The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 229K 48.5K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 8

108K 3.8K 569
By Maria_CarCat

No love for the Wicked






Tahimik na lamang akong napaupo sa gilid pagkatapos nuon. Ni hindi din ako makapaniwala sa aking nagawa. Pinatay ko si Lance, pinatay ko ang aking kaibigan. Wala akong kasing sama.

"Agent Hagen..." nakangising tawag ni Zandro sa akin at tsaka siya umupo sa aking tabi.

"Piero" pagtatama ko sa kanya ng aking pangalan.

Muli siyang napangisi. "Hindi ka na si Piero pag nandito ka sa organization, hindi ka na si Piero sa tuwing may gingawa kang mission. Ikaw na si Agent Hagen" pagpapaalala niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Paano si Lance? Paano yung mga namatay?" Galit na tanong ko sa kanya.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi ka pwedeng maging agent kung malambot ka Agent Hagen. Sa oras na pangunahan ka ng awa at kunsensya ikaw ang mapapahamak" paalala at pangaral pa sa akin ni Zandro.

Kumunot ang noo ko. "Kriminal lang ang pumapatay..." giit ko pa sa kanya.

Ngumisi ito tsaka ako hinawakan sa balikat. "That's life Piero" sabi pa niya sa akin bago niya ako iniwanang magisa duon.

Napabuntong hininga na lamang ako at napahilamos sa aking mukha. Halos wala ng laman ang kwarto. Hanggang sa may naramdaman akong lumapit sa akin. Nakatayo ito ngayon sa aking harapan. Dahan dahan ko siyang tiningala.

"Sa umpisa lang yan, masasanay ka na din" malumanay na sabi niya sa akin.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Masyadong inosente ito tingnan, hindi ko aakalaing sa kanya pa ito manggagaling. "You can still do this?" Tanong ko sa kanya.

"I need to" tipid na sagot niya sa akin at tangkang tatalikuran na ako ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Agent..." tanong ko sa kanyang pangalan.

Tipid itong ngumiti ng nilingon ako. "Luna. Agent Luna" pagpapakilala niya sa akin bago siya tuluyang lumabas sa kwarto na iyon.

Imbes na umuwi ay sinundan ko pa si Zandro. Hindi ako mapakali, kailangan kong malaman kung anong gagawin nila kay Lance.

"Saan sila dadalhin?" Tanong ko kay Zandro ng maabutan ko siya sa likod ng building. Pinahihiwalay nila ang nga katawan ng nasawing agents.

Nakapamewang itong tumingin sa akin. "Itong mga to" turo niya sa mga katawan sa kanan.

"Dadalhin sa hospital, baka mabuhay pa" sabi niya sa akin. Duon ko nakita ang katawan ni Lance.

Muli niyang tinuro ang mga katawan na nasa kaliwang bahagi. "Yang mga yan, patay na talaga" sabi pa niya kaya naman kaagad akong tumakbo papalapit sa katawan ni Lance.

"Sasama ako sa Hospital" sabi ko kay Zandro kaya naman napairap siya.

"Ikaw ang bahala, pero hindi namin sagot ang gastos" sabi pa niya sa akin at tsaka tuluyang umalis duon.

Sumunod ang sa ambulansyang magdadala kay lance at sa iba pang katawan sa Hospital. Pagkadating sa emergency room ay mabilis din silang inasikaso duon. Halos nagtagal ng ilang oras bago lumabas ang doctor na tumingin dito.

"Kamusta po ang pasyente?" Nagaalalang tanong ko.

"Stable na ang lagay ng pasyente, but i'm afraid na mag suffer siya sa coma dahil sa natamo niyang tama sa ulo" paliwanag pa niya sa akin.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Bahagyang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Matapos ang ilan pang pagaasikaso ay inilipat na si Lance sa ICU. Kahit pa stable na ang lagay niya ay kinakailangan pa din niya ng mas double pagaalaga.

