My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 28

20 14 9
By itzmoons

Robber.

Lutang at walang buhay ako ngayong naglalakad pa-uwi habang ina-alala ang mga tanong ng ginang kanina.

"S-saan ka ngayon nakatira?"

"M-maayos lang ba ang kalagayan mo?"

Nakakapagtaka lang. Bakit niya kaya tinatanong 'yon sa'kin? May alam kaya siya?

"K-kinakailangan mong palakasin ang loob mo't---"

Ano rin naman kaya ang kasunod nun? Palakasin ko ang loob ko? Bakit?

(>_<)

Tinapik-tapik at kinurot-kurot ko ang sariling pisngi ko sabay tampal ng noo. Sam, baliw nga 'yon diba?! Malamang kung anu-ano nalang ang ma-isip nun!

Hinihimasmasan ko ang aking sarili bago binalik ang ngiti sa labi ko habang tinitignan ang aking pitaka na puno ng barya-barya at mga papel. Pinaghirapan ko 'to, dapat masaya ako! (^__^)

Pagkuwan ay mas nilakihan ko pa ang paghahakbang ng mga paa ko at hindi na binalik muli sa loob ng damit ko ang pitaka. Hindi na kasi kasya, kapag ilagay ko pa kasi sa dibdib ko, parang may bukol na dahil sa laki, tsaka mabigat rin dahil sa barya.

Para akong bata na masayang naglalakad pauwi. Nakangiti ang mga labi. Panay rin ang bati ko sa mga taong nakakasalubong ko sa daan saka pinakita sa kanila ang matamis kong ngiti. Babati rin naman sila kapagkuwan at purihin pa ako minsan.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang may biglang nahagilap ang mga mata ko. Nasa gitna ako ngayon ng daan, nakatitig sa mga paintings na nakasabit sa bawat dingding ng isang maliit na tindahan. Malaki ang lugar na 'to para sa mga nagkukumpulang mga tindahan.

Sa kerami-raming painting na nakasabit do'n, isa lang ang naagaw ng atensyon ko. Lumapit ako sa tindahan saka tinitigan ito ng mabuti. Massacre.

Maraming patay sa paligid, nagkalat rin ang mga pana, mga dugong nagsilbing pentura sa bawat dingding ng bahay. B-bakit nila 'to pene-paint? B-bakit parang ang brutal? H-hindi ba pwedeng masayang bayan nalang ang ipe-paint nila?

"Hija, mukhang nakuha ng iyong atensyon ang isang 'yan." May kaunting pagkasurpresa ako sa pagsulpot ng kahera dahil nalulunod na'ko sa pag-iisip ng painting na 'to.

Lumingon ako sa kaniya at binalik ang usual kong mukha. "Ale, s-sino po ang gumawa niyan? Nangyari na po ba 'yan?" Pagtutukoy ko sa Massacre na painting.

And as I've noticed, ang painting na 'to lang ang naiiba sa lahat. Almost all of the portraits na narito ay pawang mga kalikasan. May mga bahay, waterfalls, rivers, trees, the king's palace and a simple village covered by a hundreds of birds. See?

I heard the old woman chuckled. "Asawa ko ang gumawa ng lahat ng ito, hija." She roamed her eyes on the paintings. "At hindi nangyari ang isang 'yan. Sadyang malawak lang ang isip ng aking asawa kung kaya't napag-isipan niyang gumawa ng kakaiba, bukod tangi lang ang isang 'yan. At napaka-imposeble naman siguro kung mangyari 'yan dito, hija. May kakayahan at abilidad ang hari natin. Hinding hindi niya tayo papabayaan." Mahabang litanya niya.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa painting at pinagmasdan ito muli. "Nasa'n po ang asawa niyo, Ale?" Tanong ko ng hindi tinanggal ang titig sa painting.

