The Powerless Immortal Prince...

By ayelliene

31.5K 827 53

VEIRSALEISKA KINGDOM SERIES #2 Ako si Clerxiene Dayle Madrigal Harvaux. Isa akong prinsesa sa aming kaharian... More

MUST READ! MUST READ!
PROLOGUE
CHAPTER ONE : Princess Clerxiene
CHAPTER TWO : Mission
CHAPTER THREE : Park Hyun Ra
CHAPTER FOUR : Lorain Radean
CHAPTER FIVE : Meet Arys
CHAPTER SIX : Bully
CHAPTER SEVEN : Eurydice
CHAPTER EIGHT : Water Element
CHAPTER NINE: Muntik na...
CHAPTER TEN: Magulo...
CHAPTER ELEVEN: Elleya Nim Shin
CHAPTER TWELVE: Her Side
CHAPTER THIRTEEN: Good!
CHAPTER FOURTEEN: DUSE DASHEL
CHAPTER FIFTEEN: Weirdo
CHAPTER SIXTEEN: Rebel
CHAPTER SEVENTEEN: Magic
CHAPTER EIGHTEEN: Seven Fairies
CHAPTER NINETEEN: Do you like him?
CHAPTER TWENTY: Last Help
CHAPTER TWENTY-ONE: The Comeback
CHAPTER TWENTY-TWO: My Prince
CHAPTER TWENTY-THREE: A Gift
CHAPTER TWENTY-FOUR: See You Again
CHAPTER TWENTY FIVE: Goodbye
CHAPTER TWENTY SIX: Ang Pitong Diwata
AUTHOR'S POV
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Evil Witch
CHAPTER TWENTY-EIGHT: She's dead!?
CHAPTER TWENTY NINE: I love you
CHAPTER THIRTY-ONE: Serpent Island
CHAPTER THIRTY-TWO: The Keeper
CHAPTER THIRTY-THREE: Marry Me
CHAPTER THIRTY-FOUR: The Queen Died
CHAPTER THIRTY-FIVE: Mnemosyne
CHAPTER THIRTY-SIX: Dark Shadows' Queen
CHAPTER THIRTY-SEVEN: Life Support
CHAPTER THIRTY-EIGHT: Mythical Guardian
CHAPTER THIRTY-NINE: SILVER BLIZZARD
CHAPTER FORTY: A Child
CHAPTER FORTY-ONE: Contrast of the Twins
CHAPTER FORTY-TWO: The Past of Hercus and Clerxiene
CHAPTER FORTY-THREE: A Curse of Death
CHAPTER FORTY-FOUR: The Forgotten Princess
CHAPTER FORTY-FIVE: I Killed Her
CHAPTER FORTY-SIX: Samantha's Treasure
CHAPTER FORTY-SEVEN: Time Travel
CHAPTER FORTY-EIGHT: The Queen Consort

CHAPTER THIRTY: Ambrosia

295 9 1
By ayelliene


Clerxiene
~•~

"Hindi pa rin rito natatapos ito." dismayado na sabi ni Eury.

"Sinasabi ko na nga ba." sabi naman ni Dash.


Ang daming dapat gawin bago ko makuha ang kapangyarihan ko. Nakakainis naman. Kinuha nila ng ganong kadali pero nang ibabalik na sa akin ay pahirapan. Talagang sa isla pa ng Ambrosia ako dapat pumunta. Sobrang layo non kung tutuusin.

Inilatag ko ang mapa na ibinigay ng reyna. Umiilaw ang ruta na patungo sa Ambrosia Island, lugar na pagmamay ari ng mga diyos at diyosa.
Ang kailangan lang naman naming gawin ay kumuha ng basbas mula sa kanila at kumuha ng dahon ng Ambrosia upang mabigyan kami ng sapat na lakas kapag ginawa na ang pagsasagawa ng seremonya ng pagbabalik ng kapangyarihan ko.

"Dalawang isla ang kailangan muna nating daanan bago makarating sa lugar na 'yon." sabi ni Dash habang nakatingin sa mapa.

