EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

332K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 10

9.7K 177 12
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 10

ISANG malakas na sigaw ang nagpagising sa payapang pagtulog ni Belle.  Dagundong ng balde sa labas pati ang mga yero na kumakalampag ay hindi rin nagpaawat.

“What the hell?!” Bulalas ni Belle at napabalikwas nang makita na ang mataas na sikat ng araw. Kaagad niyang kinuha ang relo at doon nakita na siya’y kailangan ng pumasok sa paaralan.

“Jaica! Jacia!” Malakas na sigaw ni Belle at hinatak sa sampayan ang kanyang damit. Nag-igib ng tubig si Belle upang makaligo na kaagad.

“Pambihira, hindi man lang ako ginising!” Reklamo niya habang nagbubuhos ng tubig na nanggagaling sa drum.

Nagmadali si Belle na isuot ang pantalon at t-shirt pagkatapos ay dinampot ang kanyang bag.

Basta na lamang kumaripas sa pagtakbo si Belle  at hindi inalintala ang init ng araw. Bitbit niya ang tungkod na payong pero hindi niya ito magamit. Panay ang mabilis na paglalakad ni Belle hanggang sa maabutan siya ng matinding trapiko sa kalsada. Walang masakyan na public utility vehicle ang dalaga dahil lahat ng mga ito ay punuan. Hindi rin naman siya makasakay ng taxi dahil kulang naman ang kanyang pamasahe. 

Belle chose to run at para bang nakikipag patintero sa kalsada hanggang sa.

“Ano ba iyan!” Bulalas niya at nasagi ang braso niya ng isang itim na van. “Mag-ingat nga kayong magmaneho!” 

Hindi napigilan ni Belle ang labis na pagkagalit at hinampas niya ang tungkod na payong sa sasakyan. 

“Bwisit napaka kamote driver!” 

Nagpatuloy sa pagtakbo ang dalaga hanggang sa makarating siya sa loob ng eskwelahan.

Patuloy pa rin pinagtitinginan si Belle dahil dalawang buwan na mula ng pumasok siya sa paaralan na ito, wala pa rin siyang uniporme. Tinuloy ni Belle ang pagiging fourth year high school kahit tumapak na siya  ng eighteen.  Hindi rin naman niya ikinakahiya na  siya ang pinakamatanda sa klase, siya rin ang may mababang grado.

“Hay naku Belle. First subject late ka. Mababa na nga ang grades mo, late ka pa. Paano pa kita hahatakin para makagraduate ha?” Pamamahiya ng class adviser nila

“Pasensya na, Ms. Guzman.”

“Kailan ka ba magkaka-uniporme ha? Hindi ba’t noong third year ka, may sinusuot ka? Hindi ka rin naman transfer diba?”

“Luma na po kasi ang uniform ko. Bigay lang iyon ng mga grumaduate.”

“By next week dapat naka uniform ka na. Dahil hindi ko papayagan na papasok ka pang naka civilian sa advisory ko.”

“Copy, Ma’am Guzman.”

Tahimik na umupo si Belle sa likuran niyang puwesto. Ang ibang kaklase niya’y tinatawanan siya dahil paulit-ulit na lang din ang suot niya.

Malaki ang ipinagbago ni Belle pagkatapos ng ilang taon. Belle is turning nineteen this year. Legal na legal na ang edad niya kumpara noon na pinipeke niya ang edad para makapagtrabaho kasama si Jaica. 

Mula sa payat na pangangatawan noon, ngayon na humubog ang ganda ng katawan ng dalaga. Sa kanilang dalawa ni Jaica, si Belle lamang ang may pangarap. Kung si Belle ay inaayos ang landas ng buhay, si Jaica na napariwara ang buhay. Hindi nito tinuloy ang pag-aaral at nanatiling trabahante sa bar ni Donya. Hirap man si Belle sa pagbabayad ng tuition fee pinipilit pa rin niyang makapagtapos kahit high school laman kung kakayanin.

Malaki rin ang pinagbago ng kanyang ugali kumpara noon. Belle became reckless, risk taker, tackles, social climber and materialistic. Umarte rin siya kaya wala talaga siyang nakakasundo sa loob ng silid aralan. Lagi siyang nakikipag kompetensya sa mga kaklaseng mayayaman.

Nagbibilang lang ng oras si Belle hanggang sa dumating ang breaktime. Kinuha niya ang cellphone at sinimulan tawagan si Jaica.

“Hoy, ikaw. Bakit hindi mo naman ako ginising?”

“Belle, may sideline kasi kay Donya kaya sumama ako.”

“Pwede bang pautang?”

“Ha? Sabi ko naman sa iyo, kung hindi na kaya tumigil ka na.”

“Fourth year na ako, Jai. Titigil pa ba ako?”

“Edi sana iyang mga binibili mong bag at cellphone, ipinambili mo na lang ng uniform at pang tuition.”

