A Deal with Mr. Billionaire [...

By LessurStories

1.7M 26.1K 2.3K

"You don't need to do anything, you just need to open your legs for me." - Dereck Cole Rivera. Dereck Cole Ri... More

A Deal With Mr. Billionaire
Dereck Cole Rivera
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
// BOOK 2 //
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER : SPIRO GRAY
SPECIAL CHAPTER : EIRENE FLAIR

CHAPTER 7

28.1K 529 13
By LessurStories

CHAPTER 7

BRIANNA

           NASA MALL NA KAMI ngayon para manood ng movie. Hawak niya ang kamay ko habang papalapit sa bilihan ng tickets.

"Ano pong papanoorin niyo, Sir?" Tanong nung babaeng malagkit ang tingin kay Dereck.

"The Grudge, two tickets and sa taas kami then bandang gitna." Tumango ang babae tapos ibinigay yung ticket.

"Enjoy, Sir, Ma'am." Matiim ko lang siyang tinignan.

"Isang oras pa bago magstart yung palabas. Kain muna tayo?" Ngumiti ako at tumango.

"Saan mo gusto?" Tanong niya.

"Kahit saan." Walang gana kong sagot. Nabobored at nawalan na ko ng gana dahil don sa babae.

"Pft. What's wrong? Ayos ka lang?" Nakanguso akong tumango. "Gusto mo buhatin na lang kita? Mukhang tinatamad ka maglakad." Mabilis akong umiling.

"Ayoko, 'no! Mamaya sabihan pa tayong attention seeker." Tumawa na naman siya at inakbayan ako papuntang Shakey's.

Nakamasid lang ako sakanya habang umoorder siya. At nang natapos siya ay tinignan na naman ako.

"Bakit?" Umiling lang siya. "Para kang sira." Tumawa naman ito. Siraulo nga.

Dunggulin ko kaya mukha nito?

"Good morning, Sir, Ma'am. Here's your food po." Nilapag ng waiter yung mga pagkain. Chicken, mojos, nestea, carbonara, pizza.

Ang dami naman. Bibitayin na ba kami?

"Eat." Umirap ako. Malamang eat. Anong gusto niya? Titigan ko lang yung pagkain? Edi naglaway na ko dito.

Nag-umpisa na akong kumain. Hindi tulad ni Paul na puro daldal, siya naman ay minsan lang magsalita dahil focus din siya sa pagkain.

"You okay?" Mabilis akong tumango. Tapos na pala siya sa pagkain. Uminom ako ng nestea.

"CR muna ako." Tumayo na ako para pumuntang restroom. Kumuha din ako ng pad na kailangan lagyan ng 5 pesos.

"Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama bang magpa-gamit ako? Tama bang hayaan ko siyang gamitin ang magiging baby namin?" Ayan na naman yung mga tanong na feeling ko hindi masasagot. "Kung hindi na tama, paano ko naman sasabihin sakanya na tumigil na kami? Sigurado naman ako na hindi siya papayag lalo na't nasimulan na namin. Kasuhan ko kaya ng rape?"

Mabilis na nasampal ko ang sarili. Ang boba ko talaga.

"Ngayon ka pa ba makokonsensya? Nasimulan mo na. Tanggapin na lang natin." Saad kong muli.

Lumabas na ako ng restroom at bumalik na sa pwesto namin. Eh? Anong nangyari kay Dereck? Bakit bad mood? May umagaw ba ng pagkain niya?

"May problema ba?"

DERECK

ANG TAGAL NAMAN ata ng babaeng 'yon? Hindi kaya naflush na sa inidoro 'yon?

Tumayo ako para pumunta sa girls restroom pero syempre hindi ako papasok. Dito lang ako sa—

"Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama bang magpagamit ako? Tama bang hayaan ko siyang gamitin ang magiging baby namin?" May kausap ba siya? Tsaka anong pinagsasabi niya? Aatras na ba siya?

"Kung hindi na tama paano ko naman sasabihin sakanya na tumigil na kami? Sigurado naman ako na hindi siya papayag lalo na't nasimulan na namin. Kasuhan ko kaya ng rape?"

