My Absolute Freedom (UNDER RI...

Von itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... Mehr

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 14

48 23 29
Von itzmoons

SAMANTHA.

Palubog na ang araw at nandito parin ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin upang makabalik ako sa dati. Tahimik lang ako naka-upo dito sa loob ng bahay na malapit sa bintana. Linalaro-laro ko ang aking mga daliri at unti-unti narin akong nawalan ng pag-asa na makabalik sa dati. Paano kung hindi na nga ako makabalik sa dati, ibig bang sabihin nito dito na ako titira?  Habangbuhay?

"Ate Sam, pinasabi ni ina na huwag daw muna kayong tumayo at baka mahilo kayo." Napatingin naman ako sa batang si Kaia at dagliang napangiti.

"Hhmm." Ani ko sabay tango.

"May problema po ba kayo, ate Sam? Mukhang kanina pa pong may bumabagabag sa isip niyo, eh." Nakikita ko tuloy sa kaniya si insan. Kumusta na kaya 'yon? May sakit pa 'yon eh.

Umiling nalang ako at nag-iwas ng tingin sa bata. Samantha instead of Shacy.

Naisip kong mas ok na kung tawagin nila akong Sam o Samantha, total ang tanging alam nila ay nagka-amnesia ako buhat sa pagkakaroon ng sugat sa ulo ko.

Tinanggap rin ako ng buong-buo nina Manong Kreno at Manang Mariclar. Nalaman ko lang ang pangalan ni Manang sa pinto, nakaukit kasi do'n ang mga pangalan nila. Tatlo sana ang anak nila, namatay yung panganay na siyang tinatawag nilang hyung. Balak ko sanang magtanong kung ano ang ikinamatay ng panganay nilang anak, kaso--ayaw ko namang mangi-alam lalo na't wala ako sa puder ng mga pamilya ko.

Hinayaan nila akong dito muna tumuloy hanggang sa magbalik ang mga ala-ala ko. Ituturing raw nila akong pamilya at naging malambot rin naman ako dahil do'n.

Ang gaan lang kasi sa kalooban. Ang mabubuting tao na katulad nila ay dapat igalang at sambahin.

Pero, hindi ako taga rito at mas lalong hindi ako parte ng mundong ito.

"Just follow your heart, apo ko. That's your mission."

Ayon na naman ang boses ni lola na kanina pa gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung anong klaseng mission ang pilit ipinapahiwatig niya. Labag rin sa kalooban kong may parte sa memorya kong nawala.

Sa mga naalala ko pagkatapos ng text sakin ni momo tungkol sa relasyon nina Nathaniel at insan ay wala na akong maalala. Tapos nakakagulo ring isipin dahil paulit-ulit sumasagip sa isip ko ang portrait na 'yon.

It's like a broken puzzle that I need to solve in order to get the missing piece.

But how?

Too difficult! I can't even feel my own presence dahil sa mga nangyari.

18**

Sumagip sakin isipan ang taon na 'yon. Teka---

"Kaia, anong taon na ba?" Biglaang tanong ko sa kaniya't napakamot naman siya.

"Ate Sam, mukhang malubha nga ang kalagayan niyo. Taong 18** na po." Sagot nito sabay nguso.

(0_0)

Kinakabahan ako.

Same year.

Same year do'n sa portrait. Pero ano ngaba ang meron sa portrait na 'yon? Hindi ko rin matandaan. Nawala sa memorya ko. Tila blur version lang ang fuma-flash back sa isipan ko.

Mga kababalaghan. Supposedly nasa taong 2019 na ako! Pero bakit ganito?

Nasisiraan na talaga ako ng bait dito!


"Ate Sam?" Tawag sakin ni Kaia kaya napalingon ako sa kaniya ng may pagtataka ng bigla itong ngumiti ng malapad. "Anong pakiramdam habang nasa bisig ka ni kuya Kieno?" Tila kinikilig niyang ani, dagdag niyo pa ang kumikinang niyang mga mata.

Halos mabara ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman gawin ng lalaking 'yon sa'kin? Baka nagmamagandang loob? Eh mainit ang dugo nun sakin--baka nasapian! Takte!

