Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15.1M 585K 456K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 36

229K 11.6K 11.3K
By beeyotch

#RTG36 Chapter 36

Para akong tinakasan ng hininga ko nang marinig ko iyong tanong sa akin ni Cha. Hindi ako maka-galaw. Hindi ako maka-hinga. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang kaba na gumapang sa buong pagka-tao ko.

"Stay here. I'll get you pregnancy test," sabi niya bago mabilis na lumabas at pumunta sa convenience store na nasa kabilang panig ng kalsada.

Agad akong napa-hawak sa tiyan ko.

Possible ba?

We were careful... maliban nung unang gabi.

Halos tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang makita kong tumatawag si Sancho. Ilang segundo akong naka-titig doon, iniisip kung sasagutin ko ba o hindi ang tawag niya... Hanggang sa kusang matapos ang tawag.

'Iñigo told me umuwi ka raw. Are you sick? Do you need anything?'

Muli akong napa-sandal at napa-pikit. Kailangan kong sabihin sa kanya... kung sakaling buntis nga ako. Pero kailangan ko munang ma-kumpirma kung buntis nga talaga ako.

Maybe I was just worrying over nothing.

Hindi ko alam.

Gulung-gulo na ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"May CR sa resto... Or hatid na kita sa condo?" Cha asked.

Hindi ko sinagot iyong text ni Sancho. Alam niya na umuwi ako. Baka puntahan niya ako sa condo ngayon dahil iniisip niya na may sakit ako. I still needed to gather my thoughts bago ko siya kausapin...

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko kay Cha.

I felt like I'd been making shitty decisions the past few days... I needed someone who'll be the voice of reason. Mahal ko si Sancho... sigurado ako roon... Pero parang hinihila ko lang kami pababa sa mga nangyayari sa amin.

"Yeah, of course," sagot niya.

Sabay kaming bumaba. Pumasok ako sa CR habang naka-abang sa akin si Cha sa labas. Ramdam na ramdam ko iyong kaba sa buong pagkatao ko habang ginagamit ko iyong test. At nang matapos ako, binalot ko muna iyon sa tissue paper at saka naghugas ng kamay habang naka-titig sa sarili ko sa salamin.

"It can't storm forever..." I reminded myself.

Matatapos din lahat ng problema ko.

Kailangan ko lang maniwala.

Nang lumabas ako, Cha was looking at me na parang hinihintay niya na magsalita ako. Tipid lang akong ngumiti. Mukhang naintindihan niya dahil hindi na siya nagsalita pa.

"Sa condo mo ba?" she asked.

"Pwede bang tumambay sa inyo?"

"Sure... pero maingay si Lily," she said, shrugging.

Sanay naman ako na maingay si Lily. Tuwing pumupunta ako kina Katherine kapag may kainan, sanay ako sa ingay ng mga anak nila. I wanted that, too... That kind of happy family... Hindi ko lang naisip na sa ganitong paraan ko makukuha kung sakali...

Pagdating namin sa bahay nina Cha, nakita namin si Lily na tahimik na nanonood ng kung ano sa Youtube. Focused lang iyong bata sa panonood pero nang makita niya si Cha, her face immediately lightened up at mabilis na niyakap ang Mama niya.

I smiled at the sight.

Everything would be fine.

"Say hi to Tita Lyana," Cha said habang buhat si Lily. The baby girl smiled at me and waved her hand. Kamukhang-kamukha siya ni Cha... Wala man lang nakuha sa tatay niya.

Halos isang oras din akong nandoon. Naglalaro sina Cha at Lily habang naka-tingin lang ako sa kanila.

"Hindi mo ba namimiss magtrabaho?" I asked nang kuhanin ng Yaya si Lily para paliguan.

"I miss it sometimes... but then, ang bilis lumaki ni Lily. I don't want to miss any moment," she simply replied, shrugging. "Babalik naman ako kapag nag-aaral na siya."

"Sabi ni Iñigo mas workaholic ka raw sa 'kin noon..." I carefully said. "Please don't be offended... pero may isang punto ba na nagsisi ka na nagka-anak ka?"

There was no hint of judgment in her face. Naka-indian seat lang siya habang naka-tingin sa akin.

"Not for a second," she replied. "Hindi naman kasi surprise na dumating si Lily... Iñigo and I have been waiting for a while... Pero iba naman kasi 'yung sa 'min sa 'yo, so it's really hard to compare, you know?"

Tahimik akong tumango.

"If I were pregnant, it's surely Sancho's."

"All babies are blessings... pero palagay ko, dapat kausapin mo muna iyong asawa mo."

"He's mad at me."

"Doesn't matter. Talk to him. Apologize if you can; beg if you must—because he has the locus standi in this situation. He can actually have you disbarred and sue you for adultery—hindi mo matatanggi lalo na kung buntis ka talaga."

Her words made sense... pero iniisip ko pa lang, nakikita ko na agad ang magiging reaction ni Sean.

"Pride won't get you anywhere in this situation... You're at fault here—kasal ka sa iba. You should've waited until your marriage is annulled. All this could've been avoided," she just straightly stated.

Bago ako umalis sa kanila, pinilit ako ni Cha na kumain muna. Kung buntis daw talaga ako, hindi dapat ako magpa-gutom. I thanked her profusely bago ako nagbook ng sasakyan pabalik sa condo. At agad kong nakita si Sancho na naka-tayo sa harap ng unit ko.

He immediately walked towards me—but stopped just a few good inches away from me.

"You weren't answering," he said.

"Dumalaw ako kina Cha," simpleng sagot ko.

