The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 7

112K 3.9K 1.4K
By Maria_CarCat

Agent Hagen






Kaagad akong pinakain ni Sachi ng kapwa na kami kalmado. Asikasong asikaso ito sa akin.

"May gusto ka pa bang kainin kuya?" Natatarantang tanong niya sa akin matapos niya ilapag ang plato na may pagkain sa aking harapan.

Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay para pakalmahin siya. "Umupo ka na dito, ayos na ako" sabi ko pa sa kanya. Hindi pa sana siya papayag, pero wala na din siyang nagawa kundi ang umupo sa aking tabi.

"Eh paano po yung sasakyan niyo duon?" Panguusisa pa niya.

Hindi ito makapaniwala na nilakad ko ang malabon papunta sa Valenzuela para lang sa kanya. Sobra ang pagaalala niya, paano pa kaya pag hinubad ko na ang suot kong mascara, kung saan bubungad sa kanya ang bugbog sarado kong mukha.

Gustuhin ko mang galawin ang pagkaing kinuha niya para sa akin ay wala akong gana. "Hayaan mo na yun. Sira naman amputa" inis na sabi ko pa sa kanya.

Nakatitig lamang ito sa akin kaya naman kaagad kong ginantihan ang tingin niya sa akin. "Bakit?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin. "Hindi lang po ako makapaniwala na dumiretso ka pa din dito para samahan ako kuya" malumanay na sagot niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang aking kamay na buong lambing na haplusin ang kanyang pisngi.

"I'm bad, very bad...pero Sachi pag sinabi ko, ginagawa ko" paalala ko sa kanya.

Tipid ako nitong nginitian. "Kumain ka na kuya" paalala pa niya sa akin.

Halos hindi ko na alam kung anong nangyayari sa party. Mas lalong lumalalim ang gabi mas lalo kong nararamdaman ang sakit ng aking katawan. Gustong gusto ko ng pumikit at mahiga, pero iniipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko para maging okay sa harapan ni Sachi.

Hindi katulad kanina ay malaki na ang ngiti sa mga labi nito habang pinapanuod ang ilang mga kaklase na nagpeperform sa harapan. Halos mag aalas diyes ng gabi ng matapos ang party.

"Susunduin po ako ni mang june kuya, ihahatid ka na namin sa condo mo" sabi pa ni Sachi sa akin pagkalabas namin ng Venue.

Mabilis akong umiling. "Hindi na, magtataxi na lang ako. Baka malaman pa ni mang june kung saan ako tumutuloy sabihin pa niya kina mommy at daddy" pagtanggi ko sa kanya.

Magproprotesta pa sana ito ngunit napansin niyang pinal na ang aking desisyon kaya naman wala na siyang magagawa pa duon. Halos lahat ng kaklase niya ay nasundo na ng kanikanilang mga sasakyan. Nanatili kaming nakatayo ni Sachi sa labas ng kanilang building para hintayin si Mang june.

Gusto ko na ding makauwi sa condo para makapagpahinga na. "Ayan na si mang june" anunyso ni Sachi ng matanaw namin ang paparating na kulay itim na chevrolet suburban.

Hinintay naming makalapit ito. Pero pareho kaming nagulat ni Sachi ng imbes na si mang june ang lumabas mula duon ay si Daddy ang aming nakita.

"Daddy" ramdam ko ang takot sa boses ni Sachi ng tawagin niya ito.

Matalim ang tingin ni Daddy sa akin. Dahil dito ay dahan dahan kong tinanggal ang mascara na suot ko. Hindi ko man sana gustong gawin iyon ay wala na akong choice, hindi naman ako papayag na ganuon ang itsura ko sa harapan ni Dad.

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng makita niya ako. "What the Fuck Piero" galit na utas nito ng makita ang aking bugbog sarado na mukha.

Dahil dito ay kaagad na napatingin si Sachi sa akin. "Kuya Piero" gulat na tawag niya sa akin.

Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita ng malinaw ang aking mukha. Kita ko ang kanyang pagkabato, pero ng makabawi ay kaagad siyang tumakbo papalapit sa akin.