Sinigurado ko sa Doctor na wala silang proproblemahin sa gatos, susuportahan ko ang lahat ng pangangailangan nito hangga't sa abot ng aking makakaya, mabuhay lamang siya.

Wala ako sa sariling umuwi sa aming bahay. I'm still in shock dahil sa nangyari. Tahimik ang buong bahay pagkadating ko kaya naman dumiretso na ako sa aking kwarto. Masyadong mabigat ang aking katawan. Wala pang ilang minuto ay nakarinig na ako ng katok mula sa labas. Hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad ng bumukas ang pintuan at tsaka iniluwa nuon si Sachi.

"Kuya Piero nandito ka na" nakangiting salubong pa niya sa akin.

Pagod ko siyang tiningnan. Ang maamo niyang mukha at mga ngiti ay nagpapagaan sa aking dibdib. Walang sabi sabi ko siyang hinila papalapit sa akin at tsaka siya niyakap ng mahigpit. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ng maramdaman kong ginantihan niya ang yakap ko.

"I feel so bad" pagod na sumbong ko sa kanya.

Nanatili akong nakapikit habang nakayakap sa kanya. Hindi naman siya nagsalita, pero dahan dahang tumaas ang balahibo sa aking mga braso papunta sa batok ng maramdaman mo ang malambing na paghaplos nito sa aking likuran.

"May ginawa ka bang hindi maganda kuya?" Tanong niya sa akin.

Bahagya akong humiwalay sa kanya para makita ang mukha niya. Tiningala ako nito dahil duon. Sumalubong sa akin ang malamlam niyang mga mata.  "May sinaktan ka ba?" Tanong niya ulit sa akin.

Sa lambing ng kanyang boses ay para kang mapapapikit at mapipilitang umamin sa mga ginawa mong kasalanan. Tumango tango ako bago ko siya sinagot.

"May sinaktan ako" pagamin ko sa kanya.

Akala ko ay hihiwalay na siya ng yakap sa akin. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi nawala ang tingin niya sa akin.

"Lahat naman tayo nakakasakit, ang mahalaga marumong kang humingi ng tawad pagkatapos nuon. Ang mahalaga marunong kang magsisi" pangaral pa niya sa akin kaya naman bahagya akong napangiti.

Kung makapagsalita ang isang ito akala mo ay mas matanda pa kesa sa akin. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. "Basta para sa akin, mabait na tao ka pa din" laban pa niya.

Natango tango ako. "I just need one person na maniniwalang mabuti pa din akong tao..." sabi ko pa sa kanya.

Naging abala ako ng mga sumunod pang mga araw. Inasikaso ko ang hospital bills ni Lance at mga pangangailangan nito. Halos hindi na din ako makapasok sa school dahil sa pagbabantay dito.

"Lance torreda..." rinig kong tanong ng isang umiiyak na babae sa may nurse station malapit sa may ICU.

Nakaupo ako sa labas nito habang kumakain ng sandwich na binili ko sa may convinient store sa labas ng hospital. Kaagad na itinuro ng nurse ang ICU. Mula sa salamin ay muling bumuhos ang kanyang luha habang nakatingin kay lance.

"Excuse me..." pagsingit ko sa kanya.

Mabilis niyang pinahiran ang luha sa kanyang mga mata. "Sino po sila?" Magalang na tanong niya sa akin.

"Ako si Piero, kaibigan ako ni Lance" pagpapakilala ko pa sa kanya.

"Sarah ang pangalan ko. Nobya ako ni Lance" sagot niya sa akin. Muli akong nakaramdam ng guilt ngayong kaharap ko na si Sarah. Pakiramdam ko ay kailangan kong aminin sa kanyang ako ang gumawa nito kay Lance.

Handa naman akong tanggapin ang galit niya sa akin kung sakaling malaman niya ang totoo. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras. Kung magagalit si Sarah sa akin ngayon, hindi na ako makakapunta pa dito kung kailan ko gusto, hindi ko matutulungan si Lance pag nagkataon.

