The Heartless Master (Savage...

Oleh Maria_CarCat

7M 228K 48.4K

His Punishments can kill you Lebih Banyak

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 5

123K 4K 552
Oleh Maria_CarCat

Bagong kaibigan






Sandaling naging mailap si Sachi sa akin pagtapos ng tagpong iyon. Pero kaagad din niya akong pinansin ng sabihin ko sa kanyang kailangan na naming umuwi.

"Paano pag nakita nila mommy at daddy yang sugat mo?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay habang dahan dahang inaalis ang benda sa aking kamay. Napaawang ang bibig nito habang pinapanuod ang aking ginagawa. Napangisi na lamang ako habang pinagmamasdan ang reaksyon nito. It's fucking priceless.

"Anong ginagawa mo kuya?" Hindi mapakali na tanong niya sa akin.

"Hindi nila malalaman, kung walang magsasabi" pagbabanta ko pa sa kanya. Humaba ang kanyang nguso at kumunot ang kanyang noo.

"Kailangan mong maging sabihin sa kanila ang totoo, masama ang magsinungaling" pangungunsensya niya pa sa akin.

Napangisi ako. "Hindi lahat ng totoo kailangan mong sabihin. Some things are meant to be kept" sabi ko pa sa kanya.

Kita ko ang pamomorblema sa kanyang mga mata. "Pag nag college na ako, gusto kong mag nursing tapos mag Doctor ako, para ako ang gagamot kay kuya Tadeo...tsaka sayo" malumanay na sabi pa niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok.

"Tadeo can have his personal nurse, i can't have mine" mapangasar na banat ko sa kanya.

"You can hire naman kuya eh" suwestyon pa niya sa akin. Ang slow amputa.

Nagkibit balikat ako. "I don't let anyone touch me...pihikan ako" nakangising sabi ko sa kanya.

Inirapan na lamang niya ako at hindi ma sumagot. Marahas akong napakamot sa aking ulo. Walang kwentang kausap hayup, babanat pa sana ako. Nagtaka sina mommy at daddy na nakataxi lamang kami pauwi. Sinabi kong nasira ang aking sasakyan kaya naman kailangan ko muna itong iwanan sa pagawaan.

Tumagal ng halos isang sem na matago ko kay Daddy ang paglipat ko ng Course. Hindi kinaya ni mommy ang nangyaring kumprontasyon kaya naman naospital pa ito dahil sa akin.

"Nakita mo na ang ginawa mo sa mommy mo?" Galit na utas ni Daddy sa akin, pagkauwi nila galing sa hospital. Halos tatlong araw na naconfine si Mommy sa hospital dahil hindi kinaya ng puso niya ang sobrang stress.

Maging ang mga kapatid ko ay nagalit sa akin. Maging si Tadeo na nagaaral sa PMA ay umuwi para kamustahin si Mommy.

"Ano bang nangyayari sayo Piero? Sarili mo lang ang inisiip mo" galit na asik sa akin ni Kenzo.

Napangisi ako. "So i'm the black sheep of the fam now?" Mapanuyang tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pagtiim bagang nito maging ang pagkuyom ng kanyang kamao. Mabilis na humarang si Cairo sa aming pagitan.

"Tama na yan. Mas lalo lang lala ang sitwasyon kung magaaway pa kayo" pangaral niya sa amin.

Nakipagtitigan ako kay Kenzo na hindi din naman natinag. Kita ko ang galit niya. Naputol lamang iyon ng biglang tumayo si Sachi at tumakbo patungo sa main door.

"Kuya Tadeo!" Sabik ma sigaw niya.

Mabilis ko silang nilingon. Kaagad na uminit ang ulo ko ng makita ko kung paano niya yakapin ng mahigpit si Tadeo. Nakapikit pa ito na para bang dinadama niya ang yakap na iyon. Kaagad namang ginantihan ni Tadeo ng yakap si Sachi na may kasama pang paghalik sa ulo nito.

"Miss na miss na kita kuya" malambing na sabi pa ni Sachi dito kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"So here's the Hero." Mapanuyang sabi ko.

Dahil sa aking mapanuyang pagsasalita ay dahan dahang napabitaw si Sachi sa kanyang paboritong kuya. Tumalim ang tingin ni Tadeo sa akin. So it's me against them now.

"May problema ka ba sa akim Piero?" Seryosong tanong ni Tadeo sa akin.

Pagak akong napatawa. "Ako walang akong problema sa inyo. Pero kayo ang mukhang may problema sa akin" sabat ko sa kanya.

