EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 7

10.9K 179 9
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 7

PRESENT TIME

LUMIPAS ang ilang taon, nanatiling nagbabantay si Franklin Hugo sa pagbabalik ni Don Vito. Nakakuha siya ng ilang balita sa kanyang mga tauhan sa Pilipinas na buhay ito at itinutuloy ang laban sa Black Umbrella under Russ. Hindi naging madali kay Franklin Hugo na maghintay sa ibang bansa.

Akmang kukunin ni Franklin Hugo ang telepono upang tawagan si Vito nang biglang kumatok si Gael sa kanyang opisina.

“Come in!”

“Sir! An urgent call from Mr. Valentin!”

     Halatang nagulat si  Hugo dahil sa sinabing balita ni Gael. Nagmadali ang binata na sagutin ang tawag nito hanggang sa bumungad sa kanya ang boses ni Vito.

“Frank.”

“Don Vito! Hola mi amigo! How are you?”

“I am good, we are all good. Didiretsuhin na kita, I’d like to invite you here in the Philippines.”

“Really? Sure! When will I book my flight?”

“You already have your flight schedule. I will send it to you, amigo.”

“Hmm, wala talaga akong kawala.”

“Wala, I know you will enjoy this. You like hot girls, right? Marami sa Pilipinas, mamili ka na lang,” malokong sinabi ni Don Vito.

“Fine! Send it to me ASAP.”

Patawa-tawa na binaba ni Hugo ang linya hanggang sa matanggap na ni Gael ang email mula kay Vito.

“Sir, my name is here. Kasama ako sa Pilipinas.”

“Malamang, kahit saan naman kasama kita diba? Ayaw mo ba iyon? Para naman ma-first blood ka na,” malokong sinabi ni Hugo pagkatapos ay tinalikuran si Gael.

Nagkakamot naman ng ulo ang binata dahil palagi na lamang siyang inaasar ni Hugo pagdating sa ganitong bagay. 

Gael Choi Rodrigo is one of his loyal guards. Ang dalawang alalay niya’y nagbuwis ng buhay dahil sa mga kalaban na Mafia Lords. Si Gael na lamang ang katuwang niya sa lahat ng bagay. A nerd Korean-Mexican  blood. He knows how to speak Tagalog, Mexican, Korean and Spanish dahil sa pagbibigay pag-aaral ni Hugo sa kanya. He was like a father to Gael, walang alalay niya ang nakakaramdam ng gutom at ang mga anak nito’y nasa mamahaling paaralan sa Espanya. 

Sa patuloy na paghahalungkat ni Hugo sa kanyang mga gamit at ilan pang papeles. Hindi niya sinasadya na mahulog ang isang asul na envelope. Umupo ang binata sa kanyang swivel chair at binuksan ang napulot na dokumento. 

As he opened the envelope. Bumulaga roon ang mga kopya ng tseke na ipinapadala o i-di-no-donate niya para sa charity ni Don Vito. Cancer patients, home for the aged at mga mental hospitals. Nagpatuloy pang  inilabas ni Hugo ang mga nasa loob nito hanggang sa makita niya ang isang printed screen shot mula sa ilang taon na nakalipas.

“This young lady stole my money. Kung hindi lang ako nagka-emergency call from here, baka matagal ka nang naging pataba sa mga halaman,” asar niyang sinabi at pabalang na pinasok sa loob ng attache case ang litrato.

Franklin Hugo, a son from a hidden Mafia Boss in the Philippines. Maraming nagtataka kung paano umusbong ang El Hombre Mafia na sumusunod din sa pangalan ng El Asesino. Anak ng isang Pari at Madre si Hugo. Isang makasalanan na pagmamahalan mula sa dalawang taong nagtatago rin tahanan ng Panginoon.

Habang nagliligpit ng gamit si Hugo, napatingin siya sa dating uniporme sa simbahan. Pasimpleng ngumisi ang binata at inalala ang nakaraan. He gently closed his eyes until he saw how he looks like before. 

Franklin Hugo was the most handsome Priest in town of Basilica Spain. Kilala siya sa tawag na Father Hugo dahil nakilala ang pangalan na “Hugo” bilang kanyang first name at hindi surname. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Madalas na inaakit siya ng iba para lumabas siya ng simbahan o gumawa ng labag sa bibliya katulad ng kanyang mga magulang.

But in the end, he disobeyed the bible and the Church. Because of love, Franklin Hugo fell in love with the first and last woman he met.  

Napalunok si Hugo at kinuha ang damit sa pagiging Pari. Tiniklop niya ito at itinago sa ilalim ng kama.

“How are you now, Flor? If I could bring back time, sana noon  pa tinanggap maging Mafia boss para naisalba kita sa hukay.”

Bahagyang nagtutubig ang mga mata ni Hugo ngunit bigla rin siyang ngumiti. Umiling din ang binata hanggang sa binagsak niya ang sarili sa kanyang higaan. He felt the pain while he close his eyes and fall asleep.

***

“PUNYETA!” 

Isang malakas na sigaw ng first lady  habang sakay-sakay ito ng kanilang Private plane. Kabado ang kanyang pamilya dahil sa paghahanap sa kanyang asawa ng awtoridad ng Pilipinas. 

‘Most wanted, President  Sandigo Morales for being one of the Oligarchs  that protects and finances the Black Umbrella. Napag-alaman na tumakas ito pagkatapos niyang mabalitaan ang pagkamatay ni Russ sa kamay ng dating Heneral na si Don Vito Valentin. Isang malaking pasabog sa publiko na malaman ng lahat na si Don Vito Valentin ang lider ng malaking grupo ng El Asesino ayon sa nakakarami. Wala pang naririnig na pag-amin sa kanilang  partido. Siya nga ba hinahangaan ng lahat dahil sa tagong pagmamalasakit sa kapwa without any government position?’ ayon sa kumakalat na balita  mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. 

Isa-isang kinakalkal ang tunay na karakter ni Don Vito Valentin ng mga taong may galit sa kanya. Kahit pa hindi umaamin ang mag-asawang Valentin, alam ng lahat na sila ang taong tumulong sa Public Attorney’s office at ilan pang mga charitable institutions na itinayo nito.  Tanging pruweba na hawak nila ang kulang-kulang na dokumento na nakuha sa Black Umbrella warehouse. 

Naging panatag ang loob ng mga tao sa bansa dahil napuksa ang isang mabigat at malaking Mafia organization na sinasandalan ng mga sindikato. 

LUNES, namulat ang mga mata ni Hugo dahil sa radyo mula sa Piloto ng eroplano. Don Vito booked an economic flight for him sa pangalan na Franco Dimagiba. Hindi niya alam kung pinagdidiskitahan siya ni Vito dahil sa pekeng pangalan.

"Sir Dimagiba," bungad ni Gael.

"What the fuck? Pati ba ikaw iyan ang itatawag sa akin?" reklamo ni Hugo.

Bahagyang yumuko si Gael para bulungan si Hugo. "Kailangan po nating pangatawanan ang pangalan na iyan. Hindi niyo po ito pribadong eroplano."

"Alam ko! But don't call me like that!" 

Pasimpleng tumawa si Gael dahil hindi mawala-mawala sa ugali ni Hugo ang pagiging spoiled brat. Nag-iisang  anak at sunod sa layaw mula sa alagad ng kanyang ama kaya naman ganito ang kilos. Bukod sa eletista pa ito gumalaw. 

Binuhat lahat ni Gael ang maleta ng amo pagkatapos ay sabay silang bumaba ng eroplano. Walang kamalay-malay ang mga tao sa airport na isang bigating tao ang kanilang kasabay. 

"I'm in the Philippines now," saad ni Hugo at pinunasan ang pawis sa noo.

"Oo nga po, ang init ulit."

"Hot girls will drive me crazy while having a mission."

Umiling si Gael. "Hindi pa rin po kayo nagbago," mahinang sinabi ng binata.

"I heard you, nerd! If I could find a hot Filipina woman, hahayaan kitang lapain nila. You have a boring life."

Taas ang kilay na sumakay ng sasakyan si Hugo. Sinalubong ng dalawang babae si Gael kaya naman lumipat ito sa front seat upang hindi makatabi ang amo.

Parte ng buong pagkatao ni Hugo ang magkaroon ng babae sa iba't ibang misyon. Since he found out that his woman died and his parents betrayed the country. Nagkaganito ang pag-iisip ni Hugo. He looks playful, easy going lalong madalas nagbibiro. Pero ayaw na ayaw makita ng mga alagad niya kung paano ito magalit. Mas gugustuhin na nilang maraming babae ang nakahapag kay Hugo kesa sa maraming bangkay ang makita nila at kung paano nito tapyasin paliit-liit ang mga laman nito.

Pagdating na pagdating ni Hugo sa Veintiuna Armas. sumalubong sa kanya ang mga gwardya ni Vito. Sarado ang dinadaanan niya at walang ibang empleyado until he reached the conference room.

            Mula sa kabilang dako, nasa loob ng conference room sila, Cassandra, Colin, Chino at Jacob. Pare-pareho silang kinakabahan dahil alam nilamg biglaan ang pag-uwi ni Hugo. Pero ang hindi nila alam, planado na ito ni Vito.

"Is he kind?" Tanong ni Cassandra.

"Yeah?" Kibit balikat na sagot ni Vito.

"Bakit diskompyado ang sagot mo, Vito?" Sabat ni Colin.

"He has some angelic aura from the outside, but he's totally demon inside," tugon ni Vito.

"Eh baka traydor 'yan?" Asar na tanong ni Cassandra.

"Hay, Cassandra. Huwag kang makulit. Kung masungit ako, triple iyon kapag nagalit," malamyang sagot ni Vito.

Akmang sasagot si Cassandra nang biglang bumukas ang pintuan. Sabay-sabay silang tumayo nang pumasok ang lalaking nakasumbrero at tanging bibig na may tobacco lamang ang kanilang nakikita.

"Good to see you again, Franklin Hugo," bati ni Vito at inilahad ang kamay.

Inangat ni Franklin Hugo ang kanyang ulo at unang tiningnan ang katabi ni Vito. It was Cassandra who made an attraction to him.     Unti-unti niyang inalis ang sumbrero habang nakatingin kay Cassandra.

Umigting naman ang panga ni Vito habang hinihintay ang pag-abot ng kamay nito.

"Nice to see you too. Is this your—" mapagpanggap na katanungan ni Hugo.

Hindi pinatapos ni Vito ang pagsasalita ni Franklin Hugo. "My wife. Mrs. Cassandra Cordova Valentin, my wife," malakas na sinabi ni Vito kaya napalunok si Cassandra.

"Hmm, nice to meet you, Cassandra," bati ni Franklin Hugo.

Cassandra firmly stood up and she held Vito's hand. "Nice to meet you too," tugon niya.

"Let's proceed with the plan," sabat naman ni Jacob upang mawaksi ang pagtingin ni Franklin Hugo sa mukha ni Cassandra.

"I will take over everything. Nothing to worry about. Matinik ang mga mata ko pagdating sa mga kalaban. I will not let you down, Brother… Red X is waiting for your advice," saad ni Franklin at tumingin kay Vito. "Our organization will still work against the oligarchs. Santong paspasan man ang ginagawa natin, but it will surely help this country."

Hinigpitan ni Cassandra ang pagkakahawak sa kamay ni Vito hanggang sa mapansin siya ng asawa. She didn't expect that Vito will kiss her forehead.

"Masyado kang maganda," bulong ni Vito.

"Tumigil ka nga."

"Sa akin ka lang titingin."

Alam ni Cassandra na namumutok na ang puso ni Vito sa sobrang selos. Gusto niyang tumawa pero pilit niyang pinipigilan dahil nakikinig siya sa pag-uusap ni Jacob at Franklin.

"Damn, napaka swerte naman ni Vito kay Cassandra. I can't believe this, the first time I saw her, sobrang bata pa. But now, she's stunning. Parang hindi nanganak. She looks young yet she looks hot. How can I have a Cassandra in my life? Meron pa ba sa Pilipinas?" Bulong ni Hugo habang nagpapanggap na nakikinig sa kanilang usapan. 

"Franklin ba o Hugo?" Tanong ni Jacob.

"Franco Dimagiba diba?" Malokong sinabi ni Vito.

"Damn, bro? That was a stinky name!" Tumawa si Hugo kaya naman nagtaka ang mga tao sa loob dahil mula kanina ay nakasimangot lang ito. "Okay, just call me Hugo. Not Franklin, walang sino man ang tatawag sa akin nu'n."

"Why?" Tanong ni Cassandra.

"Nothing special about that name," ngumiti ng matamis si Hugo kay Cassandra kaya naman naramdaman nito ang mahigpit na pagkakagawak ni Vito sa hita niya.

"Okay na? You signed, right? Magkita na lang tayo sa susunod na pag-uusapan," pagmamadaling sinabi ni Vito kaya naman tumayo si Hugo.

"Glad to meet your gorgeous wife and also your friends, amigo Don Vito. Marami tayong dapat pag-usapan tungkol sa 'yo at sa lahat ng sindikato," seryosong sinabi ni Hugo pagkatapos ay tinaas ang kamay bilang paalam.

Tinalikuran niya ang mga ito at doon nagsimulang lumabas si Hugo. Sinalubong siya ni Gael pagkatapos ay may inabot itong papel.

"Sir, I think… this is your first mission."

Binasa ni Hugo ang nasa kapirasong papel at doon nakita ang tuluyang bentahan ng internal organs ng mga batang kinikidnap ng mga sindikato.

"Hindi pa rin tapos ang laban, Gael. Natapos lang ang Black Umbrella. Pero heto at buhay pa ang sinimulan ng Tatay ko. I need to end this war. Masyado ng malawak ang labanan na ito."

"Sir Hugo, hindi kaya't buhay pa rin ang El Padres?"

"Who will manage that? Patay na si Cristobal. Matagal na silang patay ni Mama at Papa."

"Maybe a successor? Or the President? Hindi ba’t nagtatago po siya ngayon?"

"Marami akong kailangan aralin, Gael. Dahil hindi pa rin ako panatag na Black Umbrella lang ang nagpasabog sa kasal nila Vito at Cassandra noon. Presidente pa ang Tatay ni Cassandra noon. He is good at hindi niya hahayaan iyon. Nasa loob lamang ng gobyerno ang kalaban natin. Kailangan lang natin ng matinik na mga mata," tugon ni Hugo.

Namangha si Gael sa kanyang narinig dahil siguradong kating-kati na si Hugo na lumaban muli. Matagal din itong natengga sa Espanya dahil sa paghihintay kay Vito.

Continue Reading

You'll Also Like

358K 7.2K 61
What happens if the Famous Business man "Taylor Montefrio" fell hard? will he take the risk of loving again? let's find out. (COMPLETED)
77.3K 2.4K 34
DEMETRIUS AUGUSTUS is a man who has everything that every girls wished for. Looks, wealth and fame. He is known for being ruthless in the business wo...
232K 7.4K 36
Bata pa lamang si Maria Angela Rivera ay nangarap na itong maging isang madre lalong umusbong ang kagustuhan niyang maging isang madre ng mamatay ang...
19.2K 628 30
Stella is 18 years old and Brayden is 28 years old. He adopted Stella to be his sister, but Stella suddenly felt something for Brayden, and she was c...