My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 23

25 17 12
By itzmoons

Nightmare.

-Ronnie's POV-

Hindi kapani-paniwala ang mga nasaksihan namin ngayon. Tila isang napakalaking sampal samin ang kakaibang kilos ni ka tropa.

Para siyang kidlat na umaapoy sa usok habang papalapit sa nobya ni Maki na si Karen. Malakas niya itong binatukan dahilan para mawalan ito ng malay. Nagulat naman si Maki dahil sa ginawa ni ka tropa. Napatigil rin kaming lahat, si Victor ay naninigas sa kaniyang kinatatayuan habang si Kieno naman ay nakamaang lang pinagmasdan si ka tropa.

Sa isang kurap ay walang kahirap-hirap na sinipa ni ka tropa si Victor sa tiyan at sinuntok ng malakas ang sikmura. Siniko niya ang batok nito at tinuhod ang tiyan. Hinatak niya ang buhok nito at sinipa ang ulo. Tumilapon sa kung saan si Victor at halos nahihirapan pa si Maki na umilag dahil sa malakas na pwersang dinulot ni ka tropa.

Nagsitinginan kaming dalawa ni Akil at sabay na lumunok saka binalingan ng tingin si ka tropa. Hindi siya pinaghahangusan. Wala ring pawis na lumabas mula sa kaniyang katawan. Ibang iba rin ang kaniyang titig. Hindi mo mapapansin kung galit ba siya o hindi dahil sa blangko nitong mukha.

Bukod saming pito rito sa loob ay wala nang iba pang nakasaksi sa gulong ito. Nasa labas ang mga magulang nina Karen, pati narin ang mga tiyuhin nito. Malabo ring marinig nila ang kaguluhan dito sa loob dahil mas malakas pa ang mga boses sa mga taong nag-iinuman at animo'y nagkukwentuhan.

Parang hangin na lumapit si ka tropa kay Victor na ngayon ay wala ng malay. Unti-unti nitong linuwagan ang kaniyang kamao saka nilagay niya ang kaniyang dalawang daliri sa kaniyang mismong labi at kasunod sa dibdib kung saan nado'n ang kaniyang puso.

"Alam ng diyos na hinding hindi ko to pagsisihan. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ay ang inaapak-apakan ang mga taong nagsilbing mga braso ko sa mga panahong ito." Walang buhay na sambit ni ka tropa sa walang malay na si Victor saka niya kami tinapunan ng blangkong tingin.

Napalunok ulit ako. (>_<)

Ang mga tinging iyon...nagbibigay kilabot sa mga kalamnan namin!

Tumakbo naman agad si Maki kay Karen na ngayon ay wala ring malay. Binitawan namin si Kieno at saka nilapitan si Victor. Nilagay ni Akil ang kaniyang kamay sa ilong ni Victor upang alamin kung humihinga pa ba ito.

"Buhay pa 'yan. Matagal mamatay ang mga taong kaibigan si kamatayan." Usal pa ni ka tropa. Hindi namin magawang tumingin sa mga mata niya, ibang iba kasi siya ngayon.

"K-karen! Gumising ka! Ka tropa, bakit mo dinamay si Karen?!" Mangingiyak na sumbat ni Maki habang nasa bisig niya si Karen at paulit ulit niya itong niyugyog.

"Pinapatulog ko lang 'yan." Ani pa ni ka tropa na tila wala lang sa kaniya lahat!

"P-pusa." Rinig kong utal na tawag ni Kieno sa kapatid nito. Mukhang hindi pa natauhan sa kaniyang nasaksihan.

Ang buong akala ko ay mahinhing babae si ka tropa. Pero lahat ng iyon ay tinangay ng hangin ng makita ko siyang ganito. Kakaibang abilidad.

Walang alinlangang lumingon si ka tropa kay Kieno. Una ay parang wala lang sa kaniya, ngunit unti unting nag-iba ang lasa ng kaniyang itsura. Bumalik sa dati si Samantha...bumalik ang itsura ng babaeng si ka tropa. Para siyang sinasapian ng ibang tao kapag galit. (>_<)

Tumakbo agad ito sa kinatatayuan ni Kieno at agad sinalubong ng yakap. "K-kieno, sorry." Rinig naming sambit ni ka tropa na animo'y parang isang batang humingi ng tawad sa magulang.

Hindi tumugon si Kieno ng yakap at wala ring salitang lumabas sa bibig niya. Tinaas niya ang kaniyang kamay at ikinagulat pa namin ang pagtapik nito sa likod ni ka tropa saka ngumiti na animo'y naintindihan niya ito.