Dahan dahan itong lumapit, nakauniporme pa ito na mukhang nagmamadaling makauwi mula sa baguio.

"You change your course for what?" Mapanghamong tanong niya sa akin na akala mo mas matanda siya sa akin.

"Because i want to" laban ko sa kanya.

Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Criminology? Really Piero?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tadeo sa akin.

Napangisi ako. "Ayaw mo nuon? Paunahan na lang tayong mamatay" nakangising sabi ko sa kanya.

Dahil sa aking sinabi ay mabilis akong inatake ng suntok ni Tadeo, pero hindi lamang iyon dahil ang kanina pang inis na inis na si Kenzo ay nakisuntok din.

Naghari ang sigawan sa may sala, rinig na rinig ko din ang iyak na pakiusap ni Sachi na tumigil na kami. Kaagad akong pumailaim sa kanilang dalawa.

"Magsitigil kayo!" Maawatoridad na sigaw ni Dad.

Halos umecho sa buong bahay ang matigas na sigaw nito. Galit na galit. "Kung magpapatayan kayong apat, lumayas kayo sa pamamahay ko!" Sigaw niya sa amin.

Habol habol ko ang aking hininga habang nakaupo pa din sa may sahig. Nakatayo si dad sa panglimang baitang ng hagdan kaya naman lahat kami ay nakatingala sa kanya. Imbes na sa kanya ang buong atensyon ko ay napatingin ako kay Sachi na umiiyak na nakayakap kay Tadeo.

Napangisi ako bago ko pinahiran ang dugo sa gilid ng aking labi.

"May nakakatawa ba Piero?" Seryosong tanong ni Dad sa akin na mukhang nakita ang aking pag ngisi.

Tamad ko siyang tiningnan bago ko pinilit makatayo. "Walang nakakatawa Dad" pabalang na sagot ko sa kanya.

Nanlisik ang mga mata nito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. If you don't want me to rule over you, bukas ang pintuan. Lumayas ka dito" sabi ni Dad sa akin.

Napatawa ako at napayuko. Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang bahagyang pag lapit ni Sachi sa akin. Ramdam ko na gusto sana niya akong lapitan, pero hindi niya magawa. Something is holding her back.

Nang wala ng gustong sabihin si Daddy ay kaagad din itong umalis sa aming harapan. Nanatili kaming tahimik hanggang lumapit si Sachi sa aking harapan. Nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay.

"Kuya Piero..." nagaalalang tawag niya sa akin.

Nagulat ito ng mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.

"Simula ngayon, wala na akong mga kapatid. Wala na akong pamilya" seryosong sabi ko sa kanila at kaagad na umakyat sa aking kwarto para magempake.

Narinig ko pa ang ilang beses na pagtawag sa akin ni Cairo pero hindi ko na lamang sila pinansin. Buo ang aking desisyon na aalis ako sa aming bahay. Kinuha ko lahat ng gamit na kakailanganin ko. Nasa kalagitnaan ako ng pageempake ng makarinig ako ng dalawang katok mula sa labas. Hindi na nito hinintay pa na papasukin ko siya dahil kaagad na siyang pumasok.

"Kuya Piero wag ka pong umalis. Nabigla lang po si Daddy" umiiyak na pagpigil ni Sachi sa akin.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin at tsaka hindi pinansin. Galit ako sa kanya, galit ako sa kanilang lahat.

"Iniisip lang naman nila yung kapakanan mo" sabi pa niya pero pinilit kong magbingi bingihan.

Nang muli kong marinig ang kanyang mga hikbi ay hindi na ako nakapagpigil pa. Mabilis ko siyang nilapitan at marahas na hinawakan sa kanyang braso. Bahagya itong napadaing dahil sa aking ginawa.

"Who do you think you are? This is a family issue, you are not even part of it. Wag kang umasta na parang tunay ka naming kapatid dahil hindi!" Asik ko sa kanya.

Hindi nakasagot si Sachi dahil sa aking biglaang pagiging marahas. Kita ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. "You make me weak, but not anymore. I can control myself now. Gagawin ko ang gusto kong gawin at walang makakapigil sa akin kahit pa ikaw!" Asik ko sa kanya.

Mas lalong nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "Ang selfish mo kuya Piero! NapakaSelfish mo!" Sigaw niya sa pagmumkha ko.

Kaagad siyang nagpumiglas para makawala sa aking pagkakahawak at mabilis na tumakbo palabas ng aking kwarto. Napamura na lamang ako at napasuntok sa pader.

