Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15.1M 585K 456K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 37

245K 11.4K 12.7K
By beeyotch

#RTG37 Chapter 37

"What? Isobel, hija... What is he saying? He's the father? Paano si Sean?" sunud-sunod na tanong niya. Bigla akong napa-tingin kay Kelsey na walang kahit na anong reaksyon sa mukha. At nang magtama ang mga mata namin, agad siyang nag-iwas.

"Tita, let's just leave—"

"No," Tita Shirley replied, cutting Kelsey off. Nanatiling sa akin ang mga mata niya. "Isobel, ano'ng sinasabi niya na siya ang ama ng anak mo? How did that happen? Paano si Sean? Ano'ng nangyayari?"

Hindi ako maka-galaw.

Hindi ako maka-sagot.

"Isobel? Are you just gonna stay silent? Ano'ng nangyayari?! Alam ba ni Sean 'to?!"

I felt the air getting knocked out of my chest. Nakita kong naka-tingin sa akin si Sancho.

"I respectfully ask you to discuss this with your son," mabilis niyang sagot bago abutin ang kamay ko at magsimulang maglakad palayo roon.

Hindi ako maka-hinga.

I felt like this was just the beginning...

Hanggang sa maka-rating kami sa condo ay hindi ako mapa-kali. Pakiramdam ko ay anumang oras ay kokontakin ako ni Sean. Para akong masisiraan ng ulo. Para akong masusuka sa sobrang kaba.

"Can you please leave?" tanong ko kay Sancho nang sundan niya ako sa loob ng condo. I just wanted to be alone... I needed to gather my thoughts. Parang nakikita ko na ang magiging reaction ni Sean kapag nalaman niya iyong tungkol sa pagbubuntis ko.

"Lyana—"

"I'm not mad, okay? I just want to be alone and think," I replied, cutting him off.

Ayokong magalit dahil inunahan niya akong sabihin.

I didn't want to be mad because of the little things.

I had bigger problems that needed to be addressed.

Tumango si Sancho. "If you need anything—"

"I'll call you," mabilis kong sagot.

Ni hindi ako lumingon sa kanya. Tanging narinig ko lang ang pagsara ng pinto. Mabilis kong niyakap ang mga binti ko at sinandal ang ulo ko sa tuhod ko.

"Magiging okay din tayo..." mahina kong bulong sa kawalan. "Hindi naman nagpa-practice sina Cha at Katherine, pero mukhang masaya sila... Magiging okay din ako..."

Hindi ko alam kung ilang beses kong paulit-ulit na sinabi iyon na parang kinukumbinsi ko ang sarili ko na maniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Nang magising ako ay agad kong naramdaman ang sakit sa katawan ko dahil naka-tulog ako na ganoon ang posisyon. Agad akong naghanda para pumasok sa trabaho. Nang maka-tapos ako ay nakita ko na may text galing kay Sancho.

"Good morning," bati niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Tipid akong ngumiti. "Good morning."

Tinanggap ko iyong dala niyang paper bag. Kumuha ako ng mga plato at naghain. Ramdam ko na pinapanood niya ang bawat paggalaw ko.

"I'm sorry for butting in—"

"It's okay," sagot ko.

I didn't want to dwell on the bad parts... I was starting to practice looking at the positive side of the things. Dahil sinabi na ni Sancho, at least, hindi ko na po-problemahin pa kung paano sasabihin kay Sean. Iyon na lang ang iisipin ko.

"What's the plan, Lyana?" tanong niya.

"Disbarment. Annulment. Move to Isabela."

Hindi siya nagsalita.

Nagsimula akong kumain. Wala akong gana dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, pero alam ko na kailangan kong kumain para sa baby. I needed to be positive... I couldn't think about the bad stuff all the time. Hindi makaka-buti sa akin ang stress.

Ilang segundo na ang lumipas at wala akong narinig na kahit na ano mula kay Sancho. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naka-tingin lang siya sa akin.