"Oooyyy si ate Sam, kinikilig yyeeiii." Ani niya sabay sundot sa tagiliran ko.

(>_<)

"Ay sus si ate Sam. Gwapo po talaga si kuya Kieno. Matipuno, marangal, mabait at matalino. Tsaka may respeto--"

*ubo!

*ubo!

Bad timing ang ubo! Ewan! Bumabara talaga sa lalamunan ko ang engot na 'yon! Tsaka respeto?! May respeto ang lalaking 'yon?! Sa inasta niya kanina nagmukha siyang asong ulol!!

"Ate Sam, bakit po kayo inuubo? Teka, kukuha lang po ako ng tubig at--"

"Nay! Tay! Nandito na po ako!"

"Kuya Kienoo!" Sigaw pa ni Kaia sabay takbo at lumabas ng bahay.

Mukhang nandito na ang asungot. Sa totoo lang, kanina mula pagkagising ko wala ang engot na 'yon. At wala rin akong pake!

Pagpasok sa loob ni Kaia na may dalang supot na pagkain ay sumunod namang pumasok yung engot. Nagulat pa siya ng makita ako ngunit napalitan rin naman ng paniniliksik ng mata.

"Bakit nandito pa ang babae na 'yan?!" Agad niyang welcome sa 'kin. Gara diba? -_-

Agad namang sumulpot si Manang kasunod si Manong kreno na mukhang galing pa sa trabaho dahil pawis na pawis ang likod.

"Kieno, huminahon ka nga. Wala siyang maalala kaya mas mabuting dito muna siya hanggang sa--"

"Wala akong paki-alam!" Putol niya kay Manang Mariclar. Bastos talaga!

Ngayon niyo isumbat sakin, may respeto ba talaga ang engot na 'to?! Sampalin ko to ng 360° eh!

"Kieno!" Mautoridad na sigaw ni Manong Kreno.

Agad namang yumuko si engot at mukhang may binubulong pa. Aba!

"Bakit ngayon ka lang?!" Tanong ng ama sa kaniya.

Mukhang wala naman palang balls ang isang to eh! Matitiklop rin naman pala sa boses ng ama. Psh!

"Pasensiya na po. Naghahanap lang ako ng mapagkakakitaan." Pag-aamin pa nito sabay tingin ng mapait sa kaniyang magulang.

With those looks, I can assure that he's been in pain. Surrows. He's been dancing in agony with the rhythm of misery. He's eyes are very expressive. Malalaman mo agad na may pinagdadaanan talaga siya.

I heard the old man heave a a deep sigh.

"Diba sinabi ko naman sayong ako lang ang magtatrabaho?! Ako ang padre de pamilya dito--"

"At hindi sapat iyon upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya natin, tay!"

"Kieno!" Suway ni Manang Mariclar sa kaniya.

He once looked at me with anger bago siya lumabas ulit ng bahay dala ang sama ng loob. It's as if ako ang puno't dulo kung bakit sila nag-aalitang mag-ama.

Rinig ko namang humihikbi si Kaia habang pinagmasdan ang bulto ng kaniyang kuya paalis kaya nilapitan ko nalang ito at yinakap.

"Kuya." She mumbled while crying.

"Ssshhhh. Maaayos rin ang lahat. Wag ka nang umiyak, sige ka papangit mukha mo niyan. Sshhh." Ani ko sabay tapik ng ulo niya hanggang sa huminahon siya.

Nakita ko rin kung paano nababalutan ng lungkot ang mga mata ni Manong Kreno.

Ang malalim na pagbuntong hininga ni Manang Mariclar.

Sana may magagawa ako. Sana may maitulong ako. Naging pabigat kaya ako sa kanila? To the fact na naghihirap sila, tapos narito ako at nakisawsaw pa sa kanila.

I made a big mess!

---

Habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan, aaminin kong hindi parin ako komportable dahil hindi naman ganito ang pamumuhay namin sa Manila. Hindi ako sanay na walang kutsara't tinidor. Hindi rin ako sanay na kamote lang ang kakainin.