“Eh kailangan sa work diba? Alam mo naman palagi tayong naka make-up para gumanda para na rin sa tip.”

“Eh kaso nga, ang gastos mo. Kung saan-saan mo tinatapon ang pera mo. Bago ka magpautang at magbigay sa iba, unahin mo kaya ang sarili mo? Sigurado napagalitan ka na dahil hanggang ngayon naka civilian ka pa rin pumasok.”

“Hay naku, huwag na nga. Nanghihiram lang ako nanermon ka pa!”

“Wala rin akong pera ngayon, nagbayad akong renta.”

“Okay.”

Binaba ni Belle ang cellphone at ngumuso lamang ito. Tiningnan niya ang cellphone at ito ang napagdiskitahan niyang ibenta. 

“Isangla na muna kaya kita?”

Hindi mapigilan ni Belle na gumastos dahil pilit niyang inaabot ang mga bagay na hindi siya nagkaroon dati. Kahit ba peke na pabango ay kanyang bibilhin para lamang masabi na meron din siya nito. 

Nang matapos ang isang buong araw sa paaralan,  nagmadali si Belle na umuwi para sa kanyang trabaho. Ngunit bago siya makalabas ng paaralan, dinaanan niya ang school supplies section sa kanilang paaralan kung saan pwedeng bumili ng ready made uniforms.

“Dalawang libo, dalawang pares,” bulong niya.

“Oh, Belle? Bibili ka na ba?”

Napatingin si Belle sa nagsalita at nakita si Ms. Guzman.

“Ah opo by tomorrow,” sinabi ni Belle habang may pilit na ngiti sa kanyang mga labi.

Umiwas si Belle at nagmamadaling lumabas ng eskwelahan. Diniretso niya ang pawnshop upang isangla ang cellphone.

“Sa inipon kong mga sahod, ikaw ang binili ko. Sa ngayon ikaw muna ang last chance ko.”

Hindi mapalagay si Belle dahil kahit anong sulat niya sa form, panay ang   pag buntong-hininga niya. Hindi niya mabitawan ang kaisa-isang cellphone na mahalaga sa kanya.

“Pambihira. Hindi na nga ako magpapautang! Hindi rin naman marunong magbayad ang mga letse!” Nagkakamot ng ulo si Belle at tinatapos ang form para sa pagsangla. Nakatingin lamang si Belle sa hawak na kapirasong numero at hinihintay niya na matawag siya. 

“Bwisit kasi na titser na ‘to. Pinahiya pa ako,” reklamo ni Belle hanggang sa mapatingin siya sa salamin. Kitang-kita niya ang bata na sumalisi sa bag ng isang matanda. Napalunok si Belle at tinaas ang dalawang kamay.

“Hindi… tumigil ka na sa pagnanakaw. Hindi mo na iyon uulitin. Hinding-hindi ka na gagawa ng ilegal,” paulit-ulit na sinisigaw ni Belle sa kanyang isip hanggang sa bigla itong tumayo at padabog na sinara ang pintuan ng pawnshop. 

“Binubulungan na naman ako ng demonyo.”

Naglalakad sa init ang dalaga hanggang sa makapasok siya sa isang grocery para bumili ng pagkain.

“Gutom lang ito. Hindi na ako gagawa ng mali.”

**

“Where are you going, Gael?” tanong ni Hugo habang nilalaro ang ballpen.

“Lalabas lang po ako. May bibilhin lang po ako sa botika.”

“Are you okay? May clinic sa loob.”

“Opo, pero naubusan daw po ng painkillers”

“I have here,” seryosong sinabi ni Hugo pagkatapos ay nilapag ang bala ng baril.

“Ano pong gagawin ko sa bala?”

“Lunukin mo.”

Napabuntong-hininga si Gael dahil kahit kailan ay walang matinong sagot ang amo.

“Sir, permission to go out.”

“Sige-sige, lumabas ka na. Baka umiyak ka pa,” maloko niyang sinabi.

Tumuloy sa paglalakad si Gael hanggang sa makalabas ito paputa sa kanyang motor. Mabilis niya itong pinatakbo hanggang sa makarating ito sa isang grocery store. Napahawak na lamang ang binata sa kanyang sentido hanggang sa  maabutan niya ang mahabang pila. Ito lamang ang pinakamalapit na botika na kanyang pinagbibilhan ng gamot dahil wala rin siyang receta kung lilipat siya ng ibang tindahan.

Kinuha ni Gael ang kanyang pitaka at binibilang ang pambili niya ng gamot. Walang kamalay-malay ang binata na may nagmamasid sa bawat kilos niya.

Bitbit ang isang ice cream cone, napanganga na lang si Belle dahil nahuli ng kanyang mga mata ang libo-libong pera mula sa isang binata. Halos lunukin ni Belle ang buong ice cream habang binibilang gamit ang mga mata ang kanyang nakikita.

