The Antagonist

By KCaela_

130K 4K 289

Is it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Part 1
Chapter 14: Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17: Part 1
Chapter 17: Part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Author's Note
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Part 1
Chapter 26: Part 2
Chapter 27
SURVEY
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31: Part 1
Chapter 32: Part 1
Chapter 32: Part 2
Chapter 32: Part 3
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
A N N O U N C E M E N T
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
So, is this how the end looks like?
It's your turn
A Sweet Ending After All

Chapter 31: Part 2

1.2K 32 0
By KCaela_

ADA

And we landed. Bakit ang bilis naman ng biyahe? Hindi pa ako ready e. Private plane sinakyan namin di'ba? Hindi naman private jet?

Ang sarap naman sa mata masaksihan yung natutulog na love birds. I remember someone, but nevermind.

"Why didn't you wake us up? Kanina pa ba nag land yung plane?" Tanong ni ate Aila.

"Ang sarap kasi ng tulog niyo e. Kalalapag lang ng airplane, mga 5 minutes ago." Sagot ko na may ngiti sa labi.

Pagkalabas namin sa arrival area, may naka-abang na susundo sa amin. Syempre si Dad nagpasundo sa amin.

"You can stay at my unit, kila Daddy muna ako uuwi."

Ang totoo niyan, ayokong umuwi sa condo. Basta, ayoko lang.

"Drop lang namin yung gamit namin doon tapos diretso tayo sa bahay niyo, tito asked us to come over." Ate Dyann said.

Nag-nod na lang ako kasi I'm too tired para magsalita. At sobrang bothered ako ngayon, I don't know why.

"Are you okay, bunso?" Tanong ni ate Dyann.

"Of course, bakit naman ako hindi magiging okay?" I answered.

"Are you really gonna be okay? Kung pwede ko lang pakiusapan si tito na 'wag ka na umattend sa celebration, gagawin ko. Pero you have to be there, alam mo naman yun." Concerned na sabi ni ate Aila.

"I'm fine. Naghirap din naman ako sa event kaya gusto ko pumunta. Para kay Dad at para sa company." Sagot ko.

Natahimik na ang sasakyan mula pag drop ng gamit nila sa Condo, hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Agad kaming kumain pagdating sa bahay at nagready para sa celebration. Tonight is the night.

Habang inaayusan ako, kumatok at pumasok si Daddy sa kwarto.

"Anak, will you gonna be alright?" Tanong nito na may halong pag-aalala.

"Dad, okay lang ako, ano ka ba. Don't worry about me. We should be happy kasi this is a celebration of your success. I'm proud of you." I honestly said.

"Thank you, anak. I'm proud of you, too." Dad said then he hugged me before leaving the room.

I'm wearing a black cocktail dress. Halter ang top nito that's why my hair is in a bun.

Pagtapos kong ayusan, saktong prepared na rin sina ate Ayla at ate Dyann.

Sa tuwing titignan ko 'tong love birds na 'to, yung puso ko nagiging masaya. Thankful ako to have ate Ayla kasi mas close pa kami kesa sa biological sister ko. Thankful din naman ako kay ate Dyann kasi pati ako, nararamdaman ko yung pagmamahal niya kay ate Ayla. For me, deserve ni ate Ayla yon after ng mga experiences niya from her past. Also, nakaka-inspire yung relationship nila because they always grow together. Sana, kapag ako na yung nag commit sa relationship, smooth lang din ang daloy ng relasyon namin nung tao na 'yon.

"Ang ganda mo sana Ada kaso madalas kang lutang, ano gamit mo?" Pabirong sabi ni ate Ayla.

I just rolled my eyes, kahit kailan napaka mapang-asar niya.

"Our bunso is very pretty. Ewan ko na lang talaga 'pag 'di ka pa nagkaroon ng jowa tonight." Ngiting-ngiti na sabi ni ate Dyann.

I smiled back. "No time for that." I answered.

Anniversary Celebration, here I come.

