Must Keep A Secret

By Demystra

1.1K 324 239

Zemira returned to the Philippines with her mom and younger brother when her parents decided to split. They m... More

Prólogo
I
II
III
IV
VI
VII

V

113 40 17
By Demystra

His embrace is warm, and his arms seemed very protective when wrapped around my frail body.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

I sobbed into his chest unceasingly, he held me as my tears soaked his chest.

My eyes are burning. I could no longer see clearly.

"Perhaps, our eyes need to be washed by our tears once in a while, so that we can see with a clearer view again," rinig kong sabi niya at saka ako niyakap nang mas mahigpit.

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko ngayong nandito siya?

Kumalas ako mula sa pagkakayakap.

"Sorry."

Akala ko ay titigil na ako sa pag-iyak pero naalala ko na naman 'yong nasaksihan ko kanina. Biglang nanikip ang dibdib ko.

Sino 'yong may balak pumatay sa amin?

I can't breathe.

"Please... take me home."

'Yon ang huling mga salitang binitawan ko and everything darkened into nothingness.

-

Slowly and reluctantly, I uncover my face. I blink, close my eyes, and blink again, staring at the ceiling.

Everything is blurry. I don't know how I got in this bed, or how I got in these clothes I'm wearing right now.

Iba na ang suot kong damit.

I let out an exasperated sigh, groaning as I rolled off of the smoky gray-colored duvet I had been occupying.

Hindi ito ang kuwarto ko.

Nasaan ako?

Glancing around the room, I noticed a messy assortment of books on the table beside the bed.

The room is in the theme of classic, smoky peppery gray color.

Tumingin ako sa bintana. Madilim pa.

"Mabuti naman gising ka na."

That voice.

"Ang sarap ng tulog mo."

Papalapit na siya sa akin. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita," he asked.

"Nasaan ako?" Imbis na sagot ay tanong din ang ibinalik ko sa kaniya. "Paano ako nakapunta dito?"

Umupo siya sa sofa na nandito at tumingin sa akin na napako na sa kinatatayuan ko. "Hindi mo maalala?" tanong rin niya pabalik.

Naalala ko naman bigla ang nangyari.

Ang pagkakabaril sa babaeng kausap ko, na sana ay siyang magsasabi sa akin ng totoo.

Ang pagtakbo ko na walang kasiguraduhan kung saan ako papunta.

'Yong takot at sakit dahil sa nasaksihan ko.

Ang biglang pagbuhos ng ulan habang umiiyak ako at bigla siyang dumating, tapos.... niyakap niya ako.

Pagkatapos n'on ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

"Nawalan ka ng malay kaya malamang ay binuhat kita at dinala ka dito sa bahay ko."

"Paano ako nakapagpalit ng damit? I--ikaw ba ang nagpalit sa akin? M--may nangyari ba sa atin?

Bigla na lang siyang tumawa. "Hoy, ang dumi naman ng isip mo."

"Paano nga ako nakapagpalit ng damit?! M--may nakita ka ba?"

"Ano naman kung may nakita ako? Nabasa ka ng ulan. Gusto mo bang magkasakit?"

"Manyak ka ba?! Bakit hindi mo na lang ako iniuwi sa amin?"

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa 'kin. Noong nakita kita, takot na takot ka. Ano bang nangyari?"

Ewan ko pero bigla na lang akong tumabi sa kaniya. "May gustong pumatay sa amin."

"‘Yong babaeng dapat na magsasabi sa akin ng lahat...." Pinigilan ko ang nagbabadyang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. "She's dead. Ewan ko, iniwan ko siya doon na dapat hindi ko ginawa. Binaril siya s--sa harap ko pa mismo, at wala man lang akong nagawa."

"Don't blame yourself."

Tumingin ako sa kaniya. His eyes are so different right now, more soft than I knew eyes could be. The scary and mysterious man from my dream is gone.

Gano'n nga siguro, hindi lahat ng akala mong ugali ng tao ay totoo, lalo na't hindi pa naman kami gaanong magkakilala. At saka, sa panaginip ko lang nakikita.

Hindi pa rin ako makapaniwala na 'yong lalaking nagpapakita lang sa panaginip ko dati ay nasa harap ko na mismo ngayon, at kausap ko pa.

Kung dati ay takot ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya sa panaginip ko, ngayon ay ibang-iba na.

Pero tama bang kinakausap ko siya ngayon?

Bakit ko sinasabi sa kaniya ang tungkol doon?

He's just a stranger.

"Uuwi na ako."

I must trust no one.

"Gabi na, baka mapahamak ka pa sa labas."

Pero paano naman kung mapahamak din ako dito sa loob?

"I'm not supposed to talk to strangers. Aalis na ako."

Akma ko nang bubuksan ang pintuan nang pumasok din ang isang matandang babae. "Oh, mabuti naman at gising ka na, hija."

