Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Paglabas ko ng kwarto nakahain na ang almusal.
"Good morning!" bati ni Kaye.
"Morning," umupo ako katabi ni Cass.
"Bakit namamaga ang mata mo?" tinigil ni Cass ang pagkain ng hotcake at pinuna ang mata ko.
"Bakit hindi tayo sa dining hall kumakain?" pag-iiba ko ng usapan.
"Wala kasi tayong class ngayon, rest day daw," si Kaye ang sumagot.
"So anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Cass.
"Matutulog?" I suggested.
They both glared at me. "Why?"
"Nawalankanaba ng excitingsabuhay?" punong-puno ang bibig ni Kaye kaya halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.
"Let's do something fun," Cass smirked.
"What kind of fun?"
"Let's chill to the top."
"Borring," we both said in unison.
Sinamaan lang kami ng tingin ni Cass at sa huli wala din kaming nagawa kundi sumama sa trip niya. Pagkatapos kumain naligo lang kami saka umakyat sa pinakatuktok ng Dormitorium. Hindi naman masyado mainit kaya okay lang umupo sa bubong. Tumambay lang kami habang hawak ang telescope.
"Akalain mo 'yon taga Tenebris pala si Via at hindi Via ang pangalan niya," Kaye said while using the telescope, pinagmamasdan ang mga studyante ng AMC.
"Ang nakakapagtaka bakit hindi alam ng mga Solemn na may kakambal ang nawawalang Princeps," Cass said.
Iyon din ang ipinagtataka ko.
"Ano kayang pakiramdam ni Mia? Na yung kakambal niya ay isang Tenebris pala," Kaye asked.
Napakuyom ako ng narinig ang pangalan ni Mia. That acting nerdy girl! She's a two face little brat.
"Yvon," tawag ni Kaye saakin.
"Huh?"
"Natahimik ka dyan?"
"Nothing," I lied again.
"Parang may sarili ka na namang mundo dyan," Cass teased me.
Ginamit ko ang telescope para gumaya sa ginagawa nila. Kung mapaglaro nga naman ang tadhana. Ang apat na Princeps ang nakita ko na naglalaro sa open field ng soccer.
"Sino tinitingnan mo?"
Halos mahulog ko ang telescope ko dahil kay Cass.
"Ow, yung apat na Princeps tinitingnan mo?" makahulugang ngiti ang iginawad niya saakin.
"No, si Axelle at si Taki ang tinitingnan ko," binalik ko ang panonood ko sa open field. "Ang sweet kasi nila."
Sinamaan na naman ako ng tingin ni Cass. Nagpapahinga na kasi sila ng bigla akong ginulat ni Cass, sakto na nakita ko ang pagpupunas ng pawis ni Taki kay Axelle.
"Oo nga 'no, ang sweet ni Axelle at Taki," panggagatong na asar ni Kaye na nakigulo sa pwesto namin.
"Yeah, at ang gwapo din ni Airos 'no?" balik pang-aasar ni Cass. "Siya na lang kaya ang huntingin ko?"
"Shut up oldy," Kaye rolled her eyes.
"Pero aminin niyo nagbago na ang pananaw niyo sa apat na 'yan," Cass said habang pinanood ang mga Princeps.
"I don't know, hindi ko naman sila nakakasama eh," sagot sa kanya ni Kaye.
"Ikaw Yvon?" tanong ni Cass saakin.
"Yeah," maiksing sagot ko.
They are nice after all. Si Airos na akala kong malandi, hindi naman pala. Si Axelle na sobrang kulit siya pa pala ang matured. Si Mizu na wala akong pakielam noon, magiging kaibigan ko pa pala, at si Ashton...
"Ibang-iba ang ugali ni Ashton pagdating sayo," pagkasabi ni Cass non ay parang may kung ano ang bumigat sa dibdib ko.
"Something smell fishy," suminghot singhot pa si Kaye saakin.
Tinulak ko ang mukha niya paalis. "You know what? We're stupid. Gumagamit pa tayo nito kung kaya naman natin makakita kahit gaano kalayo."
Kaye's eyes widen. "Oo nga 'no!"
We're stupid.
"Yvon," boses ni Mia ang narinig ko.
Hindi ko alam kung paano niya nagawang tawagin ako kahit wala naman siya dito.
"Yvon, I need to talk to you... please."
My blood boiled because of her voice. Isang bagay lang ang laging tumatakbo sa isip ko kapag nakikita ko siya, kapag naririnig ko ang pangalan niya, at kapag nagsasalita siya, I want to kill her.
Siya ang kumuha sa mga taong mahahalaga saakin. Wala siyang pinagkaiba kay Harvey Gilbert.
"I'm in the South part, hihintayin kita," iyon ang huling niyang sinabi gamit ang telepathy niya.
Kung pupuntahan ko siya ngayon baka matulog na siya ng mahabang panahon.
-----
It's 11:30 in the midnight. Pagtungtong ng 12:00 kailangan ng umpisahan ang initiation spell. Papunta na ako sa Elemental forest kung saan gaganapin.
Pero ang taong iniiwasan ko simula kahapon ay nasa harapan ko. Hindi ko siya tiningnan at sinubukan lampasan na parang hindi nakikita, pero hinawakan niya ang braso ko.
"What do you need Ashton?" nagawa ko na siyang tingnan sa mata dahil sa pagpigil niya saakin.
"You can lie to everyone, but not to me Yvon," bintawan niya ang braso ko, sumandal siya sa pader.
"I don't know what are you talking about," akmang aalis na ako palayo sa kanya pero...
"Destinied for the blue moon," he coldly said.
Napatigil ako, hindi ko siya kayang lingunin kaya nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"Now I understand what is the meaning of that part, it means you are the chosen Bellator. But what's the meaning of... In the middle of darkness and light, In the end she'll decide, The girl with the mask to save the wreck, An anger to kill the foe? "
"It's none sense."
"Don't fool me Yvon, you asked for my help the other day," naramdaman ko ang paghakbang niya palapit saakin. "Help, TK. That's what you wrote."
My heart almost stop. Bakit ka ganito Ashton?
"Wala akong natatandaan na sinulat ko 'yon," alam kong useless ang pagsisinungaling ko pagdating sa kanya.
I stiffed when I felt his lips on my ears. "I went there Yvon, I tried to save you but as what I saw, you don't need my help," saka siya lumayo saakin.
Naglakad siya papunta sa harapan ko. He knew. I gulped a hundred of times just to find the right words to say but there's none.
"She's created to be the sword, Born to kill the four elemental, it will happen right? But as what I said the last time we talk, I can't stop you... but please remember the things I said before we go back here."
After that he left me... again.
In the middle of darkness and light, Gaya ng sinabi sa propesiya na sa pagitan nga ako ng kadiliman at liwanag.
In the end she'll decide, and now is the time I need to choose.
The girl with the mask to save the wreck, Ang gamitin ang kakayahan ko para manalo ang kabutihan laban sa mga Tenebris?
An anger to kill the foe, o ang patayin ang taong sumira sa mundo ko?
She's created to be the sword, ako ang itinadhanang maging weapon. Pwedeng gamitin ng mga Tenebris, o ang maging protector ng mga White blood wizard?
Born to kill the four elemental, pero nakatadhana ng ako ang pumatay sa apat na Elemental. Ako ang nakatadhanang tumapos sa apat na Magicis Lapis at ako din ang nakatadhanang pumatay sa apat na Elemental holder.
Pero bago pa ako pumunta dito... ay nakapag desisyon na ako.
And I'm sorry...