“Fifteen? Thirteen? Teka? Hindi na ako sigurado… hindi na yata matalas an–”

Hindi natapos sa pagsasalita si Belle nang makita niyang hinawi ng binata ang long sleeves at doon niya nakita ang mamahaling relo.

Tumingin si Belle sa paligid at napansin niyang walang kasama ang binata na nakapila sa botika. 

“Belle, hindi ka gagawa ng masama… pero kailangan ko talaga ng pera…” kagat labi si Belle at sinundan ang lalaki. Hinintay niya itong matapos hanggang sa makita niyang nilalagay nito ang biniling gamot sa kanyang pitaka.

“Promise, ngayon lang… tapos hindi na talaga ako uulit,” bulong niya sa sarili at sadya niyang sinalubong ang binata.

“Oh! Sorry!” Bulalas ni Gael at napatingin kay Belle.

“Sorry! Nagmamadali kasi ako!” Nanginginig ang boses ni Belle at biglang tumakbo. Mabilis na dumaan ng kabilang exit si Belle at pumara ng tricycle. 

Nararamdaman niya ang panginginig ng kamay at patuloy ang paglingon niya sa likuran. 

“Sana hindi niya ako napansin… sana hindi talaga. Kundi ikakukulong ko ito. Baka sa impyerno na ako tumira!” Sinabunutan ni Belle ang kanyang buhok at panay ang mabibigat na paghinga.

    Sa pagbaba ng dalaga, muli siyang tumakbo at mabilis na binuksan ang pintuan.

    “Oh my gosh!” Bulalas niya nang makita si Jaica.

    “Bakit ang putla mo? Okay ka lang? Baka nagpalipas ka na naman ng gutom?”

    “Ah-ah-eh, hindi… kumain naman ako, Jai,” tugon ni Belle at diretsong pumasok sa loob ng banyo. 

    Binuksan ng dalaga ang kanyang bag at doon inilabas ang wallet. Pagtingin ni Belle sa nakuha niyang wallet, halos magdilim ang paningin niya at pilit na hinalungkat ang bawat sulok ng pitaka.

    “Punyeta? Bakit resibo ang laman? Nasaan ang libo-libong pera?!” bulong ni Belle sa sarili habang nagpapawis ang kanyang noo at buong katawan. “Hindi kaya’t nalaman niya? Paano kung sundan niya ako? Patay ako nito!” 

   

    Narinig ni Jaica mula sa labas ng banyo ang ilang beses na pagsinghot ni Belle kaya naman sinubukan na niyang katokin ang kaibigan niya.

    “Okay ka lang ba d’yan, Belle? Umiiyak ka ba?”

    “Ayos lang ako, makirot lang ang sikmura ko. Naalimooman yata ako,” pagdadahilan ni Belle upang hindi siya mahalata ng kaibigan.

    Mabilis na pinasok Belle ang wallet ng binata sa loob ng kanyang bag pagkatapos ay kunwari na binuhusan ang inidoro.

    “Ano, kaya mo bang pumasok mamayang gabi?”

    Tumango naman si Belle at padabog na inilapag ang kanyang bag sa kama.

    “Papasok ako, kailangan kong kumita eh? Dapat bukas makabili na ako ng uniporme.” 

    “Bumili ka na bukas. Kapag may tip ako mamaya, sa iyo na para naman hindi ka na mapagalitan.”

    Biglang yumakap si Belle kay Jaica kaya natuwa ang kaibigan. Hindi alam ng dalaga na lumabag si Belle sa kanilang pinag-usapan na wala ng dapat  gagawa ng ilegal o pagnanakaw. 

    “Salamat, Jaica.”

    “Kumain ka na nga. Ang lamig ng balat mo,” saad ni Jaica kaya naman sumunod si Belle sa utos ng kaibigan.

    Mula sa kabilang dako, panay ang paglalaro ni Gael sa nabili niyang lollipop. Nakaupo pa rin ang binata sa kanyang motorsiklo habang kinakalkal ang wallet ng dalaga na bumungga sa kanya.

    “Mahusay… pero hindi ako maiisihan, Miss. I was trained by the most handsome Mafia Priest.. Franklin Hugo."

    Nakita niya ang school I.D nito at kakapiranggot na pera. “You seem familiar. Parang nakita na kita dati… hindi ko lang matandaan kung saan.”

Continue Reading

You'll Also Like

34.7K 1.1K 54
GABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despit...
21.2K 672 33
[ COMPLETED ] JACK ( Demonic Series #5 ) WARNING : R18 || SPG || Mature Content ━━━━━━━━━━━━ " Mahal kita. mahal na mahal at ikaw lamang ang babae...
1.2K 127 95
WARNING: MATURED CONTENT | RATED 18 He love to tease other people 5/30/2023
10.6K 405 32
Mafia boss meets the lovely lady guard. Orange Lily (a flower that means hatred, pride and disdain).