Kagaya ng buo ko ng desisyon ay umalis ako sa bahay. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nakakita sa aking pagalis. Dumiretso ako sa aking condo, simula ngayon matututo akong mamuhay magisa. Kumita ng pera magisa. Para sa oras na gawin ko ang bagay na gusto kong gawin. Wala akong iisiping utang na loob kahit na kanino.

Lumipas ang halos dalawang linggo. Ni isa sa aking pamilya ay hindi ko nakita, ang huling balita ko ay bumalik na si Tadeo sa baguio para magaral. Ni sa school ay hindi ko din nakakasalubong ang mga kapatid ko.

"Kung gusto mong kumita ng pera may alam ako" alok sa akin ni Zandro. Isa sa aking mga kaklase.

Marangya ang pamumuhay nito. May sarili din siya auto, bago maging ang mga gamit niya. Hindi rin siya nawawalan ng mga babae. "Ano?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na magtanong sa kanya ng pwedenh trabaho. Ako ang nagpapaaral sa aking sarili, ako ang bumubuhay sa akin. Kahit pa may pumapasok na pera sa bank account ko galing panigurado kay Mommy ay hindi ako nangahas na galawin iyon.

Napangisi si Zandro habang humihithit ng sigarilyo. Nasa labas kami ng Campus. Nakasandal ito sa kanyang Auto. "Madali ang pera dito." Panghihikayat pa niya sa akin.

Nadala ako ni Zandro sa trabahong sinasabi niya. La agrupación. Isa iyong organization na binubuo ng mga hired killers at mga Assasins.

"Agent Fabio" nakangising bati ng isang lalaki kay Zandro.

Kalbo ito, maliit at malaki ang tiyan. May hawal din itong tobacco. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair. Nilapitan ako ay inikutan.

"Bagong recruit?" Tanong niya kay Zandro na tinawag niyang agent Fabio.

"Oo big boss, magaling ito at malakas. Marami na ding alam na martial arts. Hindi tayo mahihirapan dito" sabi ni Zandro sa kanya.

Nanatili akong nakatayo duon tahimik na pinakikinggan ang paguusap nila. "Tibay ng loob din ang kailangan natin dito. Yung taong hindi takot pumatay" nakangising sabi niya pa.

Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ikaw si?" Tanong niya sa akin.

"Piero" maiksing sagot ko.

Muli itong napangisi. "Handa ka bang pumatay Piero?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Handa ako" seryosong sagot ko sa kanya.

Napatango tango ito. "Hindi naman tayo masama, binabayaran tayo para patayin ang tunay na masasama" mapanuyang pangaral pa niya sa akin.

"Pasok ka na..." sabi pa niya kaya naman napahiyaw si Zandro ay napapalakpak pa. Sinubukan pa nitong makipag apir sa akin.

Kasama sa pinirmahan kong kasunduan, hindi ko kailangang sabihin sa kanila ang kwento ng aking tunay na buhay. Kilala lamang nila ako bilang si Piero at iyon na yon. Wala akong obligasyon na sabihin sa kanila ang iba pang impormasyon tungkol sa akin.

Kasabay ng aking pagaaral ay ang training ko bilang isang professional hired killers. Nagaaral ako ng criminology habang nageensayo para pumutay. Gusto ko na lamang minsang murahin ang aking sarili.

Isang gabi matapos kong umuwi galing sa training ng agrupacion ay nagulat ako ng may maabutan akong lunch box sa harap ng aking condo. Walang nakalagay na kahit ano duon kaya naman dinala ko na lamang iyon papasok sa aking condo.

Halos magiisang linggo na akong nakakatanggap ng lunch box araw araw. Iniiwan lamang iyon sa harapan ng aking pintuan. Mabilis ko iyong inilapag sa aking kitchen counter, dumiretso ako sa ref para kumuha ng yelong ilalagay sa ice pack. Halos tuwing uuwi ako galing sa training ay bugbog sarado ang aking katawan. Normal lamang daw iyon sabi ni Zandro, mas magigibg matigas at malakas daw ang aming katawan.

Tamad kong binuksan ang lunch box. Napangisi na lamang ako ng makita ko kung ano ang laman nuon. "Sunog pa din amputa" natatawang sabi ko.

Sunod na kikiam ang laman ng lunch box na iyon. Nung mga nakaraang araw ay sandwich, kung hindi sandwic ay mixed fruits o kaya naman ay vegtable salad. Ngayon nakumpirma ko na kung sino ang nasa likod ng lunch box na ito. Naiiling kong kinain ang sunog na kikiam. Sa cancer ata talaga ako mamamatay at hindi sa pagiging hired killer ko.

