din sa bahay, dito na ulit kami titira dahil balak rin ni nanay na magtayo ng maliit na negosyo sa palengke." Ngiting aniya.
"Edi masaya. Mas magkakaroon ka ng oras para kay Ronnie." Puna ko rin.
Kulot ang buhok ni Lisa, ngunit kulay blonde. May kasingkitan ang mata at kulay itim naman ang iris nito. Matangos ang ilong at medyo may kapulpihan ang mapupulang labi. Kapansin pansin rin ang nunal niya sa gitna ng noo. Ngunit nababagay naman sa kaniya.
"Samahan na kita sa gubat." Sabat niya ulit sabay tayo ngunit agad ko siyang pinigilan at pina-upo ulit.
"Hindi na kailangan. Dito ka nalang, total magsiuwian narin mamaya sina Ronnie dahil may gagawin raw yung Master nila, maghahanap yata ng libro sa library do'n sa North Hwanghae para sa mga lessons nila." Litanya ko pa. Sasabat pa sana siya ulit ngunit pinigilan ko na. Kaya sa huli, mag-isa ako ngayon naglalakad patungong gubat upang manguha ng kahoy. (>_<)
Basically, ang mangunguha ng kahoy sa gubat ay hindi ko gawain. Usually si Kieno talaga ang gagawa. Pero, mamaya pa kasi ang uwian nila. Hindi naman ako takot mag-isa, ang kinatatakutan ko lang, kung susulpot si Corazon sa gubat, alam niyo yung unang aswang? Hayst. Palagi ko talaga siyang iniisip. Nakakatakot ang mukha niya, dagdag niyo pa ang mga kamay nitong nakabukaka lang palagi tapos ang hahaba pa ng mga kuko. Nakapanindig balahibo!
(>_<)
Total wala naman ako sa Pilipinas kaya imposibleng lilipad ang aswang 'yon dito sa North Korea.
May nakasalamuha akong mga tao galing sa gubat. May mga dala rin silang mga kahoy. Mukhang safe naman sa loob dahil may mga babae rin akong nakita na nagmula sa gubat. Mga sako ang dala nila, puno ng iba't ibang kahoy na pwedeng panggatong. Nakalimutan ko palang magdala ng sako. (T__T)
Ay bahala na! Pumasok na ako sa loob at nagsimulang maghanap. May mga owl akong nakita sa itaas ng mga puno, nakapikit ang mga mata. Medyo may kadiliman din dito sa loob dahil naaabungan ng mga malalaking sanga ng kahoy ang sikat at liwanag ng araw.
May dinampot akong mga maliit na kahoy saka pinagtipon ko muna bago kunin at maghanap ulit.
I've seen different animals in this forest. Deer, different kind of birds, peacock, butterflies, chameleon, and even small crocodiles. Those animals doesn't disturbed me though. Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng kahoy at halos pabalik balik na ako ng rota.
Pumunta ako sa bahagi ng gubat na hindi ko pa napuntahan. Tingin parin ako ng tingin sa bawat dinadaanan. Dala-dala ko rin ang mga kahoy na nakita ko kanina. Lumipas ang ilang minuto at halos laglag ang balikat ko nang wala akong mahanap na kahoy. Ubos na ata, eh.
Napagpasiyahan kong umupo muna upang makapagpahinga. Mula dito, I can say that I'm smiling ear to ear when a deer captivated my eyes. Sa tingin ko nawawala ang isang 'to. Panay rin ang takbo niya na animo'y may hinahanap.
Tumayo ako at mahinang naglalakad papunta sa gawi nito. Kakaiba yung sense of hearing nila, yung tipong mapapansin agad nila kung may paparating o wala.
Nagtago ako sa maliit na halaman habang nakatutok ang mga mata ko sa kaniya. Mas maganda siyang pagmasdan sa malapitan. Agad naman napawi ang ngiti ko ng may napansin akong kakaiba sa paligid.
Kasunod kong nasaksihan ay ang pag-amba ng pana sa isang malaking kahoy at halos malapit nang matamaan ang hayop na inaaliwan ko! Kapansin-pansin ang motibo nito, mukhang may planong panain ang usa.
Nang maramdaman ko ang paparating na pana ay agad akong tumayo at sinipa iyon, tumama naman ito kung saan. Tinignan ko ang usa at malayo na ang tinakbuhan nito. Paglingon ko sa direksyon kung saan nagmula ang pana ay agad nanlaki ang mata ko. Tatke! Pinaulanan ako ng limang magkasunod na pana!
Agad naman ako nagback flipped at sinipa-sipa ang mga pana! Buti nalang hindi ako nadaplisan. Tumayo ako ng tuwid at pilit hinanap ang taong may gawa nito.
Tumakbo ito at tumira ulit. Papunta sa gawi ko ang pana kaya tumagilid lang ako at nag-slow-mo naman sa'kin ang axis ng pana saka tumalab sa malaking puno.
I was shocked when the man showed up from nowhere and carelessly attacked me. Magkasing tangkad lang kami, may panyong nakatabon sa mukha niya kaya hindi ko naaninag ang mukha. Kung saan saan nalang tumama ang kamao niya habang panay naman ang iwas ko. Sipa rin siya ng sipa ngunit bino-block ko lang ito.
Pasimple niyang hinatak ang braso ko ng hindi lingid sa kaalaman ko at agad pinulupot ang aking leeg gamit ang kaniyang braso. Sinuntok niya ang likod ko at napamaang naman ako sa sakit. Sinipa ko ang mukha niya gamit ang aking kaliwang paa at nabitawan naman niya ako. I'm glad kinaya ng reflexes ko.