Nang medyo kumalma na siya ay bigla itong nagkwento sa akin. Tahimik ko na lamang siyang pinakinggan.

"Galing sa mayamang pamilya si Lance, pero nung nabuntis niya ako. Tinakwil siya ng pamilya niya. Ayaw kasi sa akin ng mga magulang niya dahil mahirap lang ako..." paguumpisa niya.

Muli siyang naging emosyonal. "Tinalikuran ni Lance ang marangyang buhay para panagutan ang responsibilidad niya sa akin at sa magiging anak namin. Kung ano anong trabaho ang pinasok niya para magkapera kami" patuloy na kwento niya.

Habang mas lalo kong nakikilala si Lance dahil sa kwento ni Sarah ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Napakabuting tao ni Lance, hindi niya deserve ang kalagayan niya ngayon.

"Wag kang magalala Sarah, pangako ko sayo. Gagawin ko ang lahat para gumaling si Lance" pangako ko pa sa kanya.

Hindi matigil ito sa pagsabi ng pasasalamat habang umiiyak. Hindi din daw kasi niya alam ang gagawin niya kung sakaling siya lamang magisa.

"Gusto ko na nga sanang lumapit sa pamilya niya. Kahit ang totoo natatakot ako na baka ilayo nila si Lance sa akin" sumbong niya pa sa akin.

"Hindi natin kakailanganin ng tulong ng pamilya ni Lance. Ako ang bahala sa lahat ng gastos dito sa Hospital" paninigurado ko pa sa kanya.

Dahil na duon na si Sarah para magbantay kay Lance ay mas nakakilos na ako ng maayos. Kinuha ko ang lahat ng pera ko sa banko. Lahat ng iyon ay ilalan ko para sa hospital bills ni Lance ay sa pangangailangan din ng pamilya niya.

"Piero, nakusap ko yung manager ng bangko natin. Kinuha mo daw ang lahat ng pera mo" sita sa akin ni Dad isang araw.

"May pinaggamitan lang Dad" sagot ko sa kanya.

Hindi naputol ang tingin niya sa akin. "Gumagamit ka ba ng ipinagbabawal na gamot Piero?" May pagbabantang tanong niya sa akin.

Kaagad akong umiling. "Hindi po dad" giit ko.

Hindi na ako inusisa pa ni Dad kung saan ko dinala ang pera ko. Aalis na sana siya sa aking harapan ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Dad, i need to tell you something" seryosong sabi ko sa kanya.

"Nakabuntis ka?" Kaagad na tanong niya sa akin.

"No dad!" Tumaas ang boses ko.

Napairap siya at napabuntong hininga. "Thank goodness" he sighed in relief.

Muli kong inipon ang lahat ng lakas at tapang ko. "I want to study abroad Dad, i want to study in Spain" pagsiwalat ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Are you serious?" Paninigurado niya sa akin kaya naman desidido akong tumango sa kanya.

Dati pa lang ay gusto na ni Dad na sa Spain kami mag aral tungkol sa Bussiness. Pinigilan lamang siya ni Mommy dahil ayaw nitong mapalayo sa amin. Pinakiusapan ko na din si Dad na sa aming dalawa muna ang desisyon ko.

Hindi talaga ako pupunta ng Spain para mag aral. Sinabi ko lamang iyon para may rason akong makalayo sa kanila. May malaking responsibilidad ako kay Lance at sa pamilya niya. Magiging delikado din ako para sa kanila pag nagumpisa na akong gumawa ng mission bilang isang agent. Hindi ko man gustong lumayo sa kanila, ay kailangan ko iyong gawin.

Matapos kong makausap si Dad ay unti unti ko na ding inayos ang mga gamit na kakailanganin ko. I need to do this for myself, i need to do this for my Family. Naging normal ang araw para sa akin kinaumagahan. Maaga akong pumasok sa school para makahabol sa mga lessons na hindi ko napasukan.