"Piero!" Sigaw na tawag ni Cairo sa akin. Isang hapon habang pauwi na ako. Tapos na ang klase namin kaya naman didiretso na ako sa La Agrupaciòn.

Lakad takbo ang ginawa nito para maabutan niya ako. "Magtatatlong buwan ka ng hindi umuuwi sa bahay. Sobra nang nagaalala si Mommy at Daddy sayo. Saan ka ba tumutuloy?" Dirediretsong sabi niya sa akin.

"I'm living with a friend. Hindi niyo kailangang magalala sa akin, i'm good" pagsisinungaling ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito. "Umuwi ka na" utos niya pa sa akin.

Napangisi ako at napairap. "Dadalaw ako kay mommy anytime this week, busy lang ako ngayon" pinal na sabi ko pa sa kanya bago ako tuluyang umalis. Ilang beses pa akong tinangkang habulin ni Cairo pero hindi na ako nagpapigil pa.

Kaagad akong dumiretso sa hideout para muling magensayo. May sinasabi sa akin si Zandro na final test bago kami maging tunay na agent. Kailangan ko daw iyong paghandaan kaya naman nagdouble time ako sa pageensayo.

Tinipon ang lahat ng mga bagong agents. Hindi kami bababa sa bente na tao. May mga babae din duon. Nakaupo na halos lahat, kapwa naghihintay sa magiging anunsyo.

"Lance nga pala pare" kaagad na pagpapakilala ng lalaking nakatabi ko sa upuan. Tiningnan ko lamang ang kamay niyang iaalok niya sana.

Naiilang itong ngumiti sa akin kaya naman binawi na lamang niya ang kanyang kamay.

"Piero" sagot ko kaya naman muli itong tumingin sa akin at ngumiti.

Maling mali na pinansin ko si Lance, napakaingay kasi nito at walang tigil sa kakakwento.

"Kung gusto mo talagang maging ganap na agent, dapat ay manatili kang pribado" paalala ko sa kanya.

Napakamot ito sa kanyang batok. "Pasencya ka na, hindi ko kasi mapigilang dumaldal" natatawang sabi niya pa sa akin kaya naman napairap kami.

Ang pulong na iyon ay isang paghahanda para sa isang gaganaping malaking laban. Isa iyon sa mga pagsubok na sinasabi sa akin ni Zandro bago ka maging isang ganap na agent. Kasama duon ay binigyan din kami ng mga partners namin para maging buddy habang nageensayo.

"Buti na lang ikaw ang kabuddy ko, wag kang magalala hindi ako magiging pabigat" nakangiting paalam pa sa akin ni Lance pagkatapos ng pulong at kinailangan na naming umalis.

Gusto ko sana siyang tanungin kung sigurado ba siya sa desisyon niyang sumali sa organization na ito. Kung titingnan mo kasi si Lance ay masyado siyang malambot para sa isang agent, masyadong mabait para pumatay ng tao.

Dumiretso kaagad ako sa aking Condo pagkatapos nuon. Naglalakad ako sa may hallway papunta sa akin unit ng kaagad kong makita ang isang babaeng nasa harapan ng pintuan ko. Nakayuko ito habang inaayos ang iniwang lunch box.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Ay butiki!" Hiyaw na gulat niya na bahagya pang napatalon dahil sa aking pagdating.

Halos lumuwa ang mga mata nito dahil sa gulat ng makita ako. "Anong ginagawa mo dito Sachi?" Tanong ko pa sa kanya.

Napayuko siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. "Kuya Piero..." nahihiyang tawag niya sa akin.

Tamad ko lamang siyang tiningnan. "Pumasok ka na muna" sabi ko sa kanya kaya naman nabigla siya.

"Pwede po?" Namamanghang tanong niya sa akin na hindi ko na sinagot pa.

Sumunod ito sa akim papasok sa aking unit, dala dala na nito ang lunch box na iiwan sana niya sa tapat ng aking pintuan.

"May gusto ka bang inumin?" Tanong ko pa sa kanya nang dumiretso ako sa may refrigirator.

Naging kumportable kaagad ito dahil patakbo pa siyang lumapit sa akin para silipin ang laman ng refrigirator ko.

"Wala kang ice cream kuya?" Tanong niya sa akin kaya naman napairap ako.