I'm sure hindi niya lang ito basta-basta maisip nang walang sapat na dahilan. Kinuha nila ang enerhiya't imahinasyon nila hindi lang sa utak, kundi dinala pati puso. Kung dinama niya ng buong puso ang ganitong ka perpektong pangyayari, hindi ba't mayroong nakaukit na malalim na kahulugan?  Sa bawat dugong tumalsik, sa bawat panang tumatalab sa likod ng mga tao, sa bawat luhang pumapatak mula sa mga batang nagsitaguan sa mga maliliit na kahon---lahat ng iyon kakaiba sa paningin ko at kutob ko.

"M-matagal na siyang wala, hija." My attention was shifted from the painting to her.

"B-bakit po? A-ano po ang ikinamatay niya?" I asked, and little by little my heart throbbed a bit.

She shooked her head many times and blows a deep sigh. "Lason, hija. Dalawang taon narin ang nakalipas." Malungkot niyang ani.

Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit nalason ang kaniyang asawa, but there's part of me na wag na lang ituloy 'cuz asking people about their pasts is like tearing their wounds again. Ayaw ko ng gano'n. At hindi rin ako tsismosa.

Nagpa-umanhin ako sa kaniya dahil pinaalala ko pa ang yumaong asawa nito sa kaniya. Naintindihan niya naman daw ako at okay lang daw sa kaniya dahil kung tutuusin, araw-araw niyang iniisip ang asawa niya sa pamamagitan ng mga ubra-maestro nito.

Nagpaalam na'ko sa kaniya at wala sa sariling naglalakad ulit. Hindi ko alam pero, nalulungkot ako sa sitwasyon ng iilan dito. Yung iba kasi nawalan na ng mga mahal sa buhay, tapos hindi pa binibiyaan ng anak. Hhaayy.

Isusoksok ko na sana ang pitakang dala ko sa mahabang manggas ng damit ko ng may biglang humamblot ng pitaka ko at agad kumaripas ng mabilis na takbo!

Takte!

"Hoy! Ibalik mo 'yan! Akin 'yan!" Naghuhumirintadong sigaw ko habang sinundan ng takbo ang humablot ng pitaka ko! Pinaghirapan ko 'yon! Pinagpawisan kong kinayod ang pagtatrabaho para magkapera tapos nanakawin lang?! Hindi ako papayag!

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid ngunit nanatili lang ang tingin ko sa taong daslok na 'yon! Pasikot-sikot pa naman ang daan dito! Tapos ang galing pa niyang umilag sa bawat kariton na dadaan sa daan!

Takte! Bwesit! (>____<) "Hoy! Ibigay mo sabi 'yan!" Sigaw ko parin.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Halos ilang metro nalang ang layo ko sa kaniya para maabutan ko ito. Ngunit bigla-bigla nalang niya inagaw yung kareton ng isang matanda at agad binuhos ang lamang mga gulay nito! Pvta ang gago! Bastos!

Gusto ko pa sanang tulungan ang matanda dahil sa nagkalat nitong mga gulay ngunit---pisti yung pera ko!

"Manong, hahabulin ko yung inutil na 'yon! Makakatikim sakin 'yon dahil sa kabastosang ginawa niya!" Mabilis kong tugon sa matanda. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba yung sinabi ko dahil parang nagra-rap na ako! Pvta!

Hindi ko na pinakinggan si Manong at sinundan ko agad ng takbo ang pisting inutil na 'yon! (>___<)

Hindi ko alam kung saan ang patungo niya pero nabuhayan naman ako ng maaninag ko siyang nadapa! Pvtcha! Lalaki ang timang!

Tumakbo ako ng mabilis, lahat na ata ng lakas ko'y nilabas ko na bumilis lang ang takbo ko! Agad namang tumayo yung lalaki at padabog na tumakbo ulit! (>___<)

"Hoy! Huminto ka! Hinto sabi! Hindi mo pera 'yan!" Tang-igit! Lukang luka! Mapapatay ko talaga ang gagong 'yon!

