The Vampire King's Beloved

By imperial_gem

57.3K 4.5K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... More

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 10: Sirendepity
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 13: Special Weapon
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 18: The Prophecy
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 20: Unfold the Past
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 23: Captured
Chapter 24: Queen's Pendant
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating
Chapter 39: Sacrifice
Chapter 40: Final Chapter
Epilogue

Chapter 27:After Death

916 69 6
By imperial_gem

Chapter 27:After Death

Sirene's Point of View

Nagising akong nanghihina, na tila ba kinakapos ako sa paghinga. Hindi ko alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari basta ang huling naaalala ko lang ay ang mabilis na pagbaril ni Gilbert sa akin. Napahawak naman ako sa dibdib ko at nakitang walang sugat dito. Anong nangyari? Ramdam at kitang-kita ko kung paano ako natamaan at kung paano bumaon ng madiin ang bala sa dibdib ko.

Inilibot ko naman ang aking paningin at napasinghap ng mapagtanto kong nandito ako sa loob ng akademya.

Naalala ko nang bata pa ako, palagi kaming pumupunta ni Troy rito. Lalo na kapag may pagu-usapan ang aking Ina kay Tita Emma. Ngayon ko na lamang nakita ang lugar na ito. Pero bakit ako nandito? Hindi ba ay nasa alegria pa ako?

"Sirendepity, halika rito! Maglaro tayo!"

Napatingin naman agad ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses na iyon at nakita ang dalawang maliliit na bata. Npasinghap ako ng mapagtantong ako ang batang babae na 'yon at ang batang lalaki naman ay si Troy. Hindi ako nagkakamali. Pero bakit ko ito nakikita ngayon?

"Sige maglaro tayo Troy!"

"Anong gusto mong laroin?"

"Gusto ko ng tago-tagoan."

"Sige iyan ang lalaroin natin ngayon kasi 'yan ang gusto mo eh."

"Yeheeey!"

Nakita ko naman kung paano kumislap ang mga mata ng batang babae sa sinabi ng batang lalaki. Naalala ko na ang panahong nangyari ito. Ito 'yong mga panahong walang problema ang mga pamilya namin. Walang digmaan. Walang alitan at walang Gilbert na nakikialam sa pamumuhay namin.

Nag-iba naman ngayon ang bawat paligid. Ngayon ay nasa loob ako ng isang silid. Nakita ko ang batang babae na si Sirene kasama ang kanyang ama at ina.

Hindi ako makapaniwala. Banayag naman ang aking pag galaw papunta sa aking ama at ina. Masaya silang nakatingin sa batang si Sirene. Napakasaya! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila bilang mga magulang.

Naramdaman ko na lamang ang mabilis na pagtibok ng puso ko na ngayon ko lang yata naranasan. Kakaiba ito at nakaka pangamba. Napatingin akong muli sa aking ama at ina at napatakip ng bibig ng makita kung paano hinawakan ni ina ang ulo ng batang si Sirene.

"Mama.." mahinang bulong ko at napayuko.

Ramdam ko ang mabilis na pag-agos ng aking mga luha. Nasasaktan ako sa aking nakikita. Ni hindi ko man lang sila naabotang buhay. Humikbi ako at dahan-dahang napaluhod sa harap nila.

"M-Mama sorry..." mapaklang usal ko habang tinitingnan silang muli.

Napakaganda ng aking ina. Nakasuot ito ngayon ng magarang bestida, mahaba ang kanyang buhok at ma alon ang hulihan nito. Suot niya ang kanyang paboritong sandal, bigay ito ng aking ama kaya niya ito naging paborito. Sumulyap naman ako sa aking ama. Magiting at isang mabuting lalaki. Suot-suot niya ngayon ang kulay asul na polo na bigay din ng aking ina. Napatawa naman ako ng bahagya. Kumukupas na ang kulay ng kanyang polo ngunit palagi niya pa rin itong sinusuot.

