The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 6

117K 4K 633
By Maria_CarCat

The Last man standing







Hindi umuwi si Sachi ng gabing iyon na hindi niya nagagamot ang mga sugat ko. Gustuhin ko man siyang ihatid pauwi ay hindi ko magawa, hindi ako kumpyansa sa gamit kong sasakyan. Sa panahon ngayon, ni hindi ko na din alam kung ligtas pa ang buhay ko. Lalo na't nalaman kong sina Zandro at big boss ang may pakana ng kaguluhan kanina.

Halos isang oras pagkaalis ni Sachi ay tumunog ang cellphone ko. Nakareceive ako ng messege mula sa kanya na nasa bahay na siya. Duon ay nakahinga ako ng maluwag. Napabuntong hininga ako bago ko inisang tungga ang hawak kong beer. Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko ang ilaw ng buong syudad. Pagod akong napasandal sa salaming pader ng aking condo.

"Ano tong pinasok mo Piero?" Pagod na tanong ko sa aking sarili at tsaka mariing napapikit.

Dama ko pa din ang sakit ng aking buong katawan kinabukasan sa aking paggising. Bahagya akong nangiwi ng maramdaman ko ang kirot sa aking tagiliran. Mukhang sobra iyong napuruhan dahil sa pagkakasipa sa akin nung lalaki kahapon.

Kahit may iniindang sakit ay nagawa ko pa ding magayos para makapasok sa eskwela.

"Piero!" Nakangising sigaw ni Zandro sa akin.

Nakasandal ito sa kanyang bagong sports car. Muli nanaman niyang naagaw ang atensyon ng mga estudyanteng dumadaan dahil sa gara ng kanyang sasakyan. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay mabilis niya akong inakbayan.

"Balita ko napasubok kayo kahapon ah" natatawa tawa pa niyang sabi sa akin.

Napairap ako sa kawalan. "Para saan ba iyon?" Medyo inis na tanong ko pa sa kanya.

"Syempre pare, para din kayong mga estudyante diyan. May grading" kwento pa niya sa akin.

Kahit hindi kami ganuong magkakilala ni Zandro ay nagawa ko pa ding sumama sa kanya. Gusto kong kumita ng pera. Pera na pinaghirapan ko. Kahit buo na ang aking desisyon ay hindi pa din maalis sa aking isip kung gaano kadelikado ang aking pinapasok.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Zandro sa akin ng mapansin niya ang aking pagkatulala.

"Paano pag gusto ko ng kumalas?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Sandali siyang natigilan bago siya ngumisi sa akin. "Nakapirma ka na pare, wala ng atrasan" sabi pa niya sa akin.

Bumigat ang tingin ko sa kanya. "Wala ka bang balak magbagong buhay?" Mapanghamong tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pagaalinlangan sa kanyang mga mata. Ramdam ko na gusto din ni Zandro na umalis duon. "Hindi ba't bagong buhay na ito? Madami akong pera, lahat ng gustuhin ko kaya kong bilhin" pagmamayabang pa niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Kaya ko din namang bilhin ang lahat ng gustuhin ko kahit hindi ako maging isang ganap na agent. Baka nga yung sinasabi ni Zandro na malaking halaga ay wala pa sa kalahati ng allowance ko mula kina mommy at daddy.

Dahil sa aking pananahimik ay kaagad niya akong hinawakan sa balikat. "Nakita mo na si Boss Bob, hindi na papayag iyon na kumalas ka sa grupo" sabi pa niya sa akin.

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya ng maganunsyo ang professor namin ng dismissal para sa unang subject. Mabilis na tumayo si Zandro sa aking tabi.

"Isa lang ang alam kong paraan para makalabas sa organization..." pahabol pa niya sa akin.

Kaagad ko siyang nilingon. "Ano?" Desididong tanong ko sa kanya.

"Ang mamatay sa mission." Pinal na sabi niya sa akin bago niya ako tuluyang iniwan duon.

Mas lalong lumalim ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Zandro sa akin. Hindi ako natatakot para sa aking sarili, natatakot ako para sa mga taong nasa paligid ko, para sa aking pamilya at para kay Sachi.

Sandali akong lumabas ng Campus para bumili ng makakain, wala na akong stock ng pagkain sa condo. Naubos ang allowance ko sa pagbili ng ice cream ni Sachi. Taghirap nanaman ako amputa.