"Wala juice lang, sa susunod na lang hindi pa ako nakakapag grocery" tamad na sagot ko sa kanya.

Humaba ang nguso nito. "Sige po, magtutubig na lang ako" sagot niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang binigyan ng bottled water.

Muli itong umupo sa may sala. Kumuha ako ng beer in can at tsaka sumunod sa kanya duon.

"Ano nanaman yang dala mo, mamamatay na ako sa kakakain ng sunog mong kikiam" iritadong sabi ko pa sa kanya.

Naiilang itong ngumiti. "Baka kasi tumalsik eh, kaya hindi ko po nababantayan ng maayos" palusot pa niya sa akin.

Inirapan ko na lamang siya, pacute pa amputa.

Kinuha ko ang lunch box at binuksan iyon. "Ano to?" Tanong ko sa kanya.

Sandali siyang napakagat sa kanyang pangibabang labi. "Peanut butter cookies yan kuya, ako gumawa niyan" pagbibida pa niya sa akin.

Napairap ako. Bukod kasi sa Ice cream ay gustong gusto din niya ang peanut butter. Sa bahay ay siya lang ang kumakain nuon, kaya naman ang isang malaking garapon ng peanut butter ay siya lang ang nakakaubos.

"Ikaw lang naman ang may gusto ng Peanut butter" sabi ko pa sa kanya. Kahit hindi ko gusto iyon ay kumuha pa din ako para kumagat.

Pinapanuod lamang ako nito habang kumakain kaya naman hindi ko siya matingnan, naiilang kasi ako sa tuwing may nanunuod sa akin na kumakain.

"Nung isang araw dinala ako nila mommy sa hospital. Nakakain kasi ako ng oatmeal na may strawberry" kwento niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon.

"Sinong tanga naman ang nagpakain sayo ng strawberry, hindi ba't alam naman ng lahat sa bahay na bawal ka nuon" galit na utas ko pa.

"Hindi kasi nakita ni Ate ivette na may strawberry palang kasama yung binili niyang oatmeal eh, pero ok naman na ako nagkarashes lang ako ng kaunti" kwento pa niya sa akin kaya naman tumalim na lamang ang tingin ko sa mga cookies na dala niya.

Hindi nagtagal ay pinilit ko na ding umuwi si Sachi. Hindi kasi pwedeng gabihin pa ito sa daan dahil delikado. "Wag na wag mong sasabihin na nandito ako, kung hindi lagot ka sa akin" pananakot ko pa sa kanya.

Ngiting ngiti ito habang nakasukbit sa kanya ang backpack. Batang bata itong tingnan dahil na din sa suot na uniform.

"Promise po kuya, secret lang po" pangako pa niya sa akin habang nakataas pa sa ere ang kanang kamay na tila mo ay nanunumpa.

Tumango na lamang ako sa kanya. Gustuhin ko man sana siyang ihatid pauwi ay hindi pwede. Lalo na't hindi pa ako nakakabili ng sarili kong sasakyan. Ang sasakyang gamit ko ay ipinahiram lang sa akin ni Zandro, pinaglumaan na niya iyon kaya naman kung minsan ay tumititik kahit sa gitna ng highway.

Pinagbutihan namin ni Lance ang pageensayo ng mga sumunod pang araw. Kahit papaano ay naging magkaibigan na din kami. Naaalala ko kasi sa kanya ang matalik kong kaibigan na si Kyle.

"Oh andami mo atang binibiling ice cream" puna niya sa akin ng isang araw na dumaan kami sa isang convinient store.

Sabay kaming kumuha ng allowance kay boss bobby. Ang pangako ni Zandro sa akin. Mas malaking pera ang maiuuwi ko sa oras na maging ganap na agents na ako. Lalo na daw kung ang missiong makukuha ko ay bigatin ang mga kliente.

"May pagbibigyan ako" sagot ko sa kanya.

Napangisi si Lance. "Girlfriend mo?" Pangaasar pa niya sa akin.

Siniko ko siya sa tagiliran. "Hin...Oo" sagot ko na lamang dahil hindi naman niya alam na kapatid ko si sachi. Mas lalo ako nitong inasar dahil sa aking sagot.

"Parang inubos na ata allowance mo sa ice cream ng girlfriend mo" puna niya sa akin.

Napangisi na lamang ako at umirap. "Matakaw kasi yun eh" sabi ko na lamang sa kanya.

Napangisi siya. "Narinig ko yung paguusap ng ibang mga superior kanina, may sampung pangalan na daw ng mga magiging bagong agent" kwento pa ni Lance sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Halos bente tayo ah" puna ko pa sa kanya.