What the fuck?

Rape?

Tignan natin kung makakasuhan mo pa ako ng rape.

Mabilis akong bumalik sa pwesto namin nang narinig kong lalabas na siya.

"May problema ba?" I just shook my head.

"May thirty minutes pa. Mamasyal muna tayo." Naglapag ako ng ilang libo sa mesa bago hilahin si Brie palabas ng Shakey's.

"Saan tayo pupunta?" I wrapped my arms around her waist. "Tsansing ka!" Tumawa lang ako.

"Bibilihan kita ng bag." I insist. Ayokong naglalakad siya ng ganito na parang naligaw lang at walang bag.

"Bag? Aanuhin ko naman 'yon? Hindi ko na kailangan no'n." Daming reklamo. Alam kong gusto niya din 'to.

Pumasok kami sa isang kilalang boutique which is Louis Vuitton.

Tinignan ko si Brie na namamangha sa mga bag na nakikita niya. "Ang ganda."

"Umalis na tayo dito." Hinila niya kamay ko pero hindi naman ako naalis sa kinatatayuan ko. "Hindi ko kailangan ng bag. May bag naman ako sa bahay."

"No. Pumili ka na." Sumimangot lang siya ang nag-cross arms. "Tss." May lumapit na babae samin.

"Good morning, Sir, Ma'am. Any ideas po kung anong gusto niyo?" Umiling ako.

"Can you give me a sling bag that will suits to her?" Tinuro ko si Brie na nakasimangot pa din.

"Maputi si Ma'am, Sir. Bagay na bagay po sakanya yung Louis Vuitton Palace Chain Noir Color." I just nodded. "Wait for a minute, Sir. Kukuha lang po ako." Umalis na yung babae.

"Brie, ayos ka lang?" Nakanguso ito umupo sa sofa na nasa loob ng boutique.

"Hindi ko na kailangan ng bag, Dereck." Napayuko ito. "Sobra sobra pa ang maibibigay mo sakin kapag nagkalaman na ang t'yan ko." Nag squat ako sa harap niya para mag pantay kami.

"I insist, Brie. Gusto kitang bilihan ng magagandang gamit because I know once na magka-baby tayo, hindi mo na mabibilihan ng gamit ang sarili mo." Matiim siyang nakatingin sakin. I held her hand ang kissed it. Damn. Nababaliw na ba ako? Bakit ko ginawa 'yon?

"Sir, here's the bag po." Pinakita niya ang bag na nasa box pa.

"You like it?" Tanong ko kay Brie. Dahan dahan ang pagtango niya na ikinangisi ko. "I'll buy this bag now."

"Card or cash po?" Naglabas ako ng wallet at binigay sakanya ang debit card ko. May pinagawa saking process bago ko nakuha ang bag. "Thank you, Sir! Have a good day."

"Thanks." Tahimik lang na nakamasid si Brie. "Here." Inabot ko ang bag na naka-box pa.

"Thank you..."

Nang tignan ko ang reaksyon niya hindi ko maiwasang titigan siya. Damn. She's really beautiful. Hinawak hawakan niya ang bag bago isabit sa katawan niya.

"Let's go. Malapit na mag-start yung movie." Tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya.

I don't know but I have this feeling na gusto ko lagi hawak ang kamay niya. I feel so comfortable. Pinadausdos ko ang kamay ko sa bewang niya habang naglalakad kami papunta sa cinema.

"Popcorn?" Tumango siya.

"Ako na bibili." Presenta niya. Umiling agad ako.

"No. Ako na, mauna ka na sa loob." Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sakin. Binigay ko na sakanya ang isang ticket habang pumunta ako sa bilihan ng popcorn.

"Nestea and one popcorn barbecue flavor." Saad ko.

Luminga ako sa paligid. Nanliit ang mata ko nang makita ko ang familiar na babae. I immediately looked away.

"Dereck?" Damn. Bakit ngayon pa?!

