Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15.1M 585K 456K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 35

245K 11.3K 11.7K
By beeyotch

#RTG35 Chapter 35

Halos hindi ako makapagtrabaho sa kaka-isip kung ano ang mangyayari sa aming dalawa ni Sancho. Tuwing tutunog ang cellphone ko o makaka-tanggap ako ng e-mail ay para akong mababaliw sa kaka-isip kung ang mababasa ko ba ay iyong tungkol sa lisensya naming dalawa.

Mababaliw na talaga ako.

"Atty. Laurel."

Para akong aatakihin sa puso sa bawat pagtawag sa akin.

"Y-yes?"

"Are you okay?" Atty. Yuchengco asked.

"Yes," simpleng sagot ko.

"Okay," he replied. "Next time, pa-double check naman ng documents bago i-send. Baka sa susunod, magka-problema na talaga tayo," seryosong sabi niya bago umalis.

Shit.

Ano iyong nagawa ko?

Agad kong ni-review iyong mga documents na hawak ko at napa-sampal na lang ako sa sarili ko nang makita ko na imbes na Contract to Sell ay Contract of Sale ang nagawa ko. Malaki ngang problema 'to kung sakali.

Gusto ko sanang humingi ng pasensya kay Jax, pero alam ko nas mas mabuti na ayusin ko na lang ang trabaho ko. Iyon lang naman talaga ang kailangan kong gawin...

I just needed to hold on hanggang sa lumabas iyong resulta ng investigation tungkol sa disbarment case sa amin... Tapos sa annulment naman...

Kaya ko 'to.

Nang matapos ang trabaho, pumunta ako sa ospital. Nandun pa rin si Mama. Alam ko na magiging magulo ang mga sumunod na buwan at kung maaari, gusto ko sana na okay kami... Dahil syempre, pamilya pa rin kami.

"Si Papa?" tanong ko kay Irina nang siya lang ang makita ko roon. Nakita ko na natutulog si Mama.

"Bumili ng pagkain," sagot niya.

"Wala ka na bang klase?"

"Wala na, Ate..." sabi niya. "Maghihiwalay ba talaga kayo ni Kuya Sean, Ate?"

Napa-tingin ako kay Mama na natutulog. Inaya ko si Irina na sa labas muna kami. Hindi ko alam. Baka gising pala si Mama. Buo na ang desisyon ko na maghihiwalay kami ni Sean—kung ma-disbar man ako o hindi, matutuloy pa rin ang annulment.

Sa ginagawa niya na 'to, mas lalo niya lang pinapatunayan sa akin na dapat na kaming maghiwalay.

He's set to destroy everything I worked hard for... Paano niya nagagawa sa akin 'yun? Sa akin na sinasabi niyang mahal niya?

"Narinig ko sila Mama... Maghihiwalay na raw kayo ni Kuya... Saka kayo na raw ni Kuya Sancho..."

Hindi agad ako naka-sagot.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

Bata pa si Irina... Siguro masyado pa siyang idealistic sa mga bagay-bagay. Alam ko naman na mali... Alam ni Sancho na mali... Pero pinili naming dalawa 'to. Kailangan naming harapin kung anuman ang mangyayari.

"Bantayan mo sila Mama, ha?" bilin ko sa kanya.

"Hala, Ate... Aalis ka ba?"

"Hindi..." sabi ko na lang. Alam ko naman na hindi ako kakausapin nila Mama kapag natapos na ang kasal namin ni Sean. Sigurado ako na sasama ang loob nila sa gagawin ko.

Pero apat na taon na iyong nasayang.

Tama na 'yun.

Kailangan ko ng maging masaya.

"Basta, maraming mangyayari—"

"Gaya ng?"

"Basta."

"Ate naman... Sabihin mo naman sa 'kin... Kapatid mo pa rin naman ako..."

"Malalaman mo rin naman."

"Hindi na ba kayo magbabati ni Mama?"

"Hindi naman kami galit."

"Ate naman... Naiintindihan ko naman kayo pareho... Gets ko naman na gusto mo na si Kuya Sancho... Pero intindihin mo naman si Mama na ang iniisip ay asawa ka ni Kuya Sean. Syempre magulo."

Magulo naman talaga.

Nakaka-tuliro.

Ngumiti ako habang ginugulo ang buhok niya. Galit na sa akin sina Mama at Papa... Ayoko muna na magalit sa akin si Irina. Baka hindi ko na kayanin.

* * *

Katherine forced us to go to their house after office hours. Hindi ko na alam kung bakit. Sa dami ng okasyon na sine-celebrate niya, hindi ko na alam kung ano ang meron ngayon.