Naglakad ako sa helera ng tindahan ng mga pagkain. Madami kang mapagpipilian duon, hindi din gaano kamahal hindi kagaya ng mga pagkaing nabibili sa loob ng Campus. Dati ay wala akong pakialam kung gaano kamahal ang mga pagkain na iyon basta ay gusto ko, pero hindi na ngayon kailangan ko ng magtipid.

"So sino sa kanila ang pipiliin mo Sachi?" Rinig kong usapan ng mga estudyanteng nakakumpol hindi kalayuan sa akin.

Matapos kong bumili ng Pancake na nilagyan ng margarine, asukal at condensed milk. Amputa wala ba silang honey o chocolate syrup?. Napairap na lamang ako pagkaabot sa akin nung tindera.

Nang tuluyan ko ng makita ang kumpulan ng mga highschool student na iyon ay kaagad kong nakita si Sachi. Nakapalibot sa kanya ang kanyang mga kaibigan ay ilang kaklase. May hawak itong bulaklak at ilang chocolates. Kaagad na tumalim ang tingin ko sa kanyang mga hawak.

"Kuya Piero" gulat na tawag niya sa akin ng makita niya ako.

Maging ang mga kaklase nito ay nagulat din sa aking biglaang pagdating. Kita ko ang takot sa kanilang mga mata ng kaagad silang napaiwas ng tingin sa akin.

"Mauna na kaming pumasok sayo Sachi" natatarantang sabi sa kanya ng isa sa kanyang mga kaibigan bago sila sabay sabay na tumakbo pabalik sa kanilang building.

Gulat na sinundan ni Sachi ng tingin ang mga kaibigan na nagmamadaling lumayo sa amin. Nang makabawi ay kaagad na lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi ng muli niya akong lingonin.

"Kuya Piero, yang pancake lang ang breakfast mo?" Tanong niya sa akin habang hawak hawak pa din ang ilang mga bulaklak at chocolates.

"Oo" tamad na sagot ko sa kanya pero hindi maalis ang matalim kong tingin sa mga hawak niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Edi ba, heavy breakfast palagi ang gusto mo?" Nakangusong tanong niya sa akin.

"Saan galing iyan?" Seryosong tanong ko sa kanya at hindi pinansin ang nauna niyang tanong sa akin.

Nabigla siya dahil sa aking tanong. "Gusto mo po? Galing ito sa mga kaklase kong lalaki. Gusto kasi nilang maging date ko sa Victory ball namin sa saturday" kwento pa niya sa akin. Naginit ang tenga ko ng marinig ko ang salitang date.

Bago pa magsalita ay mabilis ko ng kinuha ang lahat ng hawak niya. "Kuya..." pagrereklamo niya sana dahil sa aking ginawa.

"Akin na lang ito, hindi pa ako kumakain" seryosong sabi ko pa kaya naman imbes na magreklamo siya dahil kukunin ko lahat iyon ay nanlumo pa ang kanyang mga mata.

"Teka Kuya, may kukunin ako sa bag ko ha. Hintayin mo ako dito" nagmamadaling sabi niya pa sa akin. Hindi na niya ako hinintay pang makasagot dahil mabilis siyang tumakbo pabalik sa kanilang building.

Nang makalayo na si Sachi ay mabilis konh tinapon sa basurahan ang mga tsokolate ay bulaklak na nakuha ko sa kanya. Ang kakapal ng mga mukha ng mga hayup. Sigurado namang sa magulang pa nila kinuha yunh pambili ng mga iyon.

Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang pagbalik ni Sachi. Tumatakbo pa din ito. "Bakit ka ba tumatakbo?" Inis na tanong ko sa kanya nang hingal na hingla itong huminto sa aking harapan.

"Baka po kasi umalis ka, hindi mo ako hintayin" hinihingal na sagaot pa niya sa akin kaya naman inirapan ko na lamang siya.

Iniabot nito sa akin ang isang malaking bote ng Nestle yogurt drink at isang sandwich na nakabalot pa sa foil. "Kainin mo din ito kuya, para hindi ka magutom sa klase" nakangiting sabi pa niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. Wala na akong nagawa kundi kuhanin ang pagkaing iniaabot niya sa akin. "Anong oras lunch break mo kuya? Gusto mo hati tayo sa lunch ko?" Panguusisa pa niya.

Kaagad ko itong pinitik sa noo. "Nanliligaw ka ba?" Masungit na tanong ko sa kanya kaya naman nabigla siya.

"Po?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Masyado kang sweet, nililigawan mo ba ako?" Paguulit ko pa sa kanya. Wala akong pakialam, sasabihin ko ang gusto kong sabihin.