Ito ba 'yung gusto ipahiwatig ni lola sa'kin noon? Na dapat masaya ako dahil gano'n ang buhay ko, at hindi katulad nito?

"Pasensiya kana, hija. Ito lang ang kinaya namin sa ngayon. Nakalimutan ko kasing mamalengke. Dibale bukas babawi kami ng asawa ko." Nakokonsensiya ako. Parang ayaw kong kumain. Pakiramdam ko hindi ko deserve to. Mas Mabuti sana kung hindi nalang nangyari 'to. Edi sana wala sila ngayong prinoporblema patungkol sa'kin.

I quickly shooked my head saka ngumiti ng malungkot. "Ako po dapat ang humingi ng pasensiya. Dahil unang-una nakisawsaw lang ako sa pamilya niyo. Tapos pangalawa, nagkaalitan pa kayo ng anak niyong si Kieno nang dahil sa'kin. Pasensiya na po talaga."

"Ayst! Wag mo nang pansinin ang ugok na 'yon. Gano'n lang talaga asal nun. Kumain ka ng marami't gagaling ka ng lubusan." Ani Manong Kreno sabay subo ng kamote kay Kaia.

"Mabait naman si kuya Kieno, tay. Tsaka ang gwapo pa nun." Sambit pa ni Kaia.

Natawa naman kami dahil mukhang obsessed nga siya sa kuya niya. Mukhang close sila, ah. Hindi mapigilang hindi purihin eh.

"Naku, Sam! Naging usap-usapan ka kaagad dito sa probensiya. Ang gandang dilag mo raw. Lumilitaw ang ganda. Aba'y totoo rin naman, diba? Maraming lalaking manliligaw sa'yo dito, hija." Natatawang turan ni Manang.

Napalunok naman ako ng wala sa oras. Hehehe paano nila nasabi?

"Oh, ba't hindi mo pa ginalaw ang pagkain mo? Ayaw mo ba? Palitan nalang---"

"Ay wag na po! Okay na po ako sa pagkain. Hihintayin ko lang po si Kieno at sabay na kaming kumain. Gusto ko po kasi siyang maka-usap. Mukhang mainit ang dugo sa'kin eh. Hehehe." Nahihiyang usal ko.

Tumango-tango naman agad sila saka mukhang naaliw pa. "Magandang ideya 'yan, ate." Sabat uli ni Kaia saka nag thumbs up. At mukhang palihim pang naghagikgikan sina manong at manang. Hindi ko sila gets. Para silang baliw. *face palm!

Natapos ang kainan nila ng hindi ko ginalaw ang sa'kin. May mga kine-kwento rin sila tungkol sa bagong ordinansa. Kaya pala paulit-ulit nilang sinasabi na bawal sa kalsada matulog lalo na't babae ako dahil ipinagbawal pala ng mga opisyales na palabasin ang mga kababaihan tuwing pagsapit ng gabi hanggang sa madaling araw ng umaga.

Pawang mga lalaki lang ang may kakayahang lumabas tuwing gabi dahil unang-una, gawain ng mga lalaki ang magtrabaho upang may makain sa umaga.

Pero ano namang connect sa paglo-lockdown? Pati airports sarado. Ang gulo!

Hindi ko alam kung anong oras na ngunit nandito parin ako sa labas at naghihintay sa ugok na 'yon. Nagbihis narin ako ng pang-ordinaryong hanbok baka daw mapagkamalan na naman akong mayaman at mapagdiskartehan ng mga lalaki. Mga manyakis kumbaga.

Umupo ako malapit sa puno saka pinagmasdan ang istraktura ng bahay na tinutuluyan ko. Maliit lang siya, yari sa semento ang bandang likuran nito kung saan nando'n ang tatlong maliliit na kwarto. Yari naman sa kawayan ang sala at gano'n rin ang gate nito. Saktong-sakto lang ang bahay para sa kanila.

Napapalibutan ang bahay ng lampara, ngunit may ilaw naman sa loob. Sa ngayon, tanging buwan lang ang nagbigay ilaw sa akin dito sa puno.

Tinangay ng preskong hangin ang buhok ko. Ang sarap sana sa pakiramdam. Payapa. Walang gulo. Walang sasakyang nag-iingay sa kalye. Walang usok ng sigarilyo. The right place where you can find peace.

