EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

Par HeavenKnowsFLO

333K 11.2K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... Plus

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 8

11K 187 3
Par HeavenKnowsFLO

CHAPTER 8

ILANG linggo ng kumikirot ang balakang ni Belle dahil sa mano-mano niyang pag-alis sa bilog na metal mula sa sindikato na kanyang pinagmulan.

"Bakit naman kasi ngayon mo lang inalis?"

"Inaaral ko lang talaga kung totoo na mahahanap nila tayo."

"Ilang taon na ang nakalipas magmula nakatakas tayo sa sindikato na iyon. Malamang sa malamang, wala na sila, lalong tingnan mo at tatakbo pa bilang Presidente si ex General Jacob. Siguradong tuloy-tuloy na ang pag-aayos ng bansa."

Umiling si Belle at tiningnan muli ang metallic silver na kanyang inalis.

"Hindi pa rin, Jai. Nakikita mo naman na nandoon pa rin ang mga batang sindikato sa daan. Worse is, pati laman loob binebenta na ngayon."

"But at least, nabawasan kumpara noon."

"Hindi tayo sigurado."

"Hay naku! Huwag mo nang problemahin dahil nand'yan ang pamilyang Valentin. Sigurado naman akong may underground plan pa rin sila kahit sabihin pa sa publiko ng right hand niya na tapos na ang pakikipaglaban."

Tumayo si Belle at inilagay sa kahon ang bagay na iyon pagkatapos ay nakita niya ang ilang pekeng I.D. She herself faked her identity to be employed in different jobs. Nag-iba ang ihip ng hangin at ang paniniwala ng dalaga ay tuluyang nabali. Belle became more sassy at ayaw talaga ng mga kaklase niya sa kanya.

"Belle, nga pala… maaga ang pasok ko kay Donya. Gusto mo ba ng overtime pay?"

"Hindi, may lalakarin ako."

"Ano na naman ang plano mo?"

"Hirap na hirap akong mag-apply ng scholarship dahil saktong pumapasa lang ang grades ko."

"Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang ituloy. Maganda na ang takbo ng trabaho natin kay Donya."

"Sayang naman dahil sa pasukan, graduating na rin ako sa highschool. Late na nga ako sa pag-aaral eh?"

"Eh kaso naman hindi naman pasok sa standards ang grades mo. Imagine, eighty-seven ang standards nila sa grading system sa munisipyo tapos, eighty-three lang ang highest mo, Physical Education pa," tumatawang sinabi ni Jaica.

"Gago ka talaga? Eh anong magagawa ko kung hindi naman katalinuhan?"

"Gamitin mo na lang ang katawan, yayaman ka pa. Tutal sirang-sira na rin tayo, edi pagkakitaan na lang," malokong sinabi ni Jaica.

"Baliw! Gusto ko pa rin maging Titser."

"Sus? Ikaw? Anong ituturo mo? Kung paano magnakaw?"

Tawang-tawa si Belle at sumang ayon kay Jaica. Hirap man sa buhay ang dalawang dalaga, nanatili silang lumalaban para magbago ang buhay nila. Ngunit ang pagbabago na gusto nila ay nasa byaheng papuntang langit. Jaica became a bartender at madalas din na nakikisayaw kapag kulang ang mga dancer sa club. Si Belle naman na nanatiling waitress dahil hindi marunong sumayaw. Madiskarte si Belle sa buhay, pero hindi matalino sa pag-aaral. May mga bagay siyang alam at patuloy na inaaral pero mahina ang pag-intindi niya sa iba't ibang subject sa paaralan. 

Nagpupursige pa rin ang dalaga kahit ganito ang nakukuha niyang mga grado. Hindi rin naman masisi dahil palagi siyang puyat upang kumayod.

Dinampot ni Belle ang papeles at doon sinimulang bitbitin palabas ng bahay.

"Oh, mag-ingat ka ha? Ipang laban mo iyang palakol mong grades!" 

"Gaga! Kapag ako nakatapos, who you ka talaga sa akin!"

Nagpatuloy sa paglalakad si Belle at doon nariring na naman niya ang patuloy na pambabastos ng mga kalalakihan sa estero. Walang may alam na isa silang trabahador ng Red Light District. Ayaw din naman nilang ibalandra sa publiko ang trabaho lalo na si Belle na nangangarap maging guro.

Patuloy na naglakad si Belle hanggang sa makarating sa loob ng munisipyo. Pinunasan niya ang pawis at lumapit sa matatandang nagbibigay forms para sa mga scholarship.