"Ano pong nangyari diyan?" Nagaalalang tanong niya sa akin habang titig na titig sa aking mukha.

Hindi ko na siya nasagot pa ng kaagad na lumapit si Dad sa amin. "Sumakay ka na, pupunta tayo sa hospital" maawtoridad na utos ni Dad sa akin.

"No need dad..." pagtanggi ko pa sana.

"Now Piero" matigas na sabi pa niya sa akin at hindi na hinintay pang makapagsalita ako.

Bayolente na lamang akong napabuntong hininga. Bahagyang gumaan ang dibdib ko ng maramdaman ko ang paghawak ni Sachi sa aking braso para hilahin ako.

"Tara na po kuya, umuwi ka muna sa atin please..." pakiusap pa niya sa akin. Titig na titig siya sa akin gamit ang kanyang malamlam na mga mata.

Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya pasakay sa aming sasakyan. Tinabihan ako ni Sachi sa may backseat. Pagkaupo na pagkaupo ay kaagad akong napasandal at napapikit.

"Anong nangyari sa kuya mo Sachi?" Rinig kong tanong ni Dad.

"Ayos naman po siya kanina Dad, hindi ko po napansin yung mga sugat niya kasi naka suot siya ng mask at medyo madilim sa loob kanina. Hindi naman po sinabi ni Kuya na may sugat siya" medyo paos na sagot niya kay Dad.

Ang malalim na paghugot ng hininga ni Dad na lamang ang narinig ko pagkatapos nuon. Dumiretso kami sa hospital para ipagamot ang mga sugat ko. Nagawa ko ding makatulog sa emergency room habang ginagamot ako. Madaling araw ba kami nakauwi sa bahay dahil duon.

Bukas pa ang ilaw sa loob ng aming bahay. Naunang bumaba si Dad at si Sachi, nagawa pa ako nitong alalayan na tila mo ay pilay ako at hindi makalakad.

"Kaya kong maglakad" nakangising sabi ko sa kanya pero napakanguso lamang siya. Hindi siya nagpapigil dahil siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kanyang balikat para akayin ako.

Hinayaan ko na lamang siyang gawin iyon. Napangisi na lamang ako habang nakatingin kay Sachi na hirap din sa ginagawa. Eh mas kaya ko pa nga siyang buhatin ngayon kahit ganito ang kalagayan ko.

Natigil kami pareho ni Sachi ng humahangos na lumapit si Mommy sa amin. Kaagad itong yumakap sa akin.

"Piero anak, ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na tanong niya sa akin.

Madaling araw na, dapat sana ay tulog na ito. Pero heto at umiiyak pa siya ngayon sa aking harapan dahil sa aking itsura. Ingat na ingat niyang hinawakan ang aking mukha.

"Sinong gumawa sayo niyan?" Tanong pa niya sa akin.

Niyakap ko si Mommy at hinalikan ito sa kanyang ulo. "Ayos lang po ako mommy" paninigurado ko sa kanya. Napailing iling ito.

"Hindi yan ayos Piero, saan ka ba nagsususuot na na bata ka" umiiyak pa ding tanong niya sa akin. Kahit gustuhin man niya akong pagalitan na parang bata ay hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang kanyang pagaalala sa akin.

"Napaaway lang po ma" pagsisinungaling ko sa kanya sabay tingin kay Sachi na tutok ba tutok din sa amin.

Imbes na tanungin pa ako ni mommy ng kung ano ano ay kaagad na niya akong inakay papasok sa bahay. Sinubukan pa niya akong alukin ng pagkain pero sinabi ko sa kanya na mas gusto ko na lamang magpahinga.

Inasikaso niya ako sa aking kwarto, hindi siya umalis hangga't hindi niya nasisigurado na kumportable na ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa aking kwarto tanda na lumabas na si mommy. Simula ng pumasok ako sa aking kwarto ay hindi ko na nakita si Sachi, marahil ay dumiretso na din ito sa kanyang kwarto para matulog.