"Who... who are you?"

"Nagdala lang ako ng pagkain, baka kasi gutom ka na, hija. Mabuti na lang at nakita ka ng apo ko kanina, baka napa'no ka na sa labas."

Lola siya ng lalaki na 'yon?

Inilapag niya ang pagkain sa mesang nandito. "At ako nga pala ang nagpalit ng damit mo kanina. Mabuti na lang rin at may mga extra akong damit."

She smiled and I don't know what to respond.

"Dito ka na muna magpalipas ng gabi."

"Sorry po pero kailangan ko na pong umuwi. My mom and my little brother are waiting for me."

"Huwag ka ngang makulit," lumapit sa akin ang lalaki na 'yon. "Ibabalik kita bukas sa inyo. Ngayon, kailangan mo munang magpalipas ng gabi dito dahil delikado na sa labas."

"Pero nasa panganib ang buhay nina Mom ngayon! Sa tingin niyo ba makakatulog ako dito?"

He just sighed, iniabot niya sa akin ang cellphone ko. "Tawagan mo na lang sila para malaman kung ayos lang sila. Hindi kita papayagang lumabas dito dahil baka mapa'no ka sa labas. Baka ako pa ang mapagbintangan. Tss."

Hinila niya 'yong lola niya palabas at padabog na isinara ang pintuan.

What the hell was that?

Narinig kong ini-lock niya ang pintuan para masiguradong hindi na talaga ako makakalabas.

Ano bang problema ng lalaki na 'yon? Kaasar!

Kaagad kong idinial ang number ni Mom. Sobrang dami na niyang missed calls at text messages.

It's already 10 PM.

Nang sa wakas ay sagutin niya, napanatag ang kalooban ko.

"Mom--"

"Oh my God, Zemira! Where are you?! Kanina pa kita tine-text. Hinanap kita. I was worried, akala ko ay napa'no ka na."

Nag-alala pa tuloy siya.

"Mom, I'm sorry. Hindi na dapat ako lumabas kanina, pero huwag na po kayong mag-alala dahil okay lang namam ako dito."

"Can you just tell me kung nasaan ka? Nag-aalala na kami ng kapatid mo dito. Pupuntahan kita diyan ngayon. Wala kang kakilala dito, Mira! Jusko naman!"

"Mom, okay lang po ako kaya huwag na po kayong mag-alala. Nawalan po ako ng malay kanina at may nakakita po sa akin. I'm really sorry."

Ayaw ko munang sabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari kanina dahil baka mas mag-alala pa siya.

"Hindi ba't sabi ko naman sa 'yo na huwag kang magtiwala sa kung sinu-sino? Please tell me kung nasaan ka, pupuntahan kita ngayon."

"Mom, no! Gabi na po at saka okay lang po ako dito. Please mag-ingat po kayo diyan."

"But Zemira..."

"Okay lang po ako dito. Please trust me, Mom, uuwi po ako bukas."

"I trust you, but promise me, Zemira... uuwi ka."

"Promise."

I ended the call, at saka pinakawalan ang kanina pa gustong kumawalang luha mula sa mga mata ko.

Bakit 'to nangyayari sa akin?

Hindi ko na alam kung ano'ng iisipin ko.

Halos ilang minuto rin akong umiyak, and the door suddenly opened. "Hindi ka sumagot kanina sa tanong ko, pero ipinagtimpla pa rin kita."

Umupo siya sa tabi ko. "Kainin mo na 'yong pagkaing iniluto ni lola para sa 'yo, and drink this coffee para gumaan ang pakiramdam mo."

Is coffee his kind of alcohol?

"Hindi ako gutom. I'm not supposed to eat foods or drink coffee from STRANGERS."

"I'm not supposed to help strangers but I just did." Nginitian niya ako nang mapangasar.

"Kung wala kang tiwala sa pagkain at sa tinimpla kong kape, the kitchen is open for you. Ikaw ang magluto ng sarili mong pagkain. Ikaw ang magtimpla--"

"Okay, fine. I t---trust you."

Did I just say that?

"Pero huwag mo akong panooring kumain."

Kanina pa talaga ako gutom.

"Sino namang may sabi na papanoorin kitang kumain?"

Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at saka humiga sa kama.

"Gisingin mo na lang ako kapag tapos ka na... and don't you dare leave this house without my permission. Ayaw kong mapagbintangan kung sakaling may mangyari sa 'yo sa labas."

I just rolled my eyes.

"Whatever, stranger."

"And don't call me stranger again!"

"Hindi ko naman kasi alam ang pangalan mo, baliw ka ba?"

Bumangon siya sa kama at saka umupo sa harap ko

He's now staring at me.

Those eyes.

"I'm Theoden."

He smiled.

"Ngayon, puwede na ba akong matulog?"

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)