Napadpad kami sa isa sa mga palasyo ng hari. Ang palasyong nandito sa South Hwanghae ay nakalaan para sa mga scholars. Ito ang nagsilbing paaralan dito. Habang ang malaking malaking malaking palasyo niya ay nasa North Hwanghae.

Napatigil ako sa pagtatakbo sa harap ng nakabukas na malaking gate. Napatukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang tuhod habang sunod sunod ang mabibigat na hininga kasabay sa pagpatak ng pawis mula sa aking noo. Pumasok ang daslok sa loob! (>___<)

Kahit masakit pa sa paa at halos nahihirapan pa akong huminga ay ininda ko ang maglakad papasok.

The two guards quickly crossed their spears against me. Agad naman nag-igting ang panga ko.

"Ano ang iyong kailangan?" Broskong tanong ng isa sakin.

"Kukunin ko lang yung pera ko." Sabi ko habang hinahabol parin ang hininga.

Nagsitinginan naman ang dalawang guwardiya saka ako tinulak palayo. Aba!

"Hindi ka pwedeng pumasok hangga't wala kaming salita na nakukuhang tugon mula sa---"

"Wala akong paki! Kukunin ko lang yung pera ko tapos uuwi na ako!" Sigaw ko pa ngunit kumunot lang ang nuo nila.

"Hindi ka talaga pwedeng makapasok, lalo na't mukhang hindi ka naman scholar sa palasyong ito." Tugon ng isang gwardiya.

Napabuga ako ng malalim na hininga at isa-isa silang tinitigan ng masama. Mga bakulaw! Hahanap talaga ako ng paraan para makapasok!

Umalis ako ng may sama ng loob at naglibot-libot sa paligid habang nag-iisip kung paano makapasok.

Tinignan ko ang mga naglalakihang semento na nagsilbing boundary ng palasyo. Hindi ko yata kakayaning umakyat do'n dahil sa taas at isa pa may mga patalim pa sa ibabaw nito. (>>__<<)

Wala rin namang butas na pwede kong pasukan para makapasok sa loob! Walang secret door, walang wala! Huhuhuhu! Yung pera ko! Hindi naman ako si Dorra para mage-explore sa paligid ng palasyong ito! Wala rin akong mapa katulad niya! (T___T)

Yung pera ko, Lord. Pinaghirapan ko 'yon, eh! (T___T)

"Oh ito pa, dalian mo ha! Ingatan mo ang mga iyan! Naku, dapat ganiyan parin ang itsura ng mga herbal na 'yan hanggang sa maibigay mo 'yan mismo sa kamay ng Master nila." Rinig kong usal ng matandang babae sa isang batang babae. Sa palasyo kaya punta niya?

Tila may isang light bulb saking isipan ng may bigla akong naisip na paraan.

Lumapit ako sa kanila habang busy naman ang bata sa pag-aarange ng mga kaon na may laman na mga herbal leaves at mga gamot.

"Bata, saan ang punta mo? Baka matulungan kita diyan." I said in a sweet voice.

Tulala naman akong tiningala ng bata na animo'y kumikislap ang mga mata habang nakatingin sakin.

"Bata?" Pagpupukaw ko pa sa atensyon niya at mukhang nagulat pa siya.

"Ah h-hehehe. Pasensiya na po sa aking inasal, ngayon lang po kasi ako nakakita ng napakagandang dilag dito." Manghang turan niya. Napatawa naman ako.

"Saan ba ang punta mo? Mukhang mahihirapan ka diyan sa pagdala ng mga kahon, baka matulungan kita." Please lord, make it work.

"Ah, sa loob po ng palasyo, ate ganda. Ipapabigay ni inay sa mastero ng mga skolars." Ito na baya ang daan papasok, Lord? Thank you!!!

"Tulungan na kita." Nakangiting usal ko saka kinuha ang ilang box.

"Salamat po, ate ganda." Natinag naman ako dahil sa tawag niya sa'kin.

Namumula tuloy ako sa tuwa. "Walang anuman, batang diyosa." Sambit ko rin na ikinatigil at ikinapula ng buong mukha niya.