"Kailangan na nating umalis ngayon dahil sa susunod na linggo na ang seremonya. Kailangan nating magmadali." ani ko.

Inihanda namin ang mga gamit na dadalhin namin. Sa tantsa ko ay tatlong araw ang itatagal ng paglalakbay namin.

Lumabas na kami sa aming dormitoryo upang makipagkita pa sa dalawa, kay Jairsen at kay...

"Rance..." banggit ni Dash sa pangalan niya ngunit tinignan lamang siya nito at lumipat rin ang tingin sa akin.

"Kumpleto na tayo diba? Umalis na tayo." aya ni Eury.

Sumang ayon naman kami pero isang boses ang nagpahinto sa amin.

"Sandali..."

Lumingon kaming lahat para tignan kung sino 'yon.

"Ate Zie!" nakangiti at kumaway pa ako sa kanya.

"Inutusan kami ng Reyna na samahan kayo patungo sa Ambrosia. Natapos na rin naman ang misyon namin kaya pumayag kami ni Xi." tinignan niya si Kuya ng may ngiti pero si kuya ay nakatingin sa nakayukong si Eury.

Anong pumasok sa isip ni mommy at pinasama pa niya si kuya? Alam niya namang nababalutan ng spell si kuya at alam kong masasaktan si ate Zie habang nakikita niyang may mahal na iba si kuya.

"Umalis na tayo." naunang naglakad si Kuya. Hindi na niya hinihintay si ate Zie. Dati rati ay hindi siya mapalagay kapag wala sa tabi niya si ate.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nasasaksihan ko.

"Clerxiene!" isa pa muling boses ang tumawag sa pangalan ko.

Napahinto kami muli at tinignan kung sino 'yon.

"Kiel? Hyun Ra?" nagulat ako ng makita sila.

Huminga muna ng malalim si Kiel bago magsalita, "Nagsabi kami sa reyna na nais naming maging keeper at protector ng prinsesa at ang sabi niya bago mangyari 'yon ay kailangan naming sumama sa misyon niyo at patunayan ang sarili namin."

"Pero..." sasabihin ko pa sana na hindi ko pa naman kailangan ng protector at keeper wala pa naman akong kapangyarihan pero pinutol na ni kuya yung sasabihin ko.

"Utos ng reyna sa kanila kaya hayaan mo silang sundin 'yon." at muli na siyang naglakad.

"Kung ganon, sige na sumama na kayo." ani ko.

Nangako ako kay Lorain na siya ang magiging keeper ko pero wala na siya rito sa kaharian. Gusto ko sana na siya pero si Hyun Ra gusto niya na maging keeper ko rin?

Tahimik ang lahat habang tinatahak ang landas patungo sa unang isla. Alam kong delikado ang islang 'yon pero wala kaming choice kundi daanan 'yon.

~•~
Ziekiah

"May kakayahan naman kayo mag teleport 'di ba? Mag teleport nalang tayo!" suggest ng isang lalaki. Siya ang humahawa ng air element.

"Hindi 'yon maaari." sagot ko sa kanya.

"At bakit naman?" tanong ng babaeng iniibig ngayon ni Xi.

Ngumiti ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin.

'Bakit niya ako nginingitian? Inaagaw ko ang lalaking mahal niya. Bakit pa siya ngumingiti sa akin?'
tanong niya sa kanyang isipan.

Wala siyang kasalanan kung bakit minamahal siya ni Xi ngayon kaya wala akong karapatan na magalit sa kanya. Hindi naman siya ang nag cast ng spell kay Xi.

"Ate Zie?"

"Ah..." hindi ko pa pala nasasagot ang tanong nila.
"May magic barrier ang islang pupuntahan natin. Hindi tayo makakapasok d'on kung gagamit tayo ng kapangyarihan. Kailangan pisikal na katawan natin ang dadaan sa barrier. Isa pa kung mag teteleport tayo ngayon, maaari tayong maligaw dahil pare pareho ang itsura ng paligid."