"Kailan katatanggap ng mission? Yunh ibang mga kasabayan mo nagumpisa na" tanong ni Zandro sa akin ng magkita kami.

"May inaasikaso pa ako" tamad na sagot ko sa kanya.

Hindi na ito nagsalita pa, pero hindi nawala ang tingin niya sa akin. "May kailangan ka pa?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Mayaman ka di ba?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi ako ang mayaman, ang parents ko" sagot ko na lang sa kanya.

Nagkibit balikat ito. "Sabi mo eh" nakangising sabi na lang niya bago niya ako iniwan duon.

Lunch break ng napagpasyahan kong umalis na. Hindi na ako aattend sa susunod na mga subjects. Didiretso na ako sa hospital. Baka kasi may kailanganin pa sina Lance at Sarah.

"Kuya Piero!" Sigaw na tawag ni Sachi sa akin pagkalabas ko ng building namin.

Nakasimangot ko siyang sinalubong. Sumama ang tingin ko sa transparent na plastick na hawak nito. Puno iyon ng mga Candies at Chocolates.

"Umuwi yung daddy ng classamate ko galing abroad, binigyan ako chocolates" parang maliit na batang pagbibida niya sa akin. Parang nangiinggit pa ang loko.

"Ok bye" sagot ko na lamang sa kanya kaya naman nagulat siya ng kaagad ko siyang talikuran.

"Aalis ka na po? Di ba po may klase ka pa mamaya?" Tanong niya sa akin.

"May importante akong pupuntahan" masungit na sagot ko sa kanya.

Nang hindi na sumagot pa si Sachi ay mabilis na akong naglakad papunta sa hospital. Tatlong kanto mula sa aming school ang hospital kung saan nakaconfine si Lance. Imbes na sumakay pa ay nilakad ko na lamang iyon kahit tirik ang araw.

Halos kalahati na ang nalalakad ko papunta sa Hospital ng maramdaman kong may sumusunod sa akin. Kaagad akong naging alerto, baka isa nanaman iyon sa mga pakana nina Za dro at Boss bob.

Mabilis ko iyong nilingon at akmang susuntukin ng magulat ako sa aking nakita. "Ay Palaka!" Gulat na hiyaw ni Sachi ng maging siya ay mabigla din dahil sa aking biglaang paglingon.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko sa kanya.

Napakagat ito sa kanyang pangibabang labi. "Sinusundan ka po" parang isang batang nahuli na sagot niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bumalik ka na duon" utos ko sa kanya na may kasama pang pagturo sa daan pabalik.

Humaba ang nguso nito. "Ayoko nga po" pagmamatigas niya.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Isa Sachi..." pagbabanta ko sa kanya.

Napapadyak ito sa kanyang kinatatayuan. "Sasama lang naman ako sayo kuya eh, sige na po" pakiusap pa niya sa akin.

Dahil sa kakulitan nito ay wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siyang sumama sa akin. Bago pa kami dumiretso sa hospital ay dumaan na muna kami sa isang fast food para bumili ng lunch para sa amin at kay Sarah.

"Sama sama ka pa diyan, dagdag gastos ka pa" pagpaparinig ko sa kanya.

Imbes na mahiya ay ngumiti pa ito sa akin ng matamis. "Kuya gusto ko ng halo halo" pahabol pa niya.

Inorder ko ang gustong halo halo ni Sachi kaya naman habang naglalakad kami papunta sa Hospital ay kinakain niya na iyon. "Sino pong nandito?" Panguusisa pa niya.

"Kaibigan ko" tipid na sagot ko sa kanya kaya naman natahimik ito.

Pagkalabas namin sa Elevator ay natanaw ko na kaagad si Sarah sa kabilang dulo ng hallway. Nakaupo ito sa may bench habang kandong kando ang tatlong taong gulang na batang lalaki.

Napatayo siya ng makita niya ang pagdating ko. "Magandang tanghali" bati niya sa amin.