Sancho followed me inside. Naka-upo lang siya sa couch, pero kahit na ganoon, ramdam ko na naka-sunod iyong mga mata niya sa bawat galaw ko.

I made him coffee; I made myself warm milk.

"Sancho," pagtawag ko sa pangalan niya pagkatapos kong ilapag sa lamesa iyong mug ng kape niya. Huminga ako nang malalim. Hawak ko sa kamay ko iyong pregnancy test na naka-balot pa rin sa tissue. "What... if I'm pregnant?"

Nakita ko ang pagka-bigla sa mukha niya.

Ilang beses siyang kumurap.

Parang hindi humihinga.

"Are... you?" he asked, like air was knocked off of his chest.

"Answer me first—what if I am?"

"Then get a fucking annulment because there's no way in hell that I'll let Sean father my child," diretso niyang sabi. "Now, answer me—buntis ka ba?"

Huminga ako nang malalim.

Hindi ako makapagsalita.

Sancho brushed his hair with his fingers anxiously. He looked at me with fear in his eyes. "Look... I'm gonna be really honest with you..." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "You kept on telling me that you're different now... And maybe you are... But for the sake of being honest, you told me before that it's your personal choice not to have a child—"

"What?" tanong ko habang naka-awang ang labi. Ayokong magka-anak? Pero nabuntis ako dati...

"Sean should be telling you this—"

"He's not telling me anything!" sagot ko sa kanya. I gave Sean chance after chance to tell me everything, but he kept on dodging every question!

"You didn't want a kid—"

"Then why was I pregnant?"

"Because Sean wanted a kid and you'd do anything to keep him."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig.

I was... willing to do that for him?

And he still wanted to annul our marriage before?

What more did he want from me?!

"I'm not telling you this para magalit o kung anuman ka kay Sean—I just want you to know all the facts, Lyana. Pero sabi mo nga, nagbago ka na. Maybe you want a kid now, I don't know..."

Sumandal ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

"Ikaw... Do you want a kid?" I barely asked. That was... screwed up... Me getting pregnant despite me not wanting it... Kung ayaw ni Sancho, I wouldn't force him... Akin na lang 'tong baby... Bahala na silang lahat.

"I don't think I'm cut out for fatherhood... but I'll do my best if you're pregnant."

I opened my eyes and looked at him.

"If you're pregnant, our license will be revoked... I really don't give a shit about mine... Pero paano iyong sa 'yo?"

I felt the sting in my eyes.

I love being a lawyer...

"I'll be okay," I said as I held his hand as I felt the tears falling from my eyes. "Can you please call me Atty. Laurel? Malapit na akong maging si Lyana lang..."

Pero mabilis akong hinatak ni Sancho at kinulong sa bisig niya.

* * *

I worked every day like it was my last.

Para akong tanga na maiiyak tuwing naririnig kong tinatawag akong Atty. Laurel... Parang tanga... Pero baka hormones lang iyon.

"Aalis na ako," pagpapa-alam ko sa kanila nang mag-alas-sais na. I was always quiet when I was at work. Hindi rin naman nila ako kinukulit. Alam siguro nila na marami akong problema.

I was done thinking about that all.

Tanggap ko na sa sarili ko na mawawala iyong lisensya ko.

Siguro.

Ewan.

Masakit... pero kasalanan ko naman.

Paglabas ko sa opisina ay agad kong nakita si Sancho. I smiled upon seeing him. Pupunta kami sa OB ngayon para magpa-check-up. There's no use to hide—malalaman din naman nila na buntis ako. Hinihintay ko na lang iyong desisyon ng IBP... Pero formality na lang iyon.

Hindi na ako abogado.

"That's it?" Sancho asked, visibly confused nang ituro ng doctor iyong screen na puro itim lang naman.

Tumawa iyong doctor.

"10 weeks pa lang kasi si baby. Siguro mga kasing laki ng strawberry," paliwanag ng doctor. Sancho merely nodded. He looked so confused.

Tahimik lang kaming nakikinig sa mga bilin ng doctor. Maraming bawal akong gawin at inumin na vitamins para daw hindi maulit iyong nangyari dati...

"Lyana," Sancho called habang naglalakad kami palabas ng hospital. "Do you want to stay at the hacienda for the mean time? Kasi 'di ba bilin ng doctor na bawal kang ma-stress? I know I told you about the annulment, but that could wait... Mas mahalaga na hindi ka stressed—" sabi niya nang biglang mapa-hinto.

"Isobel?"

Parang huminto ang buong mundo ko nang makita ko si Tita Shirley at Kelsey sa harapan ko. Ano'ng ginagawa nila dito? Nasa kabilang parte ako ng Maynila para lang hindi ko sila makita!

Hindi ako maka-galaw.

But their eyes shifted to the ultra-sound image I was holding.

"Are you pregnant?" Tita asked. "Does Sean know?" patuloy niyang pagtatanong na para bang hindi niya alam na wala na kami ng anak niya—na para bang iniisip niya na si Sean ang ama ng anak ko.

"Tita—"

"Oh, my God! Congratulations, hija!" she greeted, walking towards me, probably to hug me... pero mabilis siyang natigilan nang magsalita si Sancho.

"I'm the father," he said. 

Continue Reading

You'll Also Like

86.1K 884 6
SA LIKOD NG REHAS "Gustuhin ko man na manatili sa loob ng rehas na ito... pero ito na rin siguro ang itinakda, ang maghiwalay tayo ng landas..." [M2M...
30.1K 508 5
This whole story is just a product of my overactive imagination. Because no one can stop me from thinking.
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
1.9M 87.2K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...