My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 16

35 22 19
By itzmoons

Tuko.

Sa wakas at makakapagpahinga na ako. Natutulog na si Pusa sa kabilang kwarto. Natatawa tuloy ako ng maalala ko ang nangyari kanina, akala ko talaga sumasakit ang ulo niya---putcha tinatakot lang pala ako! (>_<)

Hayst. Pero ayos na rin 'yon. Pinagpilit ko pa ang sarili ko kanina na tulungan siya sa pagpalit ng tela pero ayaw niya talaga, kesyo raw mahihirapan ako dahil mukhang bading raw akong umasta!

Ayaw na ayaw ko talagang tawagin akong bading! Dahil sa inis ko kanina'y pumasok nalang ako sa kwarto ko't padabog sinara ang pinto. Narinig ko pa siyang tumawa na animo'y nasisiyahan sa aking inasta. Nakakainis na talaga siya!

Pero hindi ko rin alam kung anong nangyari sa sarili ko. Kung kanina gusto kong paalisin siya dahil sa galit, ngayon naman gusto kong dito nalang siya sa piling namin.

"Ano ba kasi ang nangyari sa'kin?" Bulong ko pa habang nakatitig sa kisame.

Ang gaan gaan na kasi ng kalooban ko. Parang kamakailan lang ang lungkot lungkot ng pamilyang ito, ngayon biglang nag-iba ang atmospera ng bahay nato simula ng dumating siya sa pamamahay namin.

Para akong nabunutan ng tinik ng maalala ko ang kalutangan niya kanina. Simula nung nawala si hyung hindi na ako tumatawa, wala na rin akong lakas ng loob para ngumiti ng natoral--pero ng dahil sa pusang iyon--agad agad akong nagbago.

Ang gulo talaga! Ano ba kasi ang meron sa kaniya? Normal lang naman ang inasta niya. Sa pag-ooberserba ko'y wala namang kahina-hinala sa kilos niya. Pero kapag tanawin ang buong pagkatao niya kahit wala siyang maalala--parang ang espesyal niya. Para siyang grasya na napulot ni nanay sa kalsada.

Oras lang ang lumipas simula kanina nang dumating siya, pero pakiramdam ko nakasama na namin siya ng matagal.

Hayst! Kieno! Matulog kana nga lang!

-Samantha's POV-

Kanina pa ako dito sa kwartong nire-ready nina Manang kanina para sa'kin. Nakahiga. Tulala. Lutang. Ewan ko, hindi talaga ako makatulog. Siguro dahil hindi ganito ang kwarto ko.

Walang aircon, ni ceiling fan or electric fan wala. Hindi rin gano'n kalambot ang unan. Ang kapal at ang bigat pa ng comforter nila.

Hindi rin naman ako pwedeng mag-reklamo dahil nakitira nga lang ako sa kanila.

Bakit ba kasi ako naparito?

Paulit-ulit nalang ang mga tanong sa'king isipan. Hindi rin ako mapakali dahil naninibago parin pa talaga ako. There's even no assurance that I'll be safe as well.

Panaginip lang ba talaga ang lahat ng 'to? Kung panaginip man sana pagkagising ko bukas na bukas nasa totoong pamilya na ako.

Miss na miss ko na kayo, mommy. Sana makakasama ko na kayo ulit.

Pero sa pagkakataong ito, kahit papano'y natutuwa ako. Akalain mo 'yon! Bati na kami ng asungot! Edi wala na akong kaaway, diba?! Hihihi! Galing ko talaga!

(^__^)

Tsaka napaka-komportable nilang kasama. Malakas kaya radar ko! Masasabi ko talagang safe ako sa pamamahay na'to---pero hindi sa lugar na'to.

Hayst. Sana talaga may cellphone akong dala para naman may matatawagan ako, diba? Dibale, hahanap parin ako ng paraan para makabalik na'ko sa dating ako!

Tama! Tama! Be positive lang, Shac--este Samantha! Be positive!

-Third Person's POV-

"Ano?! Hanggang ngayon ba hindi niyo pa rin siya nahanap?! Kung maaari haluglugin niyo lahat ng bahay! Kung may mga taong tumulong sa kaniya patayin niyo agad! Dapat niyo siyang mahanap! Hindi pwedeng maka-alis ng buhay ang babaeng 'yon!" Galit na galit na sigaw ng isang babae kasabay sa pagtalikod nito't galit na tinapon ang kaniyang pamaypay.