"Naiintindihan kita." Turan pa ni Kieno habang sinasapo ang likod ng kapatid.

Kumaliwas ng yakap si ka tropa at agad lumingon samin. Napaigtad pa ako dahil sa pagtakbo nito at sa pabiglaang yakap sa aming dalawa ni Akil.

"Sorry, nadamay pa kayo." Nakangusong sambit niya pagkatapos ng yakap. Para akong sira na animo'y natatakot sa inasta ni ka tropa, ngunit kalaunay kinain rin ng sistema ko ang takot at napalitan ng ngiti ng tumingin siya sa amin na tila isang tutang nagmamakaawa.

Hindi ko naman mapigilang guluhin ang buhok niya saka ngumiti. Ang tunay na kaibigan ay handang tanggapin lahat kung ano kaman at sino kaman.

"Ayos lang 'yon ka tropa." Ngiting sambit ko at napangiti naman siya.

"Paturo." Biting wika ni Akil na animo'y isiniwalang bahala lang ang nakita kanina.

"H-hindi kayo galit?" Nauutal pang tanong ni ka tropa sabay yuko.

"Hindi kami galit. Nagulat lang. Kakaiba ka kasi." Tugon ko.

"Okay narin 'yon. Nakakainis rin kasi ang Victor na 'yon. Iniwanan ang dumi sa banyo. Edukado raw, tsk." Ngiwing usal ni Akil.

Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha kanina nitong si Akil. Tsk, tsk.

Kasunod namang pinuntahan ni ka tropa ay si Maki. Pigil ang hindi umiyak habang nakatitig sa walang malay niyang nobya.

"Maki." Tawag pa ni ka tropa.

"P-pano kapag hindi na siya gumising? Ano nalang ang gagawin ko? Ngayon na napasagot ko na siya---iiwan na niya ba ako? Ka tropa? Paano kapag ipabubugbog ako ng ama niya? Tapos ipakulong. Mababawasan na ang mga gwapo rito pagnagkataon. Huhuhuhu, Karen gumising ka..." iyak na ani Maki.

Nakakahiya talaga minsan tong si Maki. Daig pa ang isang babae.

"Kung umasta ka parang namatayan ka, ha. Eh mag-so-sorry na nga yung tao eh huhuhuhu *sniff hindi ko kasi mapigilan, eh. Sorry na huhuhu." Napasampal tuloy ako sa sariling noo.

"Heto na naman tayo." Walang ganang usal ni Akil habang nakangiwi niyang tinignan sina Maki at ka tropa na ngayon ay umaagos na ang mga luha.

"Patay na ba si Karen, ka tropa? Huhuhu."

"Eh pinapatulog ko lang *sniff yan eh. Bati na tayo, Maki huhuhu."

"Basta 'wag mo nang ulitin 'yon ah! Papakasalan ko pa ang babaeng to eh! *sniff" Parang batang mga usal nila.

Mga anak ng! Ang hirap talaga intindihin ng dalawang 'to! Minsan normal, minsan naman---ewan.

Mga ilang oras pa silang gano'n hanggang sa napagpasiyahan naming ilagay si Karen sa kaniyang kwarto at papalabasing natutulog, gano'n rin ang ginawa namin kay Victor. Nilinis muna namin ang dugong tumutuyo sa mukha at labi ni Victor upang hindi kahina-hinalang nabugbog ito. Pero alam naming pagkasigising nito---hayst! Patay nito si ka tropa, hindi pa naman uurong 'tong si Victor hangga't hindi makaganti.

Nilinis namin ang kalat sa loob at saka nagpaalam na sa mga magulang ni Karen, gano'n narin sa mga tiyuhin nito. Tinatanong pa nila kung nasaan sina Victor at Karen, mabuti na nga lang at mukhang naniniwala ang mga ito na natutulog ang dalawa sa kanilang mga silid.