"Hey," Bati ko sa babaeng nasa gilid ko. Isa sa mga ka-fling ko noon. Parehas kami ng mga trip sa buhay at mahilig kami parehas sa... Sex. She's my friend since college hanggang sa mag-desisyon kami maging fubu.

"It's been so long!" Yumakap siya sakin at bumeso. "Alone?" Inabot na sakin ang order ko.

"Nope. I'm with my..." My ano nga ba?

"Oh, I understand. New fubu? I'm with my new one, too! Maybe we can share in one room later?" Sumama agad ang timpla ko.

Maisip ko pa lang na may ibang makakakita ng katawan ni Brie sumasama na ang mood ko.

"No, thanks. I'll go now." Tumalikod na ako para sundan na si Brie dahil baka naiinip na 'yon.

"Wait, babe." Lumingkis ito sakin ng parang ahas. "Let's go to restroom and let's do some quickie." Mas lalo niyang idiniin ang katawan niya sakin. "I missed you..."

I gently pushed her. "I'll go now." Tumalikod na ako at akmang aalis na nang magsalita ulit siya.

"This is the first time na tinanggihan mo ako, babe." Ngumisi lang ako bago pumasok sa sinehan.

Muntik pa akong matalisod buti na lang nakakapit ako sa isang upuan. What the hell? This is so embarrassing.

"Dereck!" Pabulong pero pasigaw na tawag sakin ni Brie na nasa pwesto namin. Tinignan ko ang pinakadulo na walang nakapwesto.

"Tara." Kumunot ang noo niya kaya hinila ko na lang siya paakyat pa. "Dito na lang tayo." Ipinagbaba ko siya ng upuan.

"Bakit dito tayo? Hindi naman ito yung kinuha mo diba?" Gulong tanong niya. Ngumisi lang ako at umupo sa tabi niya.

"Ayos lang. Mukhang wala namang tao dito." Inabot ko sakanya yung popcorn habang naghihintay na magsimula ang movie.

Watching movie is not my thing. Masyado akong busy sa buhay kaya wala akong panahon manood ng movie pero ewan ko ba, gusto kong ipasyal ang babaeng 'to.

Nang tignan ko siya ay sunod sunod ang pagsubo niya ng popcorn. Hindi ko maiwasang mapangiti sa pagiging cute—ko. Yeah, pagiging cute ko.

Umiwas na ako ng tingin dahil namatay na din ang lahat ng ilaw tanda na magsisimula na ang movie.

Nasa palabas ang mata ko at gano'n din si Brie. Muntik na ako mapatalon dahil una pa lang ay nakakagulat na. Halos masuka ako nang makita kong hinihiwa ng babae ang sarili niyang daliri. Shit. Bakit ba ito pa ang pinanood namin?

"Kadiri." Narinig kong sambit ni Brie pero seryoso lang ang tingin niya.

Humawak ako sa kamay niya para kahit papaano ay kumalma ako. Horror movies is one of my weakness.

"Ayos ka lang?" Tanong niya. Ngumisi lang ako at bumalik ang tingin sa malaking screen.

"Fuck!" Sigaw ko sa gulat.

Damn. I wanna get out of here.

"Hahahaha! Takot na takot ka, ah?" Tawang tawa ang katabi kong si Brie dahil sa pagsigaw ko. "Grabe! Ang epic ng mukha mo! Hahahahah—" I claimed her lips to stop her from laughing. "Hmm..." She moaned when I licked her lips.

"You're so loud." Kahit madilim ang paligid ay parang nakikita ko pa din ang pamumula ng pisngi niya.

"N-nakakatawa ka kasi." Binalik nito ang paningin sa screen pero mukhang wala ito sa sarili. Iba ata talaga ang epekto ng halik ko.

Umakbay ako sakanya dahil feeling ko natatakot na din siya sa palabas. Hindi naman nakakatakot, nakakagulat lang.

Hanggang sa matapos ang movie ay ganon ang pwesto namin at wala naman akong narinig na angal sakanya.