Napatawa ito. "Si Kuya talaga palabiro, ayaw niyo po ba iyon? Si kuya Tadeo nga po gusto sweet ako sa kanya, nagtatampo siya pag hindi" kwento pa niya sa akin kaya naman halos umakyat ang dugo sa ulo ko.

"Kanino ka pa sweet? Kay Kenzo din at kay Cairo?" Mapanghamong tanong ko sa kanya.

Muling itong napanganga dahil sa pagkabigla. "Simula ngayon, sa akin ka lang dapat sweet. Dahil kung hindi, hindi ka na makakapasok sa condo ko. Naiintindihan mo? " masungit na tanong ko sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita pa at napatango na lamang. Napatango na lamang din ako. "Good, sunduin mo ako mamaya sa labas ng building namin" pinal na sabi ko pa sa kanya bago ko siya iniwan sa kinatatayuan niya.

Parang baliw amputa. Kulang na lang tumulo ang laway. Ganuon ba ako kagwapo para mapatulala siya. Hayup.

Masigla akong nakinig sa mga lecture, bukod kasi sa busog na ako ay excited na akong mag tanghalian. Hindi na din bumalik pa si Zandro, nagcutting nanaman ang gago. Kaya naman kahit papaano ay nakalimutan ko ang problema ko sa kanya.

Halos makipagunahan ako sa mga kaklase ko makalabas lang ng classroom. Natatawa na lamang ako sa sarili ko dahil sa pinaggagagawa ko. Putangina, nakakabakla ang hayup. Kaagad kong natanaw si Sachi sa gate ng building namin. Halos mabali ang leeg nito dahil sa paglingon lingon, nagmukha nanaman siyang mas lalong bumuta dahil sa suot nitong highschool uniform at sa suot na backpack.

Nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya ay lumaki nanaman ang ngiti niya. Imbes na hintayin akong makalapit sa kanya ay tumakbo pa ito para salubungin ako.

"Hindi makapaghintay amputa..." nakangising bulong ko sa aking sarili.

"Nagugutom na po ako kuya" sabi pa niya sa akin na inirapan ko na lamang.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya para hilahin siya papunta sa kainan na kinakainan ko. Presyong estudyante lamang duon kaya naman nasanay na akong kumain sa mga ganuon para makatipid.

"Pumili ka ng kahit anong ulam, libre ko" sabi ko pa sa kanya ng magumpisa na akong magbukas ng mga kaldero para pumili ng ulam.

Sandaling natigilan si Sachi. "Bakit ayaw mo dito?" Tanong ko sa kanya, dahil baka hindi nito gusto sa mga ganitong kainina.

Kaagad siyang umiling sa akin at ngumiti. "Hindi po, ayos lang po ako dito kuya" sagot pa niya sa akin at nagsimula na ding magbukas ng mga kaldero para pumili ng ulam.

Nang pareho na kaming nakaorder ay kaagad kaming humanap ng upuan. Hindi matigil ang paggala ng tingin ni Sachi sa kainang pinagdalhan ko sa kanya. "Ano bang baon mo?" Tanong ko na lamang sa kanya para kuhanin ang pansin niya.

Mabilis niyang inilabas ang lunch box mula sa kanyang bag. "Morcon po tsaka steamed broccoli" sabi niya sa akin at kaagad na binuksan iyon sa aking harapan.

Sakto ding dumating ang order naming pagkain kaya naman nagsimula na kaming kumain. "Kainin mo na yan lahat kuya, pwede pa naman akong kumain ng ganyan mamaya sa bahay" sabi pa niya sa akin at tsaka inilagay lahat ng ulam na baon niya sa aking plato.

Pinanuod ko na lamang siya habang ginagawa niya iyon. Pafall talaga amputa, pag ito talaga hinalikan ko.

Hindi natigil ito kakakwento ng mga nangyayari sa bahay. Kaya naman natapos na akong kumain ay hindi pa din siya tapos. "Ano yung ball na sinasabi mo?" Tanong ko pa sa kanya.

Ikinwento nito sa akin ang tungkol sa ball na sinasabi niya. Maging ang damit na susuotin niya na hindi ko naman tinatanong ay ikinwento din niya. Ang ingay ng bunganga hayup, ang sarap halikan ng matigil.

"Wala pa nga akong date eh, ayoko naman sa iba" malungkot na tanong niya.

Napabuntong hininga ako. "Ako na lang ang pupunta" sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Totoo po Kuya?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Oo nga, ang kulit mo" iritadong sagot ko pa sa kanya.