"N-ngunit, h-hindi po namin alam ang kaniyang mukha. Tanging pangalan lang niya ang aming nalalaman--" hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita at agad itong sinaksak sa dibdib gamit ang kaniyang kumikinang na espada na hinugot niya kung-saan.

Tumalsik ang dugo nito sa kaniyang mukha. Masama niyang tinignan ang kaniyang mga tauhan at galit na ihinampas ang kaniyang espada sa pader na malapit sa kaniya.

"Kung sino man ang may balak na sagut-sagutin ako, gawin niyo na upang maisunod ko kayo sa hampas lupang ito!" Puno ng kapangyarihang sigaw niya sabay turo sa bangkay na ngayon ay napapaliguan na ng sariling dugo dahilan para manginginig sa takot ang iilan sa mga tauhan nito.

"Linisin niyo ang kalat at gawin niyo na ang ipinapagawa ko! Ngayon din!" Utos pa nito kaya kumilos kaagad ang mga ito.

"Masusunod, young lady!" Sabay-sabay na sigaw ng mga tauhan nito't agad tumalima.

Hinatak nila ang bangkay tsaka nilagay sa isang maliit na kareton. Pasimple nila itong tinutulak upang walang manghihinala sa kanilang kinikilos. Bukod sa walang katao-tao ang lugar at malayo sa bayan, malabo ring may makakita sa kanila dahil hating-gabi na't buwan lamang ang nagsilbing ilaw sa kanila.

Pabalik-balik ang lakad ng babae habang nag-iisip ng pwedeng gawin upang mahanap ang taong kaniyang pinapahanap.

"Hindi siya pwedeng makatakas." Puno ng galit ang kaniyang pananalita. "Hindi pa kami tapos." Matigas at napaka-aroganteng sambit nito.

Sa kabila nang kaniyang pag-iisip ay bigla-bigla nalang siyang sumigaw. Puro mura ang lumalabas sa kaniyang bibig at halos malaglag na ang kaniyang maliliit na hairpin dahil sa pagsasabunot sa kaniyang sarili.

Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin. Maliban sa kaniya't kaniyang pamilya'y wala nang nakakakita't nakaka-alam sa taong iyon. Hindi ito mahilig makipag-komonikasyon sa ibang tao at palagi lamang ito sa kaniyang silid, nagbabasa ng libro, dahilan kung bakit wala nang iba pang nakakita sa mukha nito.

Kaya't ipinasarado niya lahat ang transaksyon at transportasyon sa lugar na ito upang hindi makalayo ang kaniyang pinapahanap. Gumawa rin siya ng paraan upang maipapatupad ang kaniyang ginawang ordinansa--para madali itong mahanap.

-Kieno's POV-

"KUYA! Gising na!" Naalimputangan ako dahil sa sigaw ni Kaia. Umusod ako palayo at tumagilid mula sa kaniya upang matulog ulit.

"KKUYYA NAMAN EEHH!" Pagmamaktol pa nito sabay yugyog sa balikat ko.

Umusod ulit ako at ngayon ay nakadapa na.

Napansin ko namang hindi na siya nangungulit pa kaya pinabayaan ko nalang at matutulog pa ako.

"Kuya! Si ate Sam sumasakit ang--"

(0_0)

"ANO?!" Napabalikwas ako ng bangon at agad hinarap si Kaia na ngayon ay nakabungisngis na.

(>_<)

Leche!

"Anong kalokohan na naman ba to, ha?! Kaia?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Ang aga aga iniinis agad ako!

Naaninag ko naman siyang palihim na humahagikgik kaya napa-irap ako ng wala sa oras. Batukan ko to eh!

"Kanina kapa tinatawag nina tatay, kuya Kieno. Tanghali na po't kakain na tayo." Ngiting usal pa nito saka lumabas na ng silid ko.

Napasabunot nalang ako sa sariling buhok! Ayaw na ayaw kong ginigising sa umaga! Wala akong paki kung tanghali na!

