Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15M 584K 455K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 41

272K 12.9K 10.1K
By beeyotch

#RTG41 Chapter 41

Everything was normal. I'd wake up early to cook breakfast tapos ay ihahatid ko si Sandro sa school dahil malapit lang naman 'yung school niya sa office ko. I'd work for the whole day and have lunch usually alone... Ayoko na kasing ma-chismis. Mas mainam lumayo sa lalaki. I really didn't get the why they're interested about me, either. I just wanted to be a wallflower and work quietly.

But today was different.

I received an email from Irina.

Excited akong binuksan iyon dahil hindi ako madalas maka-rinig ng kahit na ano sa kanya. Kung ako lang ang masusunod, 'dun na rin kami titira ni Sandro sa malapit sa kanya. Pamilya pa rin naman kami... But our parents' death was really hard on her. Sa paningin niya, ako ang may kasalanan ng lahat... Siguro nga... Pero ilang beses na akong humingi ng tawad... 'Di ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin.

Pagbukas ko ng email, nagtaka ako dahil forwarded lang iyon. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang laman nun. It was an email from a lawyer saying that the people who 'adopted' me years ago just died and apparently, they left their land to me.

Agad na umawang ang labi ko.

"Mom!"

Mabilis akong napa-tingin sa labas at nakita ko na nandun na si Sandro at kuma-katok. I immediately unlocked the door and he got in.

"How was school?" I asked.

"Boring," sagot niya. "What were you reading?"

"Nothing," I replied, smiling at him as I started the engine of the car. Habang nasa sasakyan kami, nakita ko na tinitignan na ni Sandro iyong mga assignment niya. I was really lucky to have him. Wala akong problema sa kanya maliban sa pagiging pilosopo niya minsan. Often times, he felt older than his actual age. Hindi ko alam kung ganoon lang talaga siya o naging ganoon na lang talaga dahil kailangan niyang magmature nang maaga dahil dalawa lang kami.

He's also very protective of me. Madalas siyang napapa-away sa school dahil sa akin. Halos magmakaawa na nga ako sa kanya na 'wag niya na lang pansinin kapag may sinasabi tungkol sa akin. Hindi naman kasi totoo. Wala naman akong nilalandi na tatay sa school.

But I guess it's true...

Bad reputation precedes you.

Na kahit nagbago ka na, sa paningin ng iba, iyon ka pa rin.

Like you couldn't outgrow the bad traits and actually mature.

My son's still a kid. Pinagdadasal ko na lang talaga na hindi niya masyadong dibdibin iyong mga naririnig niya tungkol sa akin.

"Are we going on a vacation?" he asked.

"Where do you wanna go?"

"Hmm... Anywhere with a pool."

"What about Cali? You wanna go visit Tita Irina?"

Hindi sumagot si Sandro.

Kung ako ang masusunod, gusto ko na maging close sila ni Irina kasi tatlo na lang kaming pamilya... Pero malayo talaga ang loob ni Sandro kay Irina. Dati kasi nakita niyang sinisigawan ako ng Tita niya at simula nun, hindi niya na kinausap si Irina. Ilang beses ko nang pinaliwanag na may pinag-uusapan lang kami, pero sa paningin niya, kaaway na si Irina.

It's just so complicated.

Kaya kung pwede lang, sana magkita na sila ni Sancho... Dahil pakiramdam ko kapag tumagal pa nang tumagal, hinding-hindi na siya tatanggapin ni Sandro.

"What about... Philippines?"

"No, thanks."

"Why not?"

"I've heard negative feedbacks."

Bahagya akong natawa. "Such as?"

"Basta," he said with a slight accent. He could understand Tagalog very well dahil kinakausap ko siya. Nakakapagsalita rin siya, pero mas kumportable siya sa English.

Hindi ko na siya pinilit pa. Maybe next time. Kapag kasi pinilit siya, mas lalo siyang aayaw. Baka hindi pa ako kausapin nito bigla. Ang boring pa naman sa bahay kapag hindi niya ako kinakausap.

The days continued. Same routine pa rin. Nung birthday ni Irina, nagpadala ako ng bouquet ng paborito niyang bulaklak sa opisina niya. Hindi ko kasi alam kung saan na talaga siya naka-tira. Nung death anniversary nila Mama at Papa, dumalaw lang kami ni Sandro. He was very quiet. 'Di niya na rin kasi naabutan sila talaga. Baby pa talaga siya nang mawala iyong lolo at lola niya.