"Patingin ng report card, hija?"

Nagdadalawang isip si Belle na ibigay ang third grading period report card sa matanda hanggang sa hinablot nito at halos tawanan siya ng mga nakaupo.

"Hija, hindi pasado ito. Halos ng grades mo seventy-six at consistent. Malabong ipasa ang scholar mo. Mag-aral ka muna ng maigi."

"Pero gusto ko nga pong makapag kolehiyo."

"Naku, mukhang repeater ito? Eighteen na tapos hindi pa tapos ng highschool?" Saad ng isa pang matanda.

Napalunok si Belle at nahiya dahil ginawang katatawanan ang grades niya sa harap ng mga nakapila. Tikom ang bibig niya upang pigilan ang sarili na magmaldita.

"Naku, balik ka na lang kapag okay na ang grade mo."

"Pambihira. Palibhasa palakasan dito!" Asar na sinabi ni Belle at padabog na kinuha ang report card. "Yayabang niyo, naupo lang naman kayo sa pwesto niyo dahil sa backer!"

Asar na lumabas ang dalaga at nilukot ang scholarship form pagkatapos ay binato sa kung saan. Walang tinitigan at diretsong naglakad si Belle para mag-abang ng jeep.

Mula sa kabilang dako, inip na inip si Hugo kahihintay kay Gael dahil sa ginawa nilang pag-uusap sa Mayor ng lungsod. Franklin Hugo took over the scholarship in town dahil ang dating may hawak dito ay  El Asesino. 

Sa sobrang inip ni Hugo, bumaba na lang ito sa van at naglakad-lakad. Sinindihan niya ang tobacco hanggang sa mapansin niya sa kanyang mga paa ang lukot na papel. Napatingin siya sa lugar kung saan ito galing at doon nakita ang maliit na babaeng basta na lang nagtapon ng basura.

"Katabi ang basurahan pero nagkalat sa paligid?" Bwisit na sinabi ng binata at dinampot ang papel para itapon. Ngunit sa kanyang pagtingin, natagpuan niya ang one by one picture nito. Gusot ang mukha kaya naman nagkaroon ng interes ang binata na dalhin ang form ng scholarship sa loob ng van. He turned off his cigarettes and took his ball pen. Sa sobrang inip ni Hugo, nilagyan niya ng sungay ang one by one picture ng babae. Inalis niya ang dikit sa form at tinapon ang papel. Iniwan niya ang litrato at gumuhit ng kung ano-ano.

Meanwhile, biglang bumukas ang pintuan at si Gael ito na may hawak na street food.

"Ang asim?"

"Nagutom ako, Sir."

"Pahingi."

Parang bata na kumuha si Hugo ng pagkain at  ngumiti ito dahil nasarapan sa kinakain.

"What's this?"

"Chicken feet."

Naubo at halos isuka ni Hugo ang kinain dahil sa sinabi ni Gael.

"Papatayin mo ba ako?!"

"Sorry, sir.  Pero kumuha ka po kasi ng hindi nagtatanong kung ano ang pagkain."

"Kasalanan ko pa?!"

Bwisit na uminom ng tubig si Hugo at pinaliguan ng alcohol ang bibig. Nagpipigil ng tawa si Gael dahil sa ilang linggo na pananatili nila sa Pilipinas. Walang bagay na hindi kinabubwisitan si Hugo.

"I have a meeting with Vito, hindi ko siya matawagan," reklamo ni Hugo.

"I will try sir."

Kinuha ni Gael ang cellphone at sinubukan tawagan si Vito gamit ang kanyang number.

"Nag-ring naman po?"

"Try it here on my phone."

Sinubukan naman ni Gael. "Call ended? Maybe he blocked you?"

"What? Bakit naman?"

Tiningnan ni Gael ang call logs at text messages ni Hugo kay Vito ng patagong pangangalkal.

Halos maibuga ni Gael ang mga nabasang mensahe mula sa amo.

"Kaya pala, hindi ka nirereplayan."

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
12.6K 562 59
|R-18+| AKIRA SENDOH Dakilang stalker - ito ang madalas ibansag kay Teresa Jean Yamada dahil sa mala-obsessive na pagkakagusto nito sa kanyang napili...
77.4K 2.4K 34
DEMETRIUS AUGUSTUS is a man who has everything that every girls wished for. Looks, wealth and fame. He is known for being ruthless in the business wo...