Susugod na sana siya ulit ng bigla akong umupo at sinashapid ang kaniyang paa dahilan para bumagsak siya sa lupa dahil sa kawalan ng balanse. Tsk!
Lumapit ako sa kaniyang likuran at siniil ang kaniyang likod gamit ang tuhod ko habang nakapulupot naman ang aking braso sa kaniyang leeg. Nagpupumiglas ito ngunit mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal rito.
"Lord Kyle!" Natauhan naman ako agad ng may biglang sumulpot sa harap namin saka ako inawat ng iba pang tao. L-Lord? (0_0)
"Lord Kyle, nasasaktan po ba kayo?!" Worried na usal ng isang lalaki sabay luhod sa harap ni Lord Kyle. Bakit siya tinatawag na Lord?
Nagulat naman ako ng may humawak sa dalawang braso ko saka tinalian ng lubid!
"Ano ba!" Reklamo ko pa habang nagpupumiglas.
Nakita ko naman ang Lord nila kuno na inikot-ikot ang leeg at tinaggal ang mask sa mukha niya. (>_<)
Sumugod ito sa'kin na parang bata ngunit pinigilan naman agad ito ng mga tauhan niya.
"Alam mo bang masakit ang ginawa mo?!" Pasigaw pa niyang tanong.
"Hindi." Lumaki naman yung butas sa ilong niya at mukhang hindi pa makapaniwala. Eh, hindi ko naman talaga alam kung masakit ba o hindi yung ginawa ko. Siya naman yung kaaway ko, hindi ang sarili ko.
"Old Kim!" Tawag niya pa rito ng hindi man lang pinutol ang titig sa'kin. (>_<)
Sumulpot naman ang isang matanda saka nagbow sa harap nito. "Yes, Lord Kyle?"
"Ipakilala mo ako sa babaeng ito!" Utos niya pa saka tumayo ng tuwid.
Lumingon naman sa'kin ang matanda at mukhang hindi pa magawang tumitig sa'kin. "Binibini, ang lalaking iyong naka-away kani-kanina lang ay si Lord Lee Kyle Anciano, the second Prince of North and South Hamgyong." (° 0 °)
Pinagpag naman ni Lord Kyle kuno ang kaniyang balikat na animo'y nagmamayabang. Itataas na sana niya ang kaniyang noo ng biglang sumimangot ang kaniyang mukha saka sinapo ang kaniyang batok.
"L-lord Kyle." Kinakabahan pang puna ng lalaking nakaluhod kanina. "A-ayos lang po ba kayo?"
"Malamang hindi! Huhuhu! Isusumbong talaga kita mamaya kay hyung!" Mangingiyak namang sigaw sakin ng Lord Kyle nila habang dinuduro ako. (>_<) Sumbungero! T^T
"Eh, ikaw yung nauuna eh! Hindi mo ba alam na paunti-unti nang nababawasan ang numero ng mga usa? Tapos papanain mo pa? Eh kung ikaw kaya ang isumbong ko sa God!" T^T Ang duga! Napaka duga! Huhuhuhu! Nangunguha lang naman ako ng kahoy, ba't nahulog pa sa ganitong sitwasyon? Tulog ba Fairy ko at pinabayaan nalang ako? Huhuhu.
"Nangingialam ka kasi! Hindi naman kita inaano ah!" Sabat niya pa.
(>_<)
"Anong hindi! Pinaulanan mo nga ako ng pana!" Sabat ko rin.
"Bakit natamaan kaba?! Hindi naman ah!" (>_<)
"Bakit ko naman ilalagay sa panganib ang sarili ko?! Sige nga, kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko tapos pinaulanan kita ng pana, sasaluhin mo ba ito?!"
"Malamang hindi!" Sagot niya rin.
"Oh! Hindi naman pala! Kaya ba't ko ipapatama ang sarili ko?!" Ang slow talaga nitong Lord nila! Natameme naman siya at mukhang wala nang salita na lumabas sa bibig niya.
"Hija, hinay hinay lang sa pagsasalita. Hindi ordinaryong tao ang iyong nakasalamuha." Singit pa ni Old Kim 'daw'.
(>_<) Hindi ordinaryo? M-mga aswang sila?! Relatives ni Corazon?!
"Ano ang estado mo sa lipunan, hija?" Tanong ulit ng matanda. (T__T) Papatayin kaya nila ako? Tapos hiwa-hiwain? Tapos lutuin? Tapos kainin? Huhuhu.
Lord, wag lang naman sana.
"Hoy! Tinatanong ka oh! Bingi ka ba?!" Sigaw pang sita sakin ng Lord nila. (>_<) "Where are you from?! What kind of house do you live in?! Commercial housing or low-cost housing?! How about your parents?! What do they do?! How about their income?! Is it civil servant or a business man?! Are you a scholar or not?! And what are you doing here in the forest?!" Sunod-sunod pang tanong ng Lord nila!
Napalunok nalang ako. May aswang bang ganito? Eh sa pagkakaalam ko hindi sila nagsasalita tapos kung umasta ay parang baliw. Eh, bakit sila, normal?
"Hoy! Magsalita ka nga!" Naiinis pang sigaw ng kumag! (T__T) Naghihintay na siguro sa'kin si Lisa sa bahay.
Paano ako makatakas sa mga to? Eh nakatali ang kamay ko. Tapos pinapalibutan pa ako ng mga tauhan ng Lord nila. T^T
-Monaxen-