Hayst! Nakakasawa! Maghahanap na naman ako nito ng trabaho, paniguradong papagalitan na naman ako nito ni itay. Eh, ano naman ang gagawin ko dito sa bahay? Maghihintay sa kakaramput nilang kita? Hindi uubra sa'kin 'yon. Tutulong parin ako, kahit paulit-ulit nila akong papagalitan.

Hihiga na sana ulit ako ng may bigla akong maalala--

Bukas na bukas tuturuan kitang magsalita at magbigkas ng Inglis.

(0_0)


(>_<)



(^__^)

Oo nga no! Sinabi 'yon ni pusa kagabi!

Tumayo agad ako at hinanap ang salamin. Tinignan ko muna ang itsura ko kung may laway ba sa bibig ko o wala, kung ayos lang ba ang itsura ko o hindi.

(^_^)

Gwapo ko talaga.

Ngiti kong binalik ang salamin sa kinunan ko at agad dinampot ang suklay upang ayusin ang napakagulo kong buhok. Hayst! Dibale, gwapo naman ako.

Inamoy ko agad ang hininga ko at hindi naman mabaho kaya napagpasiyahan kong lumabas na ng kwarto.

Napansin kong paika-ika akong naglakad kaya napatigil ako. Oo nga pala, napa-away ako kagabi dahil sa init ng ulo.

"Oh, Kieno! Halika na't kakain na tayo!" Tawag sakin ni nanay ng makita niya ko sa labas ng aking silid.

"Opo, nay." Sabi ko nalang at pinilit ang sarili na maglakad ng maayos.

Pagdating ko ay umupo na agad ako. Naghain ulit si nanay ng kamote at kape habang abalang-abala naman si tatay sa pananahi ng kaniyang pantalon. Katabi ko ngayon si Kaia at abala rin sa pagsuklay ng kaniyang lumang manika.

Sinuri ko ulit ang paligid ng mapansin kong may kulang.

Bakit wala si Pusa?

"Nay, nasa'n si Pusa?" Paghahanap ko pa kay nanay ng umupo na siya.

"Sinong pusa ba ang hinahanap mo?" Takang tanong ni nanay kaya na-alarma naman ako.

"Ah, eh hehehe s-si Sam." Sambit ko pa. Taena! (>_<)

"Nasa silid pa, inayos ang kaniyang higaan at pinalitan ang tela sa kaniyang ulo. Hayaan mo, maya-maya't bababa na rin 'yon." Turan pa ni nanay kaya tumango nalang ako.

"Hehehehehe." Rinig kong tawa ni Kaia kaya tinignan ko ito ng masama.

Kung ano-ano nalang ang iniisip. Tsk!

Ilang minuto na ang lumipas at halos maubos na namin ang pagkain ngunit wala parin yung Pusa! Ano bang ginagawa ng babaeng 'yon sa silid?!

"Kuya, matutunaw ang kamote ni ate Sam niyan." Singit pa ni Kaia kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

"Tumahimik ka nga diyan. Babatukan na talaga kita kapag satsat ka ng satsat." Iritang suway ko pa rito ngunit tinawanan lang ako!

"Aba! Nay si Kaia--"

"Kieno, tawagin mo nga si Sam sa silid. Baka kung ano na ang ginawa ng batang 'yon. Hindi pa naman magaling 'yung sugat niya, baka napano na 'yon." Putol pa sakin ni nanay habang naghuhugas ng kamay sa lababo.

"Opo." Sagot ko nalang.

Tumayo na ako at pasimpleng tiningnan si Kaia na ngayon ay pinipigilan ang hindi ngumisi, dagdag niyo pa ang kilay niyang taas-baba.

"Humanda ka sakin mamaya." Bulong ko pa rito bago sumibat ng kusina.

Kebata-bata tsk! Tsk! Tsk! Napailing nalang ako.

Pagdating ko sa silid ng Pusa ay umayos muna ako ng tayo bago kumatok ng tatlong beses.

Inayos ko ulit ang aking damit habang naghihintay sa pagbukas ng pinto ngunit wala parin.

Kinatok ko ito ulit at nilapit ang aking tenga sa pinto upang marinig ang kaniyang ginagawa. Nasa loob kaya siya? Wala naman akong naririnig sa loob, eh.

Papasok nalang kaya ako?

Kumatok ako ulit at halos nanakit na ang kamao ko sa kakatok ngunit hindi pa rin niya binuksan ang pinto.