Napangiti ako at nagsimula na kaming naglakad patungong gate. Pansin ko naman na naiilang siya at nando'n parin ang pamumula ng pisngi niya.

"Ayos ka lang?" Naitanong ko nalang.

Umiwas naman siya ng tingin saka yumuko."H-hindi lang po kasi ako sanay na tawaging diyosa, h-hindi naman po kasi ako maganda."

Taka ko naman siyang tinignan. "Hoy, wag ka ngang ano. Ang ganda mo kaya, tsaka nagbubukod tangi lang ang ganda mo, dapat proud ka sa sarili mo."

Mas lalong pumula ang mukha niya dahiI sa sinabi ko. Pero totoo naman talaga, maganda talaga siya. Lumabas na nga ang ganda niya kahit bata pa, paano na kaya kung dadaan na siya sa pagiging adolescence diba?

"Alam mo, try mong humarap sa salamin niyo at ngumiti na may tiwala sa sarili, makikita mo do'n ang tunay na diyosa." Usal ko at do'n na sumilay ang napakaganda niyang ngiti.

Hindi na siya nagsalita pa dahil nasa harap na kami ng dalawang bakulaw! Taka pa nila ako tinignan sabay tingin nila sa dala-dala kong mga kahon.

'Tss. I'm back!'

Bumulong naman yung isang guwardiya sa tenga ng pangalawang guwardiya at agad tumango. Tumikhim silang dalawa at pinagilid ang mga armas nito saka pinadaan kami.

"Bakulaw." Bulong ko pa ng makapasok kami. Ramdam ko naman ang mga titig ng dalawang bakulaw sa likod ko kaya tinignan ko ito. Agad rin naman silang umiwas ng tingin saka pasimpleng nagwhi-whisle. Ttsss.

Nasa malaking front yard palang kami at halos ikalaglag ng panga ko ang magandang tanawin rito!

Mga makukulay na puno! Mga samo't saring mababangong bulaklak! Mga bermuda! Mga paru-paro sa paligid! May kumikislap pa na fountain sa di kalayuan na pinapaligiran rin ng magagandang bulaklak! Color green is almost everywhere! Waaahhh! My favorite color!

Makintab rin ang sahig na dinadanan namin. Malawak na lupa at may mga lamesa pa rito na pwedeng pwede kung sakaling gusto mong mag-aral ng tahimik. Iba't ibang puno na may kakaibang prutas, may mga dragon fruits, kamias, sampalok at marami pang iba!

Waaahhhh! An aristocratic school! The decor is breathtaking! Tila ang mga nag-aaral dito ay parang mga prinsesa at prinsepe! No wonder kung bakit marami ang gusto maging isang tanyag na scholar at makapag-aral sa napakagandang paaralang ito. This beautiful Royal Aristocratic Castle deserves its reputation!

"Ahm, ate ganda. Salamat nga pala." Napapikit naman ako sa pabiglaang usal ng bata. Halos malaglag pa ang mga bitbit kong kahon. Napahagikgik naman siya.

"Pasensiya na 'po." Natatawa niyang ani.

Ngumiti naman ako. "Nagulat ako do'n, ah."

"Siya nga po pala, ate ganda. Ngayon lang po ba kayo nakapasok sa palasyong ito?" Tanong niya.

"Oo. Ang ganda pala no." Mangha paring turan ko sabay lingon sa paligid.

"Opo. Kung napapansin niyo nga po'y halos kulay berde ang paligid. Puno ng halaman at kakaibang mga bulaklak. Paboritong kulay po kasi ito ng anak ng hari na si Princess---"

"Master! Nandito na po ang hinihingi niyo!" Agad na sigaw ng kung sino dahilan para matikom ang mga bibig namin.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng isang napakalaking hanok. A korean traditional house. Para talaga itong castle, palasyo ng mga diyos at diyosa. Hindi ko alam na may nag-exist palang ganito sa panahong ito!