"Hayst, maglalakad nga talaga tayo ng napakalayo." reklamo niya... ni Eury.

Ngumiti nalang ako sa kanya pero nawala iyon ng marinig si Xi.
"Kapag napagod ka ay maaari kitang buhatin."

Nalaglag ang aking panga. Diretso niyang sinabi iyon sa mga mata ni Eury.

'Sabihin mo kung pagod kana'
paulit ulit na naririnig ko ang sinabi na 'yan ni Xi nung panahong hinahabol namin ang usok na magtuturo sa kinaroroonan ni fairy Solar. Iyan ang panahon na ayaw na ayaw niya akong napapagod dahil sa mga misyon namin.

Hindi na ako ang sinasabihan niya niyan. Hindi na ako ang tinuturing niyang prinsesa. Parang punyal ang mga ideyang 'yon. Paulit ulit nitong sinusugatan ang puso ko.

"Ate Zie." malambing na boses ni Clerxiene.

Hindi ako nagsalita at ngumiti nalang sa kanya. Ngumiti rin siya pero halata ang lungkot.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Magpatuloy na tayo."

Malamig ang kanyang kamay. Nais ko sana ang mainit na hawak ni Xi pero malabo na mangyari 'yon.

Magka pantay ang lakad ni Xi at Eury, at ang kanilang kamay ay magkahawak rin.

"Hindi ko alam na pati rito ay sunod pa rin sa luho ang babaeng 'yan." mahinang sabi ng lalaki sapat na para marinig ni Dashel.

"Tumigil ka nga Jairsen baka marinig ka ni Eury, siguradong mag aaway na naman kayo." sagot ni Dashel sa kanya. Lumingon ito sakin kaya ngumiti ako sa kanya.

'Bakit pa siya ngumingiti? Alam kong nasasaktan siya sa nangyayari pero nakukuha niya pa ring sumama sa prinsipe at ngumiti ng ganyan.' sa isip ni Dash.

Kahit sabihin kong ayokong sumama ay hindi maaari. Kailangan ko siyang laging samahan. Kahit sobrang nasasaktan ako ngayon.

"Nababalutan lang naman ng spell ang prinsipe kaya niya mahal si Eury." sabi ni Dashel.

Hindi na nakakagulat na alam niya ang bagay na 'yon. Alam kong pinag aaralan niya witchcraft.

"At pamilyar ang spell na ginamit niya..." sabi niya muli.

"Anong ibig mong sabibin?" tanong ni Clerxiene. Naririnig niya rin pala ang usapan ng dalawa.

"Halos kaparehas ng spell na ginamit ko nung ginawa ko ang love potion na para kay..." pasimple siyang tumingin sa lalaking may hawak ng fire element at bumuntong hininga.

Ibig sabihin may isa pa palang lalaki ang napapasailalim sa mahika. Kaya pala kakaiba rin ang kinikilos niya.

"Ibig sabihin ba kapag namatay ang gumawa o nag cast ng spell ay mawawala na rin ang bisa nito?" tanong ni Clerxiene.

Umiling si Dash, "Ang sabi ko ay halos kaparehas lang ng ginamit ko. Iba pa rin ang lunas ng sakanya dahil direktang kinast ang spell sa kanya kaya mas mahirap lunasan at baka..."
bumuntong hininga siya muli at parang ayaw niya ng ituloy ang sasabihin.

"At baka ano? Dash?"

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya. Tumingin pa siya sa akin. Alam ko na ang karugtong ng sasabihin niya. Simula palang ay alam ko na pero naghahanap pa rin ako ng paraan para mawala ang spell na bumabalot sa prinsipe pero nabibigo dahil...

"Wala ng lunas para maalis ang spell." dugtong ko sa sinasabi ni Dashel.

Pero umaasa pa rin ako na baka meron pa...

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 546 37
Meet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous...
7.9K 1K 59
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
7.3M 435K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...