Hayst! Bahala na nga!

Binuksan ko nalang ang pinto ng kaniyang silid at halos ikinagulat ko ng makitang walang tao sa loob bukod sa aparador at---bakit ganiyan ang ayos ng kumot? Parang bahay ng dwende!

(>_<)

Pumasok ako ng lubusan at sinilip ang paligid. Hindi pa naman nakabukas ang bintana. Tapos, medyo magulo pa ang higaan niya. Saan naman kaya nagpunta 'yon?

"Pppsstt!"

Teka, saan galing ang tunog na 'yon?

Inikot ko ang aking paningin at wala naman akong--

"Ppppssttt! Hoy, Kieno. 'Andito ako." Rinig kong halos bulong lang ng hangin.

Sino ba kasi 'yon?

(>_<)

H-hindi naman multo 'yon, diba?

Tsaka walang multo dito!

"Pppsstt. Hoy--"

"Kung sino kaman! U-umalis ka sa pamamahay na 'to!" Naisigaw ko nalang.

Takte! Nababaliw na ba'ko?! Sino ba ang kinakausap ko?!

"Hoy, nandito ako sa kumot." Rinig ko ulit kaya napatingin ako sa kumot ng wala sa oras!

Unti-unti ko itong nilapitan at halos mapa-amba ako ng suntok dahil sa namumuong takot ng biglang bumukas ang kumot at agad akong hinatak dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

"T-teka--"

"Sshhhh. Wag kang maingay! Nandiyan pa siya oh!" Wika pa nito ulit at do'n ko lang naaninag ang mukha niya.

"Pu-pusa?! Anong ginagawa mo dito sa kumot at--" tinakpan niya bigla ang bibig ko at nilapit ang kaniyang mukha sa'kin.

"Sshhhhhh." Aniya habang nasa labi niya ang kaniyang daliri.

*dug dug! Dug dug!

Takte!!!!

(>_<)

Puso! Huminahon ka!

"Wag kang maingay." Wika ulit ni Pusa habang hindi inalis ang kaniyang kamay saking bibig.

"Bakahkldhdhabakakhs--"

"Sshhh. Wag ka sabing maingay." Suway niya ulit kaya napatitig nalang ako sa mga mata niya.

Ang gaganda--ay mali! Pangit!

"Wag kang malikot! Tignan mo ang sama na ng titig niya sa'kin!" Sigaw niya pa kaya napakunot nalang ako ng nuo.

Ano ba ang pinagsasabi nito?!

Ngayon ko lang ata napansin na ang lapit lapit pala ng katawan niya sa'kin!

(>_<)

Umusod agad ako palayo ngunit ang anak ng tinula!--hinatak ulit ang damit ko't napasubsob ulit ako sa sahig!

"Sabing wag kang malikot! Saan ba nakalagay yang utak mo, ha?! Engot?!" Tila naiinis niyang sambit kaya tinignan ko rin siya ng masama!

"Bakit ba?!" Irita kong sigaw.

Pinanlakihan niya ako ng mata saka tinignan ang kesame na malapit sa pinto. Sinunod ko rin naman ito.

Eh?

Tuko?

Ano naman ang meron sa tuko?

Hayst!

"Bitawan mo nga ang damit ko. Eh, tuko lang--"

"Dang it! I told you to shut up! That fvcking tuko is kinda--Aughh! Tignan mo! Tinignan niya ko ulit!" Hindi ko alam kung matawa ba ako o mainis. Sa itsura niya kasi ngayon, para siyang ewan na parang batang natatakot at naiinis sa presensiya ng tuko.

"Tuko!" Bulyaw pa ng tuko at nagsimula na rin itong maglakad ngunit ang diriksyon nito'y patungo rito sa kinaruruonan namin.

Napansin ko namang binitawan ni Pusa ang damit ko't tinabunan niya ang kaniyang mga tenga gamit ang kaniyang kamay.

"Tuko!" Bulyaw pa ulit ng tuko.

Rinig ko ang mabilis at malakas na paghinga ni Pusa. Nakapikit na rin siya't bumaluktot na nang upo habang ang kaniyang ulo ay nakahilig sa balikat ko. Unti-unti ko naring napansin ang panginginig ng katawan niya.

"H-hoy, Pusa. Ayos kalang?"