"May pinuntahan kasi yung kapatid ko na nagbabantay, pero kukunin din niya si Larrie mamaya" sabi pa niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako.

Nakita kong nahihiya itong napatingin kay Sachi. "Si Sachi nga pala, kapatid ko" pagpapakilala ko dito.

Hindi din nagtagal ay nawala ang pagkailang at hiya ni Sarah kay Sachi, lalo na at sa sobrang daldal nito. Napapasapo na lamang ako sa aking noo sa tuwing mahuhuli ko siyang kinukurot ang pisngi ng anak nila Lance na si Larrie. Ako na ang nasasaktan para sa bata, kung nagsasalita lamang ito ay paniguradong katakot takot na mura na ang nakuha ni Sachi.

"Ibinigay ko na kay Baby Larrie ang lahat ng candies and chocolates ko" pagbibida pa niya.

"Naku, huwag na po ma'm Sachi. Mukhang mga imported pa yang mga iyan" nahihiyang suway ni Sarah sa kanya pero hindi nagpapigil si Sachi.

Sandaling nagpaalam si Sarah na magcCr kaya naman si Sachi na muna ang humawak kay Larrie. Tahimik ko lamang siyang pinapanuod habang nilalaro niya ito.

"Kuya kuya, tingnan mo papaiyakin ko to ang cute" natatawang sabi pa niya sa akin at kaagad na pinisil ang magkabilang pisngi ni Larrie.

Tuwang tuwa amputa, nang makitang pasibe na ang kawawang bata. "Siraulo amputa" natatawang iling ko.

Ingat na ingat ito sa takot na mahuli siya ni Sarah sa ginagawa. Kahit papaano ay nageenjoy din ako sa itsura ng bata. Ngayon alam ko na kung bakit gustong gusto ng iba na paiyakin ang mga pamangkin nila sabay magmamadaling patahanin ito.

Tawa ng tawa si Sachi ng sumama ang tingin sa kanya ng bata. Sa huli ay hindi na niya ito napatahan pa kaya naman kaagad na siyang humingi ng tulong sa akin. "Hala kuya..." natatakot na sabi niya sa akin.

"Siraulo ka kasi eh" sita ko pa sa kanya.

Maya maya ay kumalma na din si Larrie, kaya naman muling tumawa si Sachi. "Sino kaya unang magkakaanak sa inyo nila kuya? Papaiyakin ko din" pangaasar niya sa akin. Tuwang tuwa pa ang loko.

Inirapan ko siya, hindi ko pa naiimagine ang sarili ko na magkaanak. Kanino? Hindi ko alam.

Ala sais ng gabi ng magpaalam kami kay Sarah na uuwi na. Nakuha na din ng kapatid niya si Baby Larrie kaya naman siya na lamang magisa ang magbabantay kay Lance.

"Nasa School ang sasakyan ko, babalik ako duon para kuhanin" sabi ko kay Sachi, baka kasi ayaw nitong maglakad ulit pabalik.

"Ok lang po kuya" nakangiting sabi niya sa akin.

Tahimik lang kaming naglalakad na dalawa pabalik sa dambana. Ilang metro na lamang ang layo namin ng magsalita ito.

"Wala ka pa po bang gustong babae kuya?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit balikat siya sandali. "Kasi po, kilala ko yung mga gusto nina kuya Tadeo, Kuya Kenzo, Kuya Cairo. Pero yung sayo po hindi ko pa kilala" sagot pa niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin. "Wala pa akong magugustuhan" tipid na sagot ko na lamang.

"Kahit po isa?" Panguusisa pa niya.

"Kahit isa" masungit na sagot ko sa kanya.

Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos nuon. Buti na lamang at hindi na siya nangulit pa, dahil kung nagkataon baka nasabi ko na sa kanya ang totoo.

Kinaumagahan ay ipinatawag ako ni Boss Bob para sa aking unang mission. "Ikaw ang pinatawag ko dahil sa tingin ko ypu fit perfectly for this Assignment" sabi pa niya sa akin.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya. "I trust you agent Hagen, una pa lang nakitaan na kita ng potential" pagbibida pa niya sa akin.