Dahan dahang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Halos kainin na ako ng antok ngunit muling nagising ang aking diwa ng muli kong marinig ang maingat na pagbukas at pagsara ng aking pintuan. Pinakiramdaman ko itong mabuti, hanggang sa naramdaman ko ang paglundo ng kama sa aking tagiliran.

"Sa tingin mo Rochi, sino ang may gawa niyan kay Kuya Piero?" Rinig kong mahinang sabi ni Sachi.

Bahagya kong minulat ang aking mga mata, nakita kong kandong kandong nito ang malaking stuffed toys na palaka na pinangalanan niyang Rochi. Mas lalong kumalma ang buong sistema ko ngayong alam kong nandito si Sachi sa aking tabi.

"Siguro inggit yun kay kuya Piero kasi gwapo si kuya, gusto niyang sirain yung mukha ni kuya" pagkausap pa nito sa palaka.

Bahagya akong napangiti kahit pa halos hindi ko na maramdaman ang buong mukha ko dahil sa pamamanhid. Siraulo amputa, kinakausap yung palaka.

Hindi nagtagal ay bayolente akong napalunok ng maramdaman ko ang paghalik ni Sachi sa aking noo. Pagkatapos nito ay naramdaman ko din ang paglapag niya ng laruang palaka sa aking tabi.

"Rochi, ikaw na muna ang magbantay kay Kuya..." sabi pa niya dito.

Dahan dahan ang ginawa nitong paggalaw palabas para hindi ako magising, pero dahil sa kanyang ginawa ay muling nagising ang buong diwa ko. What are you doing Sachi, ikaw dapat ang nababaliw sa akin, Hindi ako ang nababaliw sayo.

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Masakit ang aking buong katawan, ngunit masakit din ang aking ulo dahil sa paggising ng tanghali. Maingat akong bumangon, pagmulat ng aking mga mata ay kaagad na sumalubong sa aking tabi ang malaking palaka ni Sachi. Tipid akong napangiti ng maalala ko nanaman ang ginawa nito kagabi.

Hindi na ako nagabala pang magayos. Mabilis akong lumabas ng aking kwarto dala dala ang malaking palaka ni Sachi para bumaba at kumain. "Piero anak! Aakyat pa lang sana ako" salubong ni Mommy sa akin na may kasamang isa sa aming mga kasambahay na may dalang tray ng pagkain.

Kaagad akong humalik sa kanya. "Dito na lang po ako kakain sa dinning mom" sabi ko pa sa kanya. Ilang beses pa akong tinanong nito kung sigurado akong ayaw kong sa kwarto ko na lamang kumain.

Maging sa aking pagkain ay aligaga si mommy kakaasikaso sa akin. Ilang beses ko siyang sinuway na kaya ko na iyon pero hindi siya nagpatalo.

"Si Sachi nga po pala ma?" Tanong ko sa kanya.

"Kasama ni Kenzo, pumunta ng mall" sagot ni mommy sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

Napatingin ako kay Rochi na nakaupo sa aking katabing upuan. Walang sabi sabi ko tong sinuntok. "Hindi kami bati ng Mommy mo" galit na sabi ko dito.

Nagulat ako ng makita kong nakatingin si Mommy sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin para kuhanin ang palaka. "Oh bakit mo naman sinusuntok tong si Rochi?" Tanong niya sa akin at hinimas himas ito na akala mo ay nasaktan talaga ang palaka.

"Nakatingin sa akin Ma eh, nakakainis" palusot ko na lamang at nakahinga ako ng maluwag ng masigurado kong hindi niya narinig ang sinabi ko kanina.

Maya maya ay mabilis niyang binitawan si Rochi ng kaagad siyang tinawag ng isa sa aming kasambahay dahil may tawag para sa kanya sa telepono. Muli akong bumalik sa aking pagkain ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng aming gate. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang maingay na bunganga ni Sachi sa may sala.

"Mommy gising na po si Kuya Piero?" Rinig kong tanong ni Sachi kay mommy sa may sala.