-Samantha's POV-

Umuwi na kaming lahat pagkatapos nagpaalam sa mga magulang ng nobya nitong si Maki. Halos maubos na nga yung luha ko dahil sa inasta ni Maki! Eh, hindi ko naman talaga pinatay 'yung nobya niya, pinatulog ko lang. Hindi ko naman 'yon pinagsisihan dahil para sa'kin 'yon ang nakabubuti. Paano kapag nasaksihan niya yung ginawa ko sa kapatid niya? Edi magkakagulo pa, worse baka hihimatayin pa siya. Tapos mag-iiba paningin niya sakin. Kapag mag-iiba naman paningin niya sakin baka isumbong niya ako sa mga opisyales at palabasing isa akong bayolente! Kapag nakulong naman ako, sino naman ang dadalaw sa'kin do 'n? Magtitiis ako sa gutom? Ganern? Tapos paratangan pa ako ng kung anu-ano, papatayin nila ako...paano ako nito makauwi sa Manila?! Minsan talaga ang slow ng mga tropa ko! *face palm.

Pagdating sa bahay ay pansin kong wala pa sina nanay at tatay. Pumasok kaming lahat sa loob at paisa-isang umupo sa hapagkainan kahit walang pangkaing nakaahing. Nakapangalumbaba akong tumingin kina Maki at Ronnie na nasa harap ko. Si Akil naman ang nasa tabi ko habang si Kieno naman ay nasa bandang gilid ni Ronnie. In just one blink nakatingin na silang lahat sa'kin. Yung tipong titig na titig. (>_<)

H-hindi kaya nila ako kilala? Nag-iba kaya itsura ko?  (>_<)

Kinakapa-kapa ko ang mukha ko at pasimpleng pinipiga ang bridge ng ilong ko. Kinakagat-kagat ko rin ang labi ko saka hinihila-hila ang buhok ko. Tatayo na sana ako ng biglang hugutin ni Akil ang kamay ko at pina-upo pabalik.

"Sa'n ka pupunta, ka tropa?" Usal ni Maki.

"Sa silid ko." Sagot ko naman.

Taka nila akong tinignang lahat. "Ano ang gagawin mo ro'n?" Halos sabay sabay pa nilang ani.

Ano kaya iniisip nila? Ayaw ba nila akong pumasok sa aking silid at hagilapin ang salamin upang e-check ang mukha ko? T_T

"Hoy Pusa, ano ang gagawin mo ro'n?" Tanong ulit ni Kieno.

"'Wag kang magpakamatay, ka tropa, ha?" Akil. Tumingin naman yung tatlo sa kaniya at saka nila binatukan si Akil. Napapikit naman sa sakit ang loko.

"'Yang bibig mo talaga!" Sigaw naman ni Maki.

"B-bakit ba?! Magsabi ka nalang kasi kung gusto mong magpapahalik sa'kin! Kahit kadiri gagawin ko parin para sa ikakasaya mo! Ulol!" Sigaw rin ni Akil. (>,<)

"P*tang*na talaga tong ugok na 'to, eh! Hindi ako bading!" Sigaw ulit ni Maki sabay hablot sa buhok ni Akil. Hinablot rin naman ni Akil ang buhok ni Maki kaya nanood nalang kaming tatlo ni Ronnie at Kieno.

Mga aso't pusa talaga 'yan.


(0_0)!

Hala! Sabi ni insan noon kapag aso't pusa raw ang peg niyo, hindi malabong magkakatuluyan kayo!

(0_0)

(>_<)



Kapag magkatuluyan si Maki at Akil, paano nalang si Karen? Tsaka paano sila makabuo ng pamilya? Eh pareho silang--pareho silang may turutot!

Pero---pwede naman silang mag-adopt, di'ba? Hihihihi tama! Meant to be siguro sila! Siguro ang panghahablot ng buhok ay isang paraan sa kanila para makipagharutan. Hihihi.

(^__^)

"Kaninong anak ang aadapin niyo?" Wala sa sariling sambit ko na ikinatigil ng dalawang naghaharutan.

"A-ano?!" Maki.

"Ulol!" Akil.

Sabay sabay pa nilang inusal 'yon! See? Hehehe! Meant to be!

Ngumiti ako ng napakalapad saka nila tinignan ang isa't isa. Nagulat pa sila ng mapagtantong ilang inches nalang ang agwat ng mga mukha nila't magkahalikan na! Padabog nilang binitawan ang isa't isa, dagdag niyo na rin ang mga mukha nilang parang natatae!

Kibit balikat na umupo si Akil habang nakangiwi naman itong pinagmasdan ni Maki. Yung tipong nandidiri!

"Hindi na nakakagulat kung nahulog na ang loob mo sa'kin, Akil. Pogi talaga ako. Pero--nakakadiri ka talaga!" Ani Maki na animo'y nandidiri.

"Ulol! Di tayo talo!" Sabat pa ni Akil.