The two man carefully approached the kid beside me at maingat na kinuha ang mga kahon na bitbig namin. Binigyan naman nila ang bata ng pera at umalis na.

Naka uniporme sila, kulay puti na coat at halos abot talampakan ang haba nito. Black belts and cool boots. They're very cool! 

Napatigil naman ako ng may bigla akong naalala. 'Yon rin ang suot ng taong nagnakaw ng pera ko, eh!

"Ate ganda, tayo na po." Nakangiting aya ng bata.

"Ah, batang diyosa, mauna kana munang lumabas. G-gusto ko pa kasing libutin ang kabuuan ng palasyong ito." Takte pera ko ang pakay dito!

She nodded her head and smiled. "Sige po, ate ganda. Hehehehe. Mauna na po ako't mag-ingat po kayo sa pag-uwi. Salamat po." Ngiting aniya at tipid lang akong tumango.

Umalis na yung bata at ako naman ay sinusuri ang bawat paligid. Rinig ko namang may nagsitawanan sa bandang gilid ng palasyo at medyo may kalayuan mula dito sa kinatatayuan ko.

Hinanap ko ang mga tawang iyon at napadpad naman ako sa mga taong nagsitawanan na animo'y natutuwa habang pinagmasdan nila ang isang lalaking may dala-dalang----teka! Pitaka ko 'yon ah! Siya rin yung nagnakaw!

Bwesit! Nahanap rin kitang daslok ka!

"Hoy! Timang! Ibalik mo sa'kin 'yang pera ko!" Sigaw ko pa at napatingin naman silang lahat sa'kin.

*gulp!

Tumayo naman yung lalaking nagnakaw habang yinugyog ang petaka ko. "Pera mo 'to? Weeee? Di nga?" Suway niyang ani at sabay pa silang nagsitawanan!

Bigla namang umusok sa inis ang ilong ko kasabay sa pag-igting ng mga panga ko. Bwesit to ah!

Pansin ko namang lahat sila naka uniporme. Mukhang mga scholars ang mga daslok. Kakaunti lang ang babae sa kanila, mas marami ang kalalakihan.

Ayaw ko ng gulo lalo na't nasa pribadong palasyo ako. Kahit masama sa kalooban ay tinahak ko parin papalapit sa kanila ang sarili ko at matapang na nilahad ang kamay upang kunin yung pera ko.

"Wait a second, how did she---"

"Oo nga no! Paano ka nakapasok, ha?!" Putol pa ng nagnakaw ng pera ko sa maarteng babae.

"Hindi na importante 'yon, akin na pera ko." Matigas ko paring sabi habang nakalahad parin ang kamay sa harap niya.

Nagsitawanan naman silang lahat na pinangunahan ng lalaki sa harap ko. I furrowed my eyebrows and formed my fist.

"Akin.na.ang.pera.ko." I said articulately.

"Oh my god, she's really persistent to claim the money." Ani pa ng isang babae. Kasi pera ko naman kasi 'yan! Wengya!

"Sino ba kasi ang nag-utos sa 'yo na nakawin ang pera ko?" Pagdidiin ko pa.

"Ako!" Umalingawngaw na sigaw ng isang pamilyar na boses na nagmula sa'king likod.

"Oh! Victor! Hahaha! Natapos ko na ang pinapagawa mo!" Ani pa ng lalaking dala-dala ang pitaka ko sabay lapit kay Victor at umakbay. (-____-) So, everything was perfectly planned?! What's this, a stupid revenge?!

"That's good to hear." Sambit ni Victor sabay hablot ng pitaka ko habang sa'kin lang nakatingin.

"Look girl, Victor is here."

"Yeah, my ideal man. Kkkyyaaahh." Eksaheradang sigaw ng ibang babae.

"He's really here! Still hot and aurgghh so handsome!" Ani ng babae na tila napa-ungol dahil sa presensiya ng hinayupak na si Victor.

"Kumusta, magiging asawa ko?" Sarkastikong wika niya.