"Nasa dinning kumakain" sagot ni Mommy sa kanya.

Wala pang ilang segundo ay nakita ko na itong humahangos na lumapit sa akin. May dala itong plastick, iwinawagayway pa niya ito sa aking harapan.

"Kuya" nakangiting salubong pa niya.

Tamad ko lamang siyang tiningnan kahit pa ang isang mata ko ay halos nakapikit pa din dahil sa pagkakabugbog. Kahit pa ganuon ay hindi naman nabawasan ang kumpyansa ko sa aking sarili na gwapo pa din ako.

"Nagpasama ako kay kuya Kenzo sa mall para bumili ng  ga gamot para sa sugat mo. Tsaka may band aid din ako na palaka, parang si Rochi ang cute" tuloy tuloy na sabi at pagbibida pa niya sa akin. Parang armalite ang bibig nito pag nagkwekwento.

Inirapan ko siya para kunwari wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. "Ang cute noh kuya?" Pagbibida pa niya sa akin nung band aid na may nakaprint na Palaka.

Muli akong napatingin sa laruan niyang palaka na kanina ay sinuntok ko. "Pagkatapos mong kumain gamutin na natin yang mga sugat mo kuya, nagpaturo ako kay kuya kenzo kung paano eh" patuloy pa niya.

"Ang ingay ng bunganga amputa, oo na oo na" pagsuko ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti nito.

Matapos kong kumain ay pinaligo muna niya ako. Nang makaligo ay sa Garden ako dumiretso. Pero nainis lamang ako ng makita ko duon maging si Kenzo. Kandong kandong nito ang malaking palaka na si Rochi.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Kenzo.

Inirapan niya lamang ako at muling binalingan si Sachi na busy sa pagaayos ng mga cream at gamot sa may lamesa. "Zochi na lang dapat ang pangalan nito, mas cute" sabi niya dito kaya naman pumintig ang tenga ko.

Bayolente kong kinuha ang palaka mula kay Kenzo. "Zochi ka diyan, ang bantot..." sita ko sa kanya kaya naman napatawa siya.

"Hindi po pwede kuya kenzo, si Rochi na po siya eh" laban ni Sachi sa kanya kaya naman muli kong inirapan si Kenzo.

Ilang araw akong nagstay sa bahay. Muli ay namiss ko nanaman ang maginhawang buhay, tulog kain pero may pera. Parang gusto ko na lang muling bumalik sa bahay namin at muling maging palamunin nina Mommy at Daddy.

Si Sachi din ang nagsilbing personal nurse ko, tuwang tuwa si Mommy dahil nagiging close na daw kami nito. Hindi na lamang ako umiimik pag binabanggit niya iyon.

"Malapit ng gumaling ang mata mo Kuya Piero" sabi ni Sachi sa akin isang hapon habang nilalagyan niya ng cream ang mga sugat ko.

Hindi ako umimik. Tahimik ko lamang siyang pinapanuod. "Uuwi si Kuya Tadeo bukas" nakangiting kwento niya sa akin.

"Pake ko" tamad na sabi ko sa kanya kaya naman humaba ang nguso niya. Ang haba ng nguso amputa, pag iyan hinigop ko mamamaga talaga nguso nito.

"Hindi mo ba namiss si kuya Tadeo?" Tanong pa niya sa akin.

Inirapan ko siya. "Hindi, bakit ko naman mamimiss iyon eh ang laki laki na nun" tamad pang sagot ko sa kanya.

Hindi siya nakasagot. Nakafocus ito sa paglalagay ng cream sa gilid ng aking labi.

"Chichi!"

"Puta!' Hiyaw ko ng kaagad na madiinan nito ang paglalagay sa aking labi dahil sa gulat.

"Kuya Tadeo!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo papunta sa kararating lang na si Tadeo.

"Punyeta, ang sakit hayup" iritadong daing ko pa din.

Nilingon ko ang dalawa na ngayon ay magkayakap pa din. Napansin ko ang mas lalo paglaki ng katawan ni Tadeo, marahil ay dahil sa bigat ng mga training nila sa Campo. Napairap na lamang ako, pag naging tunay na agent na ako magiging ganyan din ang katawan ko.