"Tama na nga 'yan! Nandito tayo para pag-usapan ang tungkol kanina! Kayong mga unggoy talaga, ang titigas ng mga kukute!" Sita pa ni Ronnie sa kanila. Si Ronnie talaga yung palaging nasa gitna kapag nagka-alitan ang dalawa.

"Nagsalita ang lider ng mga unggoy." Rinig kong bulong ni Akil. (>_<) At batid kong narinig rin iyon ni Ronnie dahil masama na itong nakatingin kay Akil. Mga sira talaga!

"Pusa." Tawag sakin ni Kieno. Tumahimik naman ang tatlo.

Silang tatlo ay unggoy. Ako naman pusa. Eh si Kieno kaya? Teka, mag-iisip muna ako...


Alam ko na!

"Daga!" Wiling wiling turan ko dahilan para lumaki ang mata ni Kieno at pigil na humagikgik ang tatlo.

Okay naman yun diba?! Kung ako pusa, dapat siya yung daga! Hayst! Pero okay rin naman kung isda, kasi nga diba yung isda ang paboritong pagkain ng pusa? Hihihi! Tama!

"Isda?" Tawag ko kay Kieno ngunit pinandilatan niya lang ako ng mata. Ayaw niya kaya? Ang cute nga eh! Hirap talaga nitong si Kieno! *pout




"Ayaw mo ng daga, ayaw mo rin ng isda. Edi ikaw nalang yung tutubi!"

Bumuga naman ng halakhak ng tatlo habang napasampal naman ng noo si Kieno. Ano bang masama sa sinabi ko? Ang choyen kaya nun! Pinaghirapan kong isipin 'yon no!


"Hindi ako nakipaglokohan dito, Pusa." Seryusong aniya. Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko kasabay sa pagyuko ng tatlo at mukhang pinipigilan pa ang tawa.



"Nakipaglukuhan ba 'ko dito?" Taka ko namang tanong. Ang seryuso ko kaya! Ttsss. Hahayss!


Tumikhim naman si Kieno saka pumikit. Yung tipong any minute sasabog na siya. Problema nito? "Isa, Sam. Isa!" Inis niya pang sigaw.



Napakurap ako. Naglalaro kaya kami kaya siya naiinis? Go with the flow nalang kaya ako?



"Dalawa?" Hindi talaga ako sure kung ano ang nilalaro namin eh.



Nang tinignan ko si Kieno ay halos magkadugtong na ang kilay niya. Bumungisngis naman si Maki sa harap ko kaya tumayo ako at tinapik ng mahina ang ulo niya na ikinagulat niya.

"Bakit?" Takang tanong niya. Hahayst! Itong si Maki talaga! Ang slow! Eh naglalaro nga kami diba?!



"Sabihin mo yung kasunod ng 'dalawa' dali!" Nakamaang niya lang ako tinignan. Napailing nalang ako. Slow talaga.


"B-bakit nga?" Nalilito niyang tanong sabay lingon kay Ronnie na ngayon ay nakahawak na sa temples niya.


Oo nga no! Ba't nga pala kami naglalaro?


"Di ko rin alam, eh. Anong klaseng laro 'to, Kieno? Ba't hindi ko alam 'to? Pwede namang tagu-taguan, o di kaya'y patid lata. Masaya 'yon! Pramis!" Ang duga naman kasi kung magbibilang lang kami diba? Anong mapapala namin sa pagbibilang? Pangit talaga ng taste nitong si Kieno. Pppfftt.


"Pusa, just for once." Pilit niyang pakalma sa sarili. "Let's be more serious. Seryuso ang pag-uusapan natin dito. Hindi ako nakikipaglaro. Kung anu ano nalang ang sumasagip diyan sa isip mo." Kieno blows a loud breath.



Yumuko nalang ako habang naka pout saka tumango ng marahan. Hindi niya naman kasi sinabi na may pag-uusapan pala kami dito. May pa bilang-bilang pa siyang nalalaman. Hayst!


Tsaka, malaki laki narin ang improvements ni Kieno sa English. Minsan nga kakausapin niya ako sa lenggwaheng 'yon. Sina Maki, Ronnie at Akil naman ay nagpapaturo rin sa'kin noon. Ngunit mga basics palang yung natutunan nila, unlike Kieno na halos mastered na lahat.