Tumingin ako sa madilim na kalangitan at inaliw ang sarili sa mga bituin. Keylan kaya ako makakabalik sa totoong ako?

Hindi naman kasi ako ganito. I'm always carefree. I can do whatever I want. Pero ngayon, parang ang labo. Parang may limitasyon lahat.

"Just follow your heart, apo ko. That's your mission."

(>_<)

Aughhh! Ayan na naman! Paulit-ulit nalang! Ano ba kasi ang meron at ako ang napagdeskartihan ni lola?!

Teka! Bakit hindi ko sila tawagan, diba?! Taena! Yung cellphone ko!

Kinakapa-kapa ko ang suot ko at wala dito ang cellphone ko! Sa mga naalala ko, nilagay ko sa jeans 'yon. Eh naka-hanbok na ako simula pa kanina eh!

Takte! Ang unfair talaga ng mundo! Huhuhuhuhuhu! Mommy! T^T

Napayakap nalang ako sa sariling tuhod ko hanggang sa may napansin akong malaking bulto sa harap ko.

Walang ilaw rito kaya medyo natakot ako. Una kong tinignan ay ang mga paa niya hanggang sa umangat ang mukha ko at nakita ang itsura niya.

"Bakit hindi kapa umalis?!" Mahina ngunit puno parin ng galit ang boses niya.

Lumunok naman ako ng laway bago tumayo upang matitigan ko talaga ang mukha niya. Totoong may itsura siya. Manipis na labi, hindi ngalang mapupula. May pagka-singkit ang kaniyang mata at ang kapal pa ng kilay niya, plus ang tangos rin ng ilong niya.

Kumunot ang noo niya at halatang pinipigilan niya lang ang sarili niya na huwag akong sigawan.

"Pakiusap, umalis kana." Turan niya sabay lagpas sa akin. Paika-ika siyang naglalakad habang duguan naman ang kaniyang mga kamay.

Kung aalis ako. Saan rin naman ako tutuloy?

I suddenly swift my body as I pull his arms at agad nilagay sa balikat ko. Buti kinaya ng reflexes ko.

"Teka--ano ba!" Sigaw niya sa sikmura ko saka pilit na tinanggal ang kaniyang braso sa balikat ko. Tinignan ko siya sa mata, giving him an icy glare makes me think na natauhan siya. Magmamatigas ako hanggat kaya ko.

"Tsk! Umalis ka nga!" Aligalig niya akong tinaboy ngunit ininda ko lang talaga. I tried to used half of my strength to helped this goddamn guy! I don't care if he keeps on refusing it! My only goal is to put peace between the two of us! No tension! No black auras!

Damn! I want my old life back!

Hindi ako pinalaki ni mommy upang makaranas ng ganito. Hindi rin madali para sakin na kaharapin ang pagsubok na ito. Bago lahat ng ito sa akin. Tama si lola, they only give me unicorns and flowers only for me not to experience hardships. Pero heto ako ngayon, ininda ang bawat tanggi ng engot na 'to. Ininda ang nakakapanibagong sitwasyon. Ininda ang kahirapan.

Hindi narin siya sumubok pa na tabuyin ako dahil kakapit at kakapit parin talaga ako. I don't care if he'll pushed me, I don't care if he'll hurt me through those insulting words. I must clean this mess. I know it's hard for me to encourage such behavior, pero wala rin akong magagawa. Walang nakakaalam kung sino talaga ako.

Nang makapasok kami sa loob ay agad ko siyang pina-upo sa sofa na gawa parin sa kahoy. I heard him mumbling, tila naiinis sa mga ginagawa ko.

Naghahanap naman ako ng bimpo at planggana upang mapaglagyan ng tubig. Wala naman kasi sila ditong ref kaya walang ice. Pagkatapos ay lumapit na ako sa engot na 'yon dala-dala ang planggana.

"Nakikipag-away ka ba?" Tanong ko nalang. Nakakailang kasi ang pagiging tahimik niya.

"Wala kang paki." Sambit niya saka nag-iwas ng tingin.