"Nabalitaan ko yung nangyari sayo Piero" sabi niya sa akin ng lapitan niya ako.

Tamad ko siyang tiningnan. "Maliit na bagay lang ito, malayo sa bituka" pagmamayabang ko sa kanya.

Nakuha ni Sachi ang parehong pansin namin ng punahin niya ang maliit na sugat ni Tadeo sa pisngi, mukha itong gasgas.

"Lagyan natin ng cream kuya Tadeo tapos band aid" sabi pa ni Sachi sa kanya.

Takang kukuhanin niya ang band aid na may design na palaka ng kaagad kong kinuha iyon at itinago sa aking bulsa. Nagulat si Sachi dahil sa aking ginawa.

"Penge ng isa..." sabi niya na mabilis kong pinutol.

"Ayoko" inis na sabi ko at kaagad na umalis duon ay bwiset na bwiset na nagkulong sa aking kwarto.

Isang linggo si Tadeo magbabakasyon sa bahay kaya naman paniguradong isang linggo nanaman akong babaliwalain ni Sachi.

"You took up BS criminology, so saang field ka after?" Tanong ni Tadeo sa akin habang nagmimirienda kami sa may pool area. Nakababad sa pool sina Cairo, kenzo at sachi. Kapwa kami lahat walang pangitaas at tanging shorts lang ang suot. Hindi naman ako umalma dahil nakasuot si sachi ng malaking tshirt.

"I'll try na makapasok sa NBI" tamad na sagot ko sa kanya.

Napatango tango siya bago tumungga ng whiskey. "Madali na lang yan, hindi naman nagkakalayo ang field natin. Kung gusto mo ipapasok din kita sa kampo soon" sabi pa niya sa akin kaya naman napangisi ako.

"Malakas ba kapit mo sa loob ha? Bakit may posisyon ka na ba at kung makapagsalita ka diyan. Grumaduate ka muna" sita ko pa sa kanya. Imbes na mainis ito ay napangisi pa siya.

"Pag ako naging Captain" pagmamayabang niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Matapos ang ilan pang araw ay nakatanggap ako ng message mula kay Zandro na kailangan kong pumunta ng hideout. Napaaga ang final mission, kinakailangan na daw kasi ng organization ng mga bagong agents.

"Kuya Piero aalis ka po?" Pagpigil ni Sachi sa akin bago ako lumabas ng bahay.

"May pupuntahan lang ako" sagot ko sa kanya.

"Balik ka po agad ha, tutulong po ako kay mommy gumawa ng dinner mamaya" ngiting ngiting sabi pa niya sa akin na tinanguan ko.

Aalis na sana ako ng kaagad niya akong pinigilan. "Mag promise ka muna Kuya na maaga kang uuwi" pangungulit pa niya sa akin.

"Promise" sabi ko na lamang para tumigil na siya.

Kaagad akong nagpunta sa hideout gamit ang aking chevrolet camaro. Pagdating ko duon ay nauna na si Lance nakangiti ako nitong sinalubong.

"Final mission na, iaanounce na din ang agent name natin after" anunsyo pa niya sa akin.

Tipid akong tumango sa kanya at tsaka tumabi sa kanya ng upo. Halos kumpleto na din ang lahat. Hindi nagtagal ay dumating si boss bob ay inanunsyo ang magiging final mission naming lahat.

"Matira matibay, 1 on 1 ang laban..." paguumpisa niya. Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa kanya.

Sandali silang nagtinginan ni Zandro. "You will be declare an official agent the moment na mapatay niyo ang kalaban niyo" sabi niya pa kaya naman umingay ang buonh paligid.

May ilang nagreklamo pero wala na din silang nagawa. "Eh sino ang makakalaban namin?" Tanong pa ng isa.

Napangisi si Boss Bob. "Your partner" kalmadong sagot niya sa amin na para bang hindi buhay ang gusto niyang tapusin.