"Mom... Let's go to the public pool or beach or wherever. I just wanna swim," sabi niya sa akin.

"Philippines has lots of great beach," sabi ko sa kanya. "We can go to Boracay or Palawan."

"No."

"Why?"

"Why do you wanna go back to that place, anyway?" naka-kunot na noo na sabi niya. "Do you wanna see my father?"

"What?" tanong kong bigla.

"Do you still love my dad?"

"Where is this coming from?"

"Why are you suddenly bringing up Philippines in every conversation?"

Oh, my god...

Ang sakit sa ulo ng batang 'to!

Napa-hilot na lang ako sa sentino dahil sa sinabi niya. It's been a decade... I didn't know if I still love him. I still think about him from time to time... But it's more about wondering kung bakit hindi man lang siya nagparamdam... Alam niya naman na may anak kami... Hindi ko naman sa kanya tinago...

I was sure he had a reason.

Hindi naman siya iyong tipo ng tao na bigla na lang magpaparamdam na walang dahilan.

But I wished he'd reached out sooner... dahil palayo lang nang palayo iyong loob ng anak niya sa kanya. Soon, dalawa na sila ni Irina na may self-pact ata si Sandro na hindi niya na papansinin kahit kailan.

"I'm not bringing up Philippines because of your dad," kalmado kong sabi sa kanya. "It's because a lawyer contacted me saying that someone left a land in my name."

"A land?"

"Yes."

"How big?"

"It's big..." sabi ko habang inaalala iyong mga panahon na nasa bukid lang ako at bored na bored. Gustung-gusto ko noong maka-labas... Kahit sa bayan lang, masaya na ako... 'Di ko naman alam na guguluhin pala ng Maynila ang buong buhay ko.

Pero tapos na 'yun.

Lessons were learned.

And I got Sandro in the process.

I didn't want to play the blaming game anymore. I did bad things. I suffered the consequences. I'm just trying to be better. Iyon lang naman talaga ang pwede kong gawin.

"Like how big?"

"You remember the ranch we went to before? Maybe that big," sabi ko sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata niya. I saw the excitement in his eyes. Nagtatampo sa tatay niya... 'Di ba niya alam na may hacienda ang tatay niya? Namana niya siguro kay Sancho iyon. Mahilig sa mga hayop si Sandro, e. Nung bata pa siya lagi kaming pumupunta sa zoo.

"So... changed your mind about the Philippines?"

"Hmm... I'll think about it."

Napa-iling na lang ako. Ang daming arte ng batang 'to.

Pagdating namin sa bahay, habang nagluluto ako, ramdam ko na naka-tingin siya sa akin. Ganito siya kapag may sasabihin siya sa akin pero hindi niya alam kung paano sabihin. Parehong-pareho sila ng tatay niya. Hilig ng naka-tingin na ganito.

"What?" I asked while frying.

"Maybe 1 week..."

"Philippines is so far. Tapos 1 week lang tayo?"

"Fine. 2 weeks. That's it."

"Fine," sabi ko. "Where do you wanna go? Boracay?"

"Yes, please... Do you have zoo there? Can we visit?" tanong niya habang nae-excite na talaga. Habang kumakain kami, ang dami niyang tanong tungkol sa Pilipinas. I was happy that he's excited. Alam ko na galit siya dahil sa mga nabasa niya tungkol sa nangyari sa akin... But I really didn't want him to carry that burden. I didn't want him to live with a heavy heart.

Nagpaalam na ako sa boss ko na magli-leave ako ng 2 linggo. Pinayagan naman niya ako dahil never pa naman akong nagleave saka maayos naman akong magtrabaho. Bumili na rin agad ako ng ticket dahil baka magbago pa ang isip ng anak ko.

"Mom..." sabi niya habang nasa airport kami at naghihintay.

"Hmm?"

"Do you have friends there?"

"Of course."

"Are they nice?"

"Very."

He didn't answer. I tousled his hair. It would really take a lot of work for him to see Philippines in a new light... Siguro talagang na-associate niya na puro bad memories lang kapag naririnig niya ang salitang Pilipinas.

"We're still coming back, right?"

"Yes. Here's our return ticket," sabi ko sabay pakita sa kanya nung naka-print na ticket para sa pagbalik namin.