"Yehey!" Hiyaw niya na may kasama pang palakpak amputa. Napangisi na lamang ako dahil sa pinaggagagawa nito.

"Basta kuya wag kang malate ha, wag mo ding kalimutan. Ang mahalaga lang naman may kasama ako duon, hindi naman iyon JS prom. Simpleng ball lang, pero dapat may mask ka ha!" Paalala pa niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong mask? Surgical mask?" Tanong ko pa. Napangisi siya.

"Masquerade kasi iyon kuya Piero" sabi pa niya.

Naging busy si Sachi ng mga sumunod na araw kaya naman wala akong natatanggap na lunch box sa labas ng pintuan ng condo ko. Hindi ko na din ito halos mahagilap sa school dahil busy sila sa ball. Hindi naman ako masyadong nagalala dahil magkikita din naman kami sa sabado.

"May pre-mission kayo sa sabado. Malaki ang maitutulong nito sa performance rate niyo na gaganapin sa susunod na linggo" anunsyo pa ni Boss bob.

Mariin akong nakinig sa mga sinasabi nito. "Ang seryoso mo naman pare" nakangising kantyaw sa akin ni Lance.

Inirapan ko siya at tsaka mabilis na pinuntahan si Zandro. "Buong araw ba tayo sa sabado? May importanteng lakad kasi ako sa hapon" sabi ko pa sa kanya.

Napangisi ito. "Depende kung magawa mo ng maayos yung ipapagawa" sabi pa niya sa akin.

Mas naging seryoso ako sa pageensayo ng mga sumunod na araw. Kailangan kong maging handa para sa sabado. Gusto kong matapos ng mabilis iyon para makaabot ako sa ball nila Sachi. Maging si Lance ay namamangha sa dedikasyon ko na makapagensayo ng maayos. Dahil sa nakikita niya ay sinasabayan niya ako sa aking mga ginagawa.

Nang sumapit ang araw ng sabado ay maaga kaming ipinatawag sa hideout para idiscuss sa amin ang mangyayari sa mission na sinasabi nila, kahit pa maaga kami duon ay halos hapon na din nagsimula ang laban. Hinati ang kami sa apat na grupo. Apat na partner ang nilalaman ng isang grupo. Last man standing ang tawag ni Zandro sa mission na ito. Kailangan lang naming mapatumba ang lahat ng miyembro ng ibang grupo na makakasagupa namin sa laban.

Lahat kami ay may kanya kanyang hawak na flag. Ang grupo na may pinakamaraming flag na mailalagay sa dulo ang magkakaruon ng mas malaking points para sa gaganaping mas malaking laban.

"Pisikalan ang laban. Maligo kayo ng dugo ng kalaban kung kinakailangan" nakangising sabi pa ni Zandro bago niya pinaputok ang hawak na baril hudyat ng paguumpisa nito.

Pumasok kami sa isang malaking maze. Kaagad akong napahiwalay sa aking mga kagrupo dahil sa kagustuhan na makaalis ng maaga dito. Wala pang ilang minuto ay may nakalaban na ako.

Hindi biro ang mga ito, kagaya ko ay mukhang nagensayo din sila. Sigawan ang naghari sa buong paligid. Wala pa sa gitna ay halos gumewang gewang na ako dahil sa bugbog na natamo. Lahat ng natatalo ko ay itinatali ko sa kamay at paa.

Papasok na sana ako sa isa pang pinto ng kaagad na may humampas sa aking likuran. Napadaing ako dahil sa sakit nuon. Nang makabawi ay kaagad akong nakipagbuno sa kanya. Nagulat ako ng makita kong babae ito. Hindi ko sana gustong makipaglaban sa babae ngunit kailangan ko itong gawin. Hindi karaniwang babae ang isang ito, kasing lakas siya ng lalaki kung sumuntok at makipaglaban, hindi tugma sa balingkinitan nitong katawan at sa maamo niyang mukha.

Sa huli ay nagtagumpay akong nakarating sa dulo, napaluhod na lamang ako sa harapan ng tore ng mailagay ko na ang flag na hawak ko. Habol habol ko ang aking hininga.

"Putang ina!" Hiyaw ng kararating lamang na si Lance. Mabilis nitong inilagay ang hawak na flag sa tore at natatawang humilata sa aking tabi.

Tumatawa ito na parang baliw kahit na kagaya ko ay duguan din siya. Ramdam ko ang pagtulo ng pawi na may kasamang dugo sa aking mukha.