"Haaaay!" Pag-uunat niya nang bumukas na ang konting ilaw. "Okay ka lang?" Tanong niya. Tumango lang ako at tumayo. Inayos ko ang nagusot niyang t-shirt at hinawakan na ang kamay niya palabas ng cinehan.

Bibilihan ko siya ng mga damit.

"Hoy! Ano na naman 'to? Ayoko!" Angal niya at mukhang kakapit pa sa glass door para lang hindi ko siya mahila papasok.

"Konti lang!" Sabi ko kahit wala naman akong balak na bilihan siya ng konti.

"Ayaw! Please! Hindi ko—" Hinila ko ang kamay niyang nakahawak sa glass door at hinila siya papasok.

Hinila ko ang isang cart at tsaka ko hinila si Brie papunta sa mga skirts.

"What is your waist size?" Umiling siya. "You don't know?"

"Alam ko pero ayoko pa din!" Humingi ako ng measuring tape sa isang staff at sapilitang sinukat ang bewang ni Brie. "Hoy, ayoko!"

27

Tumingin na ako ng mga skirts na babagay sakanya. All kinds of skirts. Nilagay ko na lahat 'yon sa cart.

"Tama na 'yan." Pigil niya.

"Wala pa nga, e."

Hinila ko naman siya sa mga dress. Lahat ng kinuha kong dress, bagay lahat kay Brie.

Nang tignan ko naman siya ay naiilang ang tingin niya sakin dahil na din may mga napapatingin sa cart.

Hindi ko sila pinansin at hinila naman si Brie sa mga trousers. Lahat ng nakikita kong bagay sakanya, nilalagay ko agad sa cart.

Pumunta naman kami sa mga shorts. High waste short at mga simple shorts ang pinili ko. Kumuha din ako ng mga maninipis lang para pang bahay at kumuha na din ako ng mga t-shirt at sleeves na pangbahay. Binilhan ko na rin siya ng mga tops.

Hmm... I wonder kung dapat ko din ba siyang bilhan ng mga pang buntis na damit?

Pumunta na kami sa cashier para bayaran. Kulang pa 'to. Wala pa nga dito yung undergarments and the lace pj's.

"Card po or cash?" Inabot ko ang card at katulad kanina may ginawang proseso. Ayokong I-cash dahil tinatamad akong magbilang. "Ibabalot po muna namin." Tumango ako bago hinarap si Brie.

"What's with your face?" Malungkot ang tingin niya sakin. "You're not happy?" Unbelievable! Kulang pa ba?

"Hindi naman sa gano'n," Bumaba ang tingin niya. "Hindi ko naman ayaw na bilhan mo ako ng mga damit. Ang ayoko lang is yung ganyan kadami. Hindi ka man lang bumili ng para sa'yo." I smiled. What? No! I didn't!

"I have lots." Simpleng saad ko. "Gusto kong susuotin mo 'yan kapag lalabas tayo." Dahan dahan itong tumango. "Good." Kinuha ko na ang mga shopping bags na hindi ko na pinag-kaabalahang bilangin.

"Uwi na tayo." Mukhang nararamdaman niyang hindi pa ako tapos mamili.

"Maya maya." Nakahawak siya sa isang kamay ko habang tangay ko siya papunta sa isang boutique ng mga sapatos. "Take a seat." Ibinaba ko na din ang mga shopping bags sa tabi niya bago humarap sa babaeng staff.

"Good day po, here's our shoes po." Inabot niya sakin ang maliit na book ba may picture at pangalan ng mga sapatos. Tinignan ko si Brie na nakamasid lang.

"Choose." Nahihiya itong dumungaw. Habang ako ay nakatingin lang sakanya.

"Yung sneakers na lang." Napangisi ako. Siguro kung ibang babae ang kasama ko malamang hihilingin no'n na buong botika na ang bilihin ko.

"What else?" I can't stop myself from smiling. Umiling ito. "Alright. Ako na lang pipili."

Tinignan ko ang mga magagandang sapatos na babagay kay Brie.

"Give me size 7 of flipflops, loafers, flatforms, stilettos, and the sneakers." Nakatangang tumango yung babae at umalis sa harap namin.