Napabuntong hininga ako at pinawi ang mga luhang nasa pisngi ko. Kung maibabalik ko lamang sana ang panahon. Susulitin ko ang bawat oras na kayo'y kasama. Kung alam ko lang sana na iyon na pala ang huling pagkakataon.

Nag-iba na naman ngayon ang buong paligid. Nasa hardin na ako ng palasyo ng valencia, masarap ang simoy ng hangin at nakakagaan ng loob.

Naalala ko noon, sinabi sa akin ng aking ina na hindi namamalagi ang pamilya ni Troy sa palasyo dahil gusto ng mag-asawang si Haring Ignacio at Reyna Emma na maranasan ng kanilang mga anak na manirahan bilang normal na bampira. Gusto nilang maranasan ng kanilang mga anak na tumira sa isang bahay na walang katulong, walang utosan. 'Yon bang hindi sila maharlika sa pamamahay nila.

"Troy!"

Napatingin naman ako sa aking unahan at nakita ang batang bersyon ng aking sarili, dala-dala nito ang kanyang laruan at nakangiting nakatitig sa aking likuran.

Tumalikod ako at nakita ang batang bersyon ni Troy. Napangiti naman ako ng makitang pormado ito sa kanyang suot. Lumapit siya sa batang si Sirene at nilagpasan ako.

"Halika, may ipapakita ako sa'yo." usal ng batang si Troy at agad na hinawakan ang kamay ng bata.

"Talaga? Anong ipapakita mo sa akin Troy?" Tanong ng batang si Sirene, halatang excited ako sa mga panahong iyan.

Tumigil sila sa sulok ng hardin, nakita ko namang may kinuha si Troy sa bulsa niya. Ano 'yan?

Napasinghap naman ako ng maalala ang panahong 'to. Ito iyong araw na ibinigay sa akin ni Troy ang pendant. Sinusuri niya kung ako ba ang susunod na magiging kaagapay ng hari at reyna ng valencia. Napakatusong bata. Naalala kong hindi niya dapat pinuslit ang pendant na iyan. Pero nang malaman ng Hari at Reyna na naisuot ko nga ang pendant at ako nga ang sinasabi nilang itinakda ay nasiyahan sila't hindi na pinagalitan si Troy sa pagkuha ng pendant.

"Ano iyan?" Maamong tanong ng batang si Sirene.

Nginitian naman siya ng batang lalaki at dahan-dahang isinuot ang kwintas sa leeg niya. Napahawak naman ako sa aking dibdib ng makita ang eksena. Humihina ang pagtibok ng puso ko. Kanina la'y ang bilis-bilis nito.

"Woooow!"

Hindi mapigilan ng batang babae na mamangha sa ibinigay ni Troy sa kanya. Nang isinuot sa kanya ang kwintas na hugis puso ay naging kulay pula ito na kanina lang ay kulay itim. Nag nining-ning ang kanyang mga mata at tiningnan si Troy na ngayon ay tulala.

"I-Ikaw nga!" bulaslas ni Troy.

Tila nagtaka naman ang batang babae sa sinabi ng lalaki. Ramdam niya ang pagkabigla ng lalaki ng makitang naging kulay pula ang kwintas at ramdam rin niyang nasisiyahan rin ito sa nakikita. Nagugulohan ang batang si Sirene sa inasta nito basta ang alam niya lang sa panahong iyon ay espesyal ang turing sa kanya ni Troy dahil binigyan siya nito ng kwintas.

Nag-iba na naman ngayon ang buong senaryo. Wala na ako ngayon sa hardin, nandito na ako ngayon sa labas ng palasyo.

"Rain! Ang sama mo talaga! Ba't ba ayaw mong sabihin kung nasaan si Troy!" nakabusangot na tanong ng batang babae sa isang batang lalaki na panigurado akong kahawig ni Rain.