"Nasa loob iyong pagkain."

Agad akong napa-tingin kay Jax nang magsalita siya. Nasa labas kasi ako. Naka-upo sa lounger habang naka-tingin sa mga ilaw na tumatama sa tubig sa pool nila.

Nagkakasayahan sa loob...

Wala ako sa mood maging masaya.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sa disbarment. Hindi ako kagaya ni Sancho na magiging okay lang kapag na-disbar... Hindi lang isang beses ko pinaghirapan maging abogado... Nawala ang memorya ko, nagsimula ako muna sa umpisa...

Tapos mauuwi lang sa ganito?

"Busog pa ako," simpleng sagot ko.

Medyo nagtaka ako nang maupo siya sa tabi ko. May hawak siyang bote ng beer. "Gusto mo?" tanong niya.

Umiling ako. "Magda-drive pa ako."

Tumango lang siya. Tahimik na uminom. Naghihintay lang ako sa sasabihin niya. Hindi naman siya ang tipo na tatabi lang sa akin at iinom. Hindi kami magkaibigan talaga ni Jax... More on officemates... Pero alam ko na maaasahan ko siya kung magkaka-problema ako.

"Someone told me about the disbarment," sabi niya.

Agad akong napa-pikit.

Hindi nakapagsalita.

Sumakit ang ulo.

"Kaya ka ba laging tulala sa office?"

"Yeah. I'm sorry." Huminga ako nang malalim. "Sino ang nagsabi sa 'yo?"

He sipped on his beer. "A friend from IBP."

Ang liit talaga ng mundo namin.

"I'm sorry..." muling sabi ko dahil alam ko na maaapektuhan ang image ng firm sa disbarment case ko. Mahalaga pa naman iyong reputasyon sa profession namin... Tapos ganito ang nangyayari.

Para akong masusuka sa sama ng loob at sa takot sa mga pwedeng mangyari.

"Do you want me to resign?" tanong ko.

"Gusto mo ba?"

Mabilis akong umiling.

At bumagsak ang luha.

Hindi ko na maisip ang sarili ko na may ibang ginagawa.

Pagiging abogado lang ang alam at gusto ko...

Agad kong tinakpan ang mukha ko at tahimik na humikbi. Ramdam ko ang marahan na tapik ni Jax sa likuran ko. Walang nagsasalita... pero ramdam na ramdam ko ang takot at kaba sa dibdib ko.

"I wanna tell you that everything will be fine... but I also know a few lawyers whose license got revoked for the very same thing..." seryoso niyang sabi.

"Alam ko naman..."

"Bakit mo ginawa?"

"I wanted to."

Narinig ko siyang nagbuntung-hininga. "I understand why you did what you did... but you also have to know that for every action, there's a consequence. Pwede kang matanggalan ng lisensya. Alam mo naman 'yun."

Alam ko.

Pero hindi ko akalain na gagawin sa 'kin ni Sean 'yun.

"I'm sorry..." I just kept on saying.

"Hindi na kasi maaayos ng sorry 'to," he said, sounding visibly disappointed. "Maswerte ka na kung disbarment lang... Paano kung magsampa pa siya ng criminal case?"

Hindi na ako naka-sagot.

Para na lang akong hinihila pababa.

"Sana maging maayos lahat," he stated, tapping my shoulder one more time before I felt him standing up. "If you need anything... Nandito lang ako."

* * *

Buong weekend lang akong nagkulong sa condo. Hindi ako maka-labas. Hindi ako maka-kain. Palagi lang akong umiiyak. Iniisip ko pa lang na matatanggal iyong lisensya ko, para na akong nauubusan ng hangin sa dibdib.

Ilang taon kong pinaghirapan...

Binawi...

Mauuwi sa wala...

Naka-titig lang ako sa dingding.

Hindi ko alam kung tama ba iyong naririnig ko na may kuma-katok, pero hindi ako maka-galaw.

"Lyana..."

Tahimik akong humikbi.

Hindi nagsalita.

"What happened?" malungkot na tanong ni Sancho habang naka-upo sa ibaba ng sofa at hawak iyong kamay ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala naman siyang kasalanan... Dinamay ko pa siya sa galit ni Sean...

"I'm sorry," tanging nasabi ko.

"It's okay—"

"It's not okay! Ayokong mawala 'yung lisensya natin!"

Nanatili lang akong naka-higa at naka-tingin sa itaas. Patuloy na tumutulo ang luha. Parang mababaliw sa kakaisip kung ano ang mangyayari... Kung kailan sila tatawag at sasabihin sa akin kung ano ang magiging desisyon nila.