Napakibit balikat ma lamang ito. "Ano kayang pangalan ang ibibigay sa akin?" Tanong nito sa sarili.

Patuloy siya sa pagiisip habang naglalakad kami palabas ng convinient store. Saktong paglabas namin ay kaagad na nagkagulo ang lahat. May humintong dalawang naka maskara na lalaki na nakasakay sa motor. Kaagad nito kaming tinutukan ng baril.

Hindi kami nagpatalo ni Lance dahil kaagad kaming nanlaban. Nabitawan ko ang supot na naglalaman ng ice cream ni Sachi. Sinipa ako sa sikmura ng isa kaya naman kaagad akong napahiga sa sahig at napadaing.

"Piero!" Nagaalalang tawag sa akin ni Lance na hanggang ngayon ay nakikipagbuno pa din.

Nang makabawi ay sinipa ko pabalik ang lalaking kalaban ko. Nakipagsuntukan ako dito, lumaban hanggang kaya namin. Kapwa kami duguan ni Lance dahil sa nangyaring laban. Kumaripas ng takbo paalis ang dalawang lalaking may baril ng makarinig kami ng paparating na mga pulis.

"Piero takbo!" Sigaw ni Lance sa akin.

Mabilis kong dinampot ang supot ng ice cream at tumakbo papalayo duon. Hingal na hingal kaming napasandal ni Lance sa isang eskinita. Kagaya ko ay may sugat din ang gilid ng labi nito. Iniinda din ang sakit ng katawan dahil sa pagkabugbog. Nang maglaon ay pareho na lamang kaming napatawa dahil sa nangyari.

"Gago" natatawang sabi ko na lamang sa kanya.

Sandali kaming natigil sa pagtawa ng tumunog ang cellphone ko. Si Zandro iyon, gusto niya lamang kaming batiin dahil nakalagpas kami sa isang pagsubok. Hindi ako makapaniwala na sila ang nagpadala ng mga lalaking iyon para subukan kami ni Lance. Duon ay napagisip kong wala akong pwedeng pagkatiwalaan kahit pa si Zandro.

Dumiretos ako uwi habang iika ika ng magpaalam na si Lance na uuwi na din siya. Napahawak ako sa aking tagiliran na lubhang natamaam ng sipain ako nung lalaki kanina. Kahit pa iniinda ko ang sakit ng aking buong katawan ay hindi ko binitawan ang supot ng ice cream para kay Sachi.

"Kuya!" Gulat na sigaw nito ng makita ako.

Nakaupo ito sa gilid ng hallway sa tapat ng aking unit. Mukhang kanina pa din ito naghihintay.

"Ano pong nangyari?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Imbes na sagutin siya ay tinulungan ako nitong makalakad papasok sa aking unit. Mabilis niya akong pinaupo sa sofa. "May medicine kit ka po ba?" Mabilis na tanong niya sa akin, kita ko ang pagkataranta nito.

Imbes na ituro sa kanya ay mabilis ko siyang hinila papunta sa akin. Kaagad siyang bumagsak paupo sa sofa patabi sa akin. Niyakap ko siya papalapit sa akin at tsaka hinalikan sa ulo.

"Shhh...wag kang mataranta, ayos lang ako" pagaalo ko sa kanya. Para kasing ano mang oras ay maiihi na siya sa takot.

Duon ay narinig ko na ang kanyang mumunting paghikbi. "Palagi mo po akong pinagaalala" sita niya sa akin.

Tipid akong napangiti. "You make me weak, but at the same time sayo ako humuhugot ng lakas" diretsahang sabi ko sa kanya.

Tiningala ako nito. "Po?" Tanong niya.

Napangisi ako at tsaka ginulo ang kanyang buhok. "May dala akong ice cream, para sayo lahat iyan" sabi ko na lamang sa kanya.

Kaagad niyang binuksan ang plastick na dala dala ko kanina. "Ang dami naman po nito kuya" puna pa niya.

"Itago mo yung iba sa ref, tipirin mo yan next month na ulit ako makakabili" nakangising sita ko pa sa kanya.

"Ibig po sabihin pwede akong bumalik balik dito?" Paninigurado niya sa akin.

Muli ko siyang hinila para halikan siya sa ulo. "I'll give you a spare key soon, make this as your home too" malambing na sabi ko pa sa kanya.


















(Maria_CarCat)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2M 79.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
9.1M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
122K 9.2K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.