"Engot." Sumbat ko dahil sa inis. Tang-ina talaga! Nagmamagandang loob na nga ako eh!

"Anong sabi mo?!" Pagalit niyang tono. Linabanan ko ang titig niya hanggang sa siya na rin ang umiwas. Weak.

Kukunin ko na sana ang kamay niyang may pasa ngunit nagulat ako dahil sa biglaang pagtayo niya. Dahil sa inis ay hinablot ko ang laylayan ng damit niya at padabog siyang tinulak sa upuan.

"Aray! Sira ka ba?! Alam mong may sugat ako--"

"Kaya nga kita gagamutin, diba?!" Kunting timpi nalang at masasabunutan ko na talaga ang gagong to!

-_-

Mukhang successful naman ang pagtaas ng boses ko dahil tumahimik naman siya agad.

"Oh!" Sigaw niya pa sabay bigay sakin ng kamay niyang sugatan upang linisin ang mga mantsa ng dugo. Tatalima ka rin naman pala, pabebe pa.

Habang abala ako sa paglilinis, pansin ko naman ang mga mata nina Manong Kreno at Manang Mariclar sa kabilang kwarto. Dagdag niyo pa ang kinikilig na tawa ni Kaia.

"Hindi po mamamatay ang anak niyong siraulo, Manong." Sambit ko sabay lingon sa pintuan kung saan sila nagtatago.

I saw how Kieno clenched his jaw, dagdag niyo pa ang tumitirik niyang mga mata. Uh-oh! Hi.Hi.Hi. joki-joki lang naman 'yon eh!

*gulp

"Ahh, ehh hahahahhaha. Oo, hindi naman pala mamamatay eh! Hahahaha, sige hija, matutulog na kami. Kumain na kayo pagkatapos niyan. Hahahaha, oh siya pa'no?" Parang timang si Manang. *iling

Hayst. Akala ko sina lola lang ang may saltik, sila rin pala. Ang dami pala nila. Ang lala na talaga ng mga tao. *iling

"Hahahaha, tama! Tama! Kumain na kayo pagkatapos niyan at matulog na." Manong Kreno.

Bakit ba tawa sila ng tawa? Eh wala namang nakakatawa.

Hayst. Pa'no ba 'yan? Wala akong number ng psychiatrist, wala rin akong cellphone--ay! May mental hospital kaya sila dito? Bakit hindi nila ina-admit ang sarili nila?

"Kieno, bago kayo matulog ayusin mo muna ang higaan ni Sam--"

"Nay!" Biglang putol ni Kieno.

"Oo na, oo na. 'Tong batang to talaga." Ani Manang sabay hampas kay Manong Kreno at pumasok na sa kwarto.

"Hehehe! Ate Sam, ingatan niyo po si Kuya Kieno ah!" Sigaw pa ni Kaia.

Huh? Aanhin ko ba ang kuya niya? Ang gulo-gulo talaga ng pamilyang 'to!

(>_<)

"Kaia!" Umalingawngaw ulit ang boses ni Kieno ngunit benelatan lang siya ng bata.

Tawa lang ng tawa si Kaia, dagdag niyo pa ang pahampas hampas niya sa pintuan na tila nasisiyahan talaga sa kaniyang ginagawa.

"Isa!" Mukhang galit na ang engot. Naalimputangan tuloy mga nerves ko. (>_<)

Tumahimik naman agad si Kaia at pasimpleng tumingin sakin saka nag-wink tapos pumasok na dala-dala ang napakalapad niyang ngiti. Bipolar?

Mga sira kaya ang mga tao dito?!

Kung gano'n! Masisira rin ako?!

T^T mom, I need youu!

"Hoy pusa! Hindi kapa ba tapos diyan? Nagugutom na 'ko!" Taena!

-To be Continued-

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2M 68.6K 53
Woke up in the ancient era frightened the hell out of her. But she has to make a choice : Let the real plot take place or try to change it. ••• His p...
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
Erica Von Sam

Historische Romane

2.8M 155K 89
They say her voice was once bewitching to all who heard it. She was like a siren luring sailors to their deaths on quiet nights... Those are just rum...