Napangiti naman ako ng makita kung paano nag-iba ang emosyon ni Rain ng makitang nakabusangot ang batang si Sirene. Kakambal siya ni Troy at ang tanging tanda ko lang na siya si Rain ay dahil sa maliit nitong pasa sa kanyang pisngi. Matangkad din siya ng kaunti kay Troy. Alam kong mabait din si Rain pero mas alam ng batang babae na mas mabait para sa kanya si Troy.

"Nandoon siya sa loob ng palasyo kasama si Ina. Tigilan mo na nga 'yang pagbubusangot mo hindi ka talaga magugustohan ng kapatid ko kapag palagi kang nakabusangot sige ka."

Napatawa naman ako sa sinabi ng batang bersyon ni Rain. Tinatakot niya akong hindi ako magugustohan noon ni Troy kapag palagi akong nakasimangot at naniwala naman ako. Simula noon palagi na lamang akong nakangiti. Ewan ko ba.

Marami pa akong mga nakitang ala-ala na hindi ko inaasahang nangyari pala noon. Kung paano ako nawala sa valencia, kung paano nawala ang aking ala-ala at kung paano ako inampon ni Inay at Itay Rico. Hanggang sa nakita ko na lamang ang aking sarili na mabilis na hinahabol ang paghinga. Nag-iba ang buong paligid na tila ba napakabilis ng mga pangyayari. Kinakabahan ako at nanginginig ng maramdamang nahihirapan akong huminga. Anong nangyayari?

Mabilis ang mga pangyayaring senaryo. Nakita ko kung paano ako binaril ni Gilbert at kung paano mabilis na pumasok si Troy sa silid. Dumating siya! Nakita ko rin ang bawat pagkasunod-sunod na mga pangyayari sa loob ng silid. Nagkakagulo at naglalaban sila. Hanggang sa nandilim ang mga paningin ni Troy at galit na sinakal si Gilbert.

"H-Hindi ako m-makahinga." Hirap na hirap na usal ko habang hinahawakan ko ang leeg ko.

Pilit kong tiningnan ang mga pangyayari at nakita ko kung paano hinugot ni Troy ang ulo ni Gilbert dahilan upang mamatay ito. Hindi ako makapaniwala! Pinatay niya nga!

Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko. Pinagpapawisan na ang buong katawan ko at nagsisimula na ring manlamig ng mga paa ko. Ano itong nangyayari?

"A-Aaaaaaaah!" Malakas na sigaw ko at napadaing.

Napaluhod ako habang hawak-hawak ang dibdib ko. Nasasaktan ako! Napakasakit ng aking natatamasa ngayon. H-Hindi ko na kaya.

Hanggang sa nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ko. Nakagapos. Tumutulo ang dugo at pawis sa buong katawan nito. Naramdaman ko namang parang may kumukuha sa akin. At hinahayaan ko lang din itong kunin ako. H-Hindi ko alam. Nais ko lamang magpahinga na. Marami akong naranasan at ang sakit sakit na.

Humiga ako ng dahan-dahan sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang aking dibdib. Pilit iniinda ang sakit. Naramdaman ko na lamang na bumibigay na ang katawan ko. Na parang ayaw na nitong kumilos. Napatingin ako sa sarili kong nasa harap. Nakakaawa siya. Bakit ko nga ba ito nakikita?

Mamamatay na ba ako ng tuloyan? Bakit ko nakikita lahat na nangyari sa buhay ko simula nang bata pa ako? Ito na ba 'yon? Katapusan ko na ba?

Ngumiti naman ako ng mapakla at marahang ipinikit ang aking mga mata ng maramdaman ang tuloyang pagputol ng aking hininga. Pero bago pa lamang iyon ay may narinig pa akong boses na hindi ko alam kung saan nanggaling. Tila nalulungkot ito at nahihirapan.

"L-Lumaban ka. L-Lumaban ka Sirene."

***

Continue Reading

You'll Also Like

3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
2.5M 99.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.