    ~*~

JANA

Kanina pa ako naka-ready, I'm wearing a lady's suit. Si tito ang pumili nito. Hindi ko nga alam kung bakit. Ang ganda kong pogi tonight. Kanina pa ako nasa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin na pumunta sa Anniversary Celebration ng TIPTOP.

But there's also something in me na nagsasabing I need to be there. Ewan, gulong-gulo na ako.

Pagtingin ko sa phone ko, ang dami ng texts and missed calls from tito and other employees of his company.

Kung umuwi na lang kaya ako? Wala naman dito yung dahilan kung bakit ako aattend e.

Kaso nakakahiya kay tito baka magtampo pa 'pag 'di ako tutuloy. And okay rin siguro na mag attend ako kahit wala siya. Kunwari na lang, ako representative niya.

Nasa labas na ako ng venue at naghahanap na ng parking space. Masyadong marami yung bisita kaya halos puno na yung parking lot kahit maaga pa at may halos isang oras pa bago mag start ang party.

Napukaw ng atensyon ko yung isang dilaw na kotse. May kakaibang ilaw kasi mula sa loob nito.

Pagka-park ko ng kotse ko at pagpatay ng makina, bigla na lang akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan.

Kaba, hindi gaya ng kaba kapag nandyan si Ada, kung hindi dahil sa takot.

Hindi ko na lang pinansin at naglakad na papasok sa venue. Pero yung kotse na nakita ko kanina, nandoon pa rin sa pwesto nito at parang may inaabangan, umaandar ang makina nito dahil bukas ang head light.

Napailing na lang ako at tuluyan ng pumasok sa venue. Sinalubong ako ng mga bisita at employee ng company. Bati roon, bati rito. Beso roon, beso rito. Ngiti kahit saan.

"Kanina ka pa hinahanap ni Mr. Garcia." Sabi ni Tere, isa sa mga employee rito sa TIPTOP, pagtapos ko siyang batiin.

"I'm actually looking for him. Nasaan ba siya?" Tanong ko rito.

Tinuro nito ang direksyon papunta sa kinaroroonan ni Tito. Nagmadali akong pumunta rito, baka nai-stress na siya sa dami ng bisita.

"Tito.." Mahina kong tawag dito, may kausap kasi siyang mga bisita.

"I'm glad nandito ka na. Will you please check if everything is ready? I mean sa stage, technicalities and everything. We're about to start." Paki-usap nito.

"Sure, tito. I bet everything is ready na except for one. Wala pa yatang MC?" Tanong ko rito.

Iyon na lang kasi ang natatanging problema bago namin mapagdesisyunan ang araw ng celebration. Wala kasi yung dapat na MC at wala naman kaming kakilala para sana arkilahin. Pinakiusap pa nga niya na kung pwede ako na lang daw. Ayoko sana tumanggi pero wala akong kakayahan na maging MC lalo pa sa ganitong celebration.

"I'll take care of that, anak. Proceed ka na sa stage." Tito answered.

I just nod my head at nagtungo na sa backstage. Tulad nga ng sabi ko, everything is fine and ready.

"Uh, excuse me, ma'am." Tawag sakin ng stage director.

"Yes po? Anything that I can do to help?" Tanong ko rito.

"No, everything's perfect na. Need ko lang makausap yung MC about the flow of the programme" Sabi nito.

"About that, yung CEO na raw po ang bahala. I'll go back here, tatanungin ko lang siya kung nasaan na yung MC." I answered.

Tumango na lang si kuya tapos umalis na ako.

Tito is smiling wide nung nakita niyang papunta ako sa direksyon niya.

"Tito, the stage director is asking for the MC tapos we are ready to start na." I informed him.

"Okay na, anak. Nandoon na ang MC." Sabi nito na ngiting-ngiti.

He's weird. Bakit kaya siya ngiting-ngiti?

Ada, nababaliw na yata yung tatay mo because of this celebration. Kung nandito ka lang sana...

Continue Reading

You'll Also Like

83K 6.1K 52
No One Wants To Feel Like A Dirty Little Secret Yeah right! I'm already out but why am I still hiding in a closet? Ah yeah, coz I'm in love with a co...
204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
39.8K 787 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
496K 774 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