Para sa aking unang mission, si Ryan Saelim Isang thai-american bussinessman ang gusto nilang itumba ko. May pinagsamatalahan itong isang babaeng galing sa may kayang pamilya. Bali balita din na Pedophile ito at marami ng nabiktimang batang babae. Twenty thousand para sa ulo ng lalaking ito.

"Be careful, palagi itong may kasamang body guards" paalala pa sa akin ni Boss Bob.

Mula sa kanya opisina ay dinala ako ng isa sa mga tauhan nito sa isa pang malaking kwarto. Duon ay ibinigay sa akin ang kulay itim na damit. Ilang armas din ang ibinigay sa akin. Hindi na ako nahirapan pang hanapin ang kinaroroonan ng lalaki, dahil maging ang mga lugar na madalas nitong pinupuntahan ay nakasaad na sa envelope na ibinigay ni Big Boss.

Sa isang Casino ko siya pinuntahan. Halos madaling araw akong naghintay sa paglabas nito. Kagaya ng sinabi ni Boss bob ay may kasama itong dalawang lalaking body guard. Hindi ako basta basta umatake, humanap ako ng mas magandang tiempo.

Imbes na dumiretso uwi si Mr. Saelim ay pumasok ang kanyang sasakyan sa isang motel. Bumaba siya ng sasakyan kasunod ang kanyang mga body guard na may karga kargang isang babaeng walang malay. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa kamanyakan ng lalaking ito. Ilang minuto pagkapasok nila ng motel ay lumabas na ang kanyang dalawang body guard.

Natatawa tawa ang mga ito at naiiling na bumalik sa sasakyan. Duon na ako kumuha ng tiempo. Mabilis kong pinasok ang Motel para hanapin siya. Mabilis kong pinasok ang kwarto kung saan sila nakacheck in, gamit ang baril na may silencer ay pinaputukan ko siya sa ulo. Sa gitna ng kanyang pakikipagromansa ay namatay si Mr. Ryan Saelim.

Mabilis akong tumakbo ng magkaroon ng malay ang babaeng kasama niya, nagsisisigaw ito dahil sa gulat. Habol habol ko ang aking hininga nang makasakay na ako sa aking gamit na getaway vehicle. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng byahe pauwi ay nakatanggap na ako ng notification mula sa aking online banking. Twenty thousand ang pumasok duon. Kasunod nuon ang message mula sa Organization.

Successful Mission

Tipid na message nito sa akin. Pagod akong napasandal at napapikit. "Masama kang tao Piero" mapanuyang sabi ko sa aking sarili.

Walang nakapansin sa paguwi ko ng madaling araw sa aming bahay. Hindi rin naman ako nakatulog ng maayos. Mulat pa din ang aking mga mata hanggang sa sumikat ang araw. Tanghali na nang lumabas ako sa aking kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Sachi na umiiyak sa tapat ng pintuan ng aking kwarto.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya.

Patuloy pa din ang pagiyak nito. "Sabi ni Daddy aalis ka daw" umiiyak na sagot niya sa akin.

Napairap ako sa kwalan. Damn Dad, sinasabi ko na nga ba. Hindi siya mapipigilang sabihin kina mommy iyon.

Hindi ako nakasagot sa kanya. "Iiwan mo din ako?" Umiiyak na pangungunsensya niya pa sa akin.

Hinila ko siya para yakapin. "Shh, tahan na. Para sayo din naman itong ginagaw ako..." pagpapatahan ko pa sa kanya.

"Paano po naging para sa akin yun kuya Piero?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. "Because we can never be like, Tita Elaine and Tito Axus" tipid na sagot ko lamang sa kanya.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin. "Hindi ko po kayo maintindihan kuya Piero" naguguluhang sabi niya pa.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "I'm no good for you baby girl. No love belongs to the wicked"












(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
90.6K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something