"What?"

"Are you sure you're not mad?"

"I'm absolutely not delighted with everything that's happening... but we needed to be responsible," diretsong sagot ko sa kanya. "When I told you that I'd do something illegal..." Mabilis akong huminto at mapait na ngumiti. "Well, never do anything illegal unless you're prepared for the penalty."

It's that simple.

It needed to be that simple.

"We can always petition your license..."

"Siguro... Pero ayoko na munang isipin."

Hindi na muli akong nagsalita hanggang sa matapos akong kumain. I quietly washed the dishes. I was aware that Sancho was watching my every movement.

"Hindi ba magagalit ang pamilya mo kapag inuwi mo ako sa Isabela?" biglang tanong ko para mabasag ang katahimikan.

"They're begging me to get married already."

"Begging you to get married, not to bring home a married woman," I said to lighten the mood, pero nang makita ko ang reaksyon niya, madilim ang mukha ni Sancho. Ngumiti ako, pero nanatili siyang seryoso.

"Can you please stop being sarcastic with me? Sabihin mo kung ano iyong gusto mong sabihin."

Huminga ako nang malalim at saka pinunasan ang mga kamay ko. Isinandal ko ang mga kamay ko sa lababo. Tumingin sa kanya.

"I'm gonna get disbarred. I'll be left with nothing."

"Am I supposed to answer that?"

"Hindi ko alam. Sinasabi ko lang."

"Pareho lang naman tayo."

"Mayaman ka pa rin. Literal na wala ako."

"When we get married—"

"What?" tanong ko, pero bahagyang nanlaki ang mga mata niya na para siyang nagpanic. "You wanna marry me?"

"I mean... yeah, of course... Pero kung ayaw mo, e 'di 'wag."

Nanatiling naka-awang ang labi ko.

Everything was moving too fast.

I kissed him.

We got together.

I got pregnant.

Then... we're getting married.

We needed to slow down and breathe.

"If you don't wanna get married, then that's what we'll do. Just tell me what you want," he anxiously said. "Whatever you want."

"Okay," I said.

"Okay what?"

"I don't know. Let's just take things one day at a time."

"Okay," muling sagot niya. "So... we'll go to Isabela?"

"Yes. Pero nakaka-hiya sa bahay niyo..."

"Then we'll stay somewhere else. Kahit saan mo gusto."

Was he really like this? Literal na ako ang masusunod sa lahat? It felt completely opposite sa sinasabi nila na relasyon namin ni Sean... Na ako ang pumipilit sa sarili ko na gumawa ng bagay na hindi ko gusto para lang 'wag siyang umalis...

"We'll go to Manila if we're needed," sabi niya. "And I promise you, we'll petition your license para makapagpractice ka. I swear on my life. You'll always be Atty. Laurel..."

Ngumiti lang ako.

I didn't want to think about that right now.

Sancho and I planned about what we'd do for the next days. Halos sigurado na kami na malapit nang lumabas ang resulta ng imbestigasyon ng IBP. Malapit na kaming mawalan ng lisensya. Kailangan ko na ring magpaalam kina Jax.

"What's with the feast?" Yago asked nang makita nila iyong mga pagkain sa lamesa.

Malungkot akong ngumiti. "Thank you lunch," sagot ko. Tumingin ako kay Jax. Hindi siya nagsalita. Naka-usap ko na siya nung isang araw. Nagpaalam na ako sa kanya. Naiintindihan naman niya. He didn't say anything but wished me luck sa kung anuman ang susunod na mangyayari sa buhay ko.

"For?"

"Basta. Kain na lang tayo."

"Lyana..." Yago said.

Pilit akong ngumiti. Ayokong umiyak sa harap nila. Naging masaya ako sa nilagi ko rito sa BGY... Masaya ako na kahit sa sandaling panahon, muli kong naranasang maging abogado...

Pero ganon siguro talaga.