"Good," sabi niya.

Sandro lived his entire life in Seattle. Kung gusto niyang dito talaga kami, dito kami. I wouldn't uproot his whole life kung ayaw niya nun. Baka ibenta ko na lang iyong lupa. Gusto ko lang na pumunta kami sa Pilipinas... para makilala niya si Sancho. Nag-aalala kasi ako na kapag tumagal nang tumagal, wala na talaga silang pag-asa.

God... I wished Sancho had a reason good enough for Sandro.

Halos hindi naka-tulog si Sandro buong flight. Nanonood lang siya ng mga movie at saka hingi nang hingi ng pagkain sa flight attendant. Nakikita ko rin na patingin-tingin siya sa monitor para makita kung gaano na kami ka-lapit sa Manila.

He's excited.

That's good.

Pagdating namin sa Manila, agad siyang nagreklamo dahil sa sobrang init. Natawa na lang ako sa kanya. Pagdating naman namin sa hotel, naka-tulog na agad siya. Ni hindi man lang nagpalit ng damit! Pinabayaan ko na lang dahil hindi rin naman siya talaga naka-tulog buong flight.

Umaga lumapag iyong flight namin pero gabi na nang magising siya. Nag-aya agad siya na lumabas para kumain. May resto naman sa baba nung hotel pero may mga malapit din naman na fastfood sa labas.

"What do you want to eat?"

"Hmm... I want burger and fries and—"

Agad siyang natigilan nang matigilan ako sa paglalakad. Agad na bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ko si Sean sa harapan ko. He was looking at me like he'd seen a ghost...

"Sean..." pagtawag ko sa pangalan niya.

Pero nasa kasama ko ang tingin niya.

Hindi ako maka-galaw.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya. Dalawang araw lang kami sa Maynila. Didiretso na kami sa Isabela para tignan iyong lupa... At saka makita si Sancho, kung sakali... Sa dulo na kami pupunta sa Boracay para pampalubag-loob kay Sandro kung sakaling anuman ang mangyari sa pagkikita nila ni Sancho.

"Hi," sabi niya kay Sandro.

"Hello," sagot ng anak ko.

Halos hindi ako maka-hinga sa paghihintay sa susunod na magaganap. Mabilis na umawang ang labi ko nang ngumiti si Sean sa kanya.

"I'm Sean."

"I know," mabilis na sagot ni Sandro.

"Be nice..." sabi ko habang hinawakan siya sa braso. I looked at Sean and smiled awkwardly. "I... I just needed to fix some things here in Manila... We'd leave immediately..."

Matagal na iyong lumipas, pero hindi ko alam kung galit pa rin sa akin si Tita Shirley. Siguro. Pero sana 'wag ng madamay si Sandro. Wala naman siyang kasalanan sa mga nagawa ko noon.

"It's okay," Sean replied, smiling at me. Napatingin siya sa singsing na suot ko. Ilang segundo rin na naka-titig siya roon. Gusto kong itago kaya lang ay baka magtaka siya.

Tipid lang akong ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. I just wanted a clean slate. But I wished he's happy. I wished he's found the one who'd make him happy. I was sure he'd make a great husband and father.

Kamusta na kaya si Sammie? Ka-edad siya halos ni Sandro.

Si Kelsey? Sila kaya? I wanted to know... but I didn't have the guts to ask. Sana lang masaya sila sa kung anuman ang nangyari sa kanila.

"Mom..." Sandro said, pulling my arm. "I'm starving."

"Okay, okay," sagot ko sa kanya at saka tumingin kay Sean. "Uhm... Nice seeing you," pagpapatuloy ko bago kami umalis ni Sandro. Ramdam na ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko.

"First night in Manila and we already saw your ex-husband... What kind of luck do you really have, Mom?" tanong niya.

Piningot ko iyong tenga niya. "Just eat your burger."

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami pabalik sa hotel. I was busy looking for the keycard in my bag nang mapa-hinto ako dahil hinatak na naman ni Sandro ang braso ko.

"What—" I asked and I felt like my whole world stopped spinning nang makita ko silang lahat sa harapan ko. What... the hell? Bakit nandito silang lahat sa lobby ng hotel?!

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 802K 58
Genesis thought she already found the love of her life. Bakit naman kasi hindi? They've been together for so long that she couldn't remember a time w...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.1M 35.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
111K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...