-Samantha's POV-

Hindi ko sinagot si Kieno dahil sa takot kong baka tatalon yung tuko sa'kin at kagatin ako!

Kanina kasi habang nagliligpit ako ng higaan ko'y bigla bigla nalang tumalon yung tuko sa pintuan tapos ikinabigla ko pa ang mga mata nitong titig na titig sa'kin! Para namang kinukuryentehan ang mga kamay ko tapos dagdag niyo pa ang mga mata kong hindi rin inalis ang titig sa kaniya!

Kaya ayon, dali-dali akong nagtago sa kumot at taimtim na nagdasal ng masilayan ko itong gumagapang papaitas ng pinto.

Taena! Huhuhuhu! Mommy! T__T

Eh, wala naman kasing tuko do'n sa amin! Never pa rin ako nakakita ng tuko sa Zoo. Talagang first time ko 'to! Tsaka, hindi ko naman talaga alam na may alaga pala sila dito no!

Hindi ko talaga type itsura niya! Dagdag niyo pa ang magaspang niyang balat at malaking mata! Tapos ang haba pa ng dila niya! Para talaga siyang tiktik!

T^T

Mommmyy huhuhuhuhu!

Ok lang sana sa'kin kahit mag-alaga pa sila ng spiders, palaka, daga, at kung ano-ano pa basta wag lang ang nilalang na'to! Nakakapanindig balahibo!

"H-hoy, hindi naman 'yan mangangagat--"

"P-pakiusap." Ito ang unang beses kong nakikiusap sa ibang tao.

Hindi ko na talaga alam kung saan ilulugar ang takot ko. Takot na takot na talaga ako. Ni sa pagmulat nga ng mata hindi ko magawa. Nanginginig narin ang mga kamay kong ginamit ko sa pagtakip ng tenga ko.

"Tuko!"

"Mom, p-please help me." Walang boses na lumalabas sa bibig ko habang sinasambit ang mga katagang iyon.

Damang dama ko na rin ang mga bisig ni Kieno na pumulupot sa'kin. Wala naman akong maalalang may phobia sa tuko. Wala naman talaga akong phobia sa tuko maliban nalang sa ipis, pero bakit ngayon meron na? Ibang klaseng takot ang bumabalot sa'kin ngayon. Tila hinihigop nito ang lakas ko.

"U-umiiyak kaba? H-hoy, Pusa." Rinig kong sambit ni Kieno ngunit wala talaga akong lakas para makipagtalo pa.

Hindi rin lingid sa kaalaman ko ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.

"Ssshoooo!" Pagtataboy pa ni Kieno sa tuko ngunit ikinabigla ko ang pagbulyaw ulit ng tuko kaya yumakap nalang ako sa katawan ni Kieno at isinubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Pansin na pansin ko ang pagkabigla niya ngunit isiniwalang bahala ko nalang. Takot na takot na talaga ako.

P-pakiusap tulungan niyo ako...

H-hindi ko na kaya...

"Ssshhhoo!"

Habol ko ang aking hininga. I started to open my eyes and that I noticed that my vision slowly becomes blurry.

"P-pusa, h-hoy! Wala na yung tuko. H-hoy!" Ume-echo saking pandinig ang boses ni Kieno, ramdam ko rin ang pagyugyog niya sa balikat ko.

Naaninag ko siyang tinapik-tapik ang aking mukha ngunit paunti-unting dumilim ang paligid.

"S-Samantha! Nay!"

Do'n na'ko nawalan ng tuluyan ng malay.

-To be Continued-

__________________________________________________________

A/N: Hi, kung napapansin niyo nasa North Korea sila pero tagalog ang lengwaheng ginagamit, lol hahahhaha sa totoo lang pati ako hindi ko rin alam kung bakit hahahaha. Na-attract kasi ako sa sistema at forms ng government nila kaya nagorabels ko nalang. ( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)

Love lots♥♥♥

_Monaxen_

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
5.5M 441K 95
Sitting on the bed, I was waiting for my husband to arrive. It was our wedding Night. I rolled my toes as the visuals of him slowly touching my cheek...
9.8M 498K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
41K 1.8K 18
"Rana Sa...." Why are you trembling...are you ok should I call someone for help.... "Sh...ssshhhhh...... Ahana....i would be inside you till now if y...