Pero bakit kaya hindi niya pinatulan ng English si Victor kanina? Ayaw niya kaya ipakita ang galing niya sa pagsasalita ng English kay Victor? Sabagay, mukhang inggitero ang isang 'yon eh. Nasa middle class pero matapobre ang pag-uugali. Ttsss. Soon-to-be-wife raw! Yuck lang?! Hello?! Wala kami sa panaginip niya no! Nanaginip ng gising ang loko! Nakakasuka!


Natapos ang pag-uusap namin at halos lahat ng mga tanong nila ay tungkol kanina. Bakit raw lumapit sa'kin si Victor? Ano raw ang mga sinasabi niya sa'kin? Sinaktan niya ba ako bago dumating si Kieno?



Ikwenento ko naman lahat lahat sa kanila para matapos niya. Dinagdag ko narin sa pag-eexplain kung bakit ko dinamay si Karen. Oa kasi ni Maki, eh! Nakakaduga minsan! Ttss!


Samo't saring expression ang pinapakita nila habang nagkukwento ako. Galit, gulat, amazed. Naintindihan naman raw nila ako kung bakit ako nagkagano'n. Lahat naman siguro ng tao ay hindi mapipigilan ang sarili kung overboard na, yung tipong below the belt na ang mga dila nila.




Worried pa sila sakin dahil baka raw maghihigante sakin si Victor. Hindi naman ako natatakot dahil bibig lang naman weapon nun. Satsat ng satsat, kala mo naman sinasamba talaga ng mga Diyos at Diyosa. Tsaka, ano naman ang ikinatakot ko? I'm on the other side of justice naman! Dibale, tutulungan naman ako ni Kieno kapag gagawa talaga ng gulo si Victor. Makibaka rin sina Ronnie at Akil--si Maki naman---hayst! Bahala siya sa buhay niya. Ayaw niya raw ng bad image eh, baka raw magagalit sa kaniya si Karen dahil kapatid nito si Victor.



Iba talaga kapag tinamaan ni Kupido. *iling


Pero hindi talaga nila mapigilan ang hindi magtanong---Sa'n mo pala natutunan ang mga galaw at lakas na 'yon? Hindi naman gano'n si Kieno kapag galit. Kung nanalantay nga sa dugo niyo ang pagiging gano'n, ba't ikaw lang ang naiiba? Tila nasasapian ka ng ibang tao, mga mata mo na parang lobo tsaka mukha mong kasing blangko ng puting dingding. Ikaw ba talaga 'yon? O talagang kinain kalang ng galit mo kaya ka naging gano'n? Kanina kasi parang hindi mo kami kilala. Gano'n ka pala kapag galit? Kung gano'n, nakakatakot ka. Pero tanggap ka naman namin. Naiintindihan ka rin namin, ka tropa!


May mga tanong sila na hindi ko alam kung ano ang isasagot. Pero hindi naman sila galit. Ang akala nila kaya ako naiiba sa kanila ni Kieno dahil lumaki ako sa silid for almost fifteen years nang hindi lumalabas, pero ganito na talaga ako....hindi ko lang talaga alam kung bakit minsan nawawala ako sa sarili kapag namumuo na yung galit sa kalamnan ko.


Natutuwa rin naman ako kahit papano dahil hindi ako nagiging iba sa tingin nila sa kabila ng pagiging weird ko. Gano'n parin ang trato nila sa'kin. Mukhang wala lang naman kay Kieno ang pinapakita ko kanina dahil sa pagkakaintindi ko, mas naiintindihan niya ako keysa sa tatlo, lalo na sa parte nung sinabi ko ang 'pinaka-ayaw ko sa lahat'.


Nagulat pa nga ako kanina dahil sa pabiglaang yakap nila sakin. Pagkatapos ko kasing sinabi na "Ayaw kong makita kayong nasasaktan, ayaw kong inaapi kayo ng iba, inaaway o di kaya sinasabutahe. Naging parte narin kasi kayo ng mundo ko. Mas malaki pa yung halaga niyo keysa sa halaga ng ginto. Kaya kong itaya ang sarili ko, para sa ikabubuti ng lahat, gagawin ko rin ang lahat wag lang kayong mawala. Napamahal na ako sa inyo, eh." Umaagos pa yung mga luha nila habang sinasambit ko 'yon. Parang di lalaki eh! Nakakalambot raw sa puso habang pinakinggan 'yon. Pero ang totoo---masaya ako. Masayang masaya. Kamakailan ko lang sila nakikita, wala pa silang alam sa totoong pagkatao ko, pero tinanggap nila ako.