"Pwede mo ng puntahan yung date mo" paalala niya sa akin.

"Kaso, makakapunta ka pa ba ng ganyan?" Tanong niya pa sa akin dahil na din sa itsura ko.

Tumango ako. "Nangako ako sa kanya" sabi ko pa dito.

Iika ika akong umalis duon. Napailing na lamang si Zandro ng makita niya akong paika ikang naglakad paalis ng Venue. Padilim na nangmakauwi ako sa Condo, mabilis akong naligo at nagpalit ng damit.

Kulay puting longsleeve at black slacks lamang ang suot ko. Ang mga sugat ko ay hindi ko na nalagyan pa ng band aid o ointment man lang bago ako umalis dahil sa takot na malate.

Halos kalahating oras pa ang natitira sa akin. Namamanhid ang buong katawan ko habang nagmamaneho. May ilang beses na gusto ko na lamang umidlip dahil sa pagod at sakit ng katawan. Paminsan minsan ding tumulo ang dugo mula sa sugat ko sa pingi. May maliit na hiwa iyon dahil sa pagkakabugbog sa akin. Ang kanang mata ko ay mas maliit sa kaliwa dahil sa suntok na natamo. Mabuti na lamang at may mask na suot.

Pagdating ng Malabon ay kaagad na huminto ang sasakyan ni Zandro. "Putangina wag ngayon!" Sigaw ko dito.

Sumuko ako ng hindi na talaga ito umandar pa. Bumaba ako para sana pumara ng taxi pero halos ilang minuto na akong naghintay pero wala pa din. Muli akong napamura ng makitang alasais na. Wala na akong ibang choice kundi lakarin ang malabon patungo sa Valenzuela.

And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't want to go home right now

Gustuhin ko mang tumakbo o maglakad ng mabilis ay hindi kinaya ng katawan ko. Hirap na hirap ako, mas lalo kong naramdaman ang sakit ng aking buong katawan. Ilang beses akong napatigil at napaupo sa gilid mismo ng kalsada dahil sa panghihina.


And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

And sooner or later it's over

I just don't wanna miss you tonight

Kumagat na ang dilim. Alasiete imedya ng makarating ako sa tapat ng building nila Sachi. Hawak hawak ko ang aking tagiliran na muling kumirot. Nagkakasiyahan na ang lahat, halos isat kalahating oras na kasi ang lumipas ng magsimula ito. Mula sa ingay at dami ng tao ay sinubukan ko pa ding hanapin si Sachi. Ilang beses kong gustong manuntok dahil sa mga dumadaan at nasasagi ako.

And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's meant to be broken

I just want you to know who I am


Sa huli ay nakita ko na si Sachi. Magisa lamang itong nakaupo sa isang round table. Bagsak ang kanyang balikat habang nakayuko. Bayolente akong napalunok. Kasalanan ko kung bakit siya ganyan.

Dahan dahan akong lumapit papunta sa kanya. Ni hindi na nito nahalata ang aking pagdating.

"Sorry i'm late..." sabi ko

Nagulat ito, dahan dahan niya akong tiningala. Nang tuluyan niya akong makita ay mabilis na tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.


And you can't fight the tears that ain't coming

Or the moment of truth in your lies

When everything feels like the movies

Yeah you bleed just to know you're alive

"Akala ko po hindi ka na dadating kuya" umiiyak na sabi pa niya sa akin.


And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's meant to be broken

I just want you to know who I am

Tumayo siya sa aking harapan kaya naman kaagad ko siyang hinila palapit sa akin.

"Bakit po kasi ngayon ka lang? Palagi nalang po akong nagaalala sayo. Bakit ka ba ganyan kuya?" Umiiyak na sabi pa niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Pinagmasdan ko lang siya. "May naaksidente daw na sasakyan sa may malabon kanina, hindi ko maiwasang isipin na baka kung may ano nang nangyari sayo..." kwento pa niya.


And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's meant to be broken

I just want you to know who I am

"Kahit naman naaksidente ako o hinde, darating ako dahil nangako ako sayo" sabi ko pa sa kanya kaya naman mabilis ako nitong niyakap.

Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng aking katawan. "Ang mahalaga nandito ka na kuya..." sabi pa niya sa akin.


I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

I just want you to know who I am

Pagod akong pumikit habang nakahalik sa kanyang ulo. "Sabi ko sayo eh, ikaw ang nagbibigay ng lakas sa akin. I can even escape death for you"









(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
926K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
6M 233K 64
A battle between love and service.