Minsan, kahit gaano mo ka-gusto, may katapusan.

"Umorder ako ng mga paborito niyo. Bilisan niyo nang kumain at baka may bigla pang dumating na kliyente..."

Pero hindi sila gumalaw.

Naka-tingin lang sila sa akin.

"Kumain na kayo..." mahinang sabi ko habang may ngiti. "Please? Ayokong umiyak dito."

"Hey..." Iñigo said. "Whatever happens, we're still here for you, okay? Once a BGY member, always a BGY member."

Bahagya akong natawa.

"He's right," Jax said. "Don't hesitate to call us or anything."

Ngumiti ako.

Nagpapasalamat talaga ako na dito ako dinala ni Sancho.

Hindi na sila nagtanong pa sa dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito. Pero alam ko rin na alam na nila kung bakit. Maliit lang naman ang community ng mga abogado sa bansa lalo na sa Maynila. Alam ko na narinig na nila iyong tungkol sa disbarment case. They just didn't want to discuss it in front of me.

"Iniwan ko sa board iyong number ng nagdedeliver ng supply," bilin ko sa kanila. Puro pa naman sila lalaki. Sana ang papalit sa akin ay babae ulit para may mag-aasikaso sa kanilang tatlo. Kahit tubig minsan nalilimutan nilang palitan, e, ang lakas nilang uminom ng tubig.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilin sa kanila nang biglang bumukas ang pinto.

"Atty. Laurel?" pagtawag ng lalaki na naka-suot ng puting barong at may hawak na brief case. I stood up. "Do you have a minute? I'm here to discuss a few things with you."

Napa-tingin ako kina Jax na mukhang nagulat din sa nangyari.

"About?" tanong ko.

"Mr. Cuesta."

Parang nalaglag ang puso ko mula sa dibdib ko. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim.

"Okay," sagot ko habang tuma-tango.

Hawak ko ang nanginginig kong kamay habang naglalakad kami papunta sa isa sa mga meeting room. Halos hindi ako maka-hinga sa bawat hakbang ko. Puno ng tanong ang utak ko... Bakit wala si Sean? Bakit abogado niya ang nandito?

"I don't want to waste more of your time, so I'll get straight to the point," sabi ng abogado niya. "My client won't contest the annulment provided that you agree that the ground would be your psychological incapacity."

I pressed my lips together and breathed hard.

"He... won't contest?"

"Yes, Atty. Laurel. My client wishes to inform you that he no longer wishes to remain married to you, and that if you have anything to say to him, you can communicate with me on his behalf."

Tahimik na lang akong tumango.

He already heard.

I was sure.

"Okay."

"We will do our best to speed up the annulment proceeding, but if you give birth while you're still married to my client, it is to be known that he would not acknowledge that child and it is to be publicly known that the child is a product of your infidelity."

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ko.

Tumango akong muli.

"You also agree that since you did not have any prenuptial agreement, once the annulment is finalized, you will return whatever the court will grant you from my client's estate."

Tahimik akong tumango.

Wala akong pakielam sa pera ni Sean.

"Is that all?"

Nanatiling naka-tingin sa akin iyong abogado. Nagsimulang bumilis ang kabog ng dibdib ko. It felt like the calm before the storm... only the storm was already brewing right in front of me.

"My client also wishes to inform you that he'll file a case of adultery against you and Atty. Cantavieja, aside from the already pending case for disbarment."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 87.2K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
SEI NESSUNO By Chayyy

General Fiction

1.9K 56 34
Sei Nessuno... iyan ang pinaka-tumpak na eksplanasyon kung idedescribe si Charlene Hernandez... She was a Nobody... A Nessuno.... and she used to it...
86.1K 884 6
SA LIKOD NG REHAS "Gustuhin ko man na manatili sa loob ng rehas na ito... pero ito na rin siguro ang itinakda, ang maghiwalay tayo ng landas..." [M2M...
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...