"What do you want me to do?" nahihirapang tanong niya.

"Nothing. Wala ka namang kasalanan."

"Lyana..."

"Please stop apologizing. Wala kang kasalanan."

"Wala pa naman silang sinasabi..."

"Paano kapag nawala nga?"

Hindi siya naka-sagot.

Sa kanya okay lang...

Paano ako?

"We'll appeal, okay? Wala naman silang ebidensya na may nangyayari nga sa 'ting dalawa," he said, trying to calm me down, but it wasn't doing anything.

Nakaka-pagod pala magsinungaling.

Para kaming mga kriminal na nagtatago.

Napa-upo ako at napa-tingin sa kanya.

Parang hinihila ko siya pababa.

"Magsisinungaling na lang tayo, Sancho?"

"Do you want us to tell the truth?"

Sumikip iyong dibdib ko.

"I'm sorry... I'm sorry for dragging you into this mess," sabi ko sa kanya. "Kakausapin ko na lang si Sean. Hihingi ako ng tawad. Babalik na ako sa kanya. Para matapos na lang lahat ng 'to."

Tumingin ako kay Sancho.

Hindi ko mabasa iyong nasa mga mata niya.

"Sancho..." pagtawag ko sa kanya nang wala akong marinig na kahit ano mula sa kanya. "I'm sorry—"

"When I kissed you, I fully accepted all repercussions that it might entail. I'm ready to face anything," tahimik niyang sabi.

"Hindi mo naiintindihan—"

"No, I fully understand," he said, cutting me off. "Kissing you means losing my license, probably losing my freedom—but I risked it all because I thought you were ready to do the same. For fuck's sake, you kissed me while knowing that you're married! O mali lang ba ako ng pagkaka-intindi?"

Halos hindi ako maka-hinga dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya at sa intensidad ng bawat pagtitig niya sa akin.

"Lyana, we're too old to act on impulse. We both decided to do this head on—we'll face whatever might happen together. Hindi kita iiwan... kaya bakit parang ang bilis namang sabihin sa 'yo na babalik ka na lang kay Sean? Nang ganun-ganon na lang?"

Katahimikan.

"If it's about your license... I promise you you won't lose it... They can't prove anything..." he said, holding my hands.

"Sancho... I'm making you a bad person..."

He's lying for me.

He's doing bad things for me.

"You're not making me do anything—I chose to do this. Always remember that," sabi niya at saka hinalikan iyong noo ko. "Please stop crying... Wala pa naman silang sinasabi... At kahit ano man ang mangyari, hindi kita iiwan, okay? I'll protect your license, I swear..."

Ngumiti na lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

* * *

I tried to remain positive. Wala pa akong naririnig na kahit ano mula sa IBP. Sinubukan kong magfocus sa trabaho ko. Ayokong magkaroon sina Jax ng problema dahil sa akin.

"Lyana, okay ka lang?" Iñigo asked.

I nodded. "Yeah, okay lang ako..."

"Umuwi ka muna kaya? Ang putla mo, e," Iñigo said. "Wala namang masyadong ginagawa. Ako na rin magsasabi kay Jax kapag hinanap ka."

"No—"

"Please? Ako iyong kinakabahan sa 'yo, e."

Dahil sa pamimilit ni Iñigo, pumayag na akong umuwi. Naka-salubong ko si Cha na mukhang dadalawin si Iñigo sa trabaho niya.

"Hi," bati ko sa kanya.

"Okay ka lang ba?"

"Yeah... Pero uuwi na ako," sabi ko sabay ngiti.

"You want me to drive you home? You look like shit," diretsong sabi niya. Wala na akong lakas makipagtalo dahil nahihilo na ako.

Tahimik si Cha na nagdrive. She asked me kung gusto ko bang huminto sa resto para magtakeout ng pagkain dahil mukha raw na may sakit ako. I nodded. Cha parked in front of a resto and told me na siya na raw ang bibili. I stayed inside the car and rested my head and closed my eyes.

Nang bumalik si Cha, inabot niya sa akin iyong paper bag. I almost gagged at the smell of the porridge. I looked at her to apologize for my reaction. Nakaka-hiya dahil siya na nga ang bumili.

"Are you pregnant?" she asked... and it was as if my whole world collapsed on me. 

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.8K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
SEI NESSUNO By Chayyy

General Fiction

1.9K 56 34
Sei Nessuno... iyan ang pinaka-tumpak na eksplanasyon kung idedescribe si Charlene Hernandez... She was a Nobody... A Nessuno.... and she used to it...
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...