"Ano raw?! M-magiging asawa---oh my god! Please tell me mali ang narinig ko."

"For real?!"

"Noo waayy!"

Rinig kong mga sabi-sabi ng mga babae sa paligid.

I smirked in nuisance. "Asa, ulol." Hasik ko ngunit humahalakhak lang siya.

Bigla namang suminyas si Victor sa lalaking inakbayan siya at kumaliwas naman ito saka tumungo ulit sa kaniyang pwesto kanina.

Lumapit sakin si Victor at ikinabigla ko pa ang pabiglaang akbay nito sa'kin!

"Everyone listen! This beautiful woman beside me is Samantha! The one and only woman who give me some bruises at my lovely face! And my soon-to-be-wife!" (0_0)

Nag-iigting ang tenga ko dahil sa ina-anunsyo niya na ikinabigla rin ng mga kaco-scholars niya. I quickly grabbed his arm and twist it...really...really hard!

"A-arraayyy!" Sigaw niya pa ngunit mas tini-twist ko pa lalo ang kamay niya.

"Bullsh*t! Help me assholes! Are you just going to sit there all day and wait for my arm to---Uurrgghhh!" Nagtitimpi lang talaga ako sa galit! Wag mo akong subukan kung ayaw mong mabalian ng kamay.

Inawat naman ako ng ibang kalalakihan dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Victor. Worried namang nagsilapitan ang mga babae sa panig ni Victor at ine-ekspesyon ang kamay nitong namumula. Tsk!

"How could you?!" Hasik pa ng isa sa mga babae sa'kin. Sapakin ko kaya ang haliparot na'to?!

"Mamatay kana!" Sigaw pa ng isa pang haliparot!

"Eh, kung uunahin kaya kita?!" Sumbat ko rin. Nakakagigil!

"Victor, n-narinig mo 'yon? S-she's so mean." Aba! Tusukin ko kaya mata nito!

Nakita ko namang ininda ni Victor ang kaniyang braso saka tumayo ng matuwid. His eyebrows were about to meet at tutok na tutok pa siya sakin.

"You give me a surprise every time I see you." Nakangiti nitong sambit ngunit sarkastiko ang boses. "Your nasty attitude really gets into my nerves." Dagdag pa niyang usal.

(-__-) "Wag ka nang madada, ang dami mong sinasabi. Akin na 'yang pera ko para maka-alis na 'ko!" I hissed in a good visage but with an icy glare.


"Geez. Who do you think you are, eh? God?" Sabat pa nang alipores niyang babae.

Lord, gusto ko lang kunin pera ko, mahirap ba para sa kanila na ibigay 'yon?

"Pinapatagal niyo lang ang usapan. Mga edukado kayo, diba? Kayo dapat ang nagiging modelo sa mga taong tinitingala kayo. Alam niyo dapat ang tama sa mali." Blangko kong tugon.

All of them just laughed as if nag-jojoke lang ako. Mga inutil ba ang mga 'to?!

"Ang kapal rin naman pala ng mukha mo." Sabat ulit ng babae. Wait, pito yata ang linta dito. Tapos above twenty but less than twenty five ang mga asong daslok. Pvta!



"Sumalangit nawa ang malandi niyong kaluluwa." Taimtim kong bulong pero halata namang narinig nila. Masamang masama ang tingin ng mga linta sa'kin, kunti nalang at magiging hipon na sila. Nakakasuka.

"Baka nakakalimutan mo, trespassing ka." Usal pa ng lalaki sa likod ko. Tsk


"Nakatatak na 'yan sa utak ko. Kaya ibigay niyo na sa'kin ang pera ko't makauwi ako ng maaga." I'm not being haughty here. Kino-kontrol ko lang talaga ang sarili ko dahil gusto ko nang umuwi. Paano ako makakauwi ng maaga kung ayaw nilang ibigay sa'kin ang pera ko?!