I'll never stop loving these idiot. They're the best gift I've ever had since I came unexpectedly in this risky place. I'll treasure them, more than I treasure myself.  Itataga ko 'yon sa bato!




Pagkatapos ng drama nila'y nagsi-uwi narin ang mga loko. Ang totoo, hindi talaga nila maisipan ang umuwi kung hindi sila hinahanap dito ng mga magulang nila. Pinapagalitan pa si Akil ni Aling Neneng dahil ubos na raw yung mga halaman nila. (>_<) Buti nga ay napawi ang galit nito ng inaaliw-aliw ito nina Maki at Ronnie. Kesyo raw dadami ang kulubot sa mukha kapag araw-araw nakasimangot. Pppfftt hahaha.




Hapon na ng makabalik sina nanay at tatay sa bahay dahil tinapos raw nila ang pagtatanim ng sa gano'n ay wala na silang po-problemahin bukas. Kumain na kami ng hapunan saka nagku-kwentuhan pa. Buti nga hindi nila napansin ang pasa ni Kieno, kundi---hayst! Machine gun turn on nito ang peg ni nanay. Best rapper kaya si nanay!




Naunang nagpahinga si tatay dahil nakakalumpo raw ang init kanina. Sumunod naman sina nanay at Kaia. Ilang minuto'y nagpaalam na rin ako kay Kieno dahil gusto ko naring magpahinga. Nakaka-stress ang araw na 'to. Hhaayyss.


-------

"T-tumakbo kana, pakiusap! T-tumakbo kana! Nasa panganib ang buhay mo dito! Papatayin ka nila! U-umalis kana!"




"H-hindi! Hindi kita iiwan dito! Dapat malaman to nina---"


"P-pakiusap, dapat kapang mabuhay. Tumakas kana habang wala pa sila!"

Napilitang tumakas ang binibini habang sapo sapo ang mukha dahil sa paghahagulgol. Iniwan niya ang ginang na sugatan dahil sa pag-atake ng mga taong hindi niya kilala.




Takbo lang ang kaniyang ginawa, pilit niyang pinakalma ang sarili dahil sa namumuong galit, kaba at lungkot. Nasa kalagitnaan siya ng daan nang may biglang humugot sa kamay niya at pasimpleng tinurok ang kutsilyo sa kaniyang gilid ngunit hindi ito sinugatan.




Nagpumilit siyang kumawala ngunit malakas ang pagkakapit sa kaniya. Lima ang sumulpot sa harap niya, mga taong nakamaskara at nakasuot ng kulay itim. Hindi mo maaninag ang mga mukha nila dahil bukod sa nakamaskara ang mga ito'y balot na balot rin ang ulo nito. Hindi mo malalaman kung lalaki ba ang mga ito o babae.




Sisigaw na sana siya ng tulong ngunit agad tinakpan ang bibig niya ng isang malaki at magaspang na kamay. Nang mapansin niyang nagsitanguan ang apat na tao sa harap saka tumalon kung saan ay do'n na siya nagkaroon ng pagkakataon upang masipa at masiko ang tiyan at batok ng taong hawak siya. 



Nabitawan siya nito at laking pasasalamat niya ng may nakita siyang bato saka niya pinagbabato ng bato ang taong humabol sa kaniya.




Umilag lang ito ng umilag ngunit natamaan rin ang mata sa huli. Napasigaw ito at do'n na siya kumaripas ng takbo!






"Hoy! Tumigil ka---"






"Pakiusap!"





Humahangos ako dahil sa masamang panaginip! Kakaiba ang idinudulot nun sa'kin. Tagak-tak ang pawis sa noo ko. Nagsitayuan rin ang mga balahibo ko. Nanginginig rin lahat ng kalamnan ko.






Napalunok ako saka sinasapo't minamasahe ang dibdib ko.






Kaninong panaginip ba 'yon at bakit ko pinapaginipan 'yon?!





Bakit parang konektado lahat ng parte ko sa babaeng 'yon?





Sino ba ang babaeng 'yon?!






Bakit ba siya hinahabol?!






Ano ba ang atraso niya?






Hirap na hirap rin akong ibaliktanaw ang mukha ng babae sa panaginip ko. Lahat ng 'yon ay pawang blur sa'kin isipan.





Pero ano naman ang konek ko sa panaginip na 'yon?!




(>_<)




-To be Continued-









Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 157K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
84.5K 5K 62
"I spent half of my life away from you and in every step, in every moment I thought about you and moved forward, knowing you would be proud" ...
7.2M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...