Bayolente akong napalunok at napalingon kay Lance. Kita ko ang pagbagsak ng balikat nito at napayuko na lamang.

"I think hindi naman natin kailangang magpatayan" sabi ko sa kanya.

Tipid na napangiti si Lance. "This is a mission" sagot niya sa akin kaya naman natahimik na lamang ako.

Pagkatapos nuon ay hindi na kami nagusap pa ni Lance, ramdam ko ang kagustuhan niyang manalo at mabuhay. So do I.

Nagsimula na ang last mission para sa ibang mag partner. If you refuse to fight, they will kill you both. Bumigat ang dibdib ko ng kami na ang susunod na maglalaban. Kakatapos lang maglaban ng dalawang babae.

Ang nanalong babae ay may mahabang kulot na buhok. Balingkinitan ang katawan. Hindi mo aakalaing sobrang lakas niya.

"You will be named, Agent Luna" anunsyo ni Boss bobby dito sabay taas ng kamay ng nanalong babae.

Matapos tanggalin ang wala ng buhay na katawan ng isang babae ay pinatayo na kami ni Zandro sa gitna. Ni hindi ko magawang tingnan si Lance sa kanyang mga mata. kahit sa maiksing panahon ay naging kaibigan ko na siya, hindi ko kakayanin na tapusin ang buhay niya sa aking mga kamay.

"Battle Begin!" Anunsyo ni Zandro.

Nanatili akong nakatayo, si Lance ang unang nagpakawala ng suntok. Hindi ako gumanti, gusto kong ipakita sa kanya na hindi ko siya kayang saktan.

"Lumaban ka!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Muli niya akong pinaulanan ng suntok hanggang sa muli kong nakita ang nakangiting mukha ni Sachi.

"Mag promise ka muna Kuya na maaga kang uuwi"

Paulit ulit kong narinig ang boses niya. Kaya naman ng maipon ko ang lahat ng lakas ko ay lumaban na ako kay Lance, nagpalitan kami ng malalakas na suntok. Halos basa namin ang galaw ng isa't isa lalo na't sabay kami kung magensayo.

Kaagad ko siyang sinipa sa sikmura kaya naman napadaing ito at napahiga sa sahig. "Ayokong gawin ito Lance, pero may naghihintay sa paguwi ko" emosyonal na sabi ko sa kanya.

Unti unting bumaba mula sa kisame ang mga armas na pwede mong gamitin sa pagpatay. Karaniwan sa lahat ng nanalo ay baril ang pinili.

Napangisi si Lance bago siya sumuka ng dugo. "May naghihintay na magina sa akin" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong nanlambot.

Ang hawak kong baril ay hindi ko magawang itutok sa wala ng lakas na si lance. Nabato ako sa aking kinatatayuan, nang mainit si Zandro ay binilangan niya ako.

"Limang minuto Piero, pag hindi mo pa pinatay si Lance. Ako ang babaril sayo" pananakot niya sa akin bago nagsimula ang limang minutong sinasabi niya.

Dahan dahan akong napatingin kay Lance kasabay ng pagtutok ko ng baril sa kanyang ulo. Napatawa ito kasabay ng kanyang pagiyak. "Pwede mo ba silang tingnan tingnan pag wala na ako?" Pakiusap niya sa akin.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa bigat ng aking dibdib. "Masaya akong makilala ka Piero. Congrats pare" sabi pa niya sa akin.

Muli kong narinig ang banta ni Zandro. Pikit mata kong pinutok ang baril sa ulo ng aking kaibigan. Kasabay nuon ay ang pagtulo ng luha sa aking kanang mata.

Narinig ko ang tawa ni Zandro habang nakaakbay sa akin. "Congrats pre" sabi pa niya.

Lumapit si Boss Bob sa akin para itaas ang aking kamay bilanh panalo sa laban. "Let's all hail for Agent Hagen" pakilala pa niya sa akin.

Nanlulumo akong napatingin sa walang buhay na katawan ni Lance. I'm officially a killer.













(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

230 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
351K 5.4K 23
Dice and Madisson
2M 79.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...