"Toxic lips. Hindi nababagay dito ang mga taong kasing sama ng bibig mo!" Sigaw pa ng isa sa mga linta. (-__-)



"Edi lumabas tayong lahat." Bulalas ko na ikinatigil nilang lahat.

There's a prolong silence between us.

(-__-#)

"Apologize you witch!" Biglaang sigaw ng isang linta.

"Akin na pera ko." Matigas ko paring ani.

Napatawa naman si Victor saka tinaas ang pitaka ko. "Oh this? I already screened you out, and this money is already in my hand. What lies within my palm, always end up within my arm. This money is mine."



Pinili kong itikom ang aking bibig at wag umimik. I want to control the hellish inside of me. Ayaw ko ng away. Ayaw ko ng gulo. Pero bakit ayaw akong tantanan ng 'gulo'!?

"She's speechless, Vic." Ani ng linta. Nagsitawanan naman ang lahat.

"Oohhh, right! She can't understand us. Poor people doesn't have knowledge and power at all." Tawang usal ni Victor na mas ikinahalakhak pa lalo ng iba pa niyang kasamahan.


I slowly gritted my teeth and clenched my fist. Creases formed at my forehead as black aura embraces my whole fvcking presence.



Naaninag ko namang suminyas si Victor sa mga lalaking nasa likuran ko kaya agad nilang hinatak ang braso ko at pilit pa nila akong hatakin palayo. Galit kong tinakwil ang mga kamay nila at halos matumba naman ang iilan dahil sa malakas na pwersang pinakawala ko. Isa-isa ko silang tinapunan ng blangkong tingin at mukhang natinag naman sila.




My blank eyes landed on Victor's side. Nakita ko kung paano lumunok ang mga linta na animo'y nakakita ng hindi kaaya-aya.

"Playing games without special ending isn't my type. Digging my pride is like digging your lives. The louder my devil scream, the easier you die. Don't try me if you don't want to see your parents' cry." Walang buhay kong sambit. I heard them grasped in horror. Mga expression na tila nagulat dahil sa lenggwaheng ginamit ko at takot dahil sa pambabanta ko.



Binalingan ko ng tingin ang mga lalaking hinatak ako kanina. Kada tutok nila sa mata ko'y agad-agad manginginig sa takot ang kanilang mga tuhod.






"Ano ang nangyari dito?!" Ma-otoridad na sigaw ng boses matandang lalaki.




Napalingon naman ang lahat sa bandang likod ko at nagmamadaling tumakbo palapit sa matanda. I turned my back and faced them.



Lahat sila ay pawang nasa likod ng matandang lalaki. Nagtatago na para bang may lagim sa kanilang harapan.




"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito?!" Maotoridad parin nitong sigaw.




"S-si Samantha po 'yan, M-master." Nanginginig pang sambit ng lalaking nasa mismong gilid niya. Master pala? Tsk!




"N-naghahanap p-po ng gulo, M-master." Sabat rin ng isang linta. Tinignan naman ako ng Master kuno nila na tila hindi makapaniwala.



"Are you with your senses, Miss Samantha?! How could you summoned such fight in this territory?! This palace is only for my brilliant students! Leave before I call the guards and put you in jail!" Hinayaan ko lang siyang sumatsat ng sumatsat habang tinatamasa ang mga nakakainsultong salita niya.


"Are you deaf?! Leave immediately or else----naiintindihan mo ba ako, Miss Samantha?! O baka naman salita lang ako ng salita dito at hindi mo pala naintindihan ang mga sinasabi ko?!" May pinagmanahan naman pala ang mga daslok niyang mga estudyante, no wonder magkasing-gaspang sila ng dila.




-To be Continued-

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
363K 14.6K 136
Fern is the younger sister of a famous author known for 'The Promise Under The Moon.' At just fourteen, she was the first to read her sister's debut...
54.6K 523 154
Author: Yanli Disclaimer: I DO NOT OWN THIS STORY All credit goes to the author. FOR OFFLINE PURPOSES. ...
43.5M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...