"Pagkatapos nito umuwi na tayo, ha?" Pakiusap niya.

"Last na yung pupuntahan natin after this." Napabuntong hininga naman ito.

Nang mabayaran at maibigay na lahat ng sapatos ay nagpumilit si Brie na siya na lang ang magdala ng tatlong bags ng sapatos at ako na sa mga damit.

Pumunta naman kami sa kilalang bilihan ng undergarments kung saan ako laging bumibili kaya kilala na ako.

"Mr. Rivera! It's nice seeing you here again! And oh! Who is this lucky girl? Bongga ang shopping niyo ha! Namakyaw lang?" Salubong ng gay samin na laging nag-aassist sakin dito. Umupo kami sa couch.

"Yeah. By the way, this is Brie." Ngumiti naman si Brie sakanya. "Brie, this is Vincent." Nagkamay naman sila.

"Bibili ka ba ulit ng boxers?" Ngumisi ako.

"Nah. May babae naman sigurong sales lady dito? I want her to assist my Brie," Natigilan ako. My Brie? "T-to choose some undergarments." Tumatawang tinawag niya ang isang babae.

"Yes po?" Bungad nito.

"Bigyan mo siya lahat ng undergarments. Mula sa swim wear, kinds of bra's and undies, pajamas, and oh," Nakangisi kong tinignan si Brie na namumula na ngayon. "The lingeries. Don't forget that. Lahat ng klase." Tumango naman ang babae at iginiya si Brie papasok.

"My Brie, huh?" Natigilan ako. "Girlfriend mo?"

"I don't know. I mean, I'm not sure." Kiming sagot ko. He's my schoolmate when we were college, too.

"You don't know? Baka fubu?" I glared at him.

"She's not just my fubu, Vincent." Tumawa naman ito. I just don't know how to address her.

"Hay nako, baka iba na 'yan." Mabilis akong umiling. "Ang dami ng pinamili niyo, ha. Request ba?"

"Nah, this is my own decision." Mas lalo itong natawa kaya sinamaan ko ng tingin.

"Let's have some coffee muna, Mr. Rivera." I shook my head.

"Nah. I'm full." Tinignan ko si Brie na namimili na ng lingeries.

I can't wait to see her wearing that flirty clothes. Damn! Bakit ba kasi meron siya? I want her tonight.

Natigilan ako. We still have 3 months para magkaroon ng anak pero ang sabi ng abogado ko kahit 2 week old fetus basta sakin ay maililipat na lahat ng pera under my name.

Hindi ko kailangan magmadali. We can still enjoy ourselves. Dahil ayoko din umalis agad si Brie. I'm comfortable with her.

"Sir, okay na po. Nakuha na po namin lahat." May hila pa itong cart.

I paid all the stuffs.

"Ilalagay lang po namin sa shopping bags." Tumango ako. Bumalik ang tingin ko kay Brie na nakatingin pa din sakin.

Anong klaseng tingin 'yan? Parang... Parang natutunaw ako.

Siya din ang unang nag-iwas ng tingin dahil bumalik na agad yung babae at binigay ang tatlong bag.

"Ako na dito. Ang dami mo kayang dala." Hindi na ako umangal dahil naiilang ako sa presensya niya. Ni hindi na nga ako nakapag paalam ng maayos kay Vincent.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad kong nilagay ang mga bag sa back seat habang si Brie at nauna na sumakay.

Parang gusto ko na lang maglaho at biglang sa bahay na. Naiilang ako kay Brie at hindi ko alam kung bakit. There's something in her eyes. Malalim ang tingin niya sakin.

Damn. Am I going crazy?

LESSURSTORIES

Continue Reading

You'll Also Like

170K 2.8K 36
Chase Villafranca, known as the playboy of the group have a motto in life saying "Fuck and forget" would never be expected to settle down again. But...
152K 8.5K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
105K 1.2K 39
Lavena Briallen exudes confidence, embracing her voluptuous figure. As a plus-sized model, she adores her family, cherishes her friends, relishes foo